webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 195

Sa bahay ng mga Cao,

Kararating lang nila Kelly at nagulat syang ang laki din ng bahay ng mga ito at ang bango ng kanilang naaamoy na para bang may nilulutong tinapay "Wow..."

"Kelly?" Ang patanong na sabi ni Ryan.

"Ha? Bakit?"

"Tara na sa loob?"

"Ah? Oo sige pero ano yung naamoy ko?"

"Ahhh...baka nag bebake si ate."

"Gang dito sa labas amoy? Malaki siguro ang oven nyo."

Sumingit naman sa usapan si Patrick "Ryan Fuentes Cao 21years old HRM student at Conception College family business bakery the famous Jellie's Bakeshop."

"The---the famous Jellie's Bakshop? Woah...ang sarap ng eggpie dun eh."

"You like eggpie too?"

"Um...simula pagkabata ko yun na ang paborito ko."

"Meron kami diyan may factory kasi kami sa likod kaya maamoy ang mga niluluto."

Patrick smirked "Mabuti atang hindi ko nalang sinabi ang mga yon ah." Ang pabulong bulong niyang sambit.

"Halika i-tour kita sa factory namin pero bago yun magpakita ka muna kay Snow."

"Ahh...oo nga pala teka asan si Jacob?"

"I'm here!!!!" at napalingon yung tatalo sa likod at nagulat silang may dala si Jacob na rosas na puti at pula na kinuha niya sa bakuran nila Ryan "What the? Siopao? Saan mo kinuha yang bulaklak?"

Habang papalapit si Jacob sinabi nyang "Diyan po sa tabi-tabi dine habang nag uusap usap kayo di'yan."

"Sigh...baby bawal pumitas ng bulaklak kung hindi naman satin yung hardin at higit sa lahat kung hindi naman natin pag mamaya-ari."

"Hindi ayos lang Kelly wag mo ng pagalitan si Jacob kinukuha din naman yan dito samin nilalagay ni ate sa flower vase niya dine sa loob."

"Pero nakakahiya Siopao mag sorry ka."

"No need babayadan ko nalang." Ang sabi naman ni Patrick.

Ryan smirked "Babayadan mo? Ang libreng kinuha lang? Huh!"

"Oh...mag aaway na naman ba kayo?"

"Sorry na po gusto ko lang naman po sanang ibigay kay Snow."

"Ka---Kay SNOW?" Ang pagulat na sambit nung tatlo.

"Um...kasi nakikita ko po sa IG niya na mahilig sya sa roses eh."

"Sandali lang may IG ang pamangkin ko?"

"At ikaw Jacob kailan ka pa nagkaroon ng IG?"

"Ah...eh...sorry po tita Kelly gumawa po ako ng account kasi gusto ko din po makita din ng iba ang mga kinuhanan ko pong mga views or something that captured my eyes dahil gaya niyo gusto ko din pong maging magaling kumuha ng mga photos."

"Mahilig ka ring kumuha ng mga pictures Kelly?"

"Ahhh...oo hobby lang."

"Actually, ako rin ganun ang hobby ko kaya kumukuha rin ako ngayon ng photography course."

"Oh? Galing mo naman dalawa ang course mo kaya mo yon?"

Nahiya naman bigla si Ryan samantala nauuma naman na si Patrick dahil pakiramdam niya OP (out of place) siya doon sa tatlo "Ahem...hindi pa ba kayo tapos? Kala ko ba nag mamadali kayo para makita si Snow?"

"Tssss...KJ." Ang pabulong na sambit ni Kelly at pumasok na nga yung apat sa loob at napa wow yung mag tita dahil ang daming bulaklak sa loob ng bahay nila Ryan "Woah..."

"Tita Kelly, bahay po ba ito o garden nila ang dami namang bulaklak dine."

"Shhh...wag kang maingay."

"Hahaha...mahilig kasi si ate Aina sa mga bulaklak lalo na ang sunflower."

Bumulong naman si Jacob sa tita Kelly niya "Hindi po ba mamahalin yung ganung bulaklak nakaka LL po sila ha."

"Baby...quiet ka lang dyan."

"Kelly!!!" Ang bungad naman ni Aina.

"Ah...ahm...hello po." Bineso beso naman sya nito at niyakap.

"Oh, Patrick andito ka rin pala..."

"Hello ate long time nosy."

"Yah...missed you at itong baby na ito...ang cute cute naman para kay Snow ba yang dala mong bulaklak?"

"Ah...ahm...opo kaso kinuha ko lang po ito doon sa labas niyo sa may mga bulaklakan po doon."

"Ahhh...hahaha...okay lang mahilig din dyan si Snow halika puntahan na natin sya?" Iniabot niya ang kamay niya kay Jacob at hinawakan naman sya nito.

"Lumabas na ba ng kwarto niya si Snow? Ate?"

"Hindi pa nga eh kaya nga nag bake ako ng paborito niyang carrot cake."

"Ahhh...ganon ba...."

"Pwede ko po bang kausapin si Snow? Baka sakali pong makinig sya."

"Oo please Kelly."

"Sige po gagawin ko po ang makakaya ko."

At nagtungo nga sila sa kwarto ni Snow "Knock...knock..."

"Ineng, may bisita ka andito sila Kelly at si Jacob may dala pa syang roses para sayo."

Pero wala pa rin nag bubukas ng pinto "Ahm...try ko po ah baka hindi po sya naniniwala na nandito kami ni Jacob eh."

"Oo sige please."

"Ineng...tita Kelly is here at si Jacob rin sorry hindi ka na namin na bisita dito busy kasi ako may exam kami eh halika na labas ka na maglalaro daw kayo ni Jacob may dala rin akong yema candy hindi ba na gustuhan mo yon?"

"Nakain ng yema si Snow ate?"

"Hindi ko alam ayaw nun ng mga candy eh."

"Mukhang nung binigyan sya ni Kelly nagustuhan niya na masarap naman kasi talaga ang yema paborito ko nga yun eh." Ang pa singit na sabi ni Patrick.

"Snow, come out let's play." Ang sambit naman ni Jacob.

"Pag hindi ka lumabas hindi na kami pupunta dito kasi iisipin namin ni Jacob na galit ka samin malulungkot kami."

Bigla namang nag bukas ang pintuan at nakita nila naiyak si Snow "Boohoo...hindi naman po ako galit sa inyo eh."

"Ineng! Baby..." Ang sambit naman ni Aina at niyakap niya ka agad ang anak at habang yakap niya ito "Baby sorry na hindi naman kami nag away ng daddy mo hindi niya lang kasi narinig yung sinabi ko kaya kala mo nagsisigawan kami."

"Talaga po? Hindi kayo mag ka away?"

"Oo baby hindi kahit itanong mo pa sa kanila di ba guys?"

"Yes Snow."

"Hmmm...wow..."

"Wow?"

"Roses? And it seems familiar."

"Ah---ahm...I just picked sa may tabi-tabi dun sa labas ng bahay niyo sorry."

Nagkatinginan naman sila Kelly na animo'y natutuwa sa mga bata bumulong naman si Patrick kay Kelly "Mukhang dumadamoves na si Jacob hindi kaya maunahan niya pa ko mag ka girlfriend?"

"HEH! manahimik ka nga diyan!"

Napatingin naman sila kay Kelly "Ha---ha...don't mind me may ulupong lang na epal kasi."

"Ahhh...Let's go kumain muna kayo nag carrot cake baby halika na para makain ka na rin."

"Opo..."hinawakan niya naman ang kamay ni Jacob at sinabing "Halika masarap mag bake si Mommy ng cake."

"Ah? O—oo sige yung roses mo pala."

"Just hold and we will put on the vase." At nauna na sila bumaba kila Kelly. "Okay."

"Oh, kaya sumunod na kayo sa baba."

"Oo ate tara Kelly?"

"Andito rin ako no!"

"Tsss..."

"Humph..." at sumunod na nga ring yun tatlo siniko naman ni Kelly si Patrick at bumulong "Umayos ka!"

"Tsss...sya naman ang nauna ah."

"Tumigil ka na."

"Humph...nag seselos kasi ako."

"Ano? Ang arte mo."

"Ayieee..."

"Baliw ka! Mahiya ka nga."

"Hindi naman niya naririnig ah."

"Ewan ko sayo lubayan mo nga ako."

"Ayieee...nag seselos nga ko wag ka kasing masydong lumapit sa kaniya yung smile mo sakin mo lang dapat yan pinapakita."

"Ano? Bahala ka nga dyan!" At nag madali syang bumaba at iniwanan si Patrick.

"Kelly!!!"

Pinigilan naman siya ni Ryan at sinabing "Kayo na ni Kelly?"

"Ha?"

"Kung hindi pa may the best man win dude."

"Ano?"

•Hmm...mukhang nag kakairingan na naman sila Patrick at Ryan ano na kayang susunod na mangyare? Next chapter na po kayo agad...abangan niyo po ang nalalapit na pagtatapos. Salamat po sa inyong lahat!♡

▪︎Please do read Ms.Ainawang novel entitled "Caring for Mr. Mutant" thankies guysh...labya'll godbless...muah!♡

lyniarcreators' thoughts