webnovel

I-frame ang Kanyang Sarili

Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw ang walang hiya!" Lalo pang nagalit si Chui Ying. "Sino ka ba para makialam sa business ng Shen family? Ang plano mo ay kainin ang Shen family matapos mong palayasin sina Auntie Ru at Little Yan, tama? Tinatanong ko ang lahat ng narito, hindi ba't ang isang babaeng tulad niya ay napakasama, makasarili, tuso at walang hiya?"

May ilan sa madla ang tumango bilang pagsang-ayon. Ang iba ay hindi talaga kumakampi kay Xinghe, pero ang pagtatalong ito ay napakaraming kabanata na kaya nahihirapan na ang ibang sumunod dito. Ang parehong partido ay may kanya-kanyang lohika kahit na hindi naman dinedepensahan ni Xinghe ang kanyang sarili.

Ito ay dahil hindi naman talaga intensiyon ni Xinghe na makipagtalo sa mga ito ngayong nasa kanya ang katotohanan. Pakiramdam niya ay hindi na niya kinakailangan pang ipaliwanag ang kanyang sarili kina Tong Yan at Shen Ru. Ang alam niya ay kinuha ng mga ito ang lahat ng pagmamay-ari ng kanyang ina. Kaya naman, oras na para lumayas sila!

Walang sinuman ang may karapatan na kamkamin ang mga bagay na pagmamay-ari ng kanyang ina, lalo na sina Shen Ru at Tong Yan. Hindi siya mag-aalinlangan na turuan sila ng leksiyon kung matigas pa din ang mga ulo nila.

Gayunpaman, tila hindi pa ito ang tamang oras para ipakita ang kanyang alas dahil hindi pa kumikilos ang mga kalaban niya. Lalansihin niya ang mga ito para ipakita ang mga alas nila at pagkatapos niyon ay dadamputin niya ang alas na ito at isasampal sa mga mukha nila!

"Sinabi ninyo na makasarili ako, masama at walanghiya," matapobreng komento ni Xinghe, "Pero at least ay mas angat ako kaysa sa kanila dahil tinanggap ako ng Shen family, pero sinipa nila ang dalawang ito paalis. Sa puntong ito pa lamang, mas may karapatan ako kaysa sa dalawang ito na makisali sa business ng Shen family. At tama ka, intensiyon ko talagang palayasin sila dahil wala nang puwang pa ang Shen family para sa kanila. Ang totoo, sasabihin ko pa sa iyo at sa lahat ng naririto ng hayagan, hanggang nandirito ako, hindi na sila makakabalik pa sa Shen family. Kaya naman, ano ang magagawa mo tungkol dito?"

"Ikaw…" galit na galit na si Chui Ying. Hindi niya inaasahan na may sasabihin si Xinghe ng walang kahiya-hiya ng hayagan. Si Shen Ru, Tong Yan at ang iba pang naroroon ay nagulat sa kanyang kaprangkahan.

Gaano ba siya kawalang-hiya para sabihin ang isang bagay na tulad niyon ng hindi man lamang kumukurap? Hindi ba siya natatakot na may ilang opinyon si Elder Shen tungkol sa sinabi niya?

Naguluhan din si Elder Shen nang sinabi niya ito. Hindi ba't sinisiraan niya ang sarili sa pagsasabi ng mga bagay na iyon?

Gayunpaman, naiintindihan niya na hindi ganoon katanga si Xinghe, hindi ito gagawa ng isang bagay na tulad nito ng walang mas malalim na dahilan. Sinulyapan ni Elder Shen si Mubai at napansin na hindi ito nagulat sa sinabi ni Xinghe. Ang totoo, mukhang inaaprubahan pa nito ang mensahe. Nag-alangan si Elder Shen pero sa wakas ay nagdesisyon na kimkimin na lamang ang mga opinyon niya sa kanyang sarili.

Gayunpaman, masasabi na hindi ganito ang iba pa.

"Paano naging ganito kalupit ang babaeng ito? Kakatanggap lamang sa kanya ni Madam Presidente bilang kanyang stepdaughte, at inisip talaga niya na parte siya ng Shen family? Paano siya naging kawalang-hiya?"

"Tama ka, talagang napakawalang-hiya niya."

"Hindi lamang iyon, napakayabang pa niya! Siguro ay nasisiraan na ng bait ang Shen family para tanggapin ang isang tulad niya sa pamilya nila."

"Hindi pa ako nakakita ng isang babaeng napakakapal ng mukha sa tanang buhay ko!"

Ang lahat ay inaalipusta si Xinghe. Habang nakikita ito, tuwang-tuwa ang grupo ni Chui Ying. Ang tangang babae ay iniabot sa kanila ang umuusok pang baril!

Ngayon, ito na ang oras para ipadala na nila ito mula langit diretso sa impyerno!

Oras na para ipataw ni Chui Ying ang huling bala.