webnovel

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)

radbffs · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
18 Chs

The Delinquent's Comeback (Part 2)

I gave him my number. "Bye Marie. See you on Friday," he grinned and went out to the balcony, ewan ko na kung anong nangyari. May lahi ata siyang ninja e. Naku, kung si Lucy siguro ang nandito hinimatay na yun sa kilig. HAHAHAHA.

Wednesday, bago pumunta sa meeting ng Art's club sa room ng mga 2nd year, biglang dumating si Sir Fly.

"Marie, are you free tomorrow after ng PE class niyo?"

"Yes, sir. Bakit po?" I smiled at him.

"Buti naman, dear!" he patted my shoulder. "Favor naman oh," he smiled at me cutely.

"Ay sige po. Ano po ba yun?"

"Yung isa ko kasing student nangangailangan ng tulong sa Math. Sophomore siya. May quiz kami kanina and he failed the exam. Gusto ko sana siyang itutor pero may meeting pa ako e."

"Hala, math," I chuckled a bit. "Ba't naman po ako?"

"Ba't ba ang dami mong tanong pag ikaw ang pinipili? Babayaran naman kita, dear. Pag-usapan natin sa Friday. Sa sweldo ko na kukunin, ayaw ko lang talaga na may nag-fafail sa class ko," nakasad face talaga siya. Syempre, hindi ko naman siya matatanggihan kaya umo-o ako. Gusto ko rin naman makatulong sa student na iyon.

"Tuwing Thursdays lang naman mo siya tuturuan at pumayag na siya. 4-5:30 lang naman sa library, orayt?"

"Okay po, sir!" nakakexcite naman 'to. 1st time kong magtuturo ng Math. Kailangan kong seryosohin to. Ayaw kong mapahiya. Nagpasalamat si Sir Fly sa akin at umalis. Pumunta na rin ako sa 2nd floor kung nasaan ang 1st year and 2nd year room. Nasa third floor naman ang 3rd year at 4th year rooms. Papasok na dapat ako dun sa room kaya lang may napabangga sa likod ko. Iniripan ko siya, kung sino man siya.

"Naku, ate! Sorry!" tumatawa siya habang nag-sosorry, grabe. Wala man lang sincerity? "Tanga nito e, sabing wala sa akin cellphone mo. Baka nga naiwan mo dito sa room natin," kinakausap niya siguro yung kaibigan o classmate niya. Pupulutin ko na dapat yung notebook ko pero inunahan niya ako. "Eto ate, Sorry ulit." Hinawakan pa niya ang kamay ko habang inaabot sa akin yung notebook.

"Marie, nandiyan ka na pala. Ba't di ka pa pumapasok, kumpleto na kaming lahat dito," nasa may pintuan si Lucy.

"May bumangga kasi sa akin kaya napatagal," I rolled my eyes at him. Tumatawa ang gago pero tumingin siya sa akin at bumulong. I'm sure it's sorry. Ngumiti siya pagkatapos. Pumasok na lang ako sa loob ng classroom at sumunod sila sa amin. Oh okay. I get it now. Sophomores sila at eto ang room nila.

"Kilala mo yun?" Lucy asked me habang hinahap ang phone ng classmate niya sa mga desks.

I shook my head, "Random kids playing at the hallway. Si Kayla pala, umuwi na?"

"I don't know. Wala naman siyang sinabi. But guess what!" she grinned.

"What?" I glanced back dun sa mga sophomores at umalis na sila.

"Sasali sa art club si Viola! Nagpapaalam lang siya sa mom niya, nasa parking lot na daw e."

"OMG! Mahilig rin pala siya sa arts!" sobrang tuwa ko kasi makakasama ko pa ang isa naming friend sa club, nadagdagan pa ang members namin. "Gawin natin siyang muse!"

Lucy agreed at madali rin naman naming napapayag si Viola na maging muse ng art club. Gagawa kami ng portfolio at siya ang gagawin naming cover nun. After ng 1st quarter namin siguro irerelease at para ipromote na rin namin ang iba pa naming activities for the whole year. Sana di yun burden kay Viola kasi aside sa muse siya ng club, muse rin siya ng class. I should give her something or do something para naman mag give back sa ginagawa niya para sa amin.

"Aray. Nagkapasa ata ako sa likod," minamasahe ko ang likod ko at umupo sa couch. "Kainis ang batang yun."

"Napano ka?" tanong ni Nathan habang nakikipaglaro kay Baby Mavy.

"Nabangga ako nung sophomore kanina. Hinahabol ata siya ng classmate niya kasi tinago niya phone? Ay ewan," tinurn on ko ang TV.

"Buti nga ikaw nabangga lang e, ako binubugbog."

Alam kong mahina ang pagakakasabi niya pero narinig ko yun ha. Tumingin ako sa kanya, "Ano?"

"Wala."

"A...a naman to e. Sabihin mo na, di ko naman sasabihin sa iba e," I assured him.

"Binubugbog ako ng tatay ko," walang emosyon sa mukha niya. Di ko mabasa kung anong insiip niya.

Nanlaki ang mata ko. "Hala! Bakit?"

Napangisi siya, "E...walang perang pang-inom e. Wala ang kuya ko ngayon kaya ako ang nagtatrabaho para sa amin."

"Huh? E saan mo kinukuha ang pera niyo? Sa pagbaby sit lang?" Shit. Mapapaiyak ata ako sa kwento ni Nathan. Ba't naman ganon ang tatay niya? "Ikwento mo lahat. Makikinig ako sa iyo."

"Nasa abroad si nanay. Di niya alam na ginagasta ni tatay ang perang pinapadala niya sa amin . Bisyo ni tatay ang mag-inom. Doon nauubos ang pera at ang oras niya e. Di na pumasok sa trabaho kaya natanggal at naubos na ang pera namin dahil sa alak. Di naman namin masabi kay nanay kasi binabantaan kami ni tatay na papatayin kami at isa pa, ayoko namang mag-alala si nanay. Kami ni kuya ang nagtrabaho para masuportahan ang pamilya namin kahit papaano. Pag wala kaming maiuwing pera, pag walang pagkain, bugbog ang abot. Minsan, lumalaban na rin ako kay tatay kasi di naman tama ginagawa niya e. Pasalamat nga siya at tinuturing ko pa siyang tatay e."

Napaluha ako. Pinunasan ko kaagad yung luha ko at tinabihan siya.

"Minsan di ako umuuwi sa amin kasi ayaw ko siyang makita. Di na rin ako pumapasok kasi wala namang mangyayari kung papasok ako—"

Bigla ko siyang niyakap at kinomfort, "May mangyayari. Tiwala lang."

Hindi siya umimik at bigla na lang umiyak si Baby Mavy. Naipit ko na pala siya sa pagkakayakap ko kay Nathan. Si Nathan, agad namang pinatahan si baby. Nag-sorry ako kaagad kay baby pero at buti naman at tumahan siya kaagad. Tumngin ako kay Nathan pero wala namang nagbago sa reactions niya. Pareho pa rin. Di dapat ganto ang mood, Marie, cheer him up!

"Di ko man napagdaanan yung mga naranasan mo,, naiintindihan ko naman yung nararamdaman mo," I smiled a bit. "Pero di yun rason para di ka pumasok sa school. Kung magtatrabaho ka, mahihirapan kang makahanap kasi wala kang diploma. Oh pano yun?"

Nathan just looked at me.

"Nandito naman ako para tulungan ka e. Diba Baby Mavy, tutulungan natin si Kuya Nathan?" kinuha ko yung kamay ni baby at inimitate ang voice niya, "Opo!" and I giggled. Sa dami ng nasabi niya, yun lang nasabi ko para macomfort siya. Hay. Sana naman nakatulong iyon.

Kinabukasan, birthday na ni Asher! Hindi namin macecelebrate birthday niya ng magkasama kasi may varsity training pa siya ng basketball, but I texted him kaninang umaga. Sana makita ko siya sa hallway or sa canteen para mabati ko siya personally.

Habang nagkaklase si sir FLy, bigla na lang may nagbukas ng pintuan. Napatingin kaming lahat at kilala ko tong lalaking to. Nakacap, matangkad at matipuno ang katawan. Nakapolo siya pero naka-unbutton yung dalawang butones at halatang nakasando siya. Si Nathan, pumasok na sa school! Napatulala ang mga classmates ko, natuwa naman ang mga kaibigan ni Nathan sa pagbabalik niya. Dumiretso sa bakanteng upuan sa likuran ko. Medyo tense ang lahat. Hindi namin alam kung anong mangyayari pero for sure iniisip nila na kung kokontrahin nila si Nathan, baka magkagulo pa. Tiningnan ko si sir. Nakangiti naman siya.

"At last, Nathan's here! Class please say hi to him, Nathan ngiti naman diyan. Baka mastroke ka," he laughed. "I'm glad na pumasok ka na ulit. Enjoy the rest of the year, dear!"

I glanced over my shoulder and smiled at him kahit hindi naman nakatingin si Nathan sa akin. Kakausapin ko na lang siguro siya mamaya. Pagkatingin ko naman sa harap, napansin kong si Rave na masama ang tingin sa...akin? O kay Nathan? Ay ewan. Bahala siya sa buhay niya.