webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 69

Sa Hardin,

Nadoon ang mag-iina maliban kay Kelly "Kailan pa?" Ang sabi ni Keilla.

"Ano po yon Ma?" Anila.

Keilla: Kala ko ba di na kayo magsisinungaling sakin?

Kian: Ma? Hindi po namin kayo maintindihan?

Keilla: Kailan niyo pa tinuruan ng martial arts ang kapatid niyo??? Kian! Kim! Keith! at Kevin!!!

"Ah...eh...Ma..." Anila na animo'y kinakabahan.

Kian: Ma, ako po, ako po ang sisihin niyo wag po sila.

Kim: Hinde Ma ako po talaga ang may sabi kay kuya.

Keith: Mga Bro, di ba't ako talaga? Ako yung mahilig sa sports kaya ako dapat ang masisi dine.

Kevin: Hindi! Ako talaga di ko kasi siya nababantayan ng ayos kaya pinilit ko kayong turuan natin siya ng martial arts.

Keilla: TAHIMEK!!!

Kian: Ma sorry po.

"Opo nga sorry Ma." Anila Kevin.

Keilla: Sigh...Alam niyo ang pa-praning niyo!

"Ho?" Anila.

Keilla: Magpapasalamat lang ako na talagang sinubaybayan niyo si Kelly at tinuruan nyo kung paano lumaban.

"Ho? A---ayos lang sa inyo?" Anila.

Keilla: Oo naman ayos na ayos lang sigurado rin naman akong matutuwa ang tatay niyo sa taas.

Napatingin yung apat sa langit "Oo wag na kayong ano diyan syempre sa langit na punta ang tatay niyo kahit ba pulis siya nung nabubuhay siya eh syempre naging mabait at ulirang ama naman ang daddy niyo. Tama?"

"Opo naman Ma." Anila.

Keilla: Oh, eh bakit parang nag da-doubt kayo na nasa langit ang daddy niyo? Sabihin ko kayang multuhin niya kayo?

Lumapit naman ka agad yung apat sa kaniya "Mama naman eh di na kayo mabiro. Daddy di yan ka na lang sa taas okay lang po kami dine." Anila.

Keilla: Ahahaha...sa inyong lima talaga si Kelly lang ang nag mana sa daddy niyo kayo kasi sakin nag mana na matatakutin.

Kevin: Di kaya ma.

Keilla: Talaga? Nung bata ka nga lagi kang natabi samin ng daddy niyo gusto mo pang ikwento ko uli?

Kevin: Ma!!!

Keilla: Ahahaha...oh kayo gusto niyo pang humirit?

"Di na Ma." Anila.

Kian: Nga po pala napainom niyo ba ng gamot si Jacob nung gabi?

Keilla: Ba'y oo naman anong akala mo sakin ulyanin na?

Kian: Di naman ho.

Keilla: Nga pala, yung batang yon bakit alam niya yung DNA test? Sino ang nagsabi sainyo sa kaniya?

"Ba di ako." Tugunan nung apat.

Keilla: Mukhang totoong narinig niya nga lang sa pinapanood ng mommy niya yung ganun.

Kim: Bakit Ma kailan niya yun nabanggit? Baka naman nabanggit mo yun kuya?

Kian: Aba hinde!

Keith: Oh, eh baka si Kelly

"Morning Mom, morning brother's with S." Ang bungad na sambit ni Kelly kasama si Jacob.

Jacob: Morning po sa inyong lahat.

Habang papalapit yun dalawa "Mukhang si Kelly nga Ma." Ang sabi nung apat.

Keilla: Baka di naman kayo talaga.

Kelly: Anong pinag-uusapan niyo dine? At di niyo kami sinasali ni Jacob?

Kevin: Wala ka na doon.

Kelly: Tsss...edi wow...Ma, si kuya oh.

Keilla: Tama na yan sumunod na kayo sa loob.

"Opo." Anila.

Keilla: Baby, halika na.

Jacob: Opo, tita Kelly tara na daw.

Kelly: Okay.

Pero pinigilan si Kelly ng mga kuya niya "Ah...Mga kuy's? Anong ginagawa niyo?"

Kian: Baby, sige na sumama ka na muna kay Mamsie kakausapin lang namin si tita Kelly mo okay?

Kelly: Ha?

Jacob: Bye tita Kelly.

At iniwan na nga sila nila Jacob at Keilla "Siopao, wag mo kong iwan dine." Ang pahabol na sambit ni Kelly.

Kim: Heh! Nakaalis na nga ano pang inaarte arte mo diyan feeling nasa movie ka na naman.

Kelly: Humph! Ano naman ba kasing kailangan nyo sakin?

Kian: Maupo ka nga!

At naupo nga si Kelly "Bakit ba? Ano na naman ba ang ginawa kong kasalanan?"

Kevin: Masyado kang defensive ha!

Kelly: Ano nga kasi?

Keith: Sabihin mo ikaw yun ano?

Kelly: Ah?

Kian: Ikaw ba ang nagsabi kay Jacob about sa DNA test matter?

Napatayo si Kelly at sinabing "Hinde! At bakit ako? Tanggap na tanggap ko nga si Jacob kahit noon palang malapit na ako sa bata. Kaya wag niyo akong simulan mga kuy's."

Kian: Okay, okay! Kalma eh sino ang nagsabi ng DNA na yan?

Kelly: May alam ako pero di ako ang nag suggest about sa DNA na yan.

"Ano?" Anila.

Kelly: Sigh...Okay magsasalita na ako si ate Rica ang nagpa DNA test sa inyo kuya Kian at kay Jacob.

Kian: Si----Si Rica?

Kelly: Oo inutusan niya lang ako na kumuha ng pwedeng ipa test kaya kinuha ko yung suklay mo.

Kian: Ohh...kaya pala di ko makita yung paborito kong suklay.

Kelly: Oo nga kuya grabe ang dumi ha.

Kian: Hoy! Hindi ah.

Kelly: Charot lang.

Kevin: Eh ano? May result na ba?

Kelly: Um...sabi ni ate Rica matagal raw yun eh pero parang next month darating na.

Kevin: Ahhh...oo.

Kim: Ano kayang magiging resulta?

Kian: Kahit ano pa yan anak ko na si Jacob period.

Nagkatinginan yung apat at sinabing "Ahhhh...ang sweet."

Kian: Heh! Ako'y tantanan niyo.

Kelly: Ako rin kahit kanino pang anak si Jacob I will be his tita Kelly forever.

Kevin: Well, mabait at matalino naman si Siopao kaya nanalig rin akong anak mo nga siya kuya Kian kaya ako din kahit kanino pang anak si Jacob love ko siya.

Kim: Yes ako rin sanay na ako na may maliit na matabang bata na pagala gala sa bahay kaya count me in I will be his tito forever.

Keith: Aba, ako ren yung tabachoy na yun eh napamahal na rin sakin sana maging malusog rin gaya ni Siopao ang magiging anak ko.

Kelly: Ayos so deal na yan para kay Siopao.

"Para kay Siopao." Anila Kevin maliban kay Kian.

Kelly: Kuya Kian? Naiyak ka ba? Pffft...ahahahaha...

Siniko ni Kevin si Kelly "Shhh..."

Kim: Bro? Ayos ka lang?

Kian: Oo mga baliw kayo!

Kelly: Ayieee....group hug.

Kian: Tsss...sige na nga.

"Group hug." Anila at nag group hug nga sila.

" Pwede po bang pa sali? " Ang bungad ni Jacob.

"Siopao?" Anila.

Kelly: Halika bilis maki hug ka na rin dine mga kuy's usog nga naiipit na naman ako.

"Heh!" Anila.

Samantala,

Nakita sila nila Keilla at Faith "Ang sweet naman po nila."

Keilla: Ah...oo ngayon ko nalang ulit silang nakitang ganyan. Sigh....

Faith: May problema po ba kayo?

Keilla: Tumawag kasi yung kapatid kong nasa Canada rin may naging problema kasi siya at kailangan ko ng bumalik.

Faith: Ho?

Keill: Oo, kailagan ko ng bumalik ka agad sa Canada kaso di ko pa masabi sa kanila at gusto ko rin sanang maikasal na muna kayo ni Keith bago ako umalis ng Pinas kasi matatagalan na naman ako ng balik eh.

Faith: Ho? Pero...

"Sige po kami na pong bahala." Anila Fred at Feng.

Paglingon nung dalawa "Kuya..." Ang tugon ni Faith.

Kinahapunan,

Aligaga ang lahat sa paghahanda sa kasalan nila Faith at Keith na isang kasalang bayan "Ka---kasalang bayan talaga ang lahat ng yan???" Ang sabi ni Kevin.

Kian: Oo ganyan talaga ang uso ngayon at libre yan.

Kim: Sayang lang at naging madalian ang lahat.

Kelly: Ayos nga yun eh di malaki ang gastos natin.

"Sus...ayaw mo lang talaga maging abay." Anila.

Kelly: Well...bleeh...hahahaha...

Jacob: Sayang naman po at di ako makakain ng cake.

Pinisil ni Kevin ang pisnge niya "Siopao sino bang may sabi sayo na walang cake?" Aniya.

Jacob: So, may wedding cake po?

Kian: Syempre naman anak si Mamsie mo pa ba? Syempre na ready na niya.

Kelly: Yeah...kaya wag ka ng malungkot diyan baby.

Sa kinauupuan nila Keith at Faith,

Keith: Ayos ka lang ba?

Faith: Oo naman bakit?

Keith: Eh kasi...biglaan ang lahat kahit ako di prepared ni di pa nga kita natatanong kung magpapakasal ka sakin eh.

Faith: Sira! Di ba nga't namanhikan na kayo noon nun nila kuya Kian. Yun na yon.

Keith: Pero ni hindi pa nga kita nabibigyan ng singsing.

Faith: Mamaya pag nag bigay na tayo ng vows di ba bibigyan mo ako ng singsing doon. O baka naman di mo ko bibigyan?

Keith: Sigh...syempre naman kaso.

Kinissed siya ni Faith "Okay na?"

Keith: A---ano?

Faith: Sigh...wag ka ng mag-alala ayos lang ang lahat ng ito tignan mo sila kuya at si Mama ang saya nila.

Luminga linga si Keith "Saan?" Aniya bineltukan siya ni Faith.

Faith: Kakauma ka kahit kailan talaga ayun sa bandang una ayun oh kinukuhanan nila tayo ng picture.

Keith: Ahhh...oo ayun nga sorry naman.

Faith: I love you.

Keith: I love you more Mrs. Dela Cruz.

Faith: Sus...mas love kita Mr. Dela Cruz.

Hinalikan siya ni Keith "Huy! Nakakahiya ang daming tao." Ani Faith.

Keith: Ano ba naman mamaya laang kasal na natin kaya mag asawa na tayo.

Faith: Ehhh...kahit na.

Keith: Ayos lang yan...pero pangako papakasalan kita sa simbahan yung tayo lang at hindi dito sa court.

Faith: Talaga?

Keith: Oo pangako bongga pag nanganak ka.

Faith: Pero paano yun mataba na ko..

Keith: Kahit maging dram ka pa.

Faith: Sira! Maka dram naman.

Keith: Basta! Pakakasalan kita sa simbahan.

Faith: Okay, kahit saan papakasalan kita basta ikaw.

Keith: Ayieee...wag ka nga marupok ako.

Faith: Ahahaha...baliw ka talaga mana sayo si Kelly eh.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts