webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 61

Sa bahay nila Kelly,

Dumating na si Kelly at kasama si Vince "Andito na ko kasama ko si Vince Ma." Aniya.

Vince: Bakit walang nasagot?

Kelly: Baka nasa sala.

Vince: Okay, tara.

At doon nga sa sala nakita ni Kelly ang mga kuya nya at si Jacob na seryosong seryoso na animo'y may galit ang kanilang mga tingin "He---Hello po? Sige po aalis na ako." Ang kinakabahang sambit ni Vince.

Hinila ni Kelly si Vince at bumulong "Saan ka sa tingin mo pupunta? Andito ka na rin naman samahan mo na akong mapagalitan."

Vince: Pis...ayoko pang ma tegibels wala pa nga akong gf eh.

Kelly: Manahimik ka na nga lang diyan.

Kian: Bakit ngayon ka lang?

Vince: Ah...eh...sorry po naglakad po kasi kami ni Kelly papasok dine sa subdivision niyo.

Kelly: Hindi ikaw!

Vince: Ay...sorry kinakabahan kasi ako.

Kim: Bakit hindi ka nag text na aalis ka?

Kevin: At bakit ganyan ang mukha mo? Ang putla mo.

Kelly: Ho? Pa---pagod lang siguro kuya kasi gaya nga ng sabi ni Vince naglakad lang kami papasok dine satin.

Kinurot ni Kelly si Vince "AHHH...O---opo pagod lang po siguro siya."

Keith: Sigurado ka ba? Binantayan mo bang mabuti yang pinsan mo?

Vince: O---oo naman.

Kelly: Anyways, nasaan si Mama? Baby boy, may pasalubong si tita sayo.

Jacob: Talaga po?

Tinignan ng masama ni Kian si Jacob "Ahem...ayoko po tita may pasalubong na sakin sila daddy."

Kelly: Ha? Pero...

Jacob: Tita, di niyo na po ako madadala sa pasalubong niyo di niyo kasi ako sinama kanina. Humph...

Kelly: Ohhh...sayang naman may gummy bear's pa naman ako papamigay ko nalang siguro ito.

Bumulong si Jacob kay Kian "Daddy, gummy bears daw."

Kian: Tiisin mo kailangan kunware galit tayo kay tita Kelly mo wag kang marupok.

Jacob: Pero daddy...

"Bunso, andito na pala kayo ni Vince." Ang bungad na sambit ni Keilla.

Vince: Tita...

Nagmano naman ka agad si Vince kay Keilla "Aba, at parang pumuputi ka ngayon Vince."

Vince: Hehehe...di ho naarawan.

Lumapit si Kelly kay Keilla at hinigit sa isang gilid kasama si Vince at bumulong "Ma, bakit ganyan sila kuya pati si Jacob dinamay nila di ako kinakausap ng ayos."

Vince: Opo nga nakakatakot sila paggalit.

Keilla: Bakit kasi di ka nag text sa kanila na aalis ka ngayong araw?

Kelly: Eh...nalimutan ko na po kasi.

Kian: Ahem...Ma, wag mo ng kunsintihin yan!

Kevin: Opo nga Ma wag niyo ng subukang ipagtanggol samin yang si Kellang.

Kim: May cellphone naman di man lang maka alala na mag text o tumawag?

Keith: Talagang nagiging pasaway na yang bunso niyong anak Ma.

Kelly: Eh...kasi...

Keilla: Sigh...tama na nga yan maghain na kayo at kakain na tayo ng hapunan Vince dine ka na din kumain.

Vince: Si---sige po.

Makalipas ang isang oras,

Nagliligpit si Kelly ng pinagkainan nila "Tsk...ang dami namang ligpitin." Aniya.

Lumapit si Jacob at sinabing "Tulungan na kita tita."

Kelly: Oh...baby, humph...kala ko ba galit ka rin kay tita?

Niyakap siya ni Jacob at sinabing "Sorry na tita sila Daddy kasi at tita sabi sakin mag kunwa-kunwarian daw po akong nagtatampo sa inyo."

Kelly: Asus...

Jacob: Sorry na talaga tita.

Kelly: Tsk...sige na nga alam mo namang di ka matitiis ni tita eh.

Jacob: Yung gummy bears ko po ah?

Pinisil ni Kelly yung pisnge ni Jacob na may sabon ang kamay "Ang cute cute mo talaga."

Jacob: Ahhhh...tita yung kamay niyo may sabon.

Kelly: Ahahaha...ayos lang yan.

At nagkulitan na yung dalawa at nakita ito nila Kian at Keith pero nakamasid lang sila "Mukhang pokmaru talaga yang anak mo Bro di rin na tiis ang tita Kelly niya." Ang sabi ni Keith.

Sa isip-isip ni Kian "Yan ang akala mo yung gummy bears talaga ang gusto niya. Sigh..."

Keith: Bro, si Rica? Anong gagawin mo pala sa kaniya?

Kian: Bakit mo na itanong? Bakit di mo problemahin yang sayo?

Keith: Tsk...oo nga eh tulungan niyo nga ko kay Mama.

Kian: Bakit ba kasi? Ayaw mo bang pormal na mamanhikan kila Faith?

Keith: Hindi naman sa ayaw kasi...baka ma-misinterpret ni Mama ang pamilya ni Faith.

Bineltukan ni Kian si Keith at sinabing "Baliw! Anong akala mo kay mama gaya ng mga drama ramang mapanglait at mapanghusga ang biyenan?"

Keith: Eh...kasi nga yung mga kuya ni Faith di ba nga ang daming tattoo tapos ang lalaki ng katawan nakakatakot silang tignan baka mapaatras si mama at baka pigilan pa ako sa pagpapakasal kay Faith.

Kian: Ewan ko sayo diyan ka na nga....

At iniwan niya si Keith at lumapit kila Kelly at Jacob "Daddy..." Ani Jacob.

Keith: Kuya! Sigh...bahala na nga.

Kian: Kelly, sige na ako na diyan pumunta ka na doon kila Vince.

Kelly: Eh? Di na kuya ako na dine.

Kian: Lumakad ka na bago pa magbago ang isip ko.

Jacob: Halika na tita Kelly ayos na yan.

Kelly: Ha? Ah...eh...sige.

Jacob: Bye daddy.

Kian: Um...

Sa Terace,

Nakaupo sila Keilla, Vince at sila Kim at Kevin "Si ate Alice po wala pa rin po yung boyfriend siga rin po kasi gaya ni Kelly." Ani Vince.

Kevin: Ahahaha...sabihin mo kay Alice galaw galaw aba.

Vince: Hehehe...sige.

Keilla: Kamusta naman ang business niyo?

Kim: Nag babuy en sell na si Elmer di ba?

Keilla: Nang ano?

Vince: Sasakyan po tita.

Kevin: Nakikita nga namin sa post eh parang ang lakas ng bentahan niya ah.

Vince: Dipende rin sa season minsan natagal ang unit ni kuya ng isang buwan minsan naman kabibili palang ni kuya ng sasakyan nabibili naman agad,

Keilla: Eh si ate Ada? Tuloy parin ang catering business niyo?

Vince: Opo tita me online na rin po kami di niyo pa po ba nakikita?

Keilla: Nako, lately kasi di na ko nakaka pag fb naiinis ako sa cp ko nag hahang kasi.

"Baki kasi di niyo gamitin yung bago niyong cp?" Ang bungad ni Kelly kasama si Jacob.

Kevin: Oh? Kala ko ba'y nagliligpit ka? Wag mo sabihing tapos na agad?

Jacob: Si daddy na po nag patuloy naawa po kasi siya kay tita.

Kim: Sus...

Naupo si Kelly sa tabi ni Keilla "Edi kayo mag tanong kay kuya Kian....Bleeh!"

Keilla: Tama na yan! Baby boy halika bilis.

Jacob: Opo.

Kakalungin sana ni Keilla si Jacob "Mamsie, di niyo kaya."

Keilla: Ay..sabi ko nga halika dine ka na lang sa gitna namin ni Kelly.

Vince: Anong grade na po nya?

Nahihiya si Jacob nagtatago siya sa likod ni Kelly "Oh? Nahihiya ka kay tito Vince? Ayos lang yan di yan na ngangagat." Ang sabi ni Kelly.

Vince: Baliw ka talaga.

Keilla: Siya ang pinsan nila daddy mo di ba pinakilala ka na namin sa kaniya kanina bakit nahihiya ka parin?

Jacob: Eh...

May kinuha si Vince sa bulsa niya "Oh, lollipop binili ko yan kanina nung bumili si tita mo ng gummy bears eh di ko kasi alam ibibigay sayo."

Kelly: Weh? Sayo talaga yan eh.

Vince: Sira! Binili ko nga ito baliw.

Keilla: Baby, lollipop daw.

Kelly: Sige na baby boy kunin mo na baka mag bago pa isip ng tito Vince mo.

Vince: Sira!

Iniabot ni Vince kay Jacob yung lollipop "Sige na kunin mo na."

Kinuha ni Jacob pero nahihiya parin siya "Anong sasabihin mo kay tito Vince?" Ang sabi ni Keilla.

Kelly: Sabihin mo ito lang?

"Hahahahaha...sira ka talaga Kelly." Ang sabi ni Kim at Kevin.

Keilla: Kelly ha!

Kelly: Ahahaha...ayos lang yan Ma.

Vince: Opo sanay na ako sa kabaliwan niyan Tita.

" Yeah..." Reaksyon nila Kevin at Kim.

May binigay ring candy si Jacob kay Vince "Eto po."

Vince: Ha?

Kelly: Yema yan kunin mo na ako kukuha niyan.

Vince: Aba sakin binigay eh. Salamat baby.

Jacob: Salamat din po.

Kelly: Ayieee...okay na sila.

Nahiya bigla si Jacob at nagsumiksik kay Keilla "Tama na nga yan Bunso nahihiya yung bata oh."

Vince: Baliw talaga itong si Kelly.

"Ding...dong..."

Kim: Eh? May bisita kayo Ma?

Keilla: Wala.

Kevin: Ako na magbubukas.

Sa kwarto ni Patrick,

Nakahiga at kausap niya si Dave sa telepono "Ahahahahaha...Dude, you mean you kissed Mimay?"

Dave: Tsk...oo nga paulit ulit ka naman.

Patrick: Ahahahaha...baliw ka pala'y mala Kelly rin yun eh bakit mo ginawa yun? Gusto mo na talaga si Mimay?

Dave: Di ko nga rin alam Dude nawala ako sa sarili ko kanina ewan ko ba pakiramdam ko kanina ang lungkot ko kasi ang lungkot niya kaya ayun di ko na napigilan sarili ko.

Patrick: Pffft...ahahahaha...iba ka dude you're the man.

Dave: Ewan! Diyan ka na nga sige na matutulog na ako.

Patrick: Sandali lang.

Dave: Ano na naman ba?

Patrick: Ah...eh...

Dave: Ano na naman ang ginawa mo kay Kelly kainia?

Patrick: Wa---wala.

Dave: Eh bakit ganyan ka na lang makatanggi?

Patrick: Sigh...gaya mo di ko na rin na pigilan ang sarili ko.

Dave: HA? DON'T TELL ME HINALIKAN MO RIN SIYA???

Patrick: Wag ka ngang sumigaw di ako BINGE!

Dave: Sorry na bigla lang.

Patrick: Di ko hinalikan si Kelly gaya mo ko sayo manyak.

Dave: Baliw! Diyan ka na nga.

Patrick: Sandali lang...

Dave: Ano?

Patrick: Nagtapat ulit ako kay Kelly!

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts