webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 289

Kinabukasan,

"PATRICK!!!!" Ang sigaw ni May na nag tungo agad sa office ng kapatid nya pagkarating.

"Oh, ate anong nangyare at makasigaw ka naman wagas."

"Bakit kinalimutan mo yung baon mo!"

"Baon?"

Ipinakita ni May yung lunchbox na may lamang pagkain na iniluto ni Kelly.

"Your wifey's baon for you."

"Eh? May ginawa sya?"

Bineltukan sya ng ate May nya at sinabing "dimwit! Maagang nagising ang asawa mo para ipagluto ka tapos di mo dadalhin?"

"Ah..eh…hi—hindi ko naman alam talaga."

Pero na recall ni Patrick yung nangyare kaninang umaga.

"Oh? Ano? Naalala mo na? Kainin mo yan ha! Pag nalaman kong di mo yan kinain lagot ka sakin."

"O—Oo na!"

"Okay then I'll go ahead na maaga pa ang appointment ko sa dentist ko."

"De—Dentist mo? Hindi ba dentist ka rin ate?"

Bineltukan na naman sya ng ate niya "alangan namang linisin ko ang ngipin kong mag isa? Para sure akong malinis na malinis ang ngipin ko nag papa dentist din ako noh! Feeling mo ikaw lang? Speaking of dentist pumunta ka sa clinic ko ha! Baka pinamamhayan na yang bunganga mo ng kung anu-ano."

"Baliw ka ate! Bukas nalang sabay kami ni Kelly."

"No need home service ko nalang si Kelly para di na sya lumabas."

"Ano? Pero ako pupunta? Ang unfair naman nun!"

"Heh! Parusa mo yan ang sabi mo kay Kelly isasama mo sya dine pero nasan sya? Nasa bahay!"

"Ay, oo nga pala nalimutan ko bakit hindi niya sinabi?"

Piningot ni May ang kapatid nya at sinigawan "BUANG KA KASI!!!"

"Ate naman!!!"

"Diyan ka na!"

"Ate!!!"

Papalabas na si May pero sumagot pa rin ito "ano ?!"

"Sunduin ko kaya si Kelly?"

"Alam mo bahala ka! Ikaw ang asawa at hindi ako!"

"Kabang!" Pabagsak na isinara ni May ang pintuan ng office ni Patrick.

"Sisirain mo ba ang pintuan ko?!!!"

"HEH!" Ang sabi ni May pagbalik nya at umalis na nga ng tuluyan.

"Haysss….Pasaway ka talaga ate!!!"

Samantala sa mansion ng mga Santos,

"Ma'am?" Ang sabi ni Wena.

"Hmm?"

"Bakit po kayo nandito sa balcony? Hindi pa po kayo nakain."

"Wala pa kong gana eh."

"Pero buntis po kayo."

"Ayos lang kakain rin ako pag nagutom ako. Kaya wag ka ng mag alala ha?"

"Okay po, pero sabi ni nurse Kevin may iinumin pa po kayong gamot."

"Oo mamaya, anyways, kailan ka pa dito sa bahay ng mga Santos?"

"Ako po?"

"Oo nga alangan namang ako?"

"Hehe…Ma'am Kelly talaga..pero 3years pa lang po ako dito bakit niyo po naitanong?"

"Ang boring dito noh?"

"Po?"

"Tignan mo ang laki ng bahay tapos parating walang tao."

"Ah…Ahm…"

"No need to explain I understand bakit ganun ang mga mayayaman noh? Ang dami nilang business wala na silang time sa bahay nila uuwi lang sila ditto matutulog mag papalit ng damit tapos aalis na. Para silang mag robot alipin sila ng mga negosyo nila."

"Ahm…Ma'am sorry po pero nag away po ba kayo ni Sir Patrick?"

"Hmm? Hindi. Bakit mo naman na itanong?"

"Ah…Eh…Kasi po para po kasing may pinatutungkulan ang mga hugot nyo."

"Ahhh…yun ba? Well, siguro nga nauuma na ko sa kanya pero hindi naman ako galit sa kanya na pansin ko lang ganun."

"Napansin po? Ang alin?"

"Kasi ang mag bahay dito sa village na ito ang lalaki right?"

"Yes po."

"Then bibihira lang yung ibang may mga tao kasi yung iba kung hindi nasa trabaho nasa ibang bansa tapos umuuwi lang kapag kailangan na."

"Um…may point po kayo dun."

"Kung ikaw ba yung bahay anong mararamdaman mo?"

"A—Ako po?"

"Hindi ako ulit. Oo ikaw Wena naman."

"Hehe…sorry po Ma'am…Pero kung ako po yung bahay na ito makakaramdam po ako ng saya."

"Ha? Bakit? Eh madalas nga walang tao dito eh puro kayo lang nila Manang Tina at nung iba pa."

"Masaya po kasi andito na kayo."

"Eh?"

"Opo kasi sa loob ng 3years ko naninilbihan kila Sir Patrick madalas pagtapos naming magawa ang aming mga gawaing bahay madalas sa quarters na kami dun po yun sa tulugan naming mga kasambahay."

"Oh?"

"Opo pero nung dumating kayo ang saya namin kasi lagi ng may tao sa bahay na ito nung wala pa kayo dito sobrang nakakabingi po ang katahimikan."

"So you mean ang daldal ko at ang ingay?"

"Ho? Hi—Hindi po yun ang ibig kong sabihin. What I mean is naging masigla po kami dito nung dumating kayo."

"Really?"

"Opo. Tuwing umaga masaya kaming gigising kasi alam naming andito kayo tapos masayang masaya kayong babatiin kami ng good morning kahit antok na antok pa po kayo."

"Ahh..hahaha…sanay kasi ako samin eh."

"Kaya nga po pag uuwi kayo sa inyo malungkot na po dito kasi wala na naman yung taong hindi kami tinuturing na iba. Kayo po kasi yung taong sobrang down to earth. Sa loob ng 3yerars ko pong nag sisilbi dito kayo lang po yung taong gusto kaming kasabay lahat kumain."

"Ha?"

"Hindi ko naman po sinasabing masama po ang ugali nila Sir at Ma'am pero ibang iba po talaga kayo sa kaniya eh kaya sobrang saya po talaga naming kapag andto kayo anlaki po ng pinag bago ng bahay na ito simula nung nanirahan kayo dito."

"Hehe…ganun ba? Nahiya tuloy ako."

"Nako, hindi po kayo dapat mahiya samin kasi tinuturing niyo kaming kapamilya nyo."

"Pero hindi ako kapamilya."

"Po?"

"Kapuso kasi ako. Hahaha…Char!"

"Haha…kayo talaga."

"Gusto mo na bang kumain?"

"Po? Ba—Bakit po ako? Kayo nga po ang dapat kumain eh kasi iinum pa po kayo ng gamot niyo."

"Kasi sabi mo masaya kayo pag kasabay niyo akong kumain so hindi pa ba kayo nakain kasi hindi pa ako nakain?"

Tumango naman si Wena kay Kelly "hala! Mag lunch na eh so hindi pa kayo nag aagahan?"

"Opo Ma'am pero okay lang po dahil hindi pa naman po kami gutom."

Nang biglang nag tumunog ang tyan ni Wena at tumawa ng tumawa si Kelly.

"Sige na halika na kumain na tayo nag luto ba kayo ng favorite ko?"

"Um…tapsilog po."

"Ha? Bakit yun?"

"Pero Ma'am hindi po ba at kayo ang may gusto nun kanina? Yun nga po ang ginawa nating baon para kay Sir Patrick."

"Ahh…pero hindi naman nya dinala eh."

"Hindi po dinala po ni Ma'am May sya na daw po mag bibigay kay Sir."

"Oh? Si Ate?"

"Opo dinala nya po bago sya pumasok sa trabaho."

"Hala! Bakit di mo sinabi?"

"Pero sinabi po sainyo ni Ma'am May na dadalhin nya hindi po at nag paalam pa sya sa inyo na dadalhin nya po?"

"Ay, oo nga pala bakit ba parang nagiging ulyanin na ko?"

"Kulang po kasi kayo sa tulog ang late niyo na matulog tapos an gaga niyo naman magising."

"Ahhh..oo nga eh."

"Tapos ayaw nyo naman kumain ng gulay puro po kayo meat."

"Pero kasi ayoko ng gulay well, nakain naman ako ng patatas, sitaw mag ganun."

"Pero kung ganun po lagi ang kakainin nyo mag sasawa kayo agad."

"Oo nga eh pero gutom na ko tara na?"

"Sige po."

","

Habang nakain naman sila Kelly at yung mga kasambahay bigla dumating si Patrick at nagulat itong masayang masaya ang asawa nya habang nakain ito kakwentuhan ang mga kasambahay nila.

"Si—Sir magandahang tanghali po." Ang sabi ng mga kasambahay kay Patrick na nagulat rin sa pagdating nito.

"Patrick? Anong ginagawa mo ditto?" Ang sabi naman ni Kelly at pandalas ng tumayo yung mga kasamabahay nila dala-dala ang kanilang plato na may pagkain.

"No, its okay wag na kayong tumayo kumain lang kayo…Wifey can we talk?"

"Si—Sir kung magagalit kayo ulit kay Ma'am dahil kasambay niya kami kumain kami na po ang humihingi ng tawad sa pag sabay kay Ma'am." Ang sabi ni Wena.

"Ha?"

"Sir ipagpaumanhin niyo ang aming pag sabay at pagkain dito sa dining are niyo." Ang sabi ni Manang Tina.

"Pero…Manang wala naman akong…"

"Opo Sir wag na po kayong magalit kay Ma'am Kelly." Ang sabi ng ibang pang mga kasambahay.

"TAHIMIK!!!" Ang sigaw naman ni Patrick at nagulat syang tumahimik nga ang lahat at hindi naman niya inaasahan na mapasigaw at mukhang natakot nya ang mga ito "ah…eh…hi—hindi ko naman sina…"

Hindi naman na nya naituloy ang sasabihin dahil hinila na siya ni Kelly "that's enough! Ako ang kailangan mo diba? Okay sige! Mag usap tayo!!!"

"Ma'am!!!" Ang pahabol na sambit ng mga kasamabahay nila.

"Don't worry ayos lang ako. Kumain na kayo diyan."

At nung makalabas nga yung mag asawa "sige akong paruasahan mo at wag sila! Bakit porket ba kasambahay sila wala na silang karapatang kumain kasabay ko? O baka dahil kumain sila sa dining area? Bakit kayo lang ba ang may karapatan sa mesang nililinis nila? Sila ang nag lilinis ng mga pinagkainan natin kaya dapat maranansan din nilang kumain don! Dapat maging patas ang tingin nyo hindi porket kasamabahay at mahirap lang sila eh ganyan na ang iaasal mo! Isipin mo rin naman ang kanilang…"

Hindi na niya na ituloy ang sasabihin dahil bigla nalang syang hinalikan ni Patrick sa labi "what the?!"

"Hindi kasi ako makasingit sayo kaya ginawa ko yon."

"Baliw ka!!!"

Sasapakin nya sana si Patrick pero na pigilan sya nito "wifey naman parang araw-araw na tayong nag aaway pwede ba kumalma ka muna?"

"Bakit kasalanan ko ba? Ikaw itong…"

Sa pangalawang pagkakataon hindi na naman nya naituloy ang sasabihin dahil bigla na naman syang hinalikan ni Patrick "sige kapag nag salita ka pa alam mo na kahahantungan nito mawawalan na naman ako ng control sige ka lalabas na naman ang pagka dragon ko. Gusto mo ba yun wifey?"

"Wag ka nga buntis ako!"

"Pfft…hahaha…bakit gusto mo ba? Sa ganitong tanghaling tapat?"

Sinipa ni Kelly ang binti nya at sinabihan sya nitong "Manyak!"

"Ano? Anong manyak? Asawa mo kaya ako!"

"So what? Manyak ka naman talaga."

"Haysss…ayoko ng makipag talo bumalik na tayo sa usapan."

"Oo nga kung ayaw mong mabugbog!"

"Haysss…oo na mag bebehave na po mahal kong reyna."

"Wag mong pagalitan sila Wena dahil ako ang may gustong kasabay sila."

"I know, kaya nga hindi naman talaga ako galit kahut dun sa ginawa mong pa pool party alam ko namang bored ka na ditto at wala kang magawa kaya nag andito ako para sunduin ka."

"Ha?"

"Di ba nag promise ako sayo kagabi?"

"Tsss…na hindi mo naman tinupad ang aga ko pang na gising para mag luto ng baon natin sa company tapos di mo naman pala ako isasama tapos iniwanan mo pa yung niluto ko. Ang sama mo talaga!"

"Wifey naman wag ka ng magalit eto na nga ako bumalik para isama ka sa company."

"Sus…wag na! baka nakakahiya sa mga empleyado mo o baka nakakahiya sa bago mong secretary na sexy at bata pa sa asawa mo!"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Sabi ni Dave may bago raw secretary sa company.""Luko yon! Pati ako ipapahamak hindi ko yun secretary alam mo namang si Mr. Johnsen ang secretary ko."

"Sus! Eh sino yung sinasabi ni Dave?"

"Hindi ko nga yun kilala eh sandali nga lang…nag seselos ka?"

Pangiti ngiti naman itong si Patrick habang namumula naman si Kelly dahil ayaw umamin na nag seselos sya at ang hindi alam ng mag asawa nakikinig ang mga kasambahay nila sa kanilang usapan "ba—bakit naman ako mag seselos? Ako naman ang asawa at ako rin ang inuuwian!"

"Ay sus! Nag seselos ang mahal kong reyna."

Niyakap nya si Kelly pero tinutulak sya nito pero hindi sya nag papatinag sa lakas ng asawa nya "bitawan mo nga ko!"

"No! Dahil ngayon ko nalang ulit nakita ang asawa kong mag selos."

"Tsss! Sabi ngang hindi ako nag seselos!"

"Sige nag tumingin ka ng diretso sa mga mata ko."

"A—Ayoko nga!"

"See, ganyan ka kapag nag seselos ka nahihiya ka sakin samantalang wala ka namang dapat ikahiya."

Hindi naman na nag pupumiglas si Kelly sa pag yakap ng asawa niya sa kanya "subukan mo lang talaga na ipagpalit ako hinding hindi ka patutulugin nila kuya!"

"Alam ko naman ang mga yun takot ko nalang sa kanila lalong lalo na kay kuya Kian. Tsaka bakit mo ba pag seselosan yung mga ganun alam mo namang patay na patay ako sayo tsaka kilala mo ko hindi ako yung tipong nag kakagusto sa mga sexy."

Itinulak niya si Patrick at sinabing "Aba't anong ibig mong sabihin dun? Na hindi ako sexy?"

"Pffft…gusto mo bang sagutin ko?"

"PATRICK!!!"

"Hahaha...chill lang wifey wala naman akong sinasabi na hindi ka sexy ah."

"Tsss! Buntis ako kaya medyo nag kakalaman na ko! Humanda ka sakin kapag nanganak na ko! Who you ka talaga sakin!"

"Ito naman parang hindi na mabiro nung college nga tayo na gustuhan kita kahit mas flat ka pa sa flat iron tapos mag seselos ka sa mag bababoom?"

"Manyak ka talaga!!!" Gigil na gigil na sinabi ni Kelly at nag walked out na sya at hindi niya inasasahang pag bukas nya ng pinto makikita nya ron ang mga kasambahay nila.

"He---Hello po…" Anila na animo'y nahihiya kay Kelly.

"Haysss…" Ang reaksyon ni Kelly at nag madali ng tumaas at patungo na ito sa kwarto nila ni Patrick.

"Kayo naman kasi ayan na galit na satin si Ma'am." Ang sabi namna ni Manang Tina.

"Pero Manang nakinig rin naman kayo." Ang sagot pa ni Wena.

"Ikaw bata ka!!!"

"Tama na yan ako g bahala sa kaniya pero pwede bang humingi sa inyong lahat ng request?" Ang seryosong sabi ni Patrick sa mga kasambahay nila.

"Si—Sige po Sir."

Ano kaya ang request na yun ni Patrick? Hmmm.... ಥ‿ಥ

lyniarcreators' thoughts