webnovel

Maskara

Ang maskara ang nagsisilbing instrumento upang panakot sa mga tao. Ngunit, papaano kung isang araw. Ang maskara na ito ang magbubukas ng lahat ng misteryo sa iyong buhay? Nanaisin mo bang suotin ito? Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · สยองขวัญ
Not enough ratings
9 Chs

IKA-APAT NA KABANATA

Pinilit nila Jane at Alice na bumalik sa kanilang tahanan. Sabay silang tumakbo patungo sa kanilang Inay, ni hindi nila iniinda ang mga kahoy na humaharang sa kanilang daanan, bagkus ay hindi nalang nila ito pinansin.

Sa wakas ay nakarating na din sila sa kanilang tahanan. Bakas sa kanilang Kuya Carlo at Inay ang pag-aalala. Halos hindi magka-unggaga silang naghanap ng upuan upang may maupuan sila Jane at Alice.

"Kuya... may ... bangkay kaming­ nakita doon." Halos malagutan nang hininga si Jane sa pagpapaliwanag.

"Hindi ba't sinabi ko sa inyo na hindi kayo lalayo!" wika ng kanilang Inay. Na sinabayan pa nang nakataas niyang kilay.

Hindi mawatasan ni Jane kung bakit bigla nalang nagkatinginan ang kaniyang kuya at inay. Hindi niya alam, pero sa mga oras na iyon ay nadagdagan ang kaniyang kaba.

"Inay, iyan ka nanaman, eh. Sila na nga itong natatakot. Dadagdagan mo pa." bigla nalang lumapit ang Kuya Carlo niya sa kanila ni Alice. At marahan silang niyapos.

Nakaramdam naman siya ng ginhawa. Nawala na sa katawan niya ang takot at ang kuryosidad na kaniyang naramdaman.

"Sige, Jane dito muna kayo ni Alice. Kami nang bahala ni Inay doon sa nakita niyong bangkay." bilin ng kanilang Kuya.

Pumasok na sila ni jane. Sila Carlo at ang kaniyang Inay ay nagsimulang ng hanapin ang sinasabi ng kaniyang mga kapatid.

Tanging ihip lang ng hangin at mga nagsasayawang dahon ang tanging naririnig sa tahanan nila Jane.

"Ate, grabe po iyong nakita natin, noh?" sinimulang basagin ni Alice ang katahimikan.

Tanging tango lang ang kaniyang tinugon. Nagsimula siyang maglabas ng plato upang magsimula na silang kumain.

Nang magsisimula na silang kumain ay naisipan ni Jane na magdasal muna. Pero nang simulan niya na ito ay nagpaalam ang kaniyang kapatid na magbabanyo muna siya. Walang nagawa si Jane kundi tumango dahil na din sa pagaabala ni Alice.

Naudlot ang pagdadasal ni Jane matapos siyang makalanghap ng mahalimuyak na bulaklak. Tila ba nasa kwuarto ng kaniyang kuya nanggagaling ito. Dahil na din sa kaniyang kuryosidad ay naisipan niyang tignan ito.

Hindi niya alam pero sa bawat yapak niya papunta sa kwuarto ay nakakaramdam siya ng lamig. Ang lamig na iyon ang dahilan nang pagtayo ng kaniyang balahibo.

Sa pagpihit niya ng korteng bilog sa kanilang pintuan. Ay dumudoble ang pagtibok ng kaniyang puso. Sa pagkakatanya niya ay hindi na ito normal sa isang tao.

Isa... dalawa... tatlo... nagbibilang siya sa kaniyang isip. Nadadama niya na ang pagbuo ng mga butil sa kaniyang katawan.

Pagkabukas niya ng pinto ay tanging mga damit at mga antigong gamit ng kaniyang kuya ang bumungad sa kaniya.

Nakahinga siya nang maluwag. Tumigil na din ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

Naka-talikod siya nang may isang boses ang kaniyang narinig. Impit ang boses na ito at animo'y galing sa hukay ang lumalabas dito.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam pero bigla nalang siyang nakaramdam nang lamig sa kaniyang katawan.

Ipinikit niya ang kaniyang mata. Umusal siya ng panalangin. Lumipas ang ilang minuto ay pakiramdam niya'y wala na ang tumutawag sa kaniya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Halos himatayin siya matapos niyang makita ang isang nilalang na naaagnas na ang mukha.

"Lumayo kana dito..." isang nakakapangilabot na salita ang kaniyang pinakawalan.

Halos maluwa na si Jane matapos niyang makita ang nilalang na iyon. Mga sariwang dugo na may kumikislot-kislot na mga uod ang nasa mukha nito.

Hindi niya na kinaya pa. Unti-unting nandilim ang kaniyang paningin dahilan upang siya'y matumba sa kanilang sahig.