"Good morning Palawan!" Excited na sigaw nya.
"Ahm... Eurika naman, it's too early. Matulog ka muna o kaya magpatulog ka." Inis kong sabi sabay taklob ng blanket ko.
"Too early ka dyan. Seven-thirty na ng umaga BFFE. For God's sake, bumangon ka na dyan." Alam na alam talaga nya pano ako magigising.
"Tanghali na pala. Hindi ko nakita ang sunrise!" Napabangon ako bigla ng when I realized something.
Andito na nga pala kami ni Euri sa Palawan. Ito na yung promise kong birthday treat sa kanya. Kagabi pa kami actually dumating dito pero hindi na muna kami lumabas at natulog na lang. Nasa memo ko pa naman na ang una kong gagawin ay panuorin ang sunrise pero hindi ko naachieve.
"Grabe ka kasi matulog, lakas pa ng hilik mo." Pang-aasar nya sakin. Kahit saan talaga alaskador tong babaeng to.
"Wow? Excuse me lang ha, I don't snore." Pagdedepensa ko.
"May record pa nga ako dito oh." Sabi nya tapos pinakita yubg cellphone nya. Hala! Baka totoo nga.
"Waaah! Grabe ka Eurika. Idelete mo yan." Napatalon ako sa higaan para agawin ang phone nya.
"Joke lang naman. Tara na magready na tayo." Sabi nya at tatawa-tawang binato sakin ang towel na hawak nya.
"Tss. Papadala na lang ba tayo ng breakfast o pupunta sa kitchen?" Tanong ko while fixing my bed.
"Dun na lang sa kitchen."sabi nya pagkatpos ay pumasok na rin bathroom.
Lumabas ako ng room at pinagmasdan ang ganda ng El Nido mula dito sa terrace. Valley view thatched cabana ang inu-occupy namin and gladly kitang-kita dito ang magandang view ng isla. Inistretch ko ang mga braso at mga paa ko.
"Uhm... Fresh air."
Beautiful scenery, sariwang hangin, malayo sa ingay ng city, malayo sa pagmumukha ni Zig, I think this is heaven. Ang sarap sigurong tumira dito.
Maaga pa pero ang dami na agad ng tao, dahil siguro summer vacation. Buti na lang hindi business ang ipinunta ko dito, makakapagrelax ako ng bonggang-bongga.
Naputol ang day-dreaming ko ng magring ang telephone sa room namin ni Euri.
"Hello good morning!" Bati ko dito.
"Miss Misty, Si Ria po ito." Siya ang manager ng Escapada de El Nido, pangalan nitong resort. Base sa pagkakaanalyze ko sa kanya kagabi, mga nasa late 20's na sya. Maganda at pakiramdam ko ay mabiit din.
"Uy manager! Bakit po?" As I wonder kung ano ang reason kung bakit sya tumawag.
"San nyo po prefer magbreakfast?"
"Dyan na lang po sa kitchen, pakiprepare na lang para kakain na lang kami pagdating dyan." Tulad nga ng napag-usapan namin ni Euri kanina.
"Okay po. Anong gusto nyong ipaluto ko sa kanila." Tanong ulit nya.
"Prepare your bestseller, Manager." Yun lang ang nasabi ko at nagpaalam na. Well, gusto ko rin matikman kung ano ang signature ng resort namin.
Kay Manager Ria ibinigay ni Lolo ang responsibility ng pagstay namin dito. Kaya siguro mabusisi sya at talagang inaasikaso nya kami. Hindi naman kailangan ng special treatment. I believe na mas dapat iprioritize ang mga guests namin kesa samin ng kaibigan ko.
Ilang beses na rin naman ako nakapagbakasyon dito pero elementary at high school pa yata ako nun. Medyo malaki na ang pinagbago ng lugar, ang dami na ring nagsulputan na resorts at ibang estabishments.
Nang makapagprepare ay lumabas na kami ng cottage at dumiretso sa kitchen. Euri's wearing a floral summer dress while hanging blouse at walking shorts naman ang sakin.
"Good morning Miss Misty and Miss Euri!" Bati samin ng dalawang staffs na nakatayo sa isang bakanteng table.
"Dito na po kayo." Sabi naman ng isa at pinaghila kami ng mga upuan.
"Thank you po." Sagot ko sa kanila.
Nagbow sila at umalis din agad. Dumating ang isang food attendant dala-dala ang breakfast namin.
"Good morning Miss Misty, good morning Miss Euri!" Salubong samin ni Manager.
"Manager Ria, you don't have to give extra effort samin. Okay lang po kami."
"But Miss--"
"No more buts manager."
"Okay po, kung yun po ang gusto nyo."
"Sige na po, ayos na kami dito...Wait lang manager." Pigil ko sa kanya ng makatalikod na sya samin.
"Yes Miss?"
"Manager may concern lang ako about sa pinaserve nyo samin na tapsilog at hot chocolate." Taka kong tanong habang tinutusok-tusok ng tinidor ang pagkain sa harap ko.
"Ay okay Miss Misty, di ba po sabi nyo kanina yung bestseller po ang iserve namin. So, ito nga po pala ang sikat na sikat dito sa resort natin, ang tapsilog at tsokolate! Gustung-gusto po sila ng mga guests natin na foreigners." Pagpapaliwanag nya.
"Ah I see manager. Okay na po kami."
Nagpaalam na sya at umalis. She's busy kaya hindi ko na kinulit pa. At sinimulan na namin ang breakfast.
The food is great. Honestly, hindi ito ang ini-expect kong isi-serve nila. Mas inaasahan ko ang Mediterranean dishes kesa sa tapsilog na to. Iba pa rin talaga ang karisma ng mga Pagkaing Pilipino.
"Lakas ng tapsilog nyo dito ah, iba ang sipa ng sarap. No wonder bestseller nyo to."
Si Euri ba talaga ang nagsasalita? Bakit parang jologs?
"Oo nga eh, though iba ang expectation ko sa isiserve nila hindi naman madideny na masarap talaga to."
"True. Wait lang Mist, what's our plan for today nga pala?"
"Let's go island hopping o kaya diving tayo."
"Sounds great! Babalik pa ba muna tayo ng cottage?"
"Bakit? May kukunin ka ba?"
"Naiwan ko yung DSLR. Dala mo yung sayo?"
"Hindi rin. Sige balikan na lang natin pagkatapos natin."
After ng ilang minuto may isang lalaking walang modo ang bigla na lang umupo sa tabi ko. He caught our attention kasi raskal yung kilos nya at pacool na sumisipul-sipol pa.
Nakakainis kasi nag-exist naman ang salitang "excuse me" pero hindi man lang nya nasabi. Okay lang naman samin ni Euri magshare ng table eh.
"Kuya, with all due respect po marami pa pong bakanteng tables. Tsaka po yung hot chocolate nung kaibigan ko nabubo na dahil sa careless mong pag-upo." Matapang ko syang hinarap at pinagsabihan.
Inalis nya ang black na baseball cap na suot nya tapos sinunod nya rin naman agad ang sunglasses nya.
"Dito ang gusto kong table eh."pinatong nya ang siko nya sa mesa at nangalumbaba pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko sakin.
"What the heck? What are you doing here?!"
"I'm here para makompleto ang bakasyon nyo."