webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 151

Sa Mall,

Nakarating na yung mag tita sa mall at nag gala-gala na rin sila "Kring...kring..." Tunog ng bell sa may icecream stall at napahinto naman si Jacob.

"Oh? Bakit? Mag ccr ka?"

"Hindi po."

"Eh bakit ka huminto?" Napatingin si Kelly sa pamangkin at nakita niyang nakatingin ito doon sa icecream stall.

"Ohhh...You want icecream?"

"Um...pero sabi ni daddy wag daw po ako kakain ng icecream kasi kahapon lang daw po ako kumain ng icecream di ba po may uwi kayo sakin."

"Ahhh...eh maliit lang naman yun tsaka isa lang naman ang kakain natin ngayon baby. Mukhang masarap yung mga flavours nila oh."

"Opo nga eh tara po? Pero paano pag magalit si daddy?"

"Hindi yan akong bahala bili nalang tayo ng lozenges para sa throat natin para hindi tayo ubohin. Hehe..."

"Ahhh...yung candy po na maanghang? Pwede na po ba yun sakin?"

"Hmmm...tanong nalang natin sa pharmacist mamaya pero ngayon tara na baby bili na tayo."

"Opo..." Ang tuwang tuwang sabi ni Jacob.

At bumili nga ang mag tita ng icecream at naupo sa may bakanteng table and chair sa may stall "There you go baby kain na.."

"Thankyou po tita Kelly."

"Always welcome baby boy."

"Wow...mukhang masarap po ang bumblegum flavor ang bango po."

"Oo nga eh dapat ata ganyan din ang binili ko pero sakin kasi cotton candy mukha kasing masarap."

"Ahhh...pwede din po akong pahingi tapos bibigyan ko din kayo."

"Hehe...oo naman kaya nga hindi sa may cone yung binili ko para may spoon tayo."

"Hehe...opo para pwede i-share."

"Yeah...yun talaga ang plano ko baby. Ahahahaha..."

"Wise tita wise..."

"Of course kaya sakin ka mana eh.Ahahahaha..."

"He—he..."

Habang nakain ng icecream ang hindi alam ni Kelly andoon rin sa mall si Patrick kasama si manong Berto "Manong, ano nga po yung pinabibili ni Mommy?"

"Crabs raw po at tahong."

"Ohhh...okay tara na po sa super market."

"Ahm...pwede naman pong ako nalang ang bumili Sir mag libo't libot nalang po kayo dito."

"Manong, bakit naman nag po at Sir na naman kayo?"

"Ahhh...sorry nalimutan ko ang daddy mo kasi ang lagi kong kasama."

"But anyways, ayos lang po na sumama ako nakakabagot naman kasi sa bahay."

"Pero hindi po ba at darating rin si Ms. Kelly bakit sumama pa kayo sakin dito?"

"Ha? Sino ang darating?"

"Si Ms. Kelly po hindi niyo alam?"

"Hi---hindi po sinong may sabi saan niyo yan nabalitaan?"

"Yun ang sabi sakin ni Tina kaya nga po magluluto ng specialty niya ang mommy niyo."

"Ahhhh...kaya naman pala gusto nyang magluto ng paella."

"Yes Sir hindi po ba nabanggit sainyo ni Madam?"

"Hindi ho eh baka surprise dapat yun pero nasabi niyo. Hehe..."

"Nako, sorry po."

"Hahaha...ayos lang yun manong sure naman akong hindi para sakin yun para lang kila mommy at daddy talaga."

"Mukhang giliw na giliw nga po sila kay Ms. Kelly eh ano?"

"Aha...kamukha niya kasi si Paula eh."

"Oo nga akala ko ako lang nakakapansin pero ikaw Sir nakikita niyo ba si Ms. Kelly?"

"Nakikita?"

"Oo Sir ayun sya oh...nakain ng icecream at may kasamang bata?"

Napatingin naman si Patrick agad sa tinuro ni manong Berto "What the F?! Bakit sila nandito?"

"Baka po nag gagala muna alam ko mamaya pa po pupunta si Ms. Kelly sa inyo eh."

"Ohhh...I see..."

"Sige na Sir puntahan mo na sila ako ng bibili ng pabili ng mommy niyo."

"Talaga po?"

"Um...enjoy..."

"Tsss...Manong talaga issue."

"Sus...ang Sir Patrick namin nag bibinata na."

"Manong!!!"

"Ahahahaha....sige na po maiwan ko na kayo puntahan niyo na sila Ms. Kelly."

"Sige po salamat kita nalang po tayo sa parking lot mamaya."

"Noted po Sir."

At naghiwalay na nga ng direksyon yung dalawa at nag tungo ng ka agad si Patrick kung nasaan sila Kelly at Jacob at ginulat niya ang mag ito "Hi!!!" Aniya.

"Eh? Patrick?"

"Hi baby..."

Wala sa mood bigla si Jacob at hindi niya pinansin si Patrick "Ba---bakit ka nandito?"

"Ha? Bakit bawal na ba akong pumunta sa Mall namin?"

"Tsss...edi wow...pero bakit ka nga andito??? Paano mo kami nakita dito?"

"Tita gusto ko na pong maglaro."

"Ha? O---oo sige baby pupunta na tayo doon."

"Pwede ba akong sumama?"

"No!!! Ang sabi ni Jacob "Ha?" ang reaksyon naman ni Kelly.

"Tita Kelly!!! Sabi mo tayo lang maglalaro ayoko pong may kasama tayong iba."

"Pero baby, ano kasi eh sila ang mayari ng mall na ito kaya wala tayong choice."

"Ma---may ari? As in the owner po ng mall na ito?"

"Oo baby eh..."

"What the....."

"Baby!!!"

"So---sorry po nagulat lang po ako."

Lumapit si Patrick kay Jacob at lumuhod para makausap niya ng ayos yung bata "Hindi naman ako ang may ari yung mga magulang ko pero alam mo ba may access ako sa lahat ng shop dito lalo na sa kiddie play gusto mo bang ikaw lang ang maglaro dun?"

"Po? Pwede po ba yun?"

Nagulat naman si Kelly dahil ngayon niya lang nakita si Jacob na kinausap ng may pag galang si Patrick "Oo pwede yun basta gusto ko friends na tayo."

"Ah....eh..."

"No fees na din baby malakas ka sakin eh."

"Po? Pero nakakahiya po sabi ni tita Kelly at nila daddy dapat meron po akong panindigan at nakakahiya po sainyo dahil hindi naman po tayo close kaya bakit niyo po ako ililibre?"

"Pfft...hahaha...paninidigan?" Napatingin naman siya kay Kelly at natawa "Haha...ang bata mo pa alam mo na yon? Ibigsabihin ba nun ma pride ka ng bata?"

"Ahm...sabi po kasi ni tita Kelly wag maging pokmaru eh."

"Pffft....marupok?"

"Baby!!!"

"Sorry po tita."

"Sigh...tara na nga lang wag ka na ngang makipag usap diyan."

Kinuha na ni Kelly ang kamay ni Jacob "Sandali, sasama ako." Tumayo naman na si Patrick at hinawakan naman ang kabilang kamay ni Jacob.

"Ang cute naman nung couple ang cute din ng anak nila."

"Oo nga eh pero parang ang bata pa nila para mag asawa."

Ang sabi ng mga nakakita sa kanila kaya nagkatinginan sila Kelly at Patrick "Tsk...bitawan mo nga si Jacob!!!"

"Ha? Bakit naman?" Ang tugon ni Patrick na pangiti ngiti.

"Hoy!!! Anong nginingiti ngiti mo diyan?! Nakakaloko ah!!! Baby bitawan mo nga ang kamay ng lukong yan."

"Po?"

Naupo si Patrick at kinausap si Jacob "Baby you want me to piggyback you?"

"Pi---piggy? Boohoo..." Binitawan niya ang kamay ni Patrick at niyakap si Kelly "Ha? No, baby not literally the pig I just want to carry you."

Natawa naman si Kelly "Pfft...baliw kasi may pa english pa kasing nalalaman oo matalino ang pamangkin ko pero hindi naman porket ganun eh alam niya na ang lahat ng words. Silly!!!"

"Ha? Pe---pero baby gusto lang naman talaga kitang pasanin sa likod ko para hindi ka na mapagod."

"Talaga po?"

"Oo yun ang ibigsabihin ko sa piggyback not piggy sorry...pero hindi ka naman piggy eh."

"Tita Kelly!!!!"

"Ha? No...baby your cute..."

"Sigh...alam mo wala kang kwentang kausap palibhasa "ritskid" hindi marunong maki salamuha sa mga bata."

"What? No! I like kids nga especially si Jacob."

"Really po?"

"Sigh...fine baby you want tito Patrick to carry you?"

"Ahm...pero tita ang bigat ko po eh."

"Hayaan mo siya nag papakitang gilas eh hayaan mo siyang ma-kuba."

"Tita naman eh..."

"Ahahaha...sorry naman hindi ka naman ka bigatan your cute nga eh di ba Patrick?" Sumenyas siya kay Patrick na wari'y sinasabing umayon sa kaniya.

"Ah? O---oo kaya kita baby wag kang mag alala bata pa si tito Patrick kaya hindi ako mabibigatan sayo. But don't get me wrong about sa mabigat ha? Sa tingin ko mas mabigat naman sayo si tita Kelly mo."

"ANO? Sinong mabigat??? Huh! I'm slim noh!"

"Tsss...kaya pala!"

"Ano? Anong kaya pala ang pinagsasabi mo diyan? Gusto mong masapak?"

"Sige nasa harap ka ng bata oh."

"Tssk...Asar!"

"Hmm...totoo po ba yun tita he carry you na po?"

"Ha? Ah...eh...a----ano kasi..."

"Yes, baby pero isa lang naman yung aksidente kaya wag mong sasabihin kila daddy mo ha? Baka kasi magalit sila sakin lalo na sa tita Kelly mo. Gusto mo ba yun? Mag aaway sila magkakapatid dahil lang sa isang carry."

Napangiti naman si Kelly habang nakatingin sa dalawa "No! Ayoko pong pinagagalitan si tita Kelly nila Daddy kasi lagi po siyang kawawa eh."

"Sigh...baby tama na yan...binebenta mo na ako nakakahiya!"

"Pe---pero po kasi..."

"Okay, halika na? I'll piggyback na you?"

"Sige po."

"Oy, ingat ha? Wag mo ng pasanin si Jacob kung hindi mo naman kaya."

"Sus...wala ka masyadong tiwala sakin."

"Bahala ka! Pag lang talaga yan nahulog humanda ka sakin lalo na sa daddy niyan."

"Tsk...oo na....baby ready ka na?"

Naka kapit na si Jacob kay Patrick "Okay, here we go kumapit ka ng mabuti baby tatayo na tayo."

"Opo."

At dahan dahan ngang tumayo si Patrick "Oh God!!"

"Ano? Kaya mo ba?"

"Ha? O---oo naman pero ano bang pinapakain niyo sa batang ito? Isang sakong bigas?"

"Baliw!!! Pero malakas kasi talaga yan sa kanin."

"Ganun po ba talaga ako kabigat? Parang may narinig po akong lumagutok sa likod mo po tito Patrick."

Medyo nabibigatan si Patrick kay Jacob pero hindi niya pinapahalata "Ha? A---ano wala yun wag mo na lang pansinin. Haha..."

Sa isip-isip ni Kelly "Huh! Tignan natin kung makatagal ka sa kabigatan ng batang yan. Tsss...pakitang gilas pa kasi hindi naman na niya kailangang gawin....Sigh...paano ba naman ako hindi ma-fafall sa kaniya kung lagi siyang ganyan? Haysss...Kelly!!! Mag pigil ka!!!"

"Tita Kelly? Ayos ka lang po ba?"

"Ha? O—oo tara na?"

"Oo kanina ka pa namin tintawag eh...halika na nga." Hinawakan niya ang kamay ni Kelly "Ho---hoy!!!"

"Ayokong mawala ka."

Namula naman ang mukha ni Kelly "A---ano?"

"Maraming tao sa mall kung ganyan ka lagi nakatulala baka mawala ka di ba baby boy?"

"Opo."

"See, kahit si baby ayaw ka niyang mawala sakin..."

"Ano po yun tito?"

"Ahem...I mean mawala siya sa mall tara na nga."

Napangiti lang si Kelly at hindi binitawan ang kamay ni Patrick at para ba silang happy family.

Hiyiee...Kabayan's (^_^)

▪︎Ayiee..hahaha...kinilig ba kayo geysh? Ako rin po...enebi...sana all may ayaw mawala ako.Charot...ahahahaha...anyways, comment down below kung gusto nyo ang KelJaRick moment. Ahihihi...parang ayoko na muna tuloy tapusin ang kwento nag eenjoy ako bigla sa moment nila kayo rin ba? Vote kung oo geysh at comment na rin para alam ko ang mga opinion niyo. Ahihihi...thankies mga kabayan’s...love you all....muah...Godbless.♡

.

.

Love lots,

lyniar ☆

lyniarcreators' thoughts