webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 246

"Onin?"

"Kelly? Ikaw nga, bakit ka nandito?"

"Ha? A— Ano nagpapahangin lang." Pandalas na nag pahid ng kaniyang luha si Kelly para hindi sya makita ni Onin na naiyak dahil lang sa mababaw na dahilan.

"Nag papahangin? Dito sa labas? Mausok dito gawa ng mga sasakyan."

"Haysss... kahit kailan talaga panira ka. Diyan ka na nga!"

Pinigilan siya ni Onin at humarang sa daan ni Kelly "Ano? Umalis ka nga diyan!"

"Yang ugali mo talaga di na nabago."

Hinawi sya ni Kelly "Umalis ka nga!"

Hinawakan ni Onin si Kelly ng mahigpit " May problema ka? Pag usapan natin gaya ng dati."

"Bitaw! Wala ko sa mood makipagusap sayo."

"Kellanggggggg..."

"Ano???"

"Libre mo ko ngayon nalang tayo ulit mag usap eh."

"Tsk... siya... siya... sige pero bitawan mo ko."

"Totoo? Lilibre mo ko?"

"Oo nga lilibre kita basta bitawan mo ko ibibigay ko rin sayo ang mga cotton candy na ito."

"Sige na nga."

At binitawan nga siya ni Onin pero tumakbo si Kelly papasok na ng kanilang campus "Bleeeh... kahit kailan talaga uto-uto ka Onin."

"Kellangggg!!! Bumalik ka dito!!!"

Ay naghabulan nga yung dalawa ay saktong nakita ito ni Patrick na hinahanap nung tatlo nila Dave "Oh dude! Andito ka lang pala."

"Sino yon?"

"Sino?"

Napatingin yung tatlo sa tinitignan ni Patrick "Si Onin?" Ang sabi ni Vince.

"Onin?" Ang tugon naman nung tatlo.

"Ahhh... Oo natandaan ko na sya si Niño Villamayor. Isang comsci student at ang top 1 rin sa klase nila." Ang sabi ni Harvey.

"Close sila ni Master?"

"Oo at Onin ang tawag niya kay Niño simula pagkabata nila mag kapitbahay na sila. Maliban sakin siya ang kalaro ni Kelly noon."

Walang patumpik tumpik lumapit na si Patrick at hinawakan nito ang kamay ni Kelly "Lets go!"

"Patrick?"

"Kilala mo sya?"

"O— Oo."

"Ako lang naman ang boyfriend ng hinaharot mo."

Tumawa lang ng tumawa si Onin "Kellang anong pinagsasabi nito? Boyfriend mo daw sya? Pffft... Hahahahaha... nakapasa ang isang yan sa mga kuya mo? Wow! Ang lakas."

"Iniinsulto mo ba ako?" Ang galit na sambit ni Patrick at sasapakin niya sana si Onin pero pinigilan siya ni Kelly.

"Kelly?"

"Tama na! Hindi mo sya kilala kaya wag mo syang pagbubuhatan ng kamay!"

"Bakit sino ba sya?!" Ang sigaw ni Patrick.

"Alam mo lahat nalang nilagyan mo ng malisya kaibigan ko lang si Onin kaya kung ayaw mong maniwala bahala ka! Alam mo hindi ko na rin talaga maintindihan kung ano ba tayo eh. Nakakasawa na ang ganito Patrick!"

Tumakbo papalayo si Kelly "Kelly!!!" Ang pahabol na sambit ni Patrick kay Kelly pero pinigilan sya ni Onin.

"Let her be!"

Umakmang sasapakin na naman ni Patrick si Onin pero pinigilan siya nito gamit lang ang isang kamay niya "Alam mo hindi kita papatulan dahil hindi worth it ang time ko sa gaya mong duwag."

"ANO???"

"Patrick!!!" Ang sabi nila Vince at inawat na rin nila ito.

"Vince!!! Long time nosy." Ang sabi ni Onin pagtapos nitong bitawan si Patrick na parang walang nangyari.

"Pre, pasensya na."

"Ayos lang sige mauna na ako sa inyo."

"Sige pre."

Bago umalis tinitigan ni Onin si Patrick at sinabing "Umayos ka baka di mo nakilala ang kausap mo." At tuluyan na shang umalis habang nag pupumiglas si Patrick na gustong kumawala.

"Sige hayaan niyo ang isang yan para malaman niya kung sino talaga si Onin." Ang sabi ni Vince.

"Bakit sino ba sya pre?" Ang sabi ni Dave.

"Isa siya sa mga master ni Kelly sa taekwondo at isa rin siyang UFC fighter."

"U— UFC?" Ang pa utal-utal na sambit nila Harvey at Dave.

"Kaya sige pre kung gusto mong grumaduate ng may bangas ang mukha at bali-baki ang katawan sige hahayaan kita pero wag mong isipin na pipigilan kita dahil kilala ko si Onin bunso has kapatid lang ang turing niya kay Kellang." Ang seryosong sambit ni Vince at iniwnaan yung tatlo.

"Vi— Vince!!!" Ang sabi ni Harvey at sinundan niya ito.

"Dude! Mag palamig ka na muna ng ulo mahirap kasi ang..."

"Uuwi na ko."

"Ha?"

Iniwanan ni Patrick si Dave at hindi siya nito pinapansin "Dude!!! Sandali lang!"

Matapos ang awayang KelRick hindi na rin kumikibo si Vince kay Patrick. Kahit isang linggo nalang ay graduation na nila.

"Pre, sa monday graduation na pero di parin nag kikibuan sila Kelly at Patrick." Ang sabi ni Harvey habang nakaupo sa may cafeteria kasama si Vince.

"Wala na akong pakialam pre pagtapos naman ng graduation aalis na din si Patrick kaya ayos lang makakahanap to sya ng iba bukod kay Kelly."

"Pero pre..."

"Kawawa lang si Kelly kung ipagsisiksikan nya ang sarili niya sa moody na si Patrick. Mas gugustuhin ko pang iba makatuluyan ng pinsan ko kesa ang tukmol na yon."

"Oo pre andun na ako pero magkakaibigan tayo."

"Wala nag sawa na rin ako baka hindi talaga dapat na kaibiganin ng gaya nating ordinaryo ang mga gaya ni Patrick na mayaman."

"Pero pre hindi naman ganyan si Patrick down to earth naman sya."

"Alam ko pero para nalang kay Kelly iiwasan ko na rin sya pag naman nasa America na sya makakalimutan na din tayo niyan kaya wag ka ng mag alala pa."

"Pero..."

Dumating namang bigla si Kelly na may dalang pagkain niya "Oh, anong pinag uusapan niyo mukhang napaka seryoso niyo." Aniya.

"Ah... wala, ano pag tapos ba nito uuwi na tayo?" Ang sagot ni Vince at pinandilatan ng mata si Harvey.

"Oo wala kasing kasama sa bahay si Jacob kaya umuwi daw ako agad sabi nila kuya Kian."

"Sige sabay nalang tayo pre ikaw? Sabay ka?"

"Ah? Hindi may meeting pa ko sa SC."

"."

Uwian na at tapos na ang practice nila Kelly at sinabi na rin sa kanila ang mga honor students.

"Congrats pis sabi na kahit di ka pa madalas pumasok ikaw parin ang mag TOP 1 ba naman mga exam mo pamatay parating 90 pataas ibang klase ka talaga." Ang sabi ni Vince.

"Oo nga kaya lodi kita eh di talaga kita matatalo kahit kailan." Ang sabi naman ni Harvey.

"Wag nga kayo naka tsamba lang ako."

Papaalis na ng classroom nila yung tatlo at panay ang pagbati nila kay Kelly ng congratulations at isa na doon si Dave na hindi pinapansin ni Kelly simula ning nag away sila ni Patrick "Congratulations Master."

"Pre." Ang sabi ni Harvey.

"Salamat." Ang sagot naman ni Kelly kasabay ng sambit ni Harvey.

Nag bago naman ang mood ni Vince "Kelly, tara na."

"Oo... sige Dave."

"Sige Master."

At umalis ngang agad yung mag pinsan "Nasan si Patrick?" Ang sabi ni Harvey.

"Umuwi na. Mapapaaga kasi ang alis nila papuntang America."

"Ano?"

"Oo hindi na sya aattend ng graduation."

"Ha? Bakit?"

"Di ko rin alam pero mabuti na rin yun para naman hindi na mabwiset pa ni Dude si Master."

"Pero hindi ba parang bigla an naman ata yon."

"Actually di ko rin talaga maintindihan itong si Patrick lagi syang aligaga parang may nililihim sakin."

"Ano naman yon?"

Sa magkaparehong oras sa bahay ng mga Santos,

Sinesermunan ni May ang kapatid na si Patrick kasama ang asawa nitong si Lester "Ano nalang ang sasabihin ng pamilya ni Kelly sa atin? For God sake naman Patrick!!!"

"Love, kumalma ka muna baka naman may good reason itong si Patrick."

"Ano kakampihan mo pa ngayon ang kagaguhan ng kapatid kong yan?"

"Hindi naman sa..."

"Tama na!" Ang sabi ni Patrick na tumigil sa pag aayos niya ng gamit.

"Ano? Ikaw pa ngayon ang galit? Patrick naman!!! Bakit mo ginawa ang bagay na yon tapos ano itong ginagawa mo? Tatakasan mo? Nag pa early flight ka pa talaga?"

"Ate! Makinig ka! Hindi ako tatakas sa responsibility ko kay Kelly. Ayoko lang na maging sanhi ito ng paglala ng sitwasyon ni daddy."

"Huh! So, so daddy ngayon ang reason mo kung hindi ko pa pala malalaman hindi mo sasabihin ganon ba?"

"Oo! Dahil desperado na ako! Ayokong mawala sakin si Kelly habang nasa America ako kaya kahit hindi niya alam gumawa ako ng paraan para mairegister ang kasal namin."

"What? You mean Kelly ain't know about this wedding thingy? Baliw ka na PATRICK!!!!!"

Hanggang diyan na po muna ang update ko abangan niyo po ang susunod na kabanata. Ciao!(:

Ps. Vote para more updates and comment na rin and reviews hehe... Salamat po godbless sa inyong lahat. (^.^)

lyniarcreators' thoughts