webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 286

Kinaumagahan naunang na gising si Patrick dahil may pasok pa sya at malayo ang Dela Cruz residencesa SM Corp. kaya hindi na niya ginising si Kelly.

"Maaga ang pasok mo?" Ang sabi ni Kian habang nag kakape sa may terrace.

"Ku—Kuya…"

"Tila ata hindi ka nag paalam kay Kelly am I right? Mr. Chairman? Alam mo pinalagpas kita kagabi kasi ayaw kong mastress ang kapatid ko kaya iintindi ko sya pero hindi ko mapapalagpas ngayon dahil kahit samin wala ka na ring balak mag paalam. Tama?"

"So—Sorry kuya hindi naman sa hindi ako magpapaalam pero tahimik ang bahay kaya I know na tulog pa ang lahat ayoko namang gisingin po kayo."

"Oh really?"

"O—Opo kuya promise gusto naman po talaga na makausap rin kayo kasi bad timing lang po talaga."

"Huh! Wag ako. Kung ang mga kapatid ko nauuto mo ng mga mabubulaklak mong salita pwes ako hinde!"

"A—Ano po ang ibig nyong sabihin?"

Lumapit si Kian at tumingin ng masama kay Patrick "tandaan mo oras na umiyak muli ang bunso naming kapatid ng dahil sayo sinasabi ko sayo hinding hindi mo na sya makikita lalong lalo na ang magiging anak nyo. Nag kakaintindihan ba tayo?"

"Ye—Yes po pangako hindi na po mauulit."

Paalis na sana si Patrick at pasakay na ng kotse "Sandali lang!"

"Kelly? Maaga pa matulog ka na muna hindi na kasi kita ginising maaga ang meeting ko."

"I…I just want to say…" hindi niya na natapos ang sinasabi niya dahil niyakap siya ni Patrick "sorry…"

"Hmm? Bakit?"

"Sorry dahil bigla nalang akong nag bago. Hindi ko na kasi kaya ng load off na iniwan sakin ni daddy. Kaya sorry na promise babawi ako sayo."

"Sasamahan mo na ako sa OB ko?"

"Ah…eh… hindi ko pa sure kasi may tatlong meetings ako ngayong umga kaya sige na ha? Mauna ko." Hinalikan niya si Kelly sa noo at nag madali na rin sumakay sa kotse "bye wifey…mahal kita."

Matapos nya sabihin yon umalis na sya lulan ng kotse niya.

"Mahal…rin kita…"

"Busy na syang tao ayos ka pa ba?" Ang bungad ni Kian na sumulpot nalang bigla.

"Ku—Kuya…kanina ka pa ba diyan?"

"Nah, you know me I'm not the type of person na mahilig makinig sa usapan ng iba pero ako yung tipo ng tao na kapag sa tingin ko kailangan nila ng payo talagang magbibigay ako ng sasampal sa kanila."

"Yah…" niyakap niya ang kuya niya at nag buntong hininga.

"Ngayon hayaan mo muna ang asawa mo na gawin niya ang reponsibilidad niya sa pamilya niya pero kapag yan nag tagal pa alam mo na hindi na kita ibabalik pa sa mokong na yon. Alam mo namang ayokong nakikita kang naiyak."

"Kuya naman. Busy lang talaga sya ngayon pero sabi naman niya babawi sya eh kaya maghintay muna tayo ha, kuya?"

Kian sighed "basta oras lang na malaman kong umiyak ka na naman hindi na talaga kita palalabasin ng bahay na ito."

"Oo na kuya umandar na naman yang father figured mo daddy Kian."

Tinakbuha ni Kelly kuya nuya at pumasok pero bigla itong na tipalok.

"Kelly!!!" Ang pag alalang sambit ni Kian "ayos ka lang ba? Saan masakit?"

"Yung paa ko lang kuya I think…"

"BE CAREFUL NAMAN KELLY!"

"Anong nangyayare ditto?" Ang sabi ni Kevin at nakita niyang nakaupo si Kelly sa sahig "anong nangyare kay Kelly?" pandalas niyang nilapitan ang kapatid.

"Natipalok lang ako kuya si kuya Kian naman kasi na overreact."

"Jusko naman Kelly! Tama lang na mag overreact si kuya buntis ka alalahanin mo kaya kailangan mong ingatan yang sarili mo."

Binuhat ni Kian "kuya ibaba mo na ko ayos lang naman ako eh."

"Ah hinde! Kailangan mong mag pa check para makasigurado tayo Kevin may duty ka ngayon sa DLRH di ba?"

"Oo kuya at alam ko ngayon din ang checkup nyan kay Dra. Jinzel."

"Oo kuya pero mamaya pa namang 1pm yun."

"Kahit na! Sasamahan na kita total hindi ka naman sasamahan ng asawa mo."

"Pero kuya…"

"Mabuti na ngang macheck up ka na ako ng bahala may iba pa namang doctor." Ang sabi ni Kevin.

"Mabuti pa sige na maqg bihis ka na at ako ng bahala mag drive."

"Oo kuya."

"Paano ko? Magbibihis naman muna ko kuya naka pajama pa ko."

"Haysss…sige.sige…Oh, Kevin buhatin mo yan papunta ng kwarto nila."

"Ha? Kala ko ikaw mag bubuhat?"

"Ikaw na, aayusin ko pa yung sasakyan."

"O—Okay."

***

Sila Kevin at Kian nga ang sumama kay Kelly sa OB niya kahit sobrang aga pa ng nakatakdang oras.

"That would be all thankyou kung may mag tanong po kayo sabihan niyo lang po si secretary Ben for more details." Ang sabi ni Patrick natapos na ang una niyang meeting na umabot lang ng 30minutes dahil tinawagan sya ni May na isinugod raw si Kelly sa DLRH.

"Mr. Chairaman, ang susunod na meeting niyo po ay within 10minutes do you like to review the…" Ang sabi naman ni Ms. Maricar at hindi niya na ito itinuloy dahil Patrick interrupts her.

"Ikaw na munang bahala I need to go."

"Pero Sir, mahalaga po ang meeting kay Mr. Valdez."

"Mas mahala pa dyan ang kapakanan ng asawa at ng magiging anak ko."

"Ho? May nangyare po ba kay Ma'am Kelly?"

Nag mamadaling nag palit ng coat niya itong si Patrick at umalis "ikaw ng bahala sa meeting may future ate."

"Ano raw? Future what? Ate? Mr. Chairman!!!"

Nagmadali na nga itong si Patrick na mag tungo sa DLRH para kamustahin ang asawa at ang anak niya. "What's the update?" ang tanong ni Patrick kay Johnsen na syang driver nito.

"Mr. Chairman, sa ngayon ang nalalaman ko lang po ay nasa emergency po si Ms. Kelly at…" hindi na naituloy ni Johnsen ang sinasabi niya dahil nainis sakaniya si Patrick.

"Ano yung sinabi mo Ms? Hindi ba at napag usapan na natin yan? Misis ko sya at buntis sya sa magiging anak naming kaya bakit you keep calling her as Ms?"

"So—Sorry po Mr. Chairman naka sanayan ko lang po kasi."

"But you call me as Mr. Chairman samantalang bago lang naman akong nauupo as Chairman right?"

"Ye---Yes Mr. Chai…"

"Enough! Mag drive ka na nga lang at bilisan mo."

"Ye—Yes po."

Tinawagan naman ni Patrick si Vince para sya at si Dave ang makipag meeting kay Mr. Valdez "I'll be back within one hour I guess kaya kayo muna ang bahala makipag meeting Ms. Maricar will assist you guys."

Vince: O—Okay bro pero ayos lang ba si Kelly yung magiging pamangkin ko?"

Patrick: Sa ngayon hindi ko pa alam kaya nga ako pupunta ron pero wga kang mag alala sigurado naman akong hindi sya pababayaan ni ate May at andun rin naman si kuya Kevin."

"Sige balitaan mo ko."

"Oo sige bye na kayo na muna ni Dave ang bahala sa kumpanya."

"Noted Mr. Chairman."

"Um…bye."

Sa magkaparehong oras sa DLRH,

Nakahiga lang si Kelly sa hospital bed na para bang nasa bahay lang sya "hoy! Umayos ka nga ng higa mo wala ka sa bahay at ano ang ginagawa mo? Nag lalaro ka? Bawal ka masyadong tumitig sa cp mo!" Ang sabi ni Kevin at kinuha niya yung cp ni Kelly.

"Kuya naman! Ang boring kasi dito sabi ko naman kasi sa inyo ni kuya Kian mamaya pa ang appointment ko sa doctor ko."

"Oo nga mamaya pa pero naalala mo bang ang may ari ng hospital na ito ay ang hipag mong si May kaya ang 1pm na sinasabi mo ay mangyayare ngayon rin!"

"What? Sinabi mo pa kay ate?"

Hinawi ni May yung kurtina naka harang kung nasan si Kelly "bakit naman hindi? Kapatid mo ko at tama lang na mag aalala ako sayo at sa magiging pamangkin ko."

"A…Ahm..kasi ate…"

"Wag ka ng mag alala mabuti nga na naisugod na ka na agad dito baka mamaya mapaano ka pa at ang magiging pamangkin ko."

"Pero ate hindi mo naman siguro sinabi ang tungkol dito kay Patrick right? Marami kasi syang meeting ngayong umaga baka mag alala yon."

"Ano namna kung malaman niya? Asawa ka nya at normal lang na mag alala sya sayo at sa magiging anak niya."

"Tama si May!" Ang sambit naman ni Kian na may dalang pagkain na binili sa isang fastfood na para kay Kelly na nagugutom na.

"Kuya chicken ba yan? Nako, hindi muna yan pwede kay Kelly." Ang sabi ni Kevin.

"Ano? Kuya naman gutom na ko hindi pa ako nag be-breakfast ng dinala niyo ko."

"Alam kong bawal sa kaniya nag mamantika pero kasi alam mo namang hindi ko matitiis ang lukang yan kaya ere binilan ko sya."

"Talaga kuya? Bilis akin na."

"Heh! Hindi nga pwede may gagawin pang test sayo at paparating na si Dra. Jinzel."

"Pero kuya Kevin gutom na talaga ko gusto niyo bang magutom kami ng pamangkin nyo?"

"Syempre hindi." Anila.

"Kaya sige na kakain na muna ko nakuhanan naman na nila ako ng dugo kanina nung wala kayo tanong niyo pa sa ibang nurse dine sa E.R."

Napatingin naman si sila Kian at May kay Kevin at nag nod ito "sige na kasi gutom na ko."

"Wifey!!! Nasan ka?" Ang humahangos na sambit ni Patrick.

"Si Patrick ba yon?" Anila.

Narinig naman yun ni Patrick kaya pandalas na syang hinawi yung kurtina at niyakap si Kelly "ayos ka lang ba? San may masakit? Sabihin mo wag kang matakot andito na ko."

"O—Okay lang naman ako si—sila kuya kasi…"

"Bakit hindi mo ko tinawagan agad? Edi sanan ako na ang nag dala sayo dito."

"Huh! Ikaw? Eh ang aga mo ngang umalis ng bahay para sa meeting mo!" Ang pagdidiinang sambit ni Kian.

"Kuya!" Ang sabi ni Kelly.

"Tsss…sige na total andito naman na yang asawa mo papasok na ko Kevin ikaw ng bahala kay bunso tiyakin mong nasa maayos syang kalagayan. Naiitindihan mo?"

"O—Oo kuya at ikaw naman tukmol kung aalis ka mag papaalam ka sa asawa mo ng hindi sya nag aalala sayo!"

"O—Opo."

"Kuya talaga…"

"At ikaw pasaway kong kapatid makinig sa sasabihin ng doctor sayo para hindi kami mag aalala sayo."

"Oo na kuya. Sige na pumasok ka na ikaw na lang ang kumain ng dala mo hindi ka pa rin kumakain ng agahan eh kasi dinala niyo agad ako ni kuya Kevin dito."

"Sige, pero sayo nalang Kevin sa school canteen nalang ako kakain . Sige na aalis na ko."

"Bye kuya."

"Um…ingat kayo pag uwi."

"Um…ingat ka rin."

"Yeah."

Pagkaalis ni Kian nakatulala lang ito si May at napansin iyon ni Kevin kaya siniko niya ito at bumulong "hey, you okay?"

"Ha? Ye---Yes, yung kuya mo ba may girlfriend na?"

"Ano?"

"Ang astig niya kasi."

"Ano?!"

"Ang cool niya para syang prince charming habang nag sanasabi niya yung mag bilin niya sainyo."

Napataas naman ang kilay nitong si Kevin "so, sinasabi mong hindi ako cool?"

"Oo…"

"Ano?!"

"Ha? I…I mean ano syempre cool ka rin ikaw ang boyfriend ko eh."

"Tsss…bahala ka diyan."

"Honey naman."

"Ewan. Makalabas nga muna at makapag hanap ng magandang dentist."

"HOY!!!"

"Hahaha… sundan mo na ate toyoin talaga yun eh." Ang sabi ni Kelly."

"Okay lang?"

"Oo ate sige na ako ng bahala kay Kelly sundan mo na si kuya Kevin ika wnaman kasi…"

"Tsss.,. Oo na mag uusap pa tayo mamaya."

"Oo na."

"Kelly, I will be back okay? Ikaw, batanyan mo sya."

"Tsss…oo na nga kahit di mo sabihin."

"Sus… bye Kelly habulin ko lang ang kuya mo ha?"

"Hehe…oo ate."

Pag alis naman ni May tinanong uli ni Patrick si Kelly na kung anong masakit sa asawa niya "ayos nga lang ako nag panic lang sila kuya nung natipalok ako."

"Sabi ko naman kasi sayo matulog ka muna bakit kasi lumabas ka pa nung umalis ako?"

"Gusto ko lang naman na mag paalam sayo kasi hindi na kita na asikaso kaninang umaga."

Patrick sighed and he hugged her wife "don't worry I understand na hindi ka maagang magising kaya hindi mo na kailangang bumangon para mag paalam sakin alam kong hirap ka sa pag tulog kasi nag buntis ka kaya naman hindi na kita inistorbo sa pagkakatulog mo."

"I know naman pero kasi…gusto ko lang din na ipakita sayo na support kita sa pagiging Chairman mo."

Patrick kissed Kelly's forehead "salamat at sobrang malaking tulong sakin ang sinabi mong yan pero sorry rin dahil nawawalan na ko ng time sayo kita mo ngayon hindi ako ang nag dala sayo dito."

"Sus…ayos nga lang pero paano yung meeting mo?"

"Wag mo ng alalahanin yon mas importante kayo ng anak ko kesa sa meeting na yon."

"Pero…"

"Wag mo ng alalahanin baka mastress ka pa sila Vince at Dave ang mag me-meeting para sakin."

"Eh? Buti nalang pala at nasa kumpanya sila ano?"

"Oo nga eh sobrang thankful talaga ko sa kanila."

***

Meanwhile,

Hindi naman malaman ni Vince at Dave ang gagawinnila sa meeting dahil ni isa sa kanila ay ayaw mag salita.

"Bro, ikaw na wala akong alam I.T specialist lang naman ako dito." Ang pabulong na sambit ni Vince kay Dave.

"Ba! Bakit ako? Hindi naman business course ang kinuha ko nung college mag kakaklase nga tayo di ba, rember?"

"Ay, oo nga pala ewan ko ba naman dito kay Patrick tayo pa ang ginawang representative niya."

"Haysss…bahala na bro kailangan nating gawin ito no choice tayo ayoko pang mawalan ng trabaho."

"Yeah…sige na ikaw na mag salita."

"Ano? Ikaw na."

At hindi na nga natapos ang turuan nung dalawa kung sino ang mag sasalita kaya si Ms. Maricar na ang nanguna para sumunod yung dalawa sa kaniya at natapos naman ng maayos yung meeting at nagkaroon pa sila ng bagong na settle na project kay Mr. Valdez.

Don’t forget to read “Be My Princess Ms. Faye and Chasing Her Smile “ >_<

lyniarcreators' thoughts