webnovel

Tiwala na Mapapagaling Siya

Editor: LiberReverieGroup

Gayunpaman, isa siyang positibong klase ng tao, kaya naman maganda pa ang lagay nito.

Napabuntung-hininga si Madam Presidente. "Siyempre, gagawin ko iyon, pero para sa kanya, ang bansa ay mas importante kaysa sa kanyang sarili."

Napabuntung-hininga din si Elder Lin. "Hindi na talaga siya dapat na nagtatrabaho. Ang trabaho ay walang katapusan, at sa sandaling ito, ang katawan niya ang pinaka importante. Madam, dapat ay patuloy mo siyang payuhan, na magpahinga siya at huwag nang pagurin pa ang kanyang sarili."

Sa ibang dahilan, sa pandinig ni Lu Qi, may ibang pakahulugan ang mga salita ni Elder Lin: Presidente, may sakit ka na, kaya huwag ka nang magmatigas na hawakan pa ang posisyon, ibigay mo na ang pagkakataon na iyan sa iba!

Gayunpaman, mukhang hindi ito nakuha ng pandinig ni Madam Presidente, tumango lamang ito. "Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapagpahinga siya. Elder Lin, marahil ay pagod ka na din; umuwi ka na muna at magpahinga sa ngayon."

"Ayos lamang ako, ang pinaka importante ay ang presidente. Nag-aalala na kao ng husto sa kanya, nag-aalala na baka may aksidenteng mangyari sa kanya. Kaya naman nagagalak ako na sa wakas at nandito si Doctor Lu para maibsan ang kanyang mga dinaramdam." Matapos nito ay nasisiyahang bumaling si Elder Lin para tingnan si Lu Qi. Hindi nagtagal ay nagtanong ito, "Narinig ko na ikaw ang nagligtas kay Xi Mubai. Ang lahat ng mamamayan ng bansa ay pinag-uusapan ka; ang sabi nila ay isa kang mapaghimalang manggagawa."

Mapagkumbabang ngumiti si Lu Qi. "Hindi ako kasing husay tulad ng pinalalabas nila. Ang totoo niyan, inabot ako ng ilang mahahabang buwan para iligtas si Mubai."

Lalong lumaki ang ngiti ni Elder Lin. "Kahit na ano ang mangyari, hindi kalaunan ay nailigtas mo siya. Sa kasamaang palad, ang aming Lin family ay hindi ganoon kasuwerte."

At sa puntong iyon, naging malungkot ang dati ay nakangiting mukha ni Elder Lin. Alam nila na nalulungkot ito sa pagpanaw ni Lin Yun. Agad na namatay si Lin Yun sa pagsabog na iyon.

"Elder Lin, nakikiramay kami, pero huwag ka nang masyadong magpaapekto pa doon. Kailangan mong matutunan na alagaan ang iyong sarili," agad na pag-alo ni Madam Presidente sa kanya. Tumango si Elder Lin at ipinagpatuloy pa ang usapan ng ilang sandali bago umalis. Ang misyon niya ay natapos na niya, ang tanging dahilan kung bakit siya naroroon ay para makita kung may tiwala si Lu Qi na mapagaling ang presidente o hindi. Mukhang wala itong kumpiyansa.

Ang pagsimangot ni Elder Lin ay napalitan ng ngiti. Naniniwala siya na ang pwesto ng pagiging presidente ay hindi magtatagal at mapupunta na sa Lin family!

Ang hindi niya alam, matapos niyang umalis, seryosong sinabi ni Lu Qi kay Madam Presidente na, "Madam, hindi ko sinabi sa iyo ito kanina pero sa sitwasyon ng presidente, ay mayroon akong kumpiyansa na mapagaling siya."

Nasisiyahang nasorpresa ito. "Ano ang sinabi mo? Magagawa mo ba talaga siyang mapagaling?"

"Hindi ako sigurado ng isang daang porsiyento kaya hindi ako nangahas na sabihin ito kanina. Kaya naman, hinihiling ko kay madam na itago din ito bilang sikreto, hanggang sa mas sigurado na ako sa lahat."

"Naiintindihan ko." Nasisiyahang tumango si Madam Presidente. "Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kahit kanino, at kahit na ano pa ang resulta, pasasalamatan pa din kita sa tulong mo."

"Salamat, Madam, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya." Tumango si Lu Qi at tinatagan ang kanyang determinasyon na iligtas ang presidente. Ang presidente at ang maybahay nito ay mabubuting tao at nakagawa na ng maraming nakakabuti para sa Hwa Xia. Kaya naman, gagawin niya ang kanyang makakaya.

Natural lamang na hihilingin niya ang tulong ni Xinghe. Lumipat si Lu Qi sa bahay ng presidente para tumulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng presidente.

Nang bumalik siya sa kanyang silid, agad niyang tinawagan si Xinghe. Matapos niyang sabihin ito dito, nagulat siya. "Ang dahilan sa likod ng karamdaman ng presidente ay ang puso niya?"