Sa Classroom,
Kausap nila Dave si Ryan na noon ay nasa labas ng classroom nila "Uwian narin kami dude biglaan naman at ang punta mo dito."
"Ahm...si Kelly talaga yung pinunta ko dine eh."
Nagkatinginan naman yung tatlo nila Dave, Vince at Harvey "Ba—bakit?"
"Si Snow kasi."
Bigla namang dumating sila Kelly at Patrick "Ryan?" Anila.
Lumapit naman ka agad si Ryan kay Kelly at hindi nito pinansin si Patrick "Kailangan mong sumama sakin."
"Ha? Bakit?"
Hinawakan ni Ryan ang kamay niya "Mamaya ko na lang ipapaliwanag sumama ka nalang muna sakin."
"Pe---pero..."
Hinawakan din naman ni Patrick ang isang kamay ni Kelly para pigilan si Ryan "Dude, saan mo sya dadalhin?"
"Wala kong panahon sayo dude si Kelly ang kailangan ko at hindi ikaw!"
Naghilahan na nga yung dalawa kay Kelly "Bitawan mo si Kelly hindi sya sasama sayo!!!"
"Huh! Ikaw ang bumitaw dahil naipaalam ko na sya sa kuya Kevin niya!"
"Ano?"
"Oo at kailangan na naming mag madali halika na Kelly."
"Okay tara sasama ako." Na una na si Patrick maglakad at animo'y si Ryan pa ang naiwan pero hawak pa rin ang kamay ni Kelly
"SANDALI NGA LANG!!! Bitawan nyo ko!!!" Ang sigaw ni Kelly.
"Pero..." Anila.
"Kapag hindi kayo bumitaw sasapakin mo talaga kayo.."
Pandalas namang bumitaw yung dalawa sa kaniya "At sinabing sorry."
"Una hindi ako goma para hilahin at pangalawa anong problema mo Ryan? Bakit kailangan kong sumama sayo? At pangatlo mga bwiset kayo!!!"
"Sorry Kelly si Snowie kasi nagtampo na naman."
"Ano? Naglayas na naman ba sya?"
"Hindi pero ayaw niyang lumabas ng kwarto niya at ayaw niyang kumain naisip nila ate na baka pag ikaw ang kumausap sa kaniya baka mag bago na ang mood nito."
"Bakit nag away na naman ba ang mga magulang niya?"
"Ahm...hindi naman pero kasi na misinterpret niya eh kaya ayun nag kulong sa kwarto at ayaw kumain miss ka na rin kasi nun lagi niyang bukang bibig bakit daw hindi sya dinadalaw ng tita Kelly niya."
"Ahhh...sorry naging busy lang may midterms kasi kaming ngayong week."
"Ahh...ganun ba okay lang kung hindi ka makakasama sige mauuna na ko." Papaalis na sana sya ng hinawakan ni Kelly ang braso nito at nakita yun ni Patrick at nung tatlo na kinagulat nila.
"Sige na sasasma na ko pero pwede ba nating daanan samin si Jacob?"
"Oo naman walang problema sure din akong miss na ni Snowie si Jacob."
"Okay sige tara na."
"Um..."
"Sasama ko." Ang sabi ni Patrick.
"Kami rin." ang sambit rin nung tatlo.
"Sasama rin kayo?"
"Yes master the more the merrier di ba? Yun ang sinabi mo kanina."
"Tsss...bahala kayo tara na Ryan may sasakyan ka bang dala?"
"Oo nasa parking lot.
"Okay let's go.."
"Um...."
Pandalas naman si Patrick ng kuha ng susi sa bulsa niya at ibinato kay Dave "Dude ikaw na ang mag drive ng kotse ko sasabay ako kila Kelly.."
"Ha? O—okay?"
Hinawakan naman na ni Patrick ang kamay ni Kelly "Halika na nag mamadali tayo di ba?"
"Ah?"
Hinila na ni Patrick si Kelly at nung malaon si Ryan pa ang naiwan nilapitan naman sya ni Dave at umakbay dito at sinabing "Dude, alam mo kahit ikaw pa yung reason kung bakit siya masaya kung sa huli mas masaya naman sya sa iba wala rin kaya accept the fact bro." Tinapik tapik niya pa ito.
"Tsss...anong pinagsasabi mo? Ewan!!" At iniwan niya si Dave at sumunod na ka agad dun sa dalawa.
"Pre, sino nga yon?" Ang tanong ni Harevey.
"Si Ryan sa tingin ko may gusto rin sya kay Master."
"Halata naman ang haba talaga ng buhok ng pinsan ko nayayapakan na natin tumabi kayo."
At nagkunwari nga yung tatlo na may iniiiwasan "Ang baliw natin no?" Ang sambit ni Dave.
"Ikaw matagal na kami ngayon lang." Ang tugon naman nung tatlo.
"Gago kayo!"
***
Nasa parking lot naman na yung tatlo at nag kakairingan pa kung saan uupo si Kelly "Tumigil na nga kayo sa likuran na ko dyan ka na sa unahan Patrick." At binuksan niya na yung pintuan ng kotse sa may likod at pumasok nagkatinginan naman ng masama yung dalawa at pumasok na rin sa kotse.
"Nasan na sila Dave?"
"Susunod na yung mga yon dapat nga dun nalang tayo sumakay sa kotse ko."
"Huh! Anong gusto mong palabasin mas maganda ang kotse mo kesa sakin?"
"Tinatanong mo ba ko or are you stating your opinion?"
"Ano?"
"SHUT UP YOU TWO!!!"
At tumigil naman sa pagsasalita yung dalawa "Lahat nalang talaga pinag-awayan nyo ano kayo bata?"
"Daig pa kayo nila Snowie at Jacob ah bilisan mo Ryan umalis na tayo."
"O—oo sige sorry."
"Ikaw Patrick tumigil ka na rin ha kapag kayo nag sagutan na naman masasampiga ko na talaga kayo."
"Noted boss." Anila at nagkatinginan ulit.
"Bilis na!!!"
"Oo eto na."
***
Dumako naman tayo doon sa tatlo ng tukmol nakasakay na rin sila sa kotse ni Patrick pero hindi malaan ang gagawin "Pre, marunong ka ba talagang mag drive?" Ang sabi ni Vince.
"Oo nga hindi ba motor lang ang kaya mong i-drive?"
"Anong akala nyo sakin abnoy?"
Nagkatinginan naman yung dalawa ni Vince na nasa unahan at si Harvey na nasa likuran na animo'y nag dududa sa kakayahan ni Dave "Ewan ko sa inyo may student driver license na ako mas na una pa nga ako magkaroon nun kay Patrick."
"Eh ang tanong na drive mo na ba itong kotse ni Patrick?" Anila.
"Yun lang hindi pa."
"ANO?"
"Pero kalma lang kayo nakapag drive na ko ng kotse kala nyo dyan."
"Tsss...pre hindi basta kotse ang sasakayan na ito sports car ito putek ka!!" Ang sabi ni Vince.
"Chill, akong bahala sa inyo..." at pinaharurot na nga niya yung kotse.
"DAVEEEEEE!!!!" Ang takot na takot na sigaw naman nung dalawa habang hawak na hawak sila sa handle.
Sa magkaparehong oras,
Sa bahay ng mga Tuazon,
"Yes, make it sure na yung babaeng yun lang ang masasaktan wag niyong sasaktan si Patrick naiitindihan niyo?"
"Grace? Sino ang kausap mo?" Ang bungad naman ni Vivian kay Honeygrace na noon ay nasa balcony.
"A—ate? Anong narinig mo?"
"Sabihin mo anong pinaplano mo?"
Pandalas naman si Honeygrace ng kuha ng kaniyang bag na animo'y may lakad "Si Curl lang yon sige na aalis na ko."
Pinigilan naman sya ng ate niya "Public lawyer ako kaya siguraduhin mo lang na wala kang gagawing mali dahil kahit kapatid kita hindi kita ipagtatanggol kung wala ka sa panig ng katotohanan tandaan mo yan Honeygrace."
Hindi naman sumagot si Honeygrace at umalis nalang "Sighh...tsk...yung batang yon talaga..."
•Ano na naman kayang binabalak ni Honeygrace eepal na naman ata. Mehehehe...Abangan po! ♡
▪︎Geysh...penge naman pong comment diyan oh bigyan niyo ko ng message.Mehehehe...mamimiss ko po kayong lahat sana patuloy parin kayong sumuporta sa "makulit na author" na ito sa aking mga isusulat pang mga nobela. Salamat po talaga ng marami at nakasama ko kayo sa journey ni Kelly. Kapit lang geysh gang dulo. ♡
Love lots
Ang makulit niyong Author,
lyniar☆