webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 82

Sa Opisina ni Patrick,

"Knock...knock..."

Patrick: Ms. Maricar mamaya nalang busy pa ko.

"Knock...knock..."

Patrick: Sigh...Ms. Maricar!!! Sabing...Ku---kuya??

"So, totoo nga ang balita ikaw na ang new CHAIRMAN!!!" Si Richmond ang panganay na kapatid nila Patrick.

Napatayo si Patrick sa kinauupuan niya at gulat na gulat siya " Pa---paanong..."

Richmond: Baket? Nagulat ka? Nakapasok ako? Huh! Baket? Sa tingin mo dahil comatose si daddy at walang say si mommy papayag na kong mag hari-harian ka dito? Asa ka pa!

Patrick: Kuya, pag usapan natin ito ayoko ng gulo.

"Kuya!" Ang bungad ni May.

Patrick: Ate...

May: Kuya, wag ngayon mahirap ang sitwasyon ng lahat kung makikigulo ka pa lalaki lang ang magiging problema.

Richmond: Oh...andito na pala ang dakilang pakialamera.

May: Ikaw!!!

Pinigilan ni Patrick si May "Ate, kalma."

Paikot-ikot si Richmond habang nag sasalita "Bakit di ka nalang makinig sa bunso nating kapatid ay...hindi pala bunso kase wala na...si PAU....LA!!!!"

Patrick: TAMA NA!!!

Naupo si Richmond sa upuan ni Patrick "Baket? May naalala ka? O baka naman di ka pinapatulog ng kunsensya mo hanggang ngayon..."

May: KUYA!!!!

Patrick: Ate, lumabas ka muna ako ng bahala dito.

May: Pero...

Patrick: SIGE NA!!!

May: O---okay.

At lumabas na nga si May ng opisina "Anong gusto mo? Sabihin mo!" Ang pagalit na sabi ni Patrick.

Richmond: My poor little brother you really grown up like dad MASYADO KAYONG PA INUSENTE!!!!

Sumugod si Patrick kay Richmond at akmang sasapakin niya ito pero "Sige! Gusto mo kong sapakin? Gawin mo! Nang malaman nila ang tunay mong baho Mr. New Chairman." Ang sabi ni Richmond at ibinaba naman ka agad ni Patrick ang kamay niya.

Patrick: Wag na wag mong idadamay si daddy sa mga balak mo!

Richmond: Huh! Balak ko? Baket? Kung tutuusin ako ang panganay, dapat na ako lang ang humawak ng lahat ng business ng pamilya at hindi ang gaya mong CRI...MI...NAL!!!!

Natahimik lang si Patrick at nagtitimpi ng galit tumayo naman si Richmond at nagtungo sa may bintana "Masyado kang mapapel hindi mo naman alam ang mga palakaran sa negosyo."

"Baket? Dahil ba good boy ka? Good boy? Ikaw?"

"Huh! Nanaginip sila daddy ng gising isa kang CRIMINAL!!!"

"Dahil ba hindi ka nauwi ng isang dekada? Sa tingin mo bayad ka na sa mga kasalanan mo kay Paula?"

"O baka naman sa tingin mo iniisip mo parin na wala kang KASALANAN sa PAGKAMATAY NIYA!"

"Alam mo, nung umalis ka! Mabaliw baliw na si mommy hindi ko nga alam kung bakit NGAYON IKAW PARIN ANG PINAPABORAN NILA NI DADDY!!!!"

"Alam mo pa victim ka eh PAAWA KA SA MGA TAONG ALAM MO KAYA MONG BOLAHIN!"

"Darating ako may sakit si daddy tapos ngayon ikaw na yung bagong Chairman?"

"Huh! BALIW NA NGA SILA!!!"

Sinugod ni Richmond si Patrick at sinapak "Ano? Sige lumaban ka! Gigil na gigil na rin talaga ko sayo eh."

Sinapak niya uli si Patrick "Tumayo ka diyan! At lumaban ka sapakin mo rin ako!!!"

"Baket? Naputol na ba ang dila mo?"

"MAGSALITA KA!!!!" Habang sinabi niya yung mga linyang yon sinapak niya ng magkasunod si Patrick.

Ang sama ng tingin ni Patrick "Ano? Sige! Tumayo ka! Ang sama ng tingin mu'y lalaban ka na?"

May nag bukas ng pinto "PATRICK!!!"

Paglingon nung dalawa "Kelly????" Ang pagulat na sabi ni Patrick.

Gulat na gulat din si Richmond "Pau---Paula???"

Kinagabihan,

"Andito na ko." Ang pagod na sambit ni Kelly.

Sumalabong naman ka agad si Jacob "Tita Kelly..."

Kelly: Pasensya na pero pagod si tita bukas nalang tayo mag laro okay?

Jacob: O---opo.

Lutang si Kelly habang naglalakad di niya na rin pinansin ang mga kuya niya "Babysis..." Anila Kian at Kim.

Jacob: Hayaan niyo na po muna baka kailangan niya po ng space.

Kian: Ano bang nangyare doon?

Kim: Hindi ba't may tumawag sa kaniya tapos madaling madali na siyang umalis.

Kian: Sino naman kaya yung tumawag na yon?

Jacob: Ako na pong bahala ayusin niyo nalang po ang mga dadalhin natin para bukas.

"O---oo sige." Anila at sumunod na nga rin si Jacob sa tita Kelly niya.

Kian: Sandali nga! Tayo ang mas matanda di ba? Bakit!? Sigh...hiyain na nga.

Kim: Yang anak mo masyado ng domineering ha? Daig pa tayo napapasunod tayo sa mga sinasabi niya.

Kian: Kailangan na nga atang disiplinahin namamana na nga sa tita Kelly niya.

Kim: I know right...sandali lang si Kevin wala pa?

Kian: Sabi niya baka gabihin siya di ba? Baka mga 12midnight na yon umuwi happy happy yon.

Kim: Sabagay, minsan lang naman nag reunion.

Kian: Yeah...

Sa bahay ng mga Santos,

Ginagamot ni May ang mga pasa sa mukha ni Patrick "Sigh...sorry di ko napigilan si kuya" Ang sabi ni May.

Patrick: Aw...ate naman ginagamot mo ba ako o dinadagdagan mo ang mga pasa ko?

May: Sorry naman.

Patrick: Pero, nasan nga pala si kuya?

May: Wag mo ng intindihin yon sigurado akong nasa bar yun nag iinom di makapaniwala sa mga nakita niya.

Patrick: Oo nga ate sinong nagdala kay Kelly sa office?

May: Si Dave!

Patrick: Ha?

May: Hindi ba't sabi ko sayo may plano na ko ikaw lang naman itong ayaw makinig buti nalang napakiusapan ko si Dave.

Patrick: Pero paano? Hindi ko gets tsaka si Kelly? Paano siya napapunta sa office?

May: Ganito kasi yon....

Kahapon ng gabi,

Tulog na si Dave ng biglang may tumawag "Ring...ring..."

Dave: Anak nang! Katutulog ko palang bwiset sino ba ang lintek na ito.

"Hello???!!! Alam mo bang kung anong oras na??? Kung wala kang orasan sa inyo mag bigti ka na bwiset!"

"Talaga? Eh kung ikaw nag bigtihin ko diyan ha Dave???"

Tinignan ni Dave kung sino yung tumatawag "Ay lintek!"

"Ano? Naalimpungatan ka na ba? Kilala mo na kung sino ako?"

Dave: Ha---ha---ha...Opo kamusta po kayo ate May?

"Tsss...sapakin kita diyan eh!"

Dave: Ah...eh.....kung si Patrick po ang hinahanap niyo gigisingin ko po ora mismo para umuwi di yan sa inyo.

May: Hindi na! Ikaw talaga ang sadya ko kaya ako tumawag.

Dave: A---ako po?

May: Ay hinde...Joke lang yon. OO IKAW NGA!!!

Tinakpan ni Dave yung mic "Magkapatid nga sila ni Patrick masyadong highblood."

May: Hello???!!! Andiyan ka pa ba???

Dave: Ah...O—opo andine pa po ako.

May: Hindi ba't gusto mo ng motor? Ibibili kita basta't sundin mo lang ang ipapagawa ko.

Dave: Ho?

May: Alam kong alam mo na at sinabi na sayo ni Patrick na dumating na si kuya Rich.

Dave: O—opo.

May: Ganito alam ko namang may number ka nung Kelly tama?

Dave: Opo.

May: Gusto kong tawagan mo siya once na mag text ako sayo.

Dave: Hindi ko po kayo maintindihan ate.

May: Basta bukas na bukas rin ipapahatid ko diyan ang bago mong motor at gusto kong ikaw mismo ang sumundo kay Kelly.

Dave: Ho? Pero bakit?

May: Sundin mo lang ang mga sinabi ko at wala tayong magiging problema.

Dave: Pero ate mahirap po kasing kausap si Kelly at ibang klase po siyang babae sa inaasahan niyo.

May: I know, and I do some background check of her at alam ko ring humaling na humaling si Patrick kay Kelly dahil kamuka siya ng bunso naming kapatid.

Dave: Pero nung una lang po yun.,,

May: Alam ko at alam ko ring tinangka niyang pag panggapin si Kelly na maging kapatid namin.

Dave: Ah...eh...

May: Alam ko na rin ang sitwasyon nilang dalawa kaya ikaw ng bahala sa alibi basta papuntahin mo siya sa sasabihin kong location okay?

Dave: O—opo...pero ano po kasi...

"Tut...tut...tut..."

Dave: Ate May? Ate May?

"Anak nang! Binabaan ako?"

"Haist!!! Ang sakit talaga nila sa ulong magkapatid."

"Pero bakit nga kaya gustong makita ni ate May si Kelly?"

"Hmmm...pero sandale! Paano ko naman papapunahin si Kelly kung saang lupalop man sila naroroon?"

"Sigh...asar at ano daw yung motor?"

"Bibigyan ako ng motor ni ate May?"

"Oh My! Magkakaroon na ko ng motor???"

"WAAAAHHH...MOTOR!!!!"

"Hoy! Mag patulog ka!!!" Sabi nung isa nilang kapitbahay.

Dave: Sorry ho!

"Oh my...motor ko..." Ang tuwang tuwang sabi ni Dave pero pabulong.

Sa Kasalukuyan,

Patrick: Lintek na Dave yon dahil talaga sa motor eh.

May: Hayaan mo na alam ko namang matagal na niyang gusto magka motor pero di siya naibibili nila tita Devine.

Patrick: Tsk...bahala ka ate ikaw mag paliwanag kila tita at tito panigurado lagot si Dave sa mga yon.

May: Oo ako ng bahala bukas pupunta ako doon ang gusto kong malaman ano ang sinabi ni Dave para mapapunta niya si Kelly.

Patrick: Oo nga mahirap papuntahin si Kelly lalo't di naman importante ang tao para sa kaniya.

May: Sus...sa tingin mo di ka importante kay Kelly?

Patrick: Hindi ko rin alam ang isasagot diyan.

May: Pero kamukhang kamukha nga siya ni Paula ano? Ikaw ba nakikita mo si Kelly bilang kapatid mo o bilang ibang tao?

Patrick: Syempre bilang Kelly! Mahal ko siya bilang siya. Ah? Ah...eh....sige ate magpapahinga nako.

At kumaripas na siya ng takbo "Silly! Kala naman niya di ko alam yun. Sigh...my little brother is inlove."

Samantala,

Nakatalukbong si Kelly ng unan sa mukha niya "Tita Kelly! Baka di ka naman po niyan makahinga." Ang sabi ni Jacob.

Kelly: Ayos lang I used to it pampaalis ko ito ng stress.

Jacob: Bakit ka naman po naii-stress?

Kelly: Wag mo ng itanong di mo rin namna magegets bata ka pa.

Tinanggal ni Jacob yung unan "Tita, you know me hindi ako basta bata lang."

Bumangon si Kelly at sinabing "Sigh...okay fine you got me."

Jacob: Ano po ba kasing nangyare sa inyo? Pandalas na kayong umalis kanina.

Kelly: Pero baby wag na wag mong ikukwento ito kila kuya okay? Mag promise ka!

Jacob: Opo tita pangako.

Kelly: Okay, ganito baby paano kung malaman mong may kamukha ka?

Jacob: Kamukha? As in identical?

Kelly: Um...parang ganon na nga anong gagawin mo pero yung kamukha mo tegibels na.

Jacob: Tegibels? Yun po ang kahulugan ng patay na di ba? Tegi? Is dead po right?

Kelly: Ah...oo sorry, oo patay na yung kamukha ko raw.

Jacob: Kamukha niyo?

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts