webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 342

Hindi inaasahan ni Patrick na makikinig sa kaniya ang mga kuya ni Kelly kahit alam nya sa sarili nya na hindi naman sya close sa mga ito.

"Ahm… bayaw." Ang sabi ni Keith kay Patrick habang papasakay sila ng kotse at nakakaramdam rin ito ng hiya.

"Ano yon kuya?"

"Gusto ko lang sabihin na pag pasensyahan mo na sana ako sa nagawa ko sayo kanina."

"Ahh… wala po yun naiitindihan ko naman kayo kung ako rin naman kayo baka ganun rin ang ginagawa ko."

"Salamat."

Napansin naman ni Kian na naka upo sa may terrace si Keith na nakikipag usap pa kay Patrick.

"Tama na yan at mag madali na kayo."

"Yes Boss." Anila.

"Mag ingat kayo."

"Oo kuya kami ng bahala." Ang sabi ni Kim.

"Iuwi nyo ng ligtas ang mag ina at ang sarili nyo. Naiintindihan nyo?!"

"Yes Sir." Ang sabay-sabay sambit ng mga kapatid nya at syempre ni Patrick at tuluyan na silang umalis para iligtas si Kelly.

"Wag kang mag alala magiging ayos rin ang lahat." Ang sambit naman ni Rica.

"Sana nga honey. Sana."

Rica hug him from the back "mangyayare yon honey manalig lang tayo sa Poong Maykapal at makakauwi sila ng ligtas."

***

Nalaman ni May ang binabalak ng kapatid nyang si Patrick dahil sinabi ni Mr. Sensen kaya naman nabanggit nya rin ito sa mommy nila na busy pumirma ng ilang papeles.

"What? Susugod sila Patrick don? They must call the police."

"Yes Mom, nagawa naman na nila pero nakipag sabwatan sila sa mga ito para guluhin si Flin."

"That jerk! Dapat talaga sa kaniya makulong!"

"Yes Mom, pero hawak nya si Kelly."

"WHAT? Darling call your Uncle Selmo mag padala kamo sya ng battalion of his army."

"Mom, calm down magiging okay rin ang lahat sundalo rin kasi ang isang kuya ni Kelly kaya wag na kayo mag alala kaya siguro hindi na binanggit ni Patrick ang gagawin nila kasi nga alam nyang mag papanic kayo."

"Of course! Si Kelly at ang future apo ko ang pinag uusapan dito anak kaya bakit naman ako hindi mag papanic?"

"Opo nga pero kumalma muna kayo baka mamaya atakihin kayo sa puso nyan lalo tayong malintikan."

"I know pero nag aalala ako. Tawagan mo si Sensen siguraduhin mo naka ayos ang lahat."

"Wag na kayong mag alala may naka paligid sa kanilang mga pulis may sundalo pa nga po remember pamilya ng mga sundalo ang angkan ng mga Dela Cruz kaya talagang bumangga giba."

"What do you mean?"

"What I'm trying to say is once a Dela Cruz always a Dela Cruz yun rin ang palaging sinasabi ni Kelly kaya wag na kayong mag alala. Para namang hindi nyo kilala ang manugang nyong iyon si Kelly pa ba?"

At sa mag kaparehong oras…

Nakalas na nga ni Kelly ang tali ng kaniyang kamay at kumuha sya ng tsempo para makaalis nung alam nya ng mga tulog na ang bantay nya.

"Ayos! Mga tulog na ang mga tukmol na re."

Dahan-dahan syang tumayo pag katanggal nya ng tali sa paa nya.

"Okay baby, kapit ka lang akong bahala sayo." ang sambit niya habang hinihimas nya ang kaniyang tyan.

Bago sya umalis kinuha nya pa yung baril nung taong nag babantay sa kaniya at itinali rin nya ng dahan-dahan ang mga paa nito.

"Alright! Bukas na sana kayo magising."

Papaalis na sana si Kelly ng may bigla syang naka salubong na isa sa mga gangster pero hindi sya pinansin nito.

"Eh? Nakita nya ba ko? Bakit parang may mali?" Aniya at bumalik sya at nag pakitang muli dun sa lalaki. "Hey, are you blind?"

"Umalis ka na bago ka pa nila mahuli uli."

"Ha? Hindi mo ko huhulihin?"

"Hinde."

"Ha? Bakit?"

"Ano bang akala mo dito? Nasa shooting tayo? Tandaan mo mag isa ka lang at ang dami naming bantay sayo."

"Oo nga madami nga kayo mga tulog naman ang kasamahan mo."

"Aysss…sumasagot ka pa pag ako nainis huhulihin na kita."

"Pero bakit mo ko tinutulungan?"

"Wala akong panahon sa isang buntis na gaya mo."

"Hmm? Halata na ba ang tyan ko?"

"Wag ka ng maraming pang sinasabi umalis ka na!"

"Okay. Pag nagkita tayo uli gagawin kitang ninong ng anak ko."

"Ano?"

"Sige na bye."

At dali-dali na ngang kumaripas ng takbo si Kelly "ang bilis nya hindi nga halatang buntis sya."

"."

Sa laki ng talyer hindi alam ni Kelly kung saan sya lalabas…

"Buset! Ano ba ang lugar na re? Maze?"

"BANG!" May biglang nag paputok malapit sa kinatatayuan ni Kelly.

"San ka sa tingin mo pupunta?!" Ang papalapit na sambit ni Flin kasama ang kanyang mga alipores.

"Ku—Kuya…" Ang na nginginig sa takot na sambit ni Kelly at napansin nya ring ang taong tumulong sa kaniya kanina ay hawak sa leeg ng isa sa mga goons ni Flin. "pakawalan nyo sya!!!" dagdag pa nya.

"Pakawalan? Huh! Sino ka sa akala mo para utusan ako?" Ang nanggigil sa galit na sambit ni Flin at sinipa nya pa yung lalaking tumulong kay Kelly.

Inilabas naman ni Kelly ang kinuha nyang baril at itinutok sa kuya Flin nya "PAKAWALAN MO SYA!!!"

"Miss… wag kang matapang hindi mo sya kaya…sabi ko naman kasi sayo umalis ka na dito." Ang sabi nung lalaking sugatan na dahil na bugbog ni Flin.

"Ang laki ng talyer hindi ko alam kung san ang labasan!"

Sinipa na naman ni Flin yung lalaki "kuya!!!"

"STOP CALLING ME YOUR KUYA!!!" Ang galit na galit na sigaw ni Flin at nag paputok sya ng dalawang sunod.

"BANG… BANG…"

Narinig naman iyon nila Patrick at ng mga mga kuya ni Kelly pag karating nila sa may area kung nasan ang talyer.

"Si Kelly…" Ang nag aalalang sambit ni Kevin at nag babalak na sanang sumugod pero pinigilan sya ni Julian.

"Wag kuya, kapag sumugod ka doon baka kung mapaano ka."

"Pero putok yun ng baril."

"Oo kuya narinig rin namin pero hindi ito ang panahon para maging mag pa dalos-dalos."

"Tama si Julian, hindi pwedeng basta ka nalang sumugod may plano na tayo hindi ba?" Ang sabi naman ni Kim.

"Pero kasi kuya baka mapaano si Kelly."

"Wag kayong mag alala hindi magagawang saktan ni kuya Flin si Kelly dahil alam nyang kakailanganin nya pa ito." Ang sabi ni Patrick.

"Tama si Patrick, sa mga pelikula hindi agad pinapatay ang mga hostage kasi kailangan pa nila ng pabuya."

Bineltukan naman sya ni Kim "yan talaga ang naisip mo?"

"Ang akin lang kasi kuya…"

Dumating naman na si Sensen at sinabing ayos na ang lahat. Ibig sabihin may naka paligid na ring mga pulis sa area kaya wala ng takas pa si Flin.

"Good, ako muna ang papasok tutal ako naman talaga ang kailangan nya at the first place." Ang sabi ni Patrick.

"Sigurado ka bang kaya mo?" Ang sabi naman ni Kim.

"Wag kayong mag alala kakayanin ko para kay Kelly at sa anak namin."

"Okay sige wag kang mag alala nasa likod mo lang kami."

"Oo." Anila.

"Salamat mga kuys."

"Para talaga tayong nasa pelikula, action na!" Ang sabi ni Keith at sabay-sabay syang binatukan ng mga kapatid nya at ni Patrick.

"Pati ikaw Patrick?!

"Ehe… para kasing nakakatuwa kuya kaya tinry ko."

"Ikaw!!!"

"Tama na yan, kailangan nating maging seryoso dito dahil ano mang maling galaw ay baka mapahamak si Kelly." Ang sabi ni Julian.

"Okay sige Patrick pumasok ka na at kami naman ay pupwesto na gaya ng nasa plano." Ang seryosong sambit naman ni Kim.

"Sige kuya. Goodluck satin mag ingat kayo."

"Um. Mag ingat ka rin."

***

Kanina habang bumubuo ng plano ang Dela Cruz brothers at si Patrick biglang may tumawag sa kanilang telepono.

"Sabi ko sa inyo parang nasa pelikula talaga tayo. May na kidnap tapos gumagawa ng plano kung paano sasagipin ang na kidnap ngayon may natawag sa telepono sigurado akong yan yung hihingi ng ransom, pustahan pa tayo."

Binatukan naman sya ni Faith "eh kung sapakin kita? Gusto mo?"

"Babe naman."

"Heh!"

"Sige na Kim ikaw na ang sumagot." Ang sabi ni Kian.

"Sige kuya."

At gaya ng inaasahan si Flin nga ang tumawag bago pa man sagutin ni Kim ang telepono naiyos na ni Sensen ang lahat para ma track nila kung totoong nasa lumang talyer sila malapit sa SM Corp. at hindi lang si Kim ang nakakarinig ng sinasabi ni Flin dahil naka loudspeaker ito gamit ang speaker ng laptop ni Sensen kung saan nya kinonek yung tawag nito. At nagulat silang humihingi ng 50Million si Flin.

Kim: Hoy! Kung akala mo may minahan kami ng ginto pwes nanaginip ka ng gising! Pakawalan mo ang kapatid namin!

Flin: HBaka Huh! Sinong niloko mo? Kilalang kilala ang asawa ni Kelly na anak ng yumaong nag mamay ari ng SM Corp. na ngayon ang nag mamayari nito. Kaya sinong niloloko mo? Kapag wala pa ang 50Million mamayang 11pm hindi na sisilayan ng liwanag ang kapatid nyo! Understand?!

Kim: Walanghiya ka! Wala kang awa kapatid mo rin naman si Kelly!

Flin: Kapatid? Huh! Wala akong kapatid dahil matagal ng namatay ang nag iisa kong kapatid na babae! At hindi si Kelly yon o kahit kayo!

Kim: Wala kang puso!

Flin: Wala akong pakialam sa sasabihin nyo basta kapag hindi nyo ibinigay mamayang gabi ang pera pasensyahan tayo mag paalam na kayo sa pinakamamahal nyong Bunsong si Kelly.

Kinuha naman ni Patrick ang telepono kay Kim at sya ang kumausap kay Flin "hello, ako ito si Patrick Santos ang asawa ni Kelly wag mo syang sasaktan! Ako mismo ang magbibigay sayo ng perang kailangan mo!"

Flin: Good, 11pm sa lumang talyer sa likod ng SM Corp. ikaw lang at wag kang mag sasama ng pulis o kahit yang mga bayaw mo. Kung ayaw mong mag ka gulo tayo.

Patrick: Sige basta ipangako mo na wag na wag mong sasaktan si Kelly!

Flin: Okay, but if there's no money, no Kelly remember that Mr. Santos.

Okay rhyme yon “no money, no Kelly” bet nyo? Syempre hindi di ba? Hahahaha... Pero wag kayong mag alala sinabihan ko na si Flin na maging kalmado lang. Char! ^▿^

-don’t forget to add my two tagalog novels to your library geysh! Thankies and Godbless.

• Chasing Her Smile

• PRIDE of Friendship

lyniarcreators' thoughts