Nagkatitigan kami ni Matteo. Sobrang nabibingi na ako dahil sa malakas na pintig ng aking puso. Why he's here? Alam niya bang nandito ako? Pero pano?
Nalilito ako. Bakit tinawag ni Venus si Clark nang "Babe?" Anong meron sa kanilang dalawa? Oo may relasyon sila noon pero hindi ko alam kong totohanan ba iyon. Nalilito ako sa nangyayari. Bakit ganoon ka sweet si Clark at Venus?
Napasinghap ako bago masuring tinignan si Matteo.
"T-Tika lang, Matteo. Anong meron sa dalawa?" tanong kong nagugulohan? Nanatili syang nakatayo saking harapan.
"Ano sa tingin mo?" pabalik niyang tanong sakin na nakangiti. Bahagya akong nag-taas ng kilay.
"Sa tingin mo magtatanong ba ako kong alam ko?" sarkastiko kong sagot. Napangiti si Matteo. Bigla nalang uminit ang magkabila kong pisnge. Hindi ko alam pero sobrang init.
"May kasabihan nga diba? To see is to believe. There getting back together, Mary. Did you see it?" naging seryoso ang boses ni Matteo. Kumunot ang noo ko. Wala lang sa kanya iyon? Akala ko ba ay may relasyon sila ni Venus? Hindi--- Hindi ko alam nagugulohan ako. Ang dami-dami niya kasing babae.
"Alam ko..." bulyaw ko sa galit. Kumunot niya ang noo niya. "E-Ewan... Wala akong pakialam sa mga buhay nyo. Aalis na ako, excuse me." dali-dali ko syang tinalikuran ngunit hinila niya bigla ang braso ko. Nagtama ang mga mata namin ni Matteo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Walang kami, Mary. Simula nong umalis ka ay hindi ako bumalik kay Venus. Walang nangyayari samin. I don't like her, Mary. No one can be like you. Nakita mo naman iyon diba?" tinuro niya pa ang main door na may ekspresyon sa mukha. "Masaya ang kapatid ko sa kapatid mo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napalunok ako. I am expecting this, anyway. Alam kong alam niyang magkapatid kami ni Venus sa ama.
"Matagal mo na ba itong alam?" galit kong tanong. Umiling sya ng ilang ulit.
"Noong isang araw lang at mismo kay Clark ko iyon nalaman. I am sorry, Mary. Hindi ko sinasadyang malaman ang lahat. I am to weak when it comes to you." nag-iwas ako ng tingin bago yumuko. Nagsimula ulit bumigat ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Nawawalan ako ng gana. Simula nong malaman nila lahat ay para narin akong napapagod.
"Ayaw ko ng pag-usapan pa ito. Pagod na ako Matteo. Kailangan ko ng umuwi at magpahinga." binawi ko ang aking braso ngunit hindi niya ako binibitawan. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya saking braso.
"I'm sorry, Mary. But please allow me to take you home." nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Nag-taas ako ng kilay. Ngumuso si Matteo. Hindi ko alam kong bakit bigla akong natawa. Bigla-bigla ko nalang naramdaman ang labi kong nakangiti. Natatawa ako habang ngumunguso sya.
"Well, I can't refuse you this time. Pasalamat ka at wala akong dalang kotse." agaran kong binawi ang aking braso. Sobrang lapad ng ngiti ni Matteo dahil sa saya. "Let's go. Gutom narin ako!" agad ko syang tinalikuran. Ramdam na ramdam kong sumunod sya sakin.
Dumirekta ako agad sa itim niyang kotse. Huminto ako bago humarap sa kanya. Nakangiti parin ito at dali-dali niya akong pinagbuksan ng pintoan ng kotse.
Maging sa byahe ay sobrang tahimik namin ni Matteo. Inaaliw ko ang aking sarili sa labas ng bintana. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. May pagod akong nararamdaman ngunit mas pumangibabaw sakin ang saya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko rin alam kong bakit.
Nasan kaya si Rocky? Ang alam ko ay may laro sila ngayon, pero bakit nandito si Matteo at kasama ako? Hindi ba sya kasali sa larong pinag-uusapan nila kahapon?
Dahan-dahan akong sumulyap sa kanya. Seryoso syang nagmamaneho na may ngiti.
"May laro kayo ngayon diba? Hindi ka ba kasali?" tanong ko na ikinalingon niya.
"Kasali pero mamayang hapon pa iyon. And beside it's not important." sagot niya naman. Nagkibit ako ng balikat. Siguro ay natutulog pa ngayon si Rocky. Mas pinili ko nalang ang tumahimik. Napagdesyonan kong halungkatin ang aking phone. Sakto naman ay ang pagdating ng iilang message.
Nagtaas ako ng kilay dahil sabay nag text sakin ang apat. Isa-isa ko iyong binasa.
From: Ivony
Sumama ka samin mamaya huh!
From: Grace
OMG! Maey. Remember nong nasa bar tayo lastnight? Please sumama ka samin mamaya manuod tayo.
From: Jessica
Hihintayin ka namin mamaya Huh!
From: Erika
Hi Maey. Alam kong nag text na sayo ang tatlo. I can't go, may lakad kami ni Diego. Cheer mo nalang ako kay Matteo. Winks!
Natawa ako sa huling nabasa. Hindi ko matandaan na nagkakandarapa rin si Erika kay Matteo tulad ng tatlo. Isa lang ang alam ko, mas gusto niya si Rocky pero bakit naging team Matteo na sya ngayon? Napailing ako sa tawa at isa-isa silang nireplyan. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana. Napatuwid ako ng upo, namilog ang aking mata sa excitement at takam.
"Wait Matteo." pigil ko at sinulyapan sya. "Stop the car please." saad ko at dali-dali naman niya itong hininto sa may gilid ng daan.
"Bakit Mary? May problema ba?" tanong niya na ikinailing ko. Bigla nalang nag light bulb ang aking isipan. Ghad! Gusto ko syang makitang kumakain ng kwek-kwek. Natawa ako sa naiisip ko ngayon.
"Gutom na ako Matteo. Please bilhan mo ako non." turo ko sa lalaking nagbebenta ng kwek-kwek, tempura at iilang pagkaing street foods. Nanlaki ang mata ni Matteo sa nakita halos lumuwal ang mata niya sa tinuro ko sa may plaza.
"What the fuck. Are you fucking serious? Kakain ka non?" bulyaw niya sakin. Bahagya akong nag taas ng kilay sa sinabi niya.
"Anong problema mo sa street foods? Kong maka fuck ka naman dyan." bulyaw ko pabalik. Napapikit si Matteo bilang ekspresyon. Sinamaan ko sya ng tingin.
"I-It's...." utal niya na tila nagkaumbabaga ang kanyang kilos at boses. "It's dirty Mary. I can't trust those foods." sagot niyang muli sakin. Namilog ang bibig ko sa sinabi niya.
"Nasa madumi ang masarap Matteo." sagot ko bago sya tinalikuran.
"M-Mary wait..." bulyaw niya. Hindi ko sya pinansin at dali-daling lumabas ng kotse. Lumapit ako kay Manong na nagtitinda ng iilang street foods. Sobrang lapad ng ngiti ko. Matagal na akong hindi nakakain nito. Sobrang na miss ko ang mga pagkaing ganito.
"Hi Manong good morning." bati ko nito. Ngumiti sya sakin ng malapad. Wala syang ibang costumer at mukhang kararating niya lang.
"Magandang araw sa napakagandang dilag na katulad mo hija. Bibili ka ba?" bati nito sakin. Napahimas ako saking buhok.
"Opo manong. Hmmhmhm.... Isang fishball, kwek-kwek at tempura po." turo ko sa stante kong nasan ang mga pagkain. Nagsimula na syang magluto.
Lumingon ako kong san naka park ang kotse ni Matteo. Nasa labas sya ng kotse habang may kinakausap sa kanyang phone. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isang kamay niya naman ay nasa kanyang batok. Tinititigan ko sya at pabalik-balik ang kanyang lakad. Anong problema non? Bakit ganyan ang kanyang mga kilos?
Nagkibit ako ng balikat bago sinulyapan si Manong. Naluto na ang pagkain at agad ko naman iyong tinanggap. Nagbayad ako ng sobra kay Manong. Tumungo ako sa isang bench mula sa isang narra tree. Umupo ako mula roon at agad kinain ng marahan ang pagkain.
Lumingon ulit ako kay Matteo. Nakangiti syang lumapit sakin habang ito'y nakapamulsa. Umupo sya sa tabi ko na may kunot sa noo.
"Yes? Bakit ganyan ang ekspresyon ng mukha mo?" tanong kong galit. Umiling sya ng ilang ulit.
"Nothing.... just I dont trust that food," ulit niya naman sa nandidiring tono. Nakagat ko ang aking ibabang labi sa galit.
"I don't care. Basta ako? Mahal na mahal ko ang mga pagkaing ganito. Masarap kaya---- tikman mo," isinubo ko sa kanya ang stick ng kwek-kwek, subalit hinawi niya ang kamay ko.
"Tsss.... no thanks!" padabog niyang sagot bago nag-iwas ng tingin. Sumandal sya sa upoan na naka number four. Nakagat ko ang aking ibabang labi sa galit.
"Ganyan naman kayong mayayaman diba?" bahagya syang sumulyap sakin na kunot noo. "Ayaw nyo sa mga pagkaing ganito. Bakit Matteo? Dahil ba gawa ito sa mga mababang tao?" namilog ang mata niya sa sinabi ko. Halos lumuwal ang mata niya sa galit.
"W-What? It's not what i am saying about, Mary. Hindi ako kumakain ng ganyang pagkain. Hindi ko pa na try." sagot niyang padabog natawa ako at the same time. May biglang kuminang sa isipan ko.
"Ahh ganon ba?" nguso ko. Sumandal ako sa sandalan ng bench. "Gano mo nga ba ako kamahal Matteo?" bigla ko nalang nabitawan ang katagang iyon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako sa kaba. Kitang-kita sa gilid ng mata ko ang pagkainis niya.
"What a simple question, Mary. Wala bang mas mahirap dyan?" nanliit ang mata ko sa sagot niya. Bahagya akong nag-taas ng kilay. Bakit ganito? Mas lalong uminit ang magkabila kong pisnge.
"Simple lang pala eh, then answer it." sagot ko sa galit. Natawa si Matteo sa reaksyon ng mukha ko. Dahan-dahan syang humarap sakin na nakanumber four parin. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang naglaban kami ng titig.
"Love is everything and i can do everything." wika niya. Halos mabingi ako sa narinig. Halos hindi ako makahinga, halos manginig ang buo kong katawan. Umayos ako ng upo. Unti-unting bumuo ang ngiti saking labi.
"You can do everything? For me?" taas kilay ko. Sa puntong ito ay nakuha niya ang ibig kong sabihin. Bumagsak ang mata ni Matteo sa hawak kong pagkain.
"Yes, I can do everything. I can buy all the streetfoods just for you but i dont eat what you eat." nakangiti niyang eksplenasyon. Uminit ang katawan ko sa galit. Umigting ang panga ko sa sinabi niya. This time ay nawalan ako ng gana. Tama lang siguro ang disesyon ko.
"You can't buy my happiness, then fine." padabog kong sagot at aakmang tatayo ng bigla niya akong hinila pabalik ng upo. Halos sumakit ang pwet ko sa biglaang pag upo.
"Fuck, give me that." nagulat ako sa biglaan niyang pag agaw ng pagkain. Halos lumuwal ang mata ko dahil kinain niya ang natitirang kwek-kwek at tempura. Hindi ko nalang pala namalayan na unti-unti akong nakangiti. Sobrang sakit ng tyan ko sa pag pigil ng tawa. Sa totoo lang ay ang cute niyang tignan ngayon. Sa bawat lunok niya sa pagkain ay ngumingiwi ang kanyang mukha. Sa bawat nguya niya ay napapikit sya.
Sa puntong ito ay napahalakhak ako. Isang tawa na halos umalingawngaw sa buong paligid. Natigilan si Matteo sa pangunguya at tumingin ito sakin. Tawang-tawa parin ako sa lumulubo niyang magkabilang pisnge.
"What's funny?" galit niyang tanong. Natigilan ako sa kakatawa. Inayos ko ang aking sarili.
"Nakakatawa kasi ang mukha mo. Ano? Masarap diba? I told you, Matteo. Taste first before you judge." natatawa kong salaysay. Dahan-dahan niyang ibinaba ang pagkain sa may gilid niya.
"Tsss.." ngiwi niya habang nakaawang ang labi. "Mas masarap pa ako nito." namilog ang bibig ko sa huli niyang sinabi. Gusto ko syang hampasin sa inis.
"Talaga?" tanong kong pang-aasar. Bumuo ang ngiti sa kanyang labi ngayon. Sobrang init ng pisnge ko at tila may bumara saking lalamunan. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Alam kong nakatitig parin sya sakin.
"Hindi ka makasagot diba? Dahil totoo? Mas masarap ako sa pagkaing ito. Am I right baby?" mabilisan ko syang tinignan na galit. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing maririnig ko ang katagang yan. Padabog akong tumayo at humarap sa kanya na may galit.
"Gusto mo nang kasagotan?" taas kilay ko habang nakapamewang. Sobrang lapad ng ngiti niya ngayon. Tila nang iinis sakin.
"Yah, I want to know everything Mary. Tell me, do you still love me baby?" namilog ang mata ko sa katanongan niya. Mabilis tumakbo ang tibok ng aking puso. Mas lalong uminit ang magkabila kong pisnge. Kuyom ang magkabila kong kamao sa inis.
"Ang totoo, mas masarap ka pa nga sa pagkaing iyan. Masarap hiwain at ang sarap-sarap mong pakuluan sa lagundi, Matteo. And guess what matagal na kitang hindi mahal." salaysay ko bago sya tinalikuran. Dali-dali akong tumungo sa kotse niya.
"Baby wait---" bulyaw nito at hindi ko sya nililingon. Patuloy ang lakad ko ng mabilis. "Mary baby I love you----," sigaw nito na ikinahinto ko. Tila na statwa ako sa katagang yon. Pabilis ng pabilis ang takbo ng aking puso. Dahan-dahan ko syang hinarap na may mapupulang pisnge.
"A-Ano?" kunot noo ko. Hingal na hingal sya.
"I love you so much, baby." sabi niya sa mapaklang boses. Napalunok ako! Pahina ng pahina ang hininga ko sa kaba. Oo, alam kong mahal niya ako, pero hindi ko alam kong mahal ko pa ba sya.
"I am sorry, Matteo. Everytime you call me baby, I know i'm not the only one." saad ko bago sya tinalikuran. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila sa may bewang. Nagtama ang aming mga mata. Sobrang lalim ng titig ni Matteo.
"I don't know what to feel about anymore, Mary. Everytime i'm telling the truth you always reject me. Hindi mo ba talaga ako mapapatawad? Kahit kunti lang?" naging malumanay ang titig sakin ni Matteo. Bumagsak ang labi ko sa mapupula niyang labi. Ramdam na ramdam ko ang malapad niyang kamay saking likuran. Ang dalawa kong kamay ang nasa kanyang magkabilang dibdib.
"Napatawad na kita diba? Magkaibigan nalang tayo ngayon. Don't expect to much, Matteo." sagot kong nanginginig. Bumagsak ang mata niya sa magkabila kong kamay.
"Ayaw ko!" nag taas ako ng kilay sa sinabi niya. Naramdaman ko nalang ang kamay niyang pababa ng pababa sa may pwetan ko. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. "Hindi ako papayag na hanggang kaibigan nalang tayo, Mary. Bakit kita susukoan? Para saan? Para mawalan narin ng saysay ang buhay ko?" mas lalong bumilog ang mata ko sa sinabi niya. Sa puntong ito ay naramdaman ko nalang ang palad niya saking ibabang pwetan. Napaurong ako at sinubukang itulak sya ngunit hinila niya ako pabalik.
"What are you doing? Wala kang karapatang---" namilog ang mata ko dahil sa biglaan niyang pagdampi ng kanyang labi saking labi. Halos hindi gumalaw ang pilik mata ko sa ginawa niya. Mas hinila niya ang magkabila kong pwetan at idinikit sa kanyang hinaharap. Shit! Napamura ako saking isipan ng bigla niyang ipinasok ang kanyang dila saking bibig. Halos wala na syang pakialam sa mga tao sa paligid. Nangi-nginig ang magkabila kong tuhod sa kaba. Pinaglalaruan niya ang dila ko sa dila niya. Hindi ko alam kong bakit bigla akong napapikit sa ginawa niya.
What the fuck Matteo Vion Edelbario. Why you doing this to me. Still feel like crap... I dont know whats wrong i just want it... to go away go.... away now Matteo please. Sobrang lambot ng labi ni Matteo. Kinagat niya ang ibaba kong labi bago sya kumalas sa halik. Nanatiling nakaawang ang labi ko sa gulat.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. Nakipag laban ako sa titigan ni Matteo.
"I promise to love you until I don't feel like it anymore, baby." halos lumandag ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko nalang ang labi niya sa may tenga ko bago sya magsalita. "You're still fucking hot, Mary." huli niyang sabi bago ako tinalikuran. Iniwan niya akong nakatulala na wala sa sarili.
Dahan-dahan kong hinawakan ang aking dibdib. Sobrang lakas ng kalbog ng aking puso. Halos mabingi ako sa lakas nito.
"Let's go Mary, nagsimula na ang laro. Hinihintay na nila tayo." bumalik ang diwa ko sa malalim na boses ni Matteo. Dahan-dahan akong humarap sa kanya na nahihiya. Nakapamulsa syang nakasandal sa may pintoan ng kotse. Iminuwestra niya ang pinto bilang pagpasok ko.
Huminga ako ng malalim. Damn Mary, isipin mo si Rocky. Isipin mo nalang na wala lang yon. Isipin mo nalang na naglalaro lang ulit si Matteo sayo. Huwag kang magpadala, huwag kang mag patukso. Si Rocky ang mahal ko at sya ang pipiliin ko. Kong ano man ang binabalak ni Matteo wala na akong pakialam sa kanya dahil buo na ang puso ko para kay Rocky.
Matapang akong pumasok sa kotse ni Matteo. Kong hindi ako nagkakamali ay may laro sila ngayon. Hindi ko alam kong sinong nagtulak saking sarili na sabay kaming pumunta sa usapan nila. Maging sa byahe ay sobrang tahimik namin. Halos walang imikan dahil hanggang ngayon ay nahihiya ako sa ginawa niya kanina.
Ilang minuto din kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa isang malawak na gym sa isang baranggay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa maaring reaction ni Rocky dahil sa magkasama kami ni Matteo ngayon. Ano kaya ang sasabihin ng apat? Ano kaya ang sasabihin ng dalawa niyang kaibigan.
Naunang lumabas si Matteo at sinalubong naman ito ni Clifford at Robi. Nakipaghighfive sya sa dalawa. Nagdadalawang isip pa akong lumabas parang may pumipigil sakin sa upoan. Bakit nga ba ako matatakot? Wala naman ito para sakin. Bakit naman ako ma gi'guilty? Wala naman kaming ginawang masama. Hindi ko alam pero parang nag aalinlangan ako.
Huminga ako ng malalim at dali-daling itinulak ang pintoan. Sabay ng pagsara ko ay ang paglabas ng apat kong kaibigan sa may gym kasama si Rocky na mukhang nagulat. Hindi ako makagalaw ng nasa akin lahat ng atensyon nila.
"Whoa..... what is the meaning of this?" si Clifford sa may pang-aasar na tono.
"Heyyy Mary... your here? So... magkasama pala kayo ni Matteo?" pang'aasar namang tanong ni Robi habang tinatapik niya ang balikat ni Matteo.
Hinawi ni Matteo ang kamay ni Robi at itinulak niya ito ng mahina. Nagtawanan ang dalawa habang ang apat kong kaibigan ay nakangiti lamang sakin. Inilipat ko ang aking mata kay Rocky na ngayon ay sobrang dilim ng kanyang awra. Halo-halo ang emosyon niya ngayon at sobrang galit na galit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ngunit umiwas lang ito ng tingin.
"Let's begin the game," padabog niyang tono bago kami tinalikurang lahat.
Bahagya akong yumuko. Galit sya sa pagsama ko kay Matteo kong hindi ako nagkakamali. Galit na galit sya at hindi iyon ipagkakaila sa mga kilos niya. I am sorry Rocky kong nasaktan man kita ngayon. Magpapaliwanag ako at pagkatapos ng lahat 'to. Handa ko ng buksan ang puso ko para sayo.
Magiging iyo rin ako. Pangako!