webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 159

Samantala habang naglalakad naman papasok yung magkakapatid sa simbahan biglang nakaramdam ng lamig sa likod niya si Kelly at nabahin siya "Achooo..."

"Ayos ka lang ba?? Bakit kasi ganyan ang suot mo?! Sisipunin ka pa tuloy sino bang bumili ng bistida mong yan at masyado namang revealing ang balikat mo!!!" Ang sabi ni Kian na animo'y iritang irita na.

"Si Mommy bumili niyan para kay tita Kelly! Bakit gusto nyo sabihin ko na ayaw niyo?"

"Ha? Ah...eh...ang akin lang naman baby kasi ano..."

"Tsss..." Ang reaksyon ni Kelly ata natawa nalang ang mga ito kay Kian.

"Heh! Tumigil kayo diyan! Hala sige pasok na sa loob ng simbahan."

Habang papasok ng simbahan hinila ni Jacob ang kamay ni Kelly at bumulong "Tita, anong balak niyo?"

"Ha? Saan?"

"Yung secret po natin."

"Ahhh...na tsempo pa ako baby eh baka mamaya siguro pag kumain tayo ng dinner mag treat ata si kuya Kim ng dinner eh."

"Ohh...okay po aasahan ko po kayo don't break your promise to me sabi nyo aaminin niyo na."

"Um...wag kang mag alala baby."

"Kayong dalawa diyan ano pang inaantay niyo? Pasko? Bilis maupo na kayo dine." Ang sabi ni Kim.

"Oo andiyan na kuya.."

Napansin ng mga tao sila Kelly "Laging nagsisimba yang magkakapatid na yan dito." Ang sabi nung isang matandang babae.

"Oo nga eh nakakatuwa silang magkakapatid hindi ba at mga taga Mingreensborough Subdivision ang magkakapatid na yan?"

"Oo mayaman siguro ang mga yan mahal ang bahay doon eh."

"Mukha naman tignan mo ang kanilang mga kasuotan ang e-elegante nilang tignan pero yung isang babae sya ba yung laging naka talukbong?"

"Ahhh...oo yung laging may suot na hood?"

"Oo sya nga ang gandang bata pala niya siguro mahiyain siya ano?"

"Malamang pero kakaiba ata sya ngayon at ang ganda niya sa darating ng flores de mayo pala kunin natin ang mag kakapatid na iyan kay gagandang lahi."

"Ay oo nga ano? Hayaan niyo at sasabihan ko sila pagkatapos ng misa."

Nakaupo naman na ang magkakapatid kasama sila Jacob at Faith "Mukhang kayo pinaguusapan ng mga tao dine babe."

"Nako, ganyan naman yang mga yan hindi kasi nakakakita ng artista."

"Luh! Feeling mo naman artista ka?"

"I mean mga taong simbahan nga mga tsismosa naman karamihan sa mga yan tamo at hindi pa nagsisimula ang misa eh para na silang may kani-kaniyang misa."

Napatingin nga si Faith at napansin niyang parang wala sa simbahan yung iba may nag susuklay, may nag lalaro sa telepono at nakuha pang mag selfie pero yung iba naman ay tahimik at nag darasal habang hindi pa nagsisimula ang misa. "Babe, ano at natulala ka na di'yan?"

"Ahhh...hindi naman napansin ko lang na parang may familiar na mukha akong nakita sa bandang likuran." At nakita niya doon sila Patrick na nag simba rin pero nagtago pagkalingon ni Keith.

At sa kinauupuan naman nung apat nakayuko sila Patrick at Dave "Hoy! Ano bang ginagawa niyo diyan? May pinagtataguan ba kayo?" Ang sabi ni Gia.

"Wa---wala ano dude nakatingin pa ba?" Ang sabi ni Patrick kay Dave na nasilip.

"Okay clear na dude." At naupo na ng ayos yung dalawa.

"Bakit ba kasi naisipan niyong mag simbang tatla biglaan naman ata? Yung inorder ko paano yun?"

"Mamaya na yon pwede naman nating balikan di ba mga dude?" Ang sabi ni Ryan na animo'y may hinahanap.

"Sino bang hinahanap mo naman diyan?"

"Yung angel."

"Angel?"

"Oo hindi niyo ba nakita kanina?"

Nagkatinginan sila Patrick at Dave "Dude, yung angel ba na nakita mo eh maputing babae na medyo may kahabaan ang buhok at naka clip na ang cute tapos naka bistida?" Ang sabi ni Dave.

"Um...yun nga nakita niyo din ba? Tao ba yun o angel?"

Nagkatinginan muli yung dalawa "Ahem...dude, eto ba yung sinsabi mo?" Ang sabi ni Patrick at pinakita ang picture ni Kelly.

"Ha? Oo sya nga!!! Bakit may picture ka ng angel na yan? So, tao pala sya at hindi ko lang imagination?"

Kinuha naman ni Gia ang cp ni Patrick at tinignan ang picture ni Kelly "Hmmm...maganda sya pero syempre mas maganda parin ako."

"Wow ha? Si Master kaya ang pinaka photogenic sa DLRU kaya wala kang panama diyan dude...ay este sis..."

"Tsss...whatever,"

"Wait, Master?" Ang nagtatakang sabi ni Ryan at siniko naman ni Patrick si Dave.

"Ah...eh...a---ano kasi..."

"Ako na! Siya si Kelly Ann Marie Dela Cruz o Kelly minsan Ms. Hoodie ang babaeng nililigawan ko!"

"Ni---nililigawan mo???" Ang sabi ni Ryan na gulat na gulat.

"Yeah...sya yung sinsabi namin sayo kanina dude."

Nag iba naman bigla ang mood ni Ryan "Ohhh..."

"Dude, usapang lalaki sa lalaki ang akin ay akin ang sayo ay sayo." Ang seryosong sabi ni Patrick.

"Oo alam ko....sige labas lang ako."

"Saan ka pupunta?" Ang sabi ni Gia.

"Yosy break lang sama ka?"

"Ah...hinde di na ko ma bisyo ngayon."

"Oh...okay sige maiwan ko na muna kayo."

"Dude, bumalik ka!" Ang sabi naman ni Dave.

"Yeah..."

At lumabas nga muna si Ryan "Ayos lang kaya siya?"

"Hayaan mo ganyan naman yan kapag naiwas right Patrick?"

"Ewan..."

Makalipas ang isang oras,

Natapos na ang misa at nagsi labas na rin ang mga naki pag simba at hinarang naman sila Kelly ng mga hermana sa simbahan at kinausap samantala lumabas na rin naman sila Patrick "Oh? San na tayo?" Ang sabi ni Dave.

"Yung inorder ko!!" Ang sabi ni Gia.

"Ay...oo nga pala tara balik sa cafe mga dude."

"Ohh...I need to go yung classmate ko kasi nag papasama sakin kaya uuna nako sa inyo." Ang sabi ni Ryan na wala parin sa mood.

"Ha? Pero kala ko ba sasamahan niyo ko ngayong araw kababalik ko lang ng Pinas eh."

"Sa ibang araw nalang ulit hindi ka pa naman aalis ng Pinas di ba?" Ang tugon ni Ryan na pasakay na ng motor niya at nag susuot na ng helmet.

"Oo pero..."

Hinawakan siya ni Dave sa balikat na para bang sinasabing hayaan mo na muna habang wala namang kibo si Patrick "Sige mauna na ko sa inyo mga dude." Ang sabi ni Ryan at humarurot na ng alis.

"Sigh....hindi pa rin din talaga sya nag babago madalas pa rin ba kayong mag away Patrick?"

"Sis, actually ngayon lang uli namin nakita si Ryan hindi naman kasi namin siya kaklase."

"Ay...oo nga pala...aba at nasasanay ka ng tawagin akong sis."

"Tsss...feeling mo naman babae ka na talaga sige nga patawag ka ng ganyan kay Patrick."

"Heh! Tantanan nyo ko."

Bigla namang naging clingy si Gia sa kaniya "Hey!! Bitawan mo ng ako baka kung sino makakita satin dito!!"

"Sino naman yung nililigawan mo? Nasan ba sya pakilala mo naman ako."

"Bitaw!!!"

At nakita naman ni Dave sila Kelly na nasa likuran na nung dalawa "Ah...eh...dude, Patrick..."

"Ano na naman?"

"Ah...eh...tumingin ka sa likuran mo."

At paglingon ni Patrick "Ahem..." Ang reaskyon ng mga kuya ni Kelly pati na rin si Jacob at Faith.

"Ah---ahm...le---let me explain?" Ang pa utal-utal na sabi ni Patrick at tinanggal naman ka agad niya ang kamay sa kaniya ni Gia na kung makapulupot eh daig pa ang sawa.

"Tsss...mga kuy's parang gusto ko ulit mag simba at humingi ng basbas kay Father parang nangangati kasi ang mga palad ko parang gustong manampal." Ang sabi ni Kelly.

"No need bunso hindi mo kailangang bahidan ng malisya ang kamay mo ang mga kuya mo na ang gagawa noon para sayo. Right mga tol?" Ang sabi ni Keith at ang sama ng tingin ng mga ito kay Patrick.

"Yeah..."

"Ah...eh...a—ano po kasi siya...po kasi si ano..."

"I'm Gia nice to meet you all ako nga pala ang bff ni Patrick at sobrang lapit talaga namin sa isa't isa."

Sumensenyas si Patrick sa kaniya na para bang nag sasabing "Anong ginagawa mong lintek ka???"

At nakipag kamay pa si Gia kay Kelly "Hi, you must be Kelly right?"

"Yeah...I'm Kelly Ann Maria Dela Cruz!!! Single and not ready to MINGLE!!!!" Ang sabi ni Kelly habang nakataas pa ang kilay habang nakatingin kay Patrick.

Napalunok nalang si Patrick at hindi malaan ang kaniyang gagawin napatingin naman si Kelly sa kalangitan kaya napatingin rin ang mga ito "Mukhang, nag didilim ang paningin ko I mean ang kapaligiran mabuti pang umalis na tayo dito mga kuy's."

Ang sama parin naman ng tingin ng mga kuya niya kay Patrick "Mabuti pa nga!" Anila.

"Let's go!!" Ani Kelly at na unang umalis hahabulin sana siya ni Patrick pero "Subukan mo lang umalis sa kinatatayuan mo makikita mo ang sakit ng katawang hinahanap mo." Ang pagalit na sabi ni Faith.

Nagulat naman ang mga kuya ni Kelly sa sinabing iyon ni Faith "Babe, let's go."

"Yeah..."

At tuluyan na ngang umalis ang mga ito na ang sama ng tingin kay Patrick ng biglang may yumapak sa paa niya "Aray!!!"

"Manloloko!!!! Ang sabi ni Jacob at tumakbong papalayo.

"Hey!!! Siopao!!! Let me explain!!!"

"Ang popogi!!!" Ang kinikilig na sabi ni Gia.

"Sigh...I knew it!!! Hoy! Kung hindi mo pa alam sundalo at mga pulis ang angkan ng mga yan sa Batangas right dude?"

Ang tahimik bigla ni Patrick at paglingon niya nanlilisik ang mga mata niya na animo'y galit na galit talaga "MARK GIOLORIO LOPEZ!!!!" Ang pasigaw niyang sabi na para bang anytime ay mag eeplode siya.

Nag tago naman ka agad si Gia sa likod ni Dave "A---ahm...dude chi---chill down."

"Ho—hoy!! Umalis ka nga diyan mamaya pati ako madamay!!"

"Tulungan mo ko!!"

"Bahala ka!!! I got to go!!" At kumaripas na ng takbo si Dave.

"Da---DAVE!!!!" Ang pahabol na sabi ni Gia at kinakahaban siya kay Patrick kaya tatakbo na din sana siya pero napagilan ka agad siya nito "Saan ka sa tingin mo pupunta?"

"Ah...eh...dude ka sisimba lang natin kumalma ka."

"Oo kakalma ko kapag tinanggal ko na yang ilong mong mala witch sa haba!!!"

"Du—de!! Wag naman mahal yan!!"

"WALA AKONG PAKE!!!" Ang galit na galit na sabi ni Patrick at nakawala naman sa pagkakahawak niya si Gia kaya hinabol niya ito "Dude!!! Kumalma ka!!!" Ang pagmamakaawang sabi ni Gia.