webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · แฟนตาซี
Not enough ratings
86 Chs

Pagtatayo ng bahay!

Bumungad sa kanya ang maraming disenyo ng mga bahay sa screen, mayroong isang bahay na may patag na bubong na gawa sa putik. ang mga ganitong klase ng bahay ay pwedeng matagpuan sa kanayunan.

Mayroon ding mga modernong bahay na may streamlines na bubong at patag na mga tile. ang mga ganitong estilo ang makikita doon.

Mayroon ding isang bahay na may futuristic style at apartment complex na puno ng maraming mga silid.

Ang halimbawa ng iba't ibang mga imahe ay bumubuo ng isang linya. ang pinakamahal na makikita doon ay ang mga hotel na umaabot sa 999 heaven coins ang presyo bawat isa.

Nalula si Ye Song nang makita niya kung gaano kamahal ang mga presyo ng bahay.

Nagdesisyon muna siyang maghanap ng iba pang pagpipilian kaya naman bumalik siya ulit sa unang pahina at pinindot ang [Others] upang suriin ang laman nito.

Nang mapunta siya sa sunod na pahina ay nakita niya na mayroon itong binebentang mga pasilidad tulad ng mga bathhouse, inn, at iba pang mga gusali tulad ng panaderya at palaruan.

Nakalinya ang mga ito na mayroong presyo mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal.

Halimbawa, ang normal na bathhouse ay nasa 20 heaven coins ang presyo at ang pinakamahal na bathhouse ay umaabot sa mahigit 200 heaven coins.

Dahil dito ay napaisip si Ye Song kung ano ang kanyang gagawin.

"Ok lang maubos ang heaven coins ko basta maging maayos at maganda ang bayan na itatayo ko"

Matapos niyang masuri ang lahat ng mga gusaling available sa [Item Shop], sinimulan ni Ye Song magplano kung paano ibadyet ang kanyang heaven coins upang makagawa ng isang bagong bayan!

Ngunit bago siya gumawa ng isang bayan ay susubukan muna niya na magtayo ng isang bahay dahil nais niyang subukan kung paano gumagana ang [Building System].

Kaya naman binuksan niya ulit ang [House] option.

• House

• Facility

Pinindot niya ang house upang magpatuloy sa susunod na pahina.

• Family house

• Compound

• Residential building

Pinili niya ang family house at direkta siyang dinala nito sa isa pang pahina.

• Wooden structure

• Steel frame structure

• Steel reinforced concrete structure

• Prefabricated House Luxury

Pagkatapos ay pinindot niya ang steel reinforced concrete structure dahil ito ang kanyang napili.

Ang steel reinforced concrete structure ay isang istraktura na hindi masusunog at mahusay sa paglaban sa lindol. mahal ang presyo ng istraktura na ito ngunit hindi nag-atubiling piliin ito ni Ye Song dahil tungkol sa kaligtasan ng kanyang pamilya ang nakasalalay kapag nakatira doon na sila sa loob ng bayan.

Pagkatapos nito ay maraming estilo ng mga bahay ang lumitaw. mula sa magkakaibang mga kulay, iba't ibang mga tema at marami pang iba.

Mula sa hindi mabilang na mga bahay na pagpipilian, pumili si Ye Song ng isang simpleng asul na bahay na may isang matulis na rooftop at temang medieval.

Si Ye Song ay nahuhumaling sa panahon ng medieval kaya naman nagpaplano siyang itayo ang kanyang bayan sa ilalim ng temang iyon.

Habang pinoproseso ang bahay alinsunod sa gusto niya, nagmungkahi ang system kung nais niyang gumawa ng isang detalye para sa pagpapatakbo ng kuryente at gumawa ng isang self-sufficient type na bahay.

Pinag-isipan niya ito ng panandalian bago sabihin sa system na gawin ito para hindi na siya mag alala tungkol sa maintenance at higit sa lahat, ang bayarin.

Kahit na gagastos siya ng heaven coins para sa pagpapasadya, wala siyang pakialam tungkol doon.

Pinili niya pa rin ito dahil mas mapapadali nito ang kanilang buhay.

Ang isang kumpletong self-sufficient type na bahay ay kayang gumawa ng anumang mga pangunahing kaalaman nang hindi nangangailangan ng tulong sa labas.

Kung kaya ng bahay na i-manage ang kanyang sarili tungkol sa kuryente at iba pang mga bagay-bagay ay talaga namang napakaganda nun!

Ang bahay ay gagamit ng natural na enerhiya na nasa paligid at babaguhin niya ito upang maging kuryente.

Kahit na hindi naiintindihan ni Ye Song kung paano ito gagana ay binalewala niya lang ito at isinantabi.

Maraming misteryo sa universe ang hindi nahahanapan ng sagot kaya naman hindi niya ito masyadong iniisip.

Nais niyang maging mas komportable kung gusto niyang gumawa ng bayan. ang pangunahing problema niya ay kung paano makakabuo isang powerline para sa elektrisidad.

Wala rin siyang ideya kung sino ang makakagawa ng ganoong klaseng trabaho lalo na't umaatake ang mga halimaw kung saan-saan, ang powerline ay magiging mapanganib para sa bayan. maaari itong maging sanhi ng pagsabog at napakalaking sunog kung sakali mang salakayin ng mga halimaw ang bayan.

Matapos magpasadya ng bahay upang gawin itong self-sufficient, isang notification ang lumabas sa kanyang screen.

*DING*

[Customization complete]

[Gusto mo bang bilhin ang ginawa mong bahay?]

"Yes!"

Ang halaga ng bahay na kanyang pinasadya ay halos nasa 4,000 Heavenly Coins ang presyo. medyo nagulat siya dito ngunit kung isasaalang-alang ang pagpapasadyang ginawa niya, madali itong natanggap ni Ye Song.

Makalipas ang ilang sandali, isang 3D na mapa ng lugar ang lumitaw sa kanyang harapan at doon pinili niya kung saan niya nais itayo ang kanyang bahay.

Ang tunog ng pagyurak at panginginig ng lupa ay nagbigay kay Ye Song ng kaunting sorpresa ngunit madali siyang naka adjust dito. tumingin siya sa kanyang paligid at nakita niya ang mga damo sa lupa ay tinutulak ng isang di malaman na enerhiya pagkatapos ay mga bloke ng bato at mga bakal na unti-unting lumabas mula sa ilalim ng lupa.

"Malamang ito ang magiging bahay?" naisip niya sa kanyang sarili.

Sa isang iglap, ang bahay ay kusang nabubuo mag isa sa kanyang harapan at hindi niya maintindihan kung paano ito nangyayari kaya naman nakatulala lang siyang tinititigan ito.

Kahit na ang bahay ay dahan-dahang nabubuo, hindi niya pa rin maisip kung paano ito nangyayari dahil ayon sa common sense ay imposible ito.

"Ito ay marahil gawa ng heaven system, ang prototype ng lahat ng lumikha" konklusyon ni Ye Song.

*DING*

*Ang aspeto ng kaligtasan ay isinasaalang-alang kaya't ang bahay ay mabagal na maitatayo*

Habang nakatulala ay narinig ni Ye Song ang system at madali niyang naintindihan ang gustong ipahatid nito. ang bahay na ginagawa niya ay pinasadya kaya naman kailangang maingat na itayo ito upang maiwasan ang problema sa hinaharap.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts