webnovel

Mary's Sweet Revenge

-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin. Oo, yan ako three years ago. Ang apat na bagay na bumabalot saking pag-katao ay bigla nalang naglaho. Inaapi, nagpapa-api at lalong hindi lumalaban. Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng tao ay nagbabago. Lahat ng sakit ay naiibsan. May umaalis pero napapalitan. May nawawala meron ding bumabalik. Umalis ako para palitan at bagohin ang aking sarili. At nawala ako para paghandaan ang pagbabalik sa mga taong nanakit. Im Virgin Mary and im back for my Sweet Revenge. [MARY's SWEET REVENGE] WRITTEN BY: Mommy_J (All rights reserved 2016)

Mommy_J · สมัยใหม่
Not enough ratings
43 Chs

KABANATA 35

"Na ano Erika? Saan mo nakita si Rocky? Sinong kasama niya?" sunod-sunod kong katanongan na ikinayuko niya. Napatingin narin samin ang tatlo.

"Hindi ako sigurado sa nakita ko. K-Kasi si Rocky, nakita ko nong nakaraang araw." titig na titig sakin si Erika at tila natatakot sa sasabihin niya.

"Nakita mo sya saan?" tanong ko at tila hindi mapakali. Malalim huminga ng mariin si Erika. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit na hawak niya saking kamay.

"Nakita ko syang--,

"Oh. Look girls. They here," naputol ang sasabihin ni Erika ng biglang may magsalita sa harapan namin. Agarang kumulo ang dugo ko ng tumambad samin si Queenie kasama ang dalawa niyang alipores. "See? I told you girls. Isa syang waitress noon. It's Clifford waitresses." maarte nitong saad na ikinatayo ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Erika saking palapulsohan at tila pinigilan ako.

"Oh my gosh. Kilala ko ang mga kasama niya. Isa nga sila sa mga waitress ni Clifford. How poor they are," maarteng sambit ng kaibigan ni Queenie.

"Aba, aba. Anong how poor? How poor mo dyan." biglaang tumayo si Grace at susugorin sana ang babae ng pinigilan iyon ni Jessica.

"Grace huwag dito. Wala tayong laban sa kanila." pigil ni Jessica at Ivony kay Grace. Kitang-kita sa mata ni Grace ang galit at asar.

"Buti at alam nyong wala kayong laban samin. Sige, subukan nyo kaming kalabanin kong ayaw nyong pulutin sa putik." sagot naman ng kasama niyang babae. Kuyom na kuyom ang kamao ko sa galit dahil sa tatlong to. Sobrang ikli ng mga damit sabayan mo pa sa mapupulang labi.

Pinipigilan parin ni Jessica at Ivony si Grace. Gusto niya talagang sumugod at tila gusto ng kalbohin ang tatlo. Hinahayaan ko lang syang sumambat sa usapan.

"Kami walang laban? Gusto mong masubukan? Ano? Suntokan nalang tayo sa labas. Ano? Huh? Huh?" paghahamon ni Grace at sinusubukang kumawala sa pagkakahawak ng dalawa. Tawang-tawa ako sa inasta niya dahil lasing na sya.

"Grace ano ka ba. Hindi mo ba naiisip? Babae iyan ni Sir Robi at Clifford. Huwag mo ng patulan pa." pigil naman ni Ivony.

"Really? How poor talaga you are. Makikipaglaban ka sakin in suntokan way? Hey babaeng mahirap. Hindi ako nakikipag suntokan sa isang walang mudo at walang pinag-aralan. And beside, you look like an idiot. How cheap your dress up, girl. Just what the ew." maarte nitong sambit ulit. Nakagat ko ang ngipin ko sa sinabi ng babaeng ito.

Pinilit kong tumahimik dahil sa naiisip kong plano. Hinayaan ko lang si Grace sa gusto niyang sasabihin sa tatlong ito.

"Aba. Sumusobra na ang mga penquin nato ah. Hindi ko na kaya to guys. Papatulan ko na talaga ang babaeng ito." tinuro-turo pa ni Grace ang kaibigan ni Queenie habang tinitignan niya ako. Para bang naghihintay si Grace na pigilan ko sya sa ginagawa niya. Hindi kita pipigilan Grace. Gustong-gusto ko ang ginagawa mo sa kanila.

"Grace tama na," pigil ni Erika sa iritasyong tono. Kumakalas parin sya sa pagkakahawak ng dalawa.

"As I told you girls. Walang modo yang mga waitress na yan." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Queenie. Nakangiti niya akong iniinis. "Hindi kasi marunong lumugar. Boss nila 'yong boyfriend mo, tapos kong sumagot-sagot sayo ay para ka naring kalevel nila." saad ni Queenie sa kaibigan. Halos magkasalubong ang kilay ng kaibigan niya.

"Makakarating ito kay Clifford at sisiguradohin kong matatanggal kayo sa trabaho nyo. Mga hampas lupa." umigting ang panga ko sa sinabi ng kaibigan ni Queenie. Ramdam na ramdam ko ang init saking katawan.

Halos malaglag ang panga ng mga kaibigan ko.

"W-Wala akong pakialam. Sumumbong ka kong gusto mo. Anong akala mo samin? Matatakot kaming matanggal sa trabaho? Hoy babaeng penguin na mapula ang labi. Hindi pa kami nauubosan ng trabaho dito sa Manila. Oo mahirap kami, pero virgin kami. Eh kayo? Kayong tatlo? Mayayaman nga kayo pero wasak naman fefe nyo." natawa ako sa sunod-sunod na sinabi ni Grace. Pinigilan kong humalakhak ng malakas. Hindi ko alam kong virgin pa ba talaga ito si Grace. Kong makadepensa sa sarili ay napapailing ako sa tawa.

Literal namang nalalag ang panga ng tatlo. Maging si Queenie ay hindi

makapaniwala sa narinig.

"H-How dare you ugly poor," lalapit sana ang kaibigan ni Queenie ng agad namang pumagitna si Jessica. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ngayon at mas ginustong manuod sa kanila. Dahil sa totoo lang ay namangha ako sa katapangan ni Grace.

"Ma'am Ruffe, pasensya na po. Lasing lang ang kaibigan namin. Sorry po talaga. Sana po ay mapatawad nyo kami." kumunot ang noo ko sa sinabing paumanhin ni Jessica. Maging si Grace ay sobrang kunot ng kanyang noo.

Ruffe? Iyon pala ang pangalan niya. Maganda sana kaso walang mudo. Dahan-dahang lumapit si Ruffe sa direksyon ni Grace, Ivony at Jessica. Nanatiling nakahawak ang kamay ni Erika saking braso. Tila pinipigilan akong sumagot o kaya'y sumugod sa tatlong 'to.

"Sorry?" mataas na boses ni Ruffe. "Sorry galing sa taong mababang uri? Sorry? Galing sa taong hampas lupa, dukha at isang waitress? Sorry your face. Bitch!" namilog ang mata ko ng itinaas ni Ruffe ang kanyang kamay at aakmang sasampalin si Grace.

Sobrang bilis ng pangyayari at kumaripas akong lumapit kay Ruffe at isinalo ang kamay niya. Hingal na hingal ako sa galit. Hawak-hawak ko ang palapulsohan ni Ruffe sabay ng pagbilog ng mata ni Queenie at ang isa pa niyang kaibigan.

"Papayagan ko kayong saktan ako. Pero huwag na huwag ang mga kaibigan ko." namilog ang mata ni Ruffe sa narinig. Itinulak ko sya ng mahina at agad naman syang isinalo ng dalawa. Sobrang galit na galit ang mukha ni Queenie ngayon. Halos mag abot ang kanyang kilay sa galit.

"You bitch!" sigaw ni Ruffe at tila nahiya sa kanyang sarili. Tawang-tawa ako habang silang tatlo ay inis na inis ang mukha. Lumapit ako sa kanilang tatlo na ikinaatras nila. Natawa ako lalo sa pag atras nila. Mas matangkad ako sa kanila at kong ano man ang mangyayari ngayong gabi? Sigurado naman akong panalo na ako.

"I'm sorry I'm such a bitch, but your face is look like a shit." pabarang kong sagot na ikinalaglag panga ni Queenie. Isa-isa ko silang tinaasan ng kilay. Rinig na rinig ko ang mahinang tawa ng apat sa likod ko na mas lalong ikinainis ng tatlong pequin na 'to.

"Aba," lumapit sakin si Queenie ng matapang. Matapang ko rin syang hinarap. "Anong ipinag mamayabang mo? Yang kalandian mo huh?" sambit niya pa. Ngumiti ako ng nakakainis.

"Pano kong Oo? May magagawa ka ba? Ikaw nga maarte pinakilaman ba kita?" sarkastiko kong sagot na ikina igting ng kanyang panga.

"Walang'eya kang babae ka." aakmang sasampalin niya ako sabay ng may sumalo nito. Namilog ang mata ko sa nakita. Maging ang mga kaibigan ko at ang dalawang kaibigan ni Queenie ay nagulat sa ginawa ng babaeng nasa harap namin. Pulang-pula ang kanyang labi sabayan mo pa sa napaka ikli niyang suot.

Hindi ko alam kong bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko.

"Ako lang ang may karapatang sumampal sa makapal niyang mukha." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Venus. Sumulyap sya sakin na may ngiting pang-aasar.

"V-Venus," mapaklang saad ni Queenie at binawi ang kanyang kamay na hawak ni Venus bago sya umatras. Humalukipkip ang kanyang dalawang kaibigan sa kanyang gilid. "But, they bullying my friends. Sila ang unang nanakit. Gusto ko syang sampalin at parusahan. Hindi sila marunong rumispeto sa mas nakakataas sa kanila." eksplenasyon ni Queenie na ikinakuyom ng aking kamao.

"Hala... Ang sinungaling talaga. Hindi iyon totoo Ma'am Venus." biglaang sambit ni Grace sa likuran ko. Sumulyap sa kanya si Venus.

"Shut up bitch. I am not talking to you." pagbabanta ni Venus na ikinatahimik ni Grace. Hindi ko alam kong  bakit ginagawa ito ngayon ni Venus. "And you Queenie," turo ni Venus kay Queenie. Sa pagkakaalam ko ay hindi sila magkaibigan. Hindi ko rin alam kong may alam ba si Venus tungkol kay Queenie at Matteo. "Maganda ka na sana kaya lang ay hindi ka marunong mag sinungaling. Pag dating sa ka plastikan, idol kita dyan. Kaso mas plastik ako sayo." nagkaumbabaga ang kilos ng tatlo sa sinabi ni Venus. Halos hindi sila makagalaw sa puntong ito. "Umalis na kayo kong ayaw nyong ako pa mismo ang sumampal sa mga papangit nyong mukha." nagtawanan ang apat sa likuran ko. Sumulyap ako sa kanila at isa-isa silang tinignan.

"Hindi ako makapaniwala. Makakarating ito sa amo nyo. Humanda kayo." huling sabi ni Queenie at dali-dali itong umalis kasama ang dalawa niyang kaibigan. Kitang-kita sa mukha ng apat ang pangangamba at takot. Pangangamba na baka magsumbong ang mga pequin na iyon kay Clifford. Takot na baka mapaalis sila sa trabaho. Pero wala akong pakialam. Kaya ko silang kunin at anyayahang magtrabaho sa shop ko.

"Ma'am salamat po at ipinagtanggol nyo kami sa mga penquin na 'yon." sambit ni Jessica na ikinataas ng kilay ni Venus. Gumuhit ang iritasyon sa kanyang mukha.

"Excuse me? Hindi ko kayo ipinagtanggol. Hindi kayo maganda para ipagtanggol." humalukipkip si Jessica sa gilid ni Ivony. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkahiya.

"Sorry po," paumanhin ni Jessica bago yumuko.

"Bakit mo iyon ginawa, Venus? Bakit ka nandito?" sambit ko sa usapan. Tumawa sya ng mahina at lumapit sakin.

"Narinig mo naman ang sinabi ko kanina diba? Ako lang ang may karapatang sumampal sayo." sagot nito ng maarte. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit.

"Kaya kami nandito sa bar para magsaya, hindi para maghanap ng away. Ano bang gusto mong mangyari?" naging pagbabanta ang boses ko. Sa puntong ito ay ngumiti sya samin.

"Gusto kitang makausap. Kapatid sa kapatid." diretsahan niyang sagot. Nagkatinginan ang apat at tila nagulat. Hindi ko pa pala sinabi sa kanila ang nangyari kaya sila nagugulohan ngayon. Ito din ang gusto kong mangyari. Gusto ko syang kausapin ng masinsinan.

"Sige," sagot ko kay Venus bago humarap sa apat kong kaibigan. "Babalik din ako agad. Mag-uusap muna kami sandali." tumango sila bago kami lumabas ni Venus sa bar.

Kinakabahan ako. Natatakot at the same time. Dumirekta kami sa kotse niya bago sya humarap sakin ng nakangiti.

"Let's drink some tea. Pumasok kana sa kotse ko." tumango ako bilang sagot. "And wait, Mary. Dahan-dahan sa pagpasok baka kasi magasgasan ang kotse ko sa mala cactus mong katawan." namilog ang mata ko sa sinabi ni Venus. Sasagotin ko pa sana sya ngunit una syang nakapasok sa kotse niya.

Naisahan niya ako dun ah. Dali-dali akong sumunod sa kanya sa loob ng kotse. Maging sa byahe ay sobrang tahimik naming dalawa. Wala kaming tinginan at wala din naman akong balak tignan sya. Hanggang sa dumating kami sa isang coffeeshop. Kumunot ang noo ko sa nakita. Dito ang tambayan naming magkakaibigan at ang nasa likuran nito ay ang childrens park.

Pinark niya ang kotse sa parking area bago niya ako sinulyapang nakataas ang kilay. Hindi ko alam kong kapatid ko ba talaga si Venus. Wala naman kasi akong ganitong ugali.

"Let's go inside," suhestyon niya at sabay kaming pumasok sa loob ng shop. Omorder kami ng dalawang choco coffer lover. Isang klasing coffee line na may gatas sa gitna. Porma itong puso at hindi ko alam kong konektado ito sa kasama ko ngayon. Mukhang wala naman itong puso eh.

Nagkatitigan kaming dalawa at sabay ininom ang kape. Tila binalotan kami ng katahimikan at tanging mesa lang ang pumapagitna saming masamang titigan.

"Direct me to the point, Venus. So alam munang magkapatid tayo diba?" una kong salita. Inikis niya ang kanyang hita bago sumandal sa backrest ng upoan.

"Oo nong mga nakaraang araw lang at kay Daddy ko nalaman ang lahat. To be honest hindi ako natuwa na may kapatid akong bruha. Nakakahiya kasi sa posesyon ko na may kapatid akong nang galing sa  mahirap." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Umigting ang panga ko sa galit.

"Hindi mo rin ba naiisip ang posesyon ko?" kumunot ang noo niya sa tanong ko. Well, magkahiyaan kami ngayon. "Mahirap tanggapin sa posesyon ko na may kapatid akong mukhang aswang." namilog ang mata niya sa sinabi ko. Aakmang bubuhusan niya ako ng kapeng hawak niya subalit agad akong nagsalita agad. "Ah ah ah! Talo ang pikon," kaway ko saking hintuturo. Kitang-kita sa mukha niya kong gano sya nainsulto sa sinabi ko.

"Hindi ako napipikon, sadyang kulebibang ka lang talaga." natawa ako sa sinabi niya. Para syang bata sa sinagot niyang iyon. Umayos ako ng upo bago sumagot ulit.

"Anong pag-uusapan natin? Half evil sister." taas kilay ko. Sa puntong ito ay naging seryoso na ang kanyang mukha.

"I wan't to make this clear." natataranta ang kanyang kilos at tila nangangamba sa sasabihin sakin.

"Clear? Bakit? Hindi pa ba maliwanag sayo na magkapatid tayo? O baka ayaw mo lang tanggapin dahil maganda pa ako sayo?" natawa si Venus sa sinabi ko. Isang tawang maarte ngunit may galit sa mukha.

"Circular, dont care. We both know that I am much more pretty, Mary." ngumisi ako sa gilid ng aking labi. Isang ngiting pang-aasar.

"But you always make me feel like I am." sagot kong ikinalaglag ng kanyang panga.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo noh? Baka nga't maganda ka lang pag may make-up. Am I right?" natahimik ako sa sinabi ni Venus. Ito ba talaga ang pag-uusapan namin? Akala ko ba ay tungkol ito sa isyo naming dalawa at saming pamilya. Bakit nasali ang make-up dito? Well, hindi ko naman sya hahayaang manalo.

"Ako pa talaga ang maganda dahil lang sa make-up? Obviously? For me, I don't wear it for my own personal reasons. Nevertheless, and I'm always embrace my beauty whatever state it's in. With or without makeup I am beautiful and I never should less of it, Venus." wika ko na mas lalo niyang ikinagalit. Hindi ako naniniwala sa mga ngiti niyang ito ngayon. Napakaplastik! Parang mukha niya, plastik.

"Wow. Nakalusot ka dun ah. Hindi ko lubos maisip na maririnig ko iyan sayo, Mary. Mabait ka nga talaga pero mas maganda nga lang ako." irap niya bago sumimsim sa kape. Hindi ko rin lubos maisip na ganito kaisip bata si Venus. Para bang itinutulak niya ang kanyang sarili na mas maganda sya sakin.

"Okay. Ikaw na ang maganda, Venus. Maganda lang pag may make-up." sa puntong ito ay nasampal ko sya sa salitang iyon. Kitang-kita ko kong pano pumula ang kanyang pisnge sa galit.

"Is there anything wrong with feeling prettier with make up? I don't put on makeup to look less attractive. I'm hoping with makeup, I look better than my normal self at huwag na huwag mo akong iinsultohin, bitch sister." natawa ako sa reaskyon ng kanyang mukha ngayon. Ang sarap niyang inisin. Ngayon, alam kong ako na ang panalo.

"So? Naiinis kana ngayon?" sarkastiko kong tanong.

"Me?" turo niya sa kanyang mukha. "Hinding-hindi ako maiinis sa isang mababang uri lang, Mary. Baka nga ikaw pa ang pikon dyan eh. Look at your face, bitch." naging marahas ang boses ni Venus ngayon. Tinawanan ko sya ng mahina. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya kahit pinagitnaan kami ng mesa.

"Hndi ako pikon, sadyang mabilis lang talaga akong mag-isip ng mas ikaiinis mo, half sister." pabarang kong sagot na ikinatayo niya. Halos matumba ang kape sa mesa dahil sa padabog niyang pagtayo.

Inis na inis ang mukha ni Venus ngayon. Sumandal ako sa backrest ng upoan habang naka cross arm.

"Oh? Bakit ka tumayo? Diba may pag-uusapan pa tayo?" sarkastiko kong tanong. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga. Tila nagtitimpi at ayaw na akong patolan pa.

"Fine. Tanggap ko na namagkapatid talaga tayo. Pasalamat ka at may kagandahan ka kaya kita natanggap agad. Kong pangit ka pa? Hinding-hindi ako makikipag-usap sayo bitch. Inutosan ako ni Daddy na kausapin ka. Gusto ka niyang makausap at tanggapin saming pamilya. Oo, tatanggapin kita for the sake of our father. Oo, napipilitan akong makipag-usap sayo lalo na't mabaho ka pa sa basura. Oo, maganda ka kaya nga mana ka sakin diba? Oo, naiinis ako sayo pero nong malaman kong ikaw ang kapatid ko? Nabawasan na ng kaunti. Oo, Mary. Matagal ko ng pinangarap na magkaroon ng kapatid pero hindi sa kagaya mo. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Pareho tayo ng dugong nanalaytay at kahit anong pilit kong denial ay sperm cell ka parin ni Daddy. So? I think tapos na tayong mag-usap? Susunduin kita bukas para anyayahan mag lunch sa bahay. Okay, I have to go bitch. Thank you at naubos ang laway ko sayo. Nakakawalang ganda ka!" natulala ako sa sinabi ni Venus. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupoan ko ngayon. Nanigas ang katawan ko sa narinig.

Hindi ko nalang pala namalayan na nakalabas na si Venus sa shop. Nanatili akong nakatulala habang nasa ere ang paningin. Sobrang lakas ng kalbog ng puso ko. Hindi ko aakalaing ito ang pag-uusapan namin. Hindi ko inakalang ganon lang kadali sa kanila ang lahat. Nagugulohan ako sa sinabi ni Venus. Buong akala ko ay ayaw nila sakin, buong akala ko ay hindi ako matatanggap ni Venus. Bakit parang sobrang bilis yata?

Kong kailan ayaw ko na sa kanila? Ngayon? Gusto na nila?

No way. Anong akala nila sakin? Madali lang ang lahat? Kakalimutan ko nalang ba lahat ng masasakit na ginawa nila? Kakalimutan ko nalang ba lahat ng pananakit nila? Kakalimutan ko nalang ba ang lahat ng paghihirap ko? Ang mga nasayang kong luha at pagod dahil sa kanila? Hindi madaling makalimot. Oo madaling magpatawad pero hindi madaling makalimot.

Bumalik ang diwa ko ng tumunog ng malakas ang aking phone. Naikurap ko ang aking mata at dali-daling kinuha ang phone sa sling bag. Bumungad sakin ang pangalan ni Ivony.

Ivony Calling...

"Hello? Ivony?" sagot ko.

"Maey? Nasan ka na ba? Kanina ka pa hinihintay ni Rocky dito. Kasama mo pa ba si Venus ngayon?" natampal ko ang aking noo sa narinig.

"Sorry. Sige at babalik na ako---,"

Biglang namatay ang phone ko. Shit! Lowbat. Napamura nalang ako ng ilang ulit. Dali-dali akong lumabas ng shop at naghanap ng taxi. Buti nalang at nakasakay ako agad. Sana nalang pala ay dinala ko nalang ang aking kotse. Hindi ko naman kasi inisip na gusto ni Venus na sa kotse niya ako sumakay. Pinapahirapan talaga ako ng babaeng iyon.

Pagdating ko sa bar ay dumirekta agad ako sa direksyon ng apat. Sobrang bilis ng lakad ko. Napahinto nalang ako bigla ng may maaninag akong mga kalalakihan sa sofa kasama ang apat kong kaibigan. Napahawak ako saking dibdib. Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko alam kong bakit.

Hindi ako nagkakamali. Sila nga iyon. Si Clifford, Robi, Rocky at si Matteo. Pero bakit sila naroroon? Mas kumunot ang noo ko dahil nagtatawanan silang lahat.

Anong meron?

Continue...