webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 381

Maaga palang parang pinag sakluban na ng langit at lupa si Kelly dahil hindi sya nakatulog ng ayos dagdag mo pa na nagalit sa kaniya ang mga kuya nya dahil sa sinabi nya ang pakikipag partnership niya kay Patrick.

"A--- Alis na po ko mga kuy's." Ang kinakabahang sambit ni Kelly.

BRAGAG!

Napaupo agad si Kelly ng biglang gumawa ng ingay ang kuya Kian nya na pati ang ibang kuya nya ay natahimik rin.

"Mom?" Sambit ni Jacob  sa mommy nya na nasa second floor pa at di pa nababa.

"Shhhh...quiet ka lang. Halika bilis lumapit ka dito ng dahan-dahan."

Lumapit naman agad si Jacob at tinignan ang pinagmamasdan ng mommy nya at nakita nyang ang daddy at ang tita Kelly nya pati mga tito nya ang naroroon sa dinning area.

"Mommy, nag aaway ba sila? Bakit walang nakibo? Yung narinig ko pong ingay sila po ba ang may kagagawan po nun?"

"Oo ang daddy mo. Galit na galit na naman."

"Eh? Bakit raw po? Pinagagalitan po sila tita Kelly?"

"Not silang lahat dahil ang tita Kelly mo vs. sa mga kuya nya."

"Po? Eh dapat tulungan natin sya mommy."

"No baby boy. Matuto ka sa kanila dahil hindi lahat kailangan ng tulong ng iba madalas mas maiintintihan ka ng mga kapamilya mo. Kaya makinig nalang muna tayo dito."

"Pero mommy, isa lang si tita Kelly at sila daddy at tito po eh apat. Unfair po yun!"

"Don't worry sa pagkakataon kasing ito kasalanan kasi talaga ng tita Kelly mo eh alam mo namang ayaw ng daddy at ng mga tito mo ang nag sisinungaling lalo pa at tungkol pala ito kay Patrick."

"Tsk! Sabi na nga ba. Wala po talagang malilihim kila daddy."

"Wait, may alam ka ba?"

"May narinig lang po ako kagabi kila tito Vince at tita Kellly about po dun sa proposal ni tito Patrick for partnership nga po. Tsaka alam ko rin po na nagkita sila tita Kelly at tito Patrick nung nakaraang araw po pero di ko po sinabi kila daddy."

"Ohhh...very good wag mong pangungunahan ang tita Kelly mo."

"Opo."

"Pero ngayon, its your tita Kelly's turn na tignan natin kung paano nya pakakalmahin ang mga over protective nyang mga kuya."

"Um."

Samantala sa mansion ng mga Santos,

Sabay-sabay kumakain ng breakfast ang pamilya while discussing some business.

"Yes dad, naayos ko na po ang papers for the new site napirmahan ko na rin po nasa desk nyo na po for approval nyo nalang." Sabi ni Patrick.

"Good! Mamaya sumama ka sakin may business meeting ako para don sa new site."

"Po? Pero kasi dad..."

"Ah! Ako nalang po ang sasama sa inyo dad." Ang sabi ni May na nag winked kay Patrick.

"Pero hindi ba ang sabi mo busy ka sa DLRH."

"Yes dad, pero pwede ko naman yun tignan pagbalik natin from the meeting isa pa off ngayon ni baby bro. Kaya wag nyo ng distorbohin."

"Ah... Sorry son I forgot. Do you have plans for today?"

"Opo dad..."

"Magkikita kayo ni Dave?"

"No mom, its like business meeting to be."

"Business meeting or date?"

"Mommy!"

"Pero mom, its business meeting po talaga pero kilala nyo ba kung sino?" Ang panunuksong sambit pa ni May.

"Ate!!!"

"Hahaha... Bakit ba? Gusto nila si Kelly para sayo kaya don't worry. Right mom, dad?"

Nagkatinginan naman ang parents nila...

"Son, do you still want to pursue her?" Tanong ng daddy nila.

"Ahm... hindi ko po masabi naiwas po sya sakin eh."

"Ah... its normal son give her some time pero wag mong pilitin okay? Pag ayaw na sayo matuto kang bumitaw. Dahil parehas lang kayong masasaktan pag ganun."

"Opo dad."

"Pero son, pag may pagkakataon wag kang susuko pakita mo sa mga kuya nya na deserve ka ng sister nila." Ang seryosong sambit naman ng mommy nila na para bang number 1 fan ng loveteam ng "KelRick."

"Honey, hindi natin pwedeng ipilit ang ayaw kahit may chance pa ang anak natin."

"Pero honey, anak natin si Patrick at gusto ko si Kelly na maging daughter in law."

"Mommy! Daughter in law po agad? Eh ni hindi pa nga maka simula manligaw si Patrick."

"Well, basta bilisan mo ang kilos baka maunahan ka pa mg iba. Balita ko ibang iba na si Kelly ngayon."

"Mommy, natural lang yun sating girls kapag broken. Si Patrick naman kasi iniwan si Kelly ng walang paalam na pupunta sya sa America."

"What?!" Sabay sambit ng parents nila.

"Totoo ba yon Patrick?"

"Eh kasi dad..."

"Tsk! Do you have Kelly's digits? Ako na ang mag e-explain sa kaniya ng mga nangyare."

"Mommy... ako na pong bahala! Ayokong  makigulo pa kayo. Di na po ako bata na kailangan pa ng resbak ng magulang. Tsaka... kung liligawan ko po sya eh hindi pa po ngayon. Dahil, nalaman kong galit na galit sakin ang mga kuya nya kaya baka di na rin matuloy ang aming business partnership."

"Wait bro... did you made an investigations?"

"Oo ate, na curious kasi ako sa sinabi mo kagabi."

"What is it May?"

"Ahm... ano po kasi Mom nabalitaan ko lang naman po iyon sa DLRH kasi hindi po ba nurse dun si Kevin kapatid ni Kelly kaya yun po nalaman ko na baka kailanganin ni Kelly na malagyan ng pacemaker."

"Ano?! How is she? Ayos lang ba sya?"

"Um. Okay raw naman po pero sa wednesday pa raw po malalamn kung kakailanganin nya ng pacemaker."

"Kawawa naman ang Kelly ko. Can we visit her?"

"No mom!" Sagot naman agad ni Patrick.

"Son, gusto lang bumisita ng mommy nyo. Kilala naman sya ni Kelly, don't be so anxious."

"Pero dad! Wag na po muna ako ang gagawa ng paraan para maging malapit uli ang Santos sa mga Dela Cruz."

May sighed "let him be dad, mom hayaan na muna natin na ang bunso natin ang gumawa ng paraan, mag sasabi naman yan kapag di na nya kaya. Basta wag na yung huli na tsaka ka hihingi ng tulong. Understand young master?"

"Um. Thanks ate, mom... dad. I know everyone likes Kelly and you guys want to help me but I would like to close this case by my own. Ako ang dahilan kung bakit ngayon may sakit si Kelly kaya ako rin po ang aayos ng nagawa kong problema."

"Yah... Goodluck sayo bro."

"Um."

"Don't forget na mag iingat, okay? Wag mong iiwan si Mr. Johnsen sya ang assistant at ang driver mo. Understand?"

"Opo mommy."

"Don't drive kung ayaw mong mawalan ng kotse."

"Ye-- Yes dad."

Sa mag kaparehong oras naman sa bahay ng mga Dela Cruz...

"Kailan ka pa natutong sumagot ha Kelly?" Ang nagagalit ng sambit ni Kian.

"Ang akin lang kasi kuya be professional. Business is business walang personalan. Gusto ko po at pangarap kong lumago ang negosyo ko, natin. Lumalaki na po ang pamilya natin gusto ko lang na maging open minded tayong lahat para naman ito sa future natin eh."

"Huh! Para lang ba talaga ito sa future natin? O para lang sa future mo? Dahil hanggang ngayon may pag tingin ka parin sa lintek na Patrick na yan." Sagot naman ni Kim.

"Yun nga ba?  Ha Kelly? Sumagot ka!!!" Galit na galit na sabi ni Kian at napababa naman na ng mga oras na yon ang mag inang sila Rica at Jacob na inawat ito.

"Honey... kumalma ka naman muna ang aga-aga andito pa si Jacob."

"Daddy... wag ka na pong magalit kay tita Kelly."

Kian sighed na kino-control ang sarili. Pero biglang tumayo na si Kelly at aakmang paalis na.

"Saan ka pupunta?! Hindi ka makikipag kita sa lalaking yon!!! Guys, ikulong nyo yan sa kwarto nya!"

"Sige! Ikulong nyo ko. Pero kapag ginawa nyo yon hinding hindi na ko makikinig sa mga sasabihin nyo! Buong buhay ko, kuya parati ko kayong sinusunod wala na kong say sa sarili kong buhay! Hindi ako laruang puppet para parati nalang susunod sa kumpas ng kamay nyo. Akin ito! At hindi sa inyo! Kung ayaw nyong maki pag partnership kay Patrick dahil paranoid kayo edi sige ibabalik ko ang perang ipinahiram nyo sakin for capital. Wag rin kayong mag alala bibigyan ko kayo ng mga tinubo nito."

At tuluyan na ngang umalis si Kelly.

"Ako ng susunod kay Kelly." Ang sabi ni Kevin

"Hindi! Ako na, pag dating kay Kelly napaka lambot mo kaya ako na. Tignan mo nalang muna yang si kuya Kian baka tumataas ang presyon nyan." Sabi ni Keith.

At napatingin nga si Kevin sa kuya Kian nya na parang mataas nga ang blood pressure.

Nang hinabol naman ni Keith si Kelly nagulat syang wala na ito sa labasan.

"Tsk! Nasan ka ba Kelly? Pasaway ka talagang bata ka!"

At ang hindi nga alam ng mga kuya nya na nasa labasan na pala ng bahay nila itong si Vince na naka motor at iniangkas si Kelly.

"Ano? Nag away kayo ng mga kuya mo? Sabi ko naman kasi sayo intayin mo ko para natulungan kita."

"Wag ka na ngang marami pang sinasabi mag drive ka nalang muna maya ko na kwento sayo."

"."

Dumiretso sa unang branch ng "coffee and teanapay" yung dalawa ni Kelly at Vince.

"So, pipirma ka parin kahit ayaw ng mga kuya mo?"

Iniabot ni Kelly ang coffee ni Vince at naupo.

"Oo, wala na kong pakialam kung magalit sila di na rin muna ako uuwi samin dito na muna na ako sa shop."

"Sira ka! May gamot ka ba dine? Baka mamaya mapano ka dito dun ka na muna samin. Ako ng bahala mag explain sa mga kuya mo. Miss ka na rin naman nila mama lalo na ni ate Alice."

"Okay pero buy me toothbrush wala akong dala eh. Hehe..."

"Tsss! Oo na mamaya nalang pag sinundo kita dito may pasok ako eh kaya aalis na din ako mag isip ka na muna ng gagawin mong aksyon wag kang mag pa dalus-dalos. Mga kuya mo ang kakalabanin mo baka magsisi ka sa huli."

"Oo na sige na baka malate ka balitaan  nalang kita mamaya."

"Sige ingat ka dito chat mo ko pag may kailangan ka."

"Um. Ingat din."

Pag alis ni Vince pumunta sa kitchen ng shop si Kelly para mag check ng mga stock nila pero mga ilang minuto pa ang nakalilipas...

"Ma'am?" Sabi ng isang staff na babae.

"Hmm?"

"May umoorder po kasi ng vanilla shake eh ang sabi po namin out of stock po yung vanilla flavor natin eh ayaw po maniwala."

"Ha? Hindi nyo ba inalok ng iba?"

"Sinabihan naman po namin kaso nag pupumilit po na vanilla shake po ang gusto nyang talaga."

"Tsk. Okay sige ako ng bahala."

"Sige po Ma'am."

"Get me a cup of hot water with greentea."

"Eh?"

"Just do it okay?"

"Opo."

Pagkalabas ni Kelly sa kitcheb nakita nya ang isang medyo matanda ng lalaki na nakaupo kaya nilapitan nya ito.

"Hello po."

"Hi. Are you one of the crew here?"

Napatingin si Kelly sa damit nya kasi may suot syang apron na may nakalagay na coffee and teanapay.

"Ah, opo do you need something to order po?"

"I want vannilla shake."

"Ohhh... shake po? Sa ganitong oras?" Tumingin sya sa orasan at nakita nyang mag 9:45 am palang at halos kabubukas lang nila ng shop.

"Aha, I know its a bit early pa para mag shake but I want it."

"Ohhh... Sige po."

"Really? Meron kayo? Pero sabi nung babae dun sa may counter wala daw."

Napatingin naman si Kelly sa may counter at nakita nyang nag kukumpulan ang mga staff nya ron at pandalas na ng punas ng kung anu- ano.

"Yes, meron po kami sa menu but unfortunately out of stock po ang vanilla flavor namin."

"What?! So, you're telling me na wala talaga? No! Hindi ako aalis dito hangga't di nyo ako binibigyan ng vanilla shake!"

"Ohh... I see. Can I ask you po why do you like drinking vanilla shake here?"

"Ha? Ahm... ano kasi... Ahem. Alam mo miss kakilala ko kasi yung may ari ng milktea sa di kalayuan dito sa pwesto nyo pero alam mo ba? Di masarap ang gawa nila ng vanilla shake di kasi authentic ang vanilla nila dun. Pero dito? Iba! 100% vanilla talaga kaya kahit medyo pricey ang vanilla shake nyo bumibili ako. Kasi yun ang favorite kong flavor bawal kasi ako ng ibang flavor alam mo na matanda na ko marami ng bawal."

"Alam nyo bang yung vanilla flavor din dito ang paborito ng owner ng shop na ito?"

"Ohhh... masarap naman kasi talaga ang vanilla flavor."

"Hindi lang po dahil masarap yon dahil yun rin kasi ang flavor na gusto ng mga kuya nya. Hindi po sila nakain o nainom ng ibang flavor kung hindi vanilla."

"Oh? May sakit ba sila?"

"Wala po pero yun lang po kasi ang gusto nilang magkakapatid pero nung nalaman nilang wala ng vanilla flavor na stock sobra po silang nalungkot tapos magkakaaway pa sila."

"Ha? Dahil lang sa walang stock ng vanilla? Mag aaway sila?"

"Ahm... sabihin na po nating parang ganun nag away sila dahil sa stock pinagalitan nila yung bunso nilang kapatid kasi hindi ito nakinig sa kanila. Kasalanan ba nyang gusto nya lang maexplore ang ibang flavor?"

"Hinde, lahat ng tao may kani-kaniyang choice at kung anong gusto mo yun dapat ang sundin mo dahil maiksi lang ang buhay gawin dapat natin kung ano ang gusto natin. Para hindi natin pagsisihan."

Sumenyas na si Kelly dun sa staff na babae at dinala nito yung cup of greentea.

"Eto po uminom muna kayo ng greentea treat ko po. Sana di po bawal sa inyo."

"Ha? Hi--- Hindi naman."

"Okay, ano po sa cakes o breads namin ang gusto nyo? Treat ko rin po."

"Ha? Nako, hindi na staff ka lang dito at medyo pricey ang cakes din dito mababawasan ko pa yang sweldo mo."

Kelly smiled and took out her apron "ayos lang po ako naman po ang owner dito."

"Ha?"

"Ms. Beri dala ka dito ng cakes and bread para kay Mr...." Bumulong sya dun sa matandang lalaki "Sir, ano pong name nyo?"

"Ah... Ako nga pala si Damian Pacheco."

"Oh... Ms. Beri lahat ng flavor ng cakes and breads bring it here for Mr. Pacheco."

"Yes Ma'am."

Kelly smiled at Mr. Pacheco "sige po tikman nyo yung greentea namin totoong greentea and honey po ang nakalagay dyan."

"O... Oo sige. Ahm... sorry nga pala."

"Po? No wag po kayong humingi ng sorry ayos lang po yun gusto ko nga po na nalalaman ang mga feedback ng mga cutomer namin. At salamat po na loyal customer kayo dito samin kahit na medyo pricey hehe... nga po pala may loyal card na po ba kayo dito?"

"Um. Meron rin tsaka may senior discount naman ako kayo dito kaya okay lang kung pricey. He...He..."

"Ah, opo nga pala may senior discount kami dito pero mas may plus points po kung may loyal card kayo para half of a price na."

"Ahm... sorry ulit iha. Hindi ko sinasadyang..."

"Lolo....ay sorry po."

"No its okay. Call me lolo kung gusto mo alam mo may apo rin akong kasing age mo sana makilala mo sya."

"Ah... ganun po ba kung gusto nyo po papuntahin nyo sya dito para naman matikman nya po yung mga cakes namin."

"Oo sige sandali lang tatawagan ko."

"Okay po. Maiwan ko lang po muna kayo may kailangan lang po akong asikasuhin."

"Sige iha. Salamat ulit."

"Um. Welcome po."

At nung nakalapit naman na si Kelly sa may counter hangang hanga naman ang mga staff nya sa kaniya.

"Talaga? Parati syang na punta dito? Kaya pala may loyal card na daw sya dito satin."

"Opo Ma'am at dito rin po sya na order ng cakes para sa restaurant nya." Sagot ni Beri yung staff kanina.

"At Ma'am pati po mga breads natin dito rin sya nakuha." Sabi naman ng isang staff na si Liezel.

"Really? Kaya pala parating madami tayong orders ng pastry."

"Opo Ma'am at yung apo nya po... Oh my!!! Ang gwapo po."

"Eh?"

"Opo Ma'am tama si Liezel kapag nga po andito yun ang daming na bili dito."

"Oh? Artista ba? At bakit di ko alam? Parati naman akong nandito ah."

"Ma'am, andito nga po kayo pero parati naman kayong busy sa office tsaka bad timing po minsan kasi pag andito kayo wala sya tapos pag wala naman kayo andito sya." Sagot ni Beri

"Tsaka lately lang rin po sya nag pupunta dito. Kasi kauuwi nya lang po galing America."

"Eh? Yung apo ba ni Mr. Pacheco hindi artista pero galing sa sikat na pamilya?"

"Opo Ma'am sikat yun lalo na sating mga girls super pogi po kasi. Dun rin sa café nya sa mall na pupunta ang ibang cakes na inoorder ni Mr. Pacheco." Sagot ni Liezel.

"OMG!!! Ayan na yung apo ni Mr. Pacheco." Ang kinikilig na sambit naman ni Beri at napatingin si Kelly sa may entrance at nakita nyang si... "Pa--- Patrick? Anong ginagawa nya dito?"

"Opo Ma'am sya po si Mr. Patrick Santos ang apo ni Mr. Pacheco. Ang isa sa pinakamayamang bachelor dito sa ating bansa." Sagot ni Liezel.

"Pero ang balita may gf na sya eh. Napaka swerte nung girl." Sabi naman ni Beri.

At paglingon nung dalawa nagulat silang nag tatago si Kelly sa likuran nila.

"Eh? Anyare Ma'am?" Anila.

"Shhh... wag kayong maingay."

May bigla namang sumulpot na isa sa mga staff rin na si Noriel "girls nasan si Ma'am Kelly hinahanap kasi siya ni Mr. Pacheco dumating na kasi ang apo nya."

"Sabihin nyo wala umalis." Pabulong na sambit ni Kelly

Pero biglang nanahimik yung girls dahil lumapit si Patrick.

"Huy, ano na? Bakit di kayo mag salita dyan? Di pa ba umalis yung apo ni Mr..."

Ginulat naman ni Patrick si Kelly na bigla nalang nitong tinawag.

"Are you still squatting down there or you want me to carry you, ha Ms. Owner?"

Dali- dali namang tumayo si Kelly.

"Ahem... girls... kayo na munang bahala dito. I gotta go! Bye!!!" Pandalas na sya ng takbo at dun dumaan sa likod para di sya maharang ni Patrick.

"Ma... Ma'am Kelly!!!"

Hmm...kayo geysh pag ba may gusto rin kayong gawin tinutuloy nyo o gaya ni Kelly nalilito? Ehe. °^^°°°^^°

lyniarcreators' thoughts