"Ako na ang magdrive, Eya. Nakakapagod i-drive 'to at hindi ka sanay." Patuloy pa ding pangungumbinsi ni Lu sa 'kin kahit nakapwesto na 'ko sa driver's seat.
Ni ayaw pa talagang pumasok ng loko at nananatiling nakatayo sa gilid lang ng pwesto ko. Pero wala na siyang magagawa dahil nasa 'kin na ang susi ng sasakyan niya.
"Ano ba? Ang kulit mo! Pumasok ka na nga dito! Gagabihin na tayo lalo oh! Kung ayaw mo eh 'di magbook ka na lang ng flight bukas. Iiwan na lang kita dito!" Anas ko sabay paandar na ng kotse niya.
"Tss! Ang tigas ng ulo!" Dinig ko pang angil niya bago siya umikot at umupo na sa front seat.
"Ikaw ang matigas ang ulo, 'no? Ako pa talagang ituturo mo!" Sabi ko habang pinapausad na ang sasakyan niya.
Alam kong galit na din talaga si Lu sa 'kin. Hindi na umimik eh tapos nakatingin lang sa labas ng bintana habang nakahalukipkip.
Nagtatrantums si koya. Sus! Kung 'di lang kita mahal eh!
"Lu, saan tayo bukas?" Tanong ko na lang lalo pa't malapit ng mapanis ang laway ko.
"Sa bahay lang." Sagot naman niya sabay buga ng hangin.
"Dragon ka na ba ulit? Buga ng buga ka naman ng mainit mong hininga diyan." Tukso ko sa kanya sabay ngisi.
Agad siyang tumingin sa 'kin at sumimangot.
"Tss. Kailangan mo ba talagang dalhin ang mga 'yan?" Inis na sabi niya habang nakatingin pala sa rearview mirror.
Ang sama ng tingin niya sa bulaklak na padala ni PB at nakapaperbag na may tatak na mamahaling brand na bigay naman ng isang bagong manliligaw ko na anak daw ng isang congressman. Nasa likod na upuan ang mga 'yon at nakapatong sa duffel bag ko.
Ayoko naman sanang dalhin pauwi kaso dinala ni Alice kanina kasama ang mga papel na hindi naman urgent pero kailangan ko pang reviewhin at aprubahan. Kahit naman kasi ayaw ko sa mga manliligaw ko eh nasasayangan naman ako sa mga bigay nila. I appreciate their efforts naman eh, and malay natin baka kapag ready na ko ay may matitipuhan nga ako sa kanila.
Nagkibit-balikat na lang ako. "Nandiyan na eh. Ang sama mo naman makatingin sa mga 'yan. Inaaway ka ba nila?" Tukso ko sa kanya sabay tawa.
"Tss. Magstop-over na tayo. I know you're tired."
"Huh? Eh, wala pangang dalawang oras ang pagdadrive ko. Mamaya na kapag nangalay na 'ko."
"So, aantayin mo pa talagang mangalay ka? I told you I'm fine to drive now. Nakatulog na 'ko kanina."
"Ayoko nga!"
"Eya! I'm not comfortable sitting here, okay? Please, its my birthday tomorrow and kanina mo pa pinapainit ang ulo ko. Itigil mo na diyan sa 7/11. May bibilhin lang ako."
"Fine!" Pagsusuko ko na lang. "Kung hindi ba naman kasi OA eh!" Pabulong kong dagdag habang nagpapark na sa harap ng 7/11.
"Good girl. May bibilhin lang ako, lipat ka na dito. Thank you, baby." Sabi niya sabay kindat at diretsong lumabas na.
Malakas na sumikdo ang puso ko ng marinig ang eandernment niya sa 'kin na minsanan niya lang ginagamit! Lalo na kapag nasusunod ko ang mga gusto niya o kapag naglalambing siya!
He started to use that eandernment noong third year nursing student pa lang kami. That time ay hindi ko pa binibigyan ng meaning 'yon, lalo pa't malambing nga talaga kami sa isa't-isa. Noong narealize ko lang talagang mahal ko siya ay nilagyan ko na ng malisya ang mga 'yon.
Oh, life!
Hindi ko na namalayang matagal na pala akong napatulala at napaigtad na lang ng bigla niyang binuksan ang pintuan sa gilid ko. Dalawang malalaking paperbag ng 7/11 ang dala niya.
"I told you to transfer, Eya." Seryosong sabi ni koya.
Wala akong imik na lumipat nga sa front seat. Hindi na 'ko lumabas at inusad na lang ang pwet ko para makalipat na ng upuan.
Hindi ko pa din macontrol ang puso ko. Ang bilis na naman ng tibok niyon na parang may nagkakarera sa loob. Ilang buwan ko na kasing hindi napapractice ang acting skills ko! Nahihirapan tuloy ako!
Damn it!
Ang gago niya ba't niya pa kasi akong tinawag ng ganoon, at ang gaga ko din talaga! Should I tell him to stop calling me with that term? Pero parang mali, baka magtanong pa siya kung bakit at malalaman niyang naapektuhan pala ako.
Pagkaupo niya sa driver's seat ay agad niyang binigay sa 'kin ang dalawang paperbag. Ni hindi ko man lang siya tiningnan habang nilalapag niya 'yon sa mga hita ko, pero hinawakan ko naman ng maayos.
"Ang tahimik mo. Galit ka na naman ba?" Mahinang tanong niya na parang tinatantiya ang mood ko.
Umiling lang ako bilang sagot habang nakatingin lang ng diretso sa daan.
"Eya naman. I told you, I'm fine now. Overfatigue lang ako kanina but nothing bad happened, right? Nakarating pa din ako ng safe sa office mo."
Akala niya 'yon pa din talaga ang rason kaya hindi ako umiimik. If he only knew..
"Eya... Eya.." Paulit-ulit niyang tawag sa pangalan ko habang pasulyap-sulyap sa 'kin. "Hey.. C'mon say something.."
Napabuntong-hininga na lang ako bago tinapangan ang sariling tumingin na sa kanya. Sasakyan ko na lang ang maling akala niya.
"Oo na.. Kinakabahan lang ako. They say birthdays are deadly. Based on statistics andaming taong namamatay days before their birthday o sa araw ng mismong birthday nila. Kaya galit talaga ako sa ginawa mo kanina. Tapos ngayon gusto mo pang magdrive! Nag-aalala lang naman po ako." Sabi ko pero naningkit na ang mga mata ng makitang natatawa siya sa mga sinabi ko.
"And now, you're laughing at me! Facts 'yong sinasabi ko!"
"Eya, naman. Nagkakataon lang ang mga 'yon. Do you believe on those superstitions? Nothing bad will happen, okay? Kung mag-iingat ang magbibirthday ay hindi naman mangyayari 'yon." He said while smirking.
"Bakit? Nag-ingat ka ba kanina?! Lampas 7hours ang byahe from Laoag pero ginawa mong 5hours lang! So, you tell me! Nag-ingat ka ba? Ha?" Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
Nakakainis eh! Natawa lang talaga siya eh.
"Alam mong fave ko ang mga fast and furious movies, right? Ginaya ko lang si Paul Walker."
"Bwisit ka! Eh patay na nga siya sa totoong buhay, 'di ba?And how did he die again? Ha, Lu?! Car accident, Lu!" Pagsasabog ko na na tinawanan lang niya ulit.
Sinuntok ko nga ang braso niya ng malakas bago ko patapon na nilapag ang mga paperbag sa sahig ng sasakyan niya at padabog siyang tinalikuran.
Bahala siyang mapanis ang laway niya. Hindi ko na siya kakausapin! Bwisit siya!
"Uh-oh! Galit na galit na ang Eya ko. Sorry na nga, baby." Malambing niyang sinabi.
'Yan na naman ang eandernment na yan!
"Shut up and stop calling me that!" Nasabi ko tuloy sa sobrang inis.
"Why would I stop? You'll always be my baby, Eya, 'coz you act like one." Nanunuksong sabi niya.
Ginagamit niya lang talagang pang-aasar ang eandernment na 'yon sa 'kin eh. Ang mali ko lang talaga ay nilalagyan ko ng malisya 'yon. I knew it all along naman eh, but this heart of mine is just too stupid! Kinikilig pa talaga!
Stupid heart! Stupid, stupid!
But I'm not gonna back down just yet! May gusto akong marinig na keyword sa kanya na sigurado akong magpapatigil nitong kahibangan ko!
"So, are you saying that I'm a brat, ha, Lu?!" Inis kong tanong sa kanya kahit nakatalikod pa din.
"What? That's not what I mean. Its your ways of throwing tantrums, Eya. 'Yon ang ibig kong sabihin."
"Ikaw din naman ah! Nagtatrantums ka din! Lalo na ngayon!"
Narinig ko ang malakas niyang tawa sa sinabi ko. "Kaya nga naging magkaibigan tayo, 'di ba? 'Coz we clicked, Eya."
There's the magic word! Magkaibigan! May isa pang magic word pero okay na 'yon para mapatigil lang ang pag-aalburuto ng estupidang puso ko!
Phew!
"Whatever! Matutulog na 'ko!" Sabi ko na lang.
"Mamaya na, baby. I'm hungry. Feed me first. May siopao diyan and some chips. You should eat, too."
Damn him!
"Bahala ka sa buhay mo! And I'm not hungry! Itabi mo na lang ang sasakyan at matutulog na 'ko! Tss!"
"I can't, Eya. I promised Marilou na makakarating tayo before midnight. Please, feed me.. and I'm thirsty, too. Hindi ka ba naaawa sa kaibigan mo?" Nagpapaawang tono na sabi niya.
Damn him talaga!! Kaya pala namili na lang siya ng kakainin dahil hindi na kami magsastopover! For his girlfriend's sake pala. And for sure 'yon din ang rason kung bakit pinipilit niyang siya na ang magdrive, mabagal kasi ang pagmamaneho ko kaya paniguradong hindi nga kami makakaabot sa oras na pinangako niya sa girlfriend niya.
That's the other keyword, by the way. Marilou. His girlfriend's name!
Sinunod ko na lang ang sinabi niya sa padabog na paraan. Siya na ang doting boyfriend and I'm just the stupid dear friend who's secretly inlove with him!
"Eya.. wake up. We're here." Sabi niya na malapit talaga sa tenga ko.
Papiksi tuloy akong bumangon dahil doon at agad ng dumungaw sa labas ng bintana.
Finally!
I immediately checked the time and I sighed in relief ng makitang 11:34 pa lang ng gabi. That means natupad nga niya ang pinangako niya kay Marilou.
Habang nagtutulug-tutulogan ako kanina ay inalala ko ang mga sinabi at pinangako ko sa sarili months ago. And that is to never forget that I'm just his dear friend and that I should fully support his and Marilou's relationship. And also, I should do my best to overcome this feelings that I have for him and that is to forget that specific night three years ago.
Nawala lang talaga sa sistema ko dahil sa eandernment niya sa 'kin na ngayon ay hindi ko na dapat lagyan ng meaning. At dahil nga inalala ko na ang lahat ay naging tuwid na ulit ang pag-iisip ko, naging gamay ko na ang paghuhurementado ng puso ko, at naging magaan na din ang pakiramdam ko. Hinding-hindi ko na dapat kakalimutan ang mga pinangako ko sa sarili kung ayaw 'kong masira ang pagkakaibigan namin.
I will always be his long-time dearest friend, and that is my only role in his life.
I won't hope for him anymore nor hope for a miracle that our friendship will turn into something more dahil ako lang din ang nasasaktan sa pinag-iisip at pinanggagawa ko. Ako lang din ang talo sa huli dahil alam kong may nagmamay-ari na ng puso niya na isang babaeng karapat-dapat naman talagang mahalin.
"Thanks, Lu! Advance happy birthday.." Sabi kong napahikab pa bago lumabas ng kotse niya.
Agad namang lumapit ang dalawang guard namin pagkakita sa 'kin para tumulong sa pagkuha ng mga gamit ko. Lumabas din si Lu at binuksan ang sa likurang upuan para kunin ang duffel bag ko bago inabot sa security guard namin.
Ni hindi man lang niya pinansin ang mga gamit na nasa taas niyon. Nahulog tuloy ang bouquet at ang paperbag sa sahig at wala pa yatang planong kunin ng loko dahil sinarhan na agad ang pintuan sa side niya. Kaya ako na lang ang kumuha.
"Itapon mo na ang mga 'yan! Nahulog na sa sahig kaya madumi na." Sabi niya sabay galit na tumingin sa mga hawak ko.
"Duh! Ano 'to pagkain? Tss. Lumayas ka na nga at alam kong kanina ka pa atat makita si Marilou." Sabi ko at muling napahikab.
Napakagat-labi pa talaga ang loko sa sinabi ko. Kahit hindi niya sabihin ay alam 'kong doon siya matutulog ngayong gabi sa bahay ng girlfriend niya.
"Good night na, birthday boy. Ingat ka and paki-hi na lang ako kay Marilou. I'll see you both tomorrow." Dagdag ko pa.
"Fine. Pumasok ka na din. Matulog ka na ulit at mukhang antok ka pa. I'll text you pagkarating ko sa bahay nina Marilou." Pag-iinform pa niya bago siya pumasok sa kotse niya.
Kumaway lang ako at tumalikod na pagkausad ng kotse niya.
Napangiti na lang ako ng mapait sa walang kwentang naisip habang naglalakad papasok sa bahay pero agad ko ng winaksi 'yon. Dapat hindi ko na poproblemahin kung magsasomething nga sila ngayon kahit na pagod sa pagdadrive si Lu. Wala na dapat akong pakialam sa mga ganoong bagay. Its their relationship, anyway.
Sana nga mabuntis na lang niya si Marilou para tuluyan ko na ring matigil 'tong kahibangan ko at ang lintek na pag-ibig na 'to. If that happens hinding-hindi na talaga papasok sa isip ko ang sinasabi ng iba na habang hindi pa kasal ay may pag-asa pa. Dahil kung mabuntis nga ay paniguradong magpapakasal na din sila. He's a very honorable man and I know he will take responsibility when that happens.