webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 178

Habang naglalakad yung dalawa papalayo kila Kelly kinakausap na ni Vince si Patrick "Sabihin mo anong meron sa inyo ng pinsan kong luka?"

"Ha? What do you mean? Were friends...at alam yun ng lahat ano bang sinasabi mo?"

"Tsss...tsong don't me!!!"

"Ano?"

"Gusto mong isumbong kita sa mga kuya ni Kelly? Sige mag maang-maangan ka diyan!"

"Sigh...okay fine!"

"So ano? May something na sa inyo noh?"

"Wala naman eh."

"Sus...sandali nga..." naakma na syang kukuhanin ang phone niya sa bulsa "Alam ko may load ako eh pwede kong tawagan sila Kuya Kian."

Pinigilan naman siya ni Patrick "Chill bro!!! Syado kang hot! Oo na!"

"Tsss...edi umamin ka sige anong something?"

"Pero wag kang maingay kay Kelly hana sinabi ko sayo yung secret namin."

"Of course, were bro's right?"

"Tsss...wala talagang nakaklagpas sayong buset ka!"

"Aba, oo naman kilalang kilala ko ata si Kellang! Kaya sige na magsasalita ka ba o ako magsasalita sa mga kuya ni Kelly?"

"Humph...napaka mo! Sigh...hindi naman kasi sa ano pero ano kasi."

"Ano nga?!!! Alam kong may bago sainyo ni Kelly eh kaya hindi ako papayag na hindi ko yan malalaman alam kong nagkaroon kayo ng misunderstanding nitong nakaraang araw eh tapos eto kayo ang saya parang "lovebirds" at bakit hindi masyadong naiwas sayo ang pinsan ko ha? Aber! Bilis salita!"

"Sigh...alam mo bro daig mo pa si Detective Conan eh? Pero oo may nangyare samin ni Kelly."

"ANO???" ang pasigaw na sagot ni Vince napatingin naman sa kaniya ang mga tao "Ay...sorry po..." hinila naman sya ni Patrick at sinabing "Ang ingay mo bro!!!"

"Sorry na nagulat kasi ako ano bang kasing nangyare? Don't tell me ano yung ano you know."

Bineltukan siya ni Patrick "Gung gong!!! Parang hindi mo pinsan si Kelly ha? Kung r18 yang nasa isip mo walang ganon! Pero kiss oo."

"Luh! Wala daw r18 pero may kiss teka kiss?? As in yung halik?"

"Oo nga pero wag lumipad yang isipan mo kung san-san dahil isang aksidente lang yun wla pa nga atang 5secs. yung kiss namin eh."

"Wait bro, so totoo yung kiss? As in kay Kelly? Sa pinsan kong ni hindi man lang marunong mag make up na mas barako pa sakin kung kumilos at higit sa lahat sa karate kid kong pinsan na si Kelly? Bro, baka naman nanaginip ka? Baka naman puno, o unan yung hinalikan mo?"

"Tungaw!!! Siya nga mismo tska hindi ako yung humalik sya!"

"ANO?" Napasigaw na naman si Vince "Tsk...ano ba bro!!!"

"So---sorry po...pasensya na may nakakawindang lang pong narinig pasensya na kain lang po kayo diyan wag niyo kaming pansinin." Ang paumanhin na sabi ni Vinces sa mga nakarinig sa kaniya at hiyang hiya ito.

"Sigh...bilisan mo na nga at umorder na tayo!"

"Oo na!"

At habang sinasabi nila ang mga order nila doon sa babaeng crew sa may counter patuloy paring nag uusap yung dalawa "Ahhh...so nadismaya ka ba dahil hindi totoong kiss yon?"

"Sira! Syempre hindi ko inaasahan yun kaya hindi ko rin talaga alam ang mararamdaman siya yung first kiss ko eh syempre kahit na aksidente lang ang lahat ite-treasure ko yung moment na yon."

"Bleurrgggg...nakakasuka pre."

"Buset ka!!!" iniabot naman niya yung bayad sa crew.

"Pre, bakit ikaw nag bayad sabi ko ako ah."

"Bayad na nga oh? Susuklian na nga ako ni ateng crew." Napangiti naman sa kanilang yung crew at iniabot kay Patrick yung sukli nya. "Thankyou po serve nalang po Sir eto po yung waiting number niyo."

"Sige po salamat."

At habang pabalik na yung dalawa sa kinauupuan nila patuloy parin silang nag uusap. "At least pre okay kana kay Kelly nakikita kong hindi na sya umiiwas sayo at mukhang may chance ka na."

"Yeah...pero yung chance na maging kami? Sigh...di ko pa rin alam lagi ko na nga syang tinutukso sakin eh para naman hindi siya mahiyang umamin sakin."

"Luh! May kakapalang taglay ka rin talaga eh no? Once na nag provoke ka lalong hindi aamin yun tungaw!"

"Ha? Bakit naman? Tsaka para maging close kami ni Kelly kaya kinakapalan ko talaga mukha ko pagdating sa kaniya."

"Bahala ka! Si Kellang kasi yung tipo ng babaeng kapag may gustong isang bagay hindi niya talaga sinasabi I mean sabihin na nating isa kang bagay para kay Kelly pero don't get me wrong pre binibigyan lang kita ng magandang halimbawa."

"Then? Diretsuhin mo na nga mag pinsan nga kayo puro kayo pa suspense buraot!"

"Ahahaha...nature na na namin yun pre hahaha... Pero si Kelly kasi eh may pagkamahiyain kaya kapag may gusto siyang isang bagay hindi niya pagsasabi ipaparamdam niya lang sayo kaya yung mga kuya niya at ako syempre hindi kami manhid pagdating sakaniya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kumbaga pag si Kelly ang kausap mo maging alerto ka kasi nga baka mamaya andon na yung hint hindi mo pa alam."

"Ano? Hindi ko kamo maintindihan."

"Slow amputek! Si Kelly nga kasi ay hindi masalitang tao pagdating sa gusto niya pinaparamdam niya lang gaya ng pag gusto niya ng damit hindi niya mismo sasabihin ng rekta ganito pa nga sya eh sasabihin niya lang. "Ang ganda nung damit." Tapos pagmamasdan niya lang yun ng 30secs tapos iiwan na niya pero hindi niya ipabibili sayo kasi nga mahiyain siyang babae."

"Ohhh...so you mean pag tinitigan ako ni Kelly she fell for me na?"

Bineltukan siya ni Vince "Ikaw ireng gung gong eh!"

"Eh ano ba? Nahahawa na ata ako sa paging slow ni Dave."

"Who's calling my beautiful name?"

Hindi napansin nung dalawa na nakarating na pala sila sa pwesto nila kaya nag katinginan ang mga ito "Oh, anyare? Bakit wala kayong dala?" sabi ni Kelly.

"Excited naman ire se-serve nalang daw dine mag intay ka nga gutom na gutom Pis?"

"Tuleg ka!"

Sumenyas naman si Vince kay Patrick na para bang "mamaya na tayo mag usap" at sumang-ayon naman si Patrick sa kaniya "Dude, ang sarap ng foodey nila dito bukas ulit ha?"

"HEH! Ikaw na uubos ng allowance kong bwiset ka!"

"Pero gusto rin ni master dito di ba?"

"Um...sasabihin ko kila kuya na kumain kami dine sa weekend para naman hindi puro lutong bahay nalang kinakain namin Hahahaha."

Naupo naman na si Patrick sa tabi niya "Talaga gusto mo dito?"

"Oo nga! Binge ka?"

"Hindi naman ang akin lang kasi kung gusto mo pala dito I will give it to you."

"Ano?"

"Wait pre, don't tell me bibilhin mo ang whole place na ito para kay Kelly?" Ang sabi ni Harvey.

"Da hek! Totoo ba yun?"

"Ah...eh...kasi sabi mo gusto mo dito."

Napailing si Kelly at sinabing "Baliw ka na! Bakit mo naman bibilihin ang lugar na ito? Dahil lang sa gusto ko? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?"

"Oo."

"Ayiee...ang swet (sweet)" Ang panunuksong sambit nung tatlo umusod namang papalayo si Kelly.

"Tigilan niyo yan baka samain kayo sakin mga bwiset!"

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin si dude, master ayaw mo nun bibilhan ka niya ng resto mapa sagot ka lang."

"Say yes na..." sabi naman ni Harvey.

"Luh...Kelly...ayieee...wag mo kong kakalimutan." Ang panunuksong sabi naman ni Vince ngiting-ngiti lang naman si Patrick pero nag iba naman bigla ang mood ni Kelly at napatingin ng masama sa tatlo. "Happy?" ang kaniyang sambit na naka poker face lang.

Kinabahan naman bigla yung tatlo at si Patrick "Ah...eh..."

Tumayo na si Kelly at kinuha ang bag niya "Huy, nag bibiro lang naman kami." Ang sabi ni Vince.

"Biro? Kung biro yun hindi ako natatawa. Paalam!" then she walk out.

"Kelly!!!" Ang pahabol na sabi ni Patrick "Tsk..kayo kasi!!!" at hinabol naman niya si Kelly na noon ay nagtatakbo na papalabas ng restaurant.

"Hala! Nagalit ata si master."

Binato naman ni Vince si Dave ng chopstick "Ikaw kasi!"

"Aba! Bakit ako! si Harvey kaya sabi eh say yes na daw."

"Tungaw ka! Ikaw kaya itong nag provoke kay Kelly sumunod lang kami ni Vince."

"Eh...kasi sinuportahan ko lang naman si Patrick."

"Tsk...si Kelly kasi ayaw niya ng ganun lumaki kasi sya na disiplinado yung tipong hindi siya ma-material na bagay."

"Hindi naman material itong resto ah lugar ito eh."

"Sigh...Pre Harvey, pigilan mo ko masasapak ko talaga yan!"

"Oh...kalma lang."

"Babanatan kita'y! Ang ibigsabihin ko naman kasi si Kelly simpleng tao lang sya hindi siya maluhong babae kung ano lang ang meron okay na sya hindi siya ganid gaya mo!"

"Luh! Grabe ka di naman ako ganun medyo lang."

"Ohhh...kaya nagalit siya satin o kay Patrick?"

"Sating lahat!"

Napabuntong hininga nalang yung tatlo "Sandale, bayad na ba itong kinain natin?" Ang sabi ni Harvey nagkatinginana naman silang tatlo at sinabing "HINDI PA!!!!"

"Pusang gala!!! Ang mamahal pa naman ng mga ito."

"Teka, pre Vince hindi ba umorder kayo ni Patrick kanina ng bingsu? Hindi pa ba kayo ng bayad ng bill?"

"Ah...eh...yung bingsu lang yung alam kong binayadan niya."

"Anak nang!!!"

•Saan kaya mapupunta ang habulang Kelly at Patrick?? Saan sa tingin niyo? Ayiee...Abangan!

▪︎Eh, yung tatlong tukmol kaya? Mapagliligpit ba sila ng mga pinggan dahil walang pambayad? Moral lesson "siguraduhing bayad muna ang kakainin bago kumain" Haha...xD

▪︎Follow me on Instagram: lyniarsnowball

and Discord: lyniar#9215 see yah there mga kabababayan's salamat po sa lagi pag suporta. labya'll, godbless...muah! ♡

Love lots,

Ang makulit nyong Author,

lyniar☆

lyniarcreators' thoughts