webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 361

Kasalukuyan…

"A—Ano bang sinasabi mo dyan Bunso? Sinong nag sisinungaling?" Ang sabi ni Kevin.

"O—Oo nga at bakit naman kami mag sisinungaling sayo?" Ang sabi naman ni Keith.

"Huh! Wag na nga kayong mag maang-maangan naiinis na ko eh hindi ko pa sana ito sasabihin sa inyo pero ano? Walang nag match sa inyo sa bone marrow ni daddy."

Nagulat at nagkatinginan ang mga kuya nya sa sinabi nyang yon "a—alam mo?" Anila.

"Kilala nyo ko kapag may gusto kong makuha o alamin malalaman at malalaman ko. Kaya sige ngayon kayo mag paliwanag."

"Ahem… Bu—Bunso… ang samin lang kasi baka…" Ang kinakabahan namang sambit ni Kian pero hindi nya na natapos because Kelly interrupts him.

"ENOUGH! Hindi na ko yung Kelly na parati nalang makikinig sa lahat ng sasabihin nyo. Kuya naman… matanda na ko! Wag nyo na kong ituring na bata na parati nalang na dumidepende sa inyo! May asawa na nga ako at mag kakaanak tapos kung ituring nyo ko isa paring bunsong kapatid nyo as a kid? Jusko naman ! Nakakapagod na ang ganito! Ano kailan nyo sasabihin sakin ang kondisyon ni daddy kapag pantay na ang mga paa nya? Sa tingin nyo ba mas makakabuti yon sakin? Mga kuy's naman kala ko ba wala ng lihiman satin? Ginagawa nyo kong tanga eh."

Hindi naman makapag salita sila Kian dahil nahihiya sila kay Kelly at hindi rin naman nila inaasahan na magiging ganoon nalang ang sasabihin nito sa kanila.

"Grow up mga kuy's! Hindi na ko bata nasa tamang edad na ko para makisali sa usapang matatanda. Oo noon bata ako at hindi pa ako pwede makisali sa usapan nyo. Pero ngayon? Hindi nako papayag na wala akong ibibigay na komento dahil anak rin naman ako ni daddy."

"Tita Kelly…"

"Sorry baby boy pero naiinis kasi ako sa mga yan eh wag mo nalang gayahin ha? Hindi tama ang ganito na nag tataas ako ng boses sa mga kuya ko pero intindihin mong tama rin naman ako dahil anak rin ako ng lolo mo."

"O—Opo sorry rin po kung nag lihim po ako sa inyo about kay Papsie."

"No it's okay hindi ako galit sayo dyan sa daddy at mga uncle mo ako naiinis kaya pwede ba dun ka na muna kay Mamsie mo? Gusto ko lang makausap ng maayos sila kuya. Okay lang ba?"

"Sige po."

"Siguraduhin mo ring hindi na muna bababa dine si Mama okay?"

"Opo."

At umakyat na nga si Jacob para puntahan ang Mamsie Keilla nya.

"Ba—Babysis…" Ang sabi naman ni Kevin na para bang guilty na guilty sa mga ginawa nila sa bunso nilang kapatid na si Kelly.

"Kung hihingi kayo ng tawad ayos na yan ang kinaiinisan ko lang kasi na parati nyo nalang akong tinuturing na bata na parating susunod sa mga inuutos nyo nakakauma na eh!"

"Sorry kung ganyan na pala ang nararamdaman mo hindi naman namin sinasadyang…" Sa pangalawang pagkakataon hindi na naman natapos ni Kian ang sinasabi nya.

"Ano kuya? Ano sa mga yon ang hindi nyo sinasadya? Yung pag turing sakin na bata pa ako kahit hindi na ako bata? O yung pag sisinungaling nyo dahil hindi nyo sinabi sakin ang kondisyon ni daddy?"

"Sino ba kasing nag sabi sayo na may sakit si daddy?" Ang pagalit na sambit ni Kim.

"Wow naman kuya, so iniisip nyo na naman nyan siguro na si Patrick ang nag sabi sakin? Huh! Tigilan nyo sya dahil ako mismo ang gumalaw para lang malaman yang inililihim nyo sakin! I have may sources! At hindi yon si Patrick dahil ni isa sa mga sinabi nyo sakaniya walang lumalabas sa bibig nya. At kung iniisip nyong si Mama pwes wag na kayo mag aksaya ng laway nyo at hindi rin si kuya Julian walang dapat sisihin dito kung hindi kayo! Dahil wala kayong sinabi sakin!"

"Bu—Bunso kumalma ka muna baka kasi mapano ka." Ang nag aalalang sambit naman ni Kevin.

"Yan, yan kayo eh parating yan ang reason nyo kung bakit hindi nyo sinasabi sakin ang mga importanteng bagay. Bakit ano ba ako? Kapatid nyo ko mga kuy's at wala na kayong pakialam kung maselan ang pinag bubuntis ko bakit? Hindi nyo ba ako kilala? Nag iingat ako on time ako parati sa OB ko ano ba naman yung sabihin nyo yung mga nalalaman nyo sakin ikamamatay nyo ba pag sinabi nyo ang kondisyon ni daddy?"

"Hindi naman sa ganun bunso ang amin lang kasi pinangangalagaan ka lang namin." Ang sabi naman ni Keith.

"Oo kuya andun na ko ang akin lang may usapan na tayo dito sa bahay na ito na wala ng mag sisinungaling tapos ganire? Kuya naman… part parin naman ako ng pamilya na ito kahit isa na kong Santos."

"Hindi naman namin sinasabing hindi ka na part ng pamilya porket ikinasal ka na ang amin lang inaalala ka lang namin at isa pa nga yang pinag bubuntis mo paano kung mag dulot ng pag durugo mo yang kondisyon ni daddy? Edi naging sanhi pa kami ng kalungkutan mo?" Ang sabi naman ni Kim.

"So, kapag ba nawala si daddy at hindi nyo sinabi sakin hindi kayo magiging sanhi ng kalungkutan ko? Ngayong alam nyo na… na may nalalaman na ko ano kayo ngayon? Dinugo ba ko? Hindi naman di ba? Healthy ako pero ano ito? Iginigiit nyo parati sakin ang maselan kong pag bubuntis. Jusko naman! Parang hindi kayo ang nagpalaki sakin alam nyong malakas ako….sige sabihin na nating iba ang kalagayan ko ngayon pero mga kuy's naman hindi na ako bata para maging tanga! Nakakabwiset talaga eh!"

"Tapos ka na?" Ang seryosong sambit naman ni Kian.

"Kuya…" Ang nag aalalang sambit naman ni Kevin dahil inaalala nya ang sasabihin ng kuya Kian nya kay Kelly.

"Sige kuya, kayo naman ang mag salita pero wag kayong magagalit kung sasagot ako sainyo ng hindi tama dahil kayo ang nagsinungaling sakin! Kaya dapat lang na magalit talaga ako sainyo!"

"Okay, kumalma ka muna at uminom ka ng tubig at kainin mo yang inihain sayo ng kuya Kevin mo dahil alam mong sa bahay na ito hindi nag aaksaya ng pagkain kaya… KAININ MO YAN BAGO PA YAN LUMAMIG!"

"E—Eto na nga kuya hindi mo naman kailangang sumigaw."

"Heh!"

Samantala hindi alam ng Dela Cruz sibings na nasa labas na ng pintuan sila Faith at Rica…

"Ano ate? Anong gagawin natin?" Ang sabi ni Faith kay Rica.

"Hindi ko nga rin alam narinig mo naman sa loob nag kakairingan ang magkakapatid at nakakatakot si Kelly."

"Pero mas nakakatakot parin po si kuya Kian."

"Ah… hindi naman parang ayos lang."

"Eh paano naman mas nakakatakot naman kayong magalit kesa kay kuya Kian."

"Ah… hindi naman chill lang."

"Paano yan teh? San tayo ngayon kung narinig mo naman ang sabi nila wala tayo sa bahay ngayon kaya paano tayo? San tayo nire matutulog?"

"Wag kang mag alala dun na muna tayo sa bahay namin dun tayo mag party."

"Pa—Party?"

"Oo uminom tayo minsan lang naman tapos yung mga asawa naman natin ang mag aalaga sa mga anak natin eh kaya okay lang yun."

"Pero ate nasa bahay na rin ngayon si Mama."

"Ayos lang yan ipagpapasalamat pa nga nila Kian at Keith kung hindi muna tayo uuwi kasi kapag nakita tayo dine ni Kelly lagot sila lalo dun lalo silang masasabon kain nag sinungaling na naman sila samantalang nag malling lang naman tayo tapos sinabi nilang nag bakasyon ka sa Bulacan tapos ako may team building? Paano naman magkakaroon ng team building eh parati na akong naka work from home baliw na talaga yang mag ama ko eh."

"Sa bagay baka lalong magalit sa kanila si babysis kapag nakita niya tayo dine."

"Kaya halika na may inumin ako dun sa ref eh mag paka saya na muna tayo. "Me time" you know."

"Si—Sige ate pero text natin si Mama para hindi akalain nun na umalis talaga tayo."

"Wag kang mag alala sure akong nasabihan na ni Jacob si Mama kaya don't worry na halika na."

"Sige na nga."

Sa mag kaparehong oras sa Santos Residence…

"I'm home…" Ang sambit ni Patrick.

"Oh? Chairman, bakit nandito po kayo?" Ang bungad naman ni Wena na may dalang mga bedsheet na saktong nakita si Patrick.

"Bakit? Hindi na ba ako ang may ari ng pamamahay na ito?"

"Hi—Hindi naman po sa ganun pero kasi nakakagulat lang na hindi kayo kasama ni Madam."

"Ha? Ano ba ang sinsabi mo? Wala ba dine si Kelly?"

"Opo wala po sila ni Ma'am Keilla dito sa mansion."

"What? Where are they?"

"Umuwi po sa kanila kala ko po alam nyo."

"W---Wait, so you mean wala dito sa mansion sila Kelly?"

"Opo nga po Chairman wala po sila dine kanina pa nga po silang hapon umalis eh siguro nandun na po yun kanina pa."

"What the heck? Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Eh… eh… Chairman kala ko po kasi alam nyo kasi gamit ni Madam ang luggage nyo eh kala ko nag impake na si Madam ng mga gamit nyo."

"What? Sandali nga lowbat kasi ang phone ko pakikuha mo nga ang telepono."

"Sige po Chairman ibababa ko lang po itong dala ko."

"Yah."

At pagkakuha ni Wena ng telepono kinontact agad ni Patrick ang telephone number ng mga Dela Cruz.

" Sige po Chairman maiwan ko na muna kayo dyan."

"Yeah."

Habang nag iintay ng sasagot si Patrick naupo at nag tanggal muna sya ng necktie at sapatos "hays… kanina pa ata nag text o tumatawag sakin si Kelly hindi ko naman alam. Malilintikan na naman ako dun."

"Hello?"

Patrick: Hello? Kuya Kevin? Ikaw ba yan?"

"Oo ako nga bakit napatawag ka? At bakit telepono ang gamit mo?"

Patrick: Ah... Eh… kasi po lowbat ang phone ko. Si Kelly po ba andyan? Ay nasan po pala kayo?

Kevin: Nandito ako sa bahay namin at ang asawa mo nandito rin kasama si Mama nakain sya at mainit ang ulo samin nila kuya.

Patrick: Ho?

Kevin: Oo andine nga lang ako sa may gilid pabulong bulong habang kausap ka kasi baka marinig ako ni Kelly.

Patrick: Pero bakit po pala biglaan ang uwi nya dyan?

Kevin: So, wala ka pala talagang alam.

Patrick: Oo kuya actually kararating ko lang from work.

Kevin: Ayun na nga alam na ni Bunso ang sikreto natin kaya ayun galit na galit samin.

Patrick: Ano? I mean paano?

Kevin: Hindi nga rin namin alam pumunta ka nalang dine kung ayaw mong pati ikaw eh madamay sa galit nya.

Patrick: Si—Sige kuya papunta na ko dyan.

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

lyniarcreators' thoughts