webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 320

Pilit na idinidikit ni Kelly ang tenga nya sa pinto ng room nya roon sa hospital ngunit ang hindi nya alam wala naman sa labas ng kaniyang silid ang mga kuya nya dahil confedential ang mga usapan ng mga ito pinili nalang nila na humanap ng isang lugar na tahimik.

"Honey bakit hindi ko na sila marinig?" Ang tanong ni Kelly kay Patrick na noon ay nakahiga na sa kama at nakain pa ng mansanas.

"Hindi ko alam baka wala naman kasi talaga sila diyan."

Pag lingon ni Kelly nakita nya ngang nasa kama na niya si Patrick at chill na chill kaya binato nya ito ng tsinelas nya "bwiset ka! Ako ito yung buntis ikaw yung nasa kama ko."

"So—Sorry na wifey hindi ka kasi makali dyan eh kung ba naman tinatawagan mo nalang sila kuya edi hindi ka nag kakanda dikit ang tenga dyan sa pintuan mukha ka lang tanga."

"Ahhh…ganon…"

Pinag babato ni Kelly ng kung ano-ano si Patrick "wi—wifey…mag hunos dili ka asawa mo ko."

"Wala akong pakialam!!! Mukhang tanga pala ha…pwes etong sayo!!!"

Babatuhin sana ni Kelly si Patrick ng vase ng biglang may kumatok kaya na patigil ito "Si—Sino yan?" Ang sago ni Patrick at sumilip sya sa pintuan at nakita nya sila Vince at Dave.

"Eh? Nasa Cebu na rin sila?" Ang tanong ni Kelly.

"Siguro nakikita ko eh."

"Sapakin kita gusto mo?"

"He…He…wifey naman hindi na mabiro, bubuksan ko na ba?"

"Gibain mo kung gusto mo."

"Wifey naman naganti ka eh."

"Heh! Buksan mo kapag nakahiga na ko."

"Copy."

At nung makahiga na nga si Kelly binuksan na ni Patrick yung pintuan at excited na pumasok yung dalawa at nilapitan agad nila si Kelly at dinaanan lang na parang hangin nila Vince at Dave si Patrick na para bang wala silang nakita.

"Aba't!" Ang reaksyon ni Patrick.

"Pis!!! Ang nag aalalang sambit ni Vince at kasabay naman nya doon si Dave na ang sabi ay "Master!!!"

"Oh? Bakit kayo naririto?"

"Nabalitaan namin ang nangyare sinabi samin ni kuya Kevin." Ang sabi naman ni Vince.

"Oo nga Master nabalitaan namin na nahimatay ka ayos ka na ba?"

"Ah…eh… ayos lang naman ako pero mukhang may nakakalimutan kayong batiin."

Nagkatinginan naman yung dalawa at hindi nila maunawaan kung sino ang tinutukoy ni Kelly kaya sabay nilang sinabi "sino?"

"Look behind you geysh…"

At pag lingon nung dalawa nakita nila na umuusok sa galit itong si Patrick kaya naman dali-dali silang lumuhod "patawarin nyo po kami sa aming mga inasal kamahalan." Ang pag mamakaawang sambit nung dalawa.

"Mga walanghiya kayo ako yung nag papasweldo sa inyo ni hindi nyo man lang ako pinansin eh ako yung nag bukas ng pintuan."

The two bowed their heads "maawa po kayo sa amin kamahalan." Anila at na tawa naman si Kelly sa ginawa nung dalawa na para bang may impromptu na role play at si Patrick ang kanilang hari at sila Vince at Dave ang lapastangan na tagapag silbo na bumastos sa mahal na hari.

"Haysss…tumayo na nga kayo diyan mga tukmol!"

Masayang masaya naman yung dalawa at gusto sana nila halikan si Patrick sa pisnge pero akmang susuntukin sila nito kaya umiwas nalang at iyinuko nila ang kanilang mga ulo "bakit kayo naririto? Paano ang company?"

"Babalik rin naman kami agad nag alala lang kami kay Kelly." Ang sabi ni Vince.

"Oo nga dude tsaka andun naman si Ms. Maricar nga pala kababalik lang ni Sir Richmond."

"Si Kuya? Nakabalik na? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"

"Sa katunayan kaya rin kami na parito para balaan ka." Ang sabi ni Vince.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Dude, mukhang bumabalik na naman ang kuya mo sa mali nyang gawain."

"Ano?!"

"Oo brad tama ang tinuran ni Dave kahapon lang sya nag balik na hindi kasama ang mommy nyo pero malaki na agad ang biglang nawala sa stocks."

"Sandali lang hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nyo, umuwi si kuya na hindi kasama si Mommy? Tapos biglang may nawawala sa stocks? Paano? Bakit ngayon nyo lang ito na banggit sakin?"

"Actually kanina lang naming umaga na pansin na biglang may naging problema nung nag check na si Ms. Badeth ng mga accounts." Ang sabi ni Vince.

"Teka lang so you mean may problema sa company?" Ang sabi ni Kelly.

"Master wag mo ng intindihin yun baka maistress ka pa kami ng bahala doon."

"Tama si Dave, pis mabuting mag pahinga ka."

"No I'm fine pero anong stocks ang nawawala?"

"Wait don't tell me may nag pull out ng stocks? Pero sino? Kay kuya ba?"

"Hindi po Chairman yung stock po ng mommy nyo ang nawawala." Ang nalulungkot na sambit nila Vince at Dave.

"WHAT?!" Ang sabay sambit naman nung mag asawa.

"No way! Bakit naman ipu-pull out ni mommy ang shares nya? At wala syang nasasabi sakin at kahit si ate May walang nababanggit sakin."

"Honey, I think tama sila may ginagawa na namang kung ano si kuya Richmond."

"Yah, pero bakit nagawa na naman ni kuya ang mga ganung bagay?"

"Pero bago yan tinawagan nyo na ba ang account department? Siguraduhin nyong wala munang lalabas at at papasok na pera…"

"Ahm…yun na nga ang problema na hack ang mga computer ng headquarters." Ang sabi ni Vince.

"ANO?!" Ang pa gulat na sambit ng mag asawa.

"Bakit hindi nyo agad sinabi sakin?!!!" Ang nagagalit ng sambit ni Patrick.

"Pero Chairman, hindi rin naman kasi namin inaasahan na lalaki ng…"

"Gaano ng kalaki ang nawawala? Sagutin nyo!!!" Ang galit na galit na sambit ni Patrick.

"Kaninang umaga nasa 20% na at bago kami nag tungo dito nasa…"

"ANO?!!!"

"Dude, kumalma ka muna."

"SAGUTIN NYO KO!!!"

"Na—Nasa 35% na…" Ang kinakabahang sambit nila Vince at Dave.

Nawala naman sa balanse si Patrick kaya inalalayan agad sya nung dalawa pero hindi sya nag pahawak sa mga ito "Chai--- Chairman…"

"Lumayo kayo!!!"

"Wag kang mag alala may mag expert na kaming hinire para…"

Hindi naman na tapos ni Dave ang sinasabi nya dahil nag salita na itong si Patrick "nag hire? Huh! sa pag kakaalam ko pare-parehas ang kurso natin at mag kaklase tayo sa iisang kurso at alam nyo kung ano yon?" Hindi naman na nakatingin yung dalawa sa mga mata ni Patrick dahil sa kahihiyan "ANO YON?! SUMAGOT KAYO!!!"

"Patrick!" Ang sabi naman ni Kelly.

"Honey, mamaya na tayo mag usap you need to rest."

"Tumigil ka na."

"What?"

"Baka nakakalimutan mo matatalik mo silang kaibigan lalong lalo na si Dave kung pag salitaan mo sila parang wala na silang nagawang tama sa kumpanya mo ah."

"Pero honey…"

Kelly sighed with disappointment "Vince, Dave sige na ikuha nyo ako ng laptop at ako mismo ang hahanap sa lintek na hacker na yan titiyakin kong pati ang angkan nyan bibigyan ko ng virus!"

"Yes—Yes Madam." Anila.

"Ang lakas ng loob nyang i-hack ang SMCorp.? Tignan natin kung hanggang san ang kaya ng mga tukmol na yon. Hinahamon nila tayo ng kakahayan nila sa computer pwes ibigay natin ang hilig."

"Pero honey… mapapagod ka ako ng bahala."

"NO! Para san pa at ako ang top 1 sa klase natin kung hindi ko gagamitin ang kakayahan ko pag dating sa computers? Sabi mo nga iisa ang kurso natin ang mag kaklase tayo kaya sama-sama nating lutasin ito bilang lahat naman tayo dito ay nag tapos ng Information Technology so madali nalang satin ang ganito. Alalahanin nyo lang ang mga tinuro nila Prof. Mina at ng iba pa nating mga professor. Wag kang mag alala maibabalik natin sa kumpanya ang mga nawala."

"Salamat pero paano kung bumalik na naman nga si kuya sa dati nyang masamang bisyo ang pag susugal?"

"Wag kayong mag alala Chairman dahil sa ngayon yung mga nawawala namang mga accounts ay na sa atin pa rin." Ang sabi ni Vince.

"Ha? Paano nangyare yon?"

"Ohhh…I get it so lahat ng transaction ay hindi mailalabas hangga't wala pa silang access sa main."

"Yes Madam at tanging kay Chaiman nalang na pc ang hindi pa nila na ha-hack."

"Ohhh... I see so hindi ka galingan ang hacker na yon mabuti kung ganon mabilis nating matatapos ang problemang ito kailagan ko lang kausapin si Mr. Sensen."

"Si Johnsen?" Anila.

"Oo sa katunayan mas magaling sya sakin mas marami syang nalalaman sa computer."

"Eh? Honey si Sensen ba talaga ang tinutukoy mo?"

"Oo ikaw lang eh hindi ka bilib sa driver/secretary mo sa katunayan kaming dalawa ang nag secured sa lahat ng account mo lalong lalo na ang ginagamit mong pc sa office. Kaya hinding hindi basta ito mapapasok ng virus."

"Woah…hindi ko akalain na isa rin palang lodi si Mr. Sensen?" Ang sambit ni Dave.

"Ilang computer courses na rin kasi ang natapos nya kaya wag na wag nyo talaga syang smallin naiintindihan mo Patrick?"

"Ye—Yes Wifey promise hindi na kung gusto mo ipromote na natin sya ngayon palang."

"Pero Chairman wala po tayong bakanteng posisyon." Ang sambit ni Dave.

"Ayos lang ipapalit ko nalang sya sa posisyon mo bilang ikaw naman ang head IT Specialist eh."

"Ano? Chairman naman…Dude!!!"

"Hindi mo nagampanan ang trabaho mo kaya bumaba ka na sa pwesto mo."

"Dude, maawa ka wag mong gawin yan pangako magiging matalino na ako."

Bineltukan naman sya ni Vince "tumigil ka na kung ibaba ka sa pwesto ako rin dahil nasa IT department rin naman ako hindi ako nababagay sa posisyon ko bilang director dahil hindi ko agad na sabihan ang chairman umiral kasi ang takot sakin kaya kung ibababa ka sa pwesto handa rin akong i-give up ang posisyon ko."

"Eh? Pero ako naman talaga ang dapat sisihin hindi ko hinigpitan ang firewall kaya nagkaka problema tayo ngayon sa kumpanya."

"Haysss…tama na nga yan walang mawawala sa position kung ipo-promote ko man si Mr. Sensen gagawa ako ng special position para sa kaniya kaya wag na kayong mag alala pa dyan at kumuha na kayo ng mga laptop o pc na gagamitin natin."

"Rogger that Chairman." Anila.

At pagkaalis naman nung dalawa lumapit si Kelly kay Patrick at niyakap nya ito "hmmm? Is there something wrong my Queen?"

"I'm proud to you."

"Eh?"

"Wag kang mag alala magiging okay din ang kumapanya kaya kapit lang ha? Wag ka ng mag papanic ulit kasama mo ko at hindi kita pababayaan at ang tropa hindi ka rin nila iiwan kaya full force tayo sa pag lutas nito. Okay?"

"Um. Salamat.

"Kaya sige na lumabas ka na."

"Ha? Lalabas? Bakit?"

"Bumili ka na nag pagkain natin aba ano hindi tayo mag hahapunan?"

"Ay, oo nga pala sorry yung binili ko kasi kanina ibinigay ko kay Sensen eh sige baba na muna ako at bibili."

"Um. Dagdagan mo yung sakin ha? Lam mo na dalawa kami ng anak mo na kakain."

"Hindi kaya ikaw lang talaga yung gutom?"

"Gusto mong makatikim ng mag asawang sampal?"

"Ha…Ha…ha…Ikaw naman di ka na mabiro eto na nga lalabas na ko."

"Tsss…ewan ko sayo."

"Ilang extra rice ba?"

"Tatlo."

"Ano? Wifey gabi baka naman mahilaban ka."

"Heh! Sundin mo nalang isipin mo nalang na mahal ang talent fee ko. Buti nga di ako mag papabayad dahil may prinsipyo ako sa buhay."

"Pero kung maka request ng tatlong extra rice kala mo naman hindi pinapakain." Ang pabulong bulong na sambit ni Patrick pero narinig yun ni Kelly kaya binatukan sya nito.

"Ahh…sumasagot ka na sige bahala ka humanap ka nalang ng IT expert wag ng ako!"

"Wifey naman para ka namang ang akin lang kasi…"

"HEH! Bahala ka diyan tatlong kanin lang ang hinihiling ko hindi mo pa ko mapagbigyan kapag lumaki ang anak natin na malnourish ikaw ang sisihin ko tandaan mo yan!"

"Laki agad? Ni wala pa ngang limang buwan yung tyan nya. Nagiging emosyonal na naman sya."

Binato naman siya ni Kelly ng unan "ano naman? wala na kong sinasabi ha!"

"Tsss…wala raw pero ramdam ko kung ano-ano na yang iniisip mo kala mo sakin bobo?"

"Wifey naman!!!"

"Ewan ko sayo!"

***

Sa hindi kalayuan sa isang café library naroon ang mga kuya ni Kelly doon sila nag uusap usap ng masinsinan.

"Huminahon nga kayo paano kayo mag kakaintindihan kung sabay-sabay kayo nag sasalita? Isa-isa lang kasi library parin ang café na ito kaya wag nyong lakasan ang mga boses nyo!" Ang sabi ni Kevin.

"Fine! Kami muna ni Julian ang mag sasalita tutal apat naman kayo at dalawa lang kami at kami rin naman dito ng kakambal ko ang topic kung bakit kami nag babalik at kung bakit kilala namin si kuya Flin."

"Ano mga kuy's ayos ayos lang sa inyo? Anyways, kayo lang naman ang may problema sa kanila."

"Manahimik ka nga Kevin dapat may opinion ka rin dahil kapatid ka rin namin." Ang sabi naman ni Keith na nasa video call.

"Ay, andiyan ka pala kuya."

"Kevin!!!"

"Mag salita kayo anong nalalaman nyo tungkol kay kuya Flin nasan siya ngayon?" Ang tanong ni Kian.

"Nasa Cavite lang sya kuya." Ang sabi naman ni Julian.

"Julian!" Ang pagalit na sambit ni Julio.

"Tama na Jules alam ko namang maling lugar ang sasabihin mo kaya inunahna na kita."

"At bakit?" Ang sabi naman ni Kim.

"Galit sa inyo si kuya Flin! At dapat lang na kamuhian nya kayo dahil maka sarili kayo!" Ang pagalit na sambit ni Julio.

Abangan nyo po ang susunod na kabanata. Hihihi... ʕ ͡❛ ͜ʖ ͡❛ʔ

lyniarcreators' thoughts