Mary The Last Love
Natural lang sa pag ibig na masaktan, kasi nga kakambal ito ng pagmamahal. Pero hindi porket nasaktan ka, wala ng magmamahal sayo ulit. Pero bakit ganito? Sa dinami-daming tao sa buong mundo bakit ako pa ang pinag-aagawan ng dalawang tao. Bakit ako pa ang nahihirapan ng ganito?
Nasaktan ako at may nasaktan ako. Ang hirap sa posesyon ko habang ako ay nalilito may dalawang tao akong napagulo. Habang ako ay nahihirapan may dalawang tao akong napapahirapan.
Saan ako lulugar sa puntong ito?
Sa taong mahal ko ngunit iniwan ako, o sa taong mahal ako ngunit natatakot akong iwan sya, dahil alam ko ang pakiramdam na iniwan ng walang dahilan.
Marami akong nasaktan dahil binaliwala ko si Matteo, at marami din akong nasaktan ng pinili ko si Rocky. Bakit ganon? Ginawa ko na nga ang tama, may nasasaktan parin ako.
Yung taong pinapangarap ko ay pinapangarap ng iba, samantala ang taong nangangarap sakin ay nanatiling umaasa sa pangarap niya. Ang hirap-hirap, sabi nila masaya ang pinag-aagawan ng dalawa tao, pero sa posesyon ko sobrang lungkot. Hindi masaya ang maraming naghahangad sayo, dahil may masasaktan at mapapaasa kang tao.
Hanggang kailan ako mag titiis? Hanggang kailan ako mahihirapan? Kaya ko pa bang tiisin si Matteo? O ayaw ko nang mahirapan si Rocky?
Sinong pipiliin ko? Ang taong mahal ako, o ang taong nagmamahal sakin?
"MARY THE LAST LOVE"
(Book 3)
All Rights Reserved
Written By: Mommy_J
Mommy_J · สมัยใหม่