webnovel

TWO

KOLN

Habang nagmamasid sa ako sa likod ng pader na tinataguan ko napansin ko ang limang myembro ng grupo na may inaabot sa bawat mga taong dumadaan at kanila naman itong tinatanggap. Curiosity hits me . Lumabas ako sa kinukublian ko at naglakad papunta sa limang lalake while acting as one of the common citizen.

" Brad baka gusto mo nito? Maganda yan para mahihina ang loob . " saad ng may medyo kapandakan na lalaki.

" Ano 'yan? " tanong ko

" Kasiyahan 'to brad " sabay lahad niya ng isang flyer .

Tinanggap ko ito at sinuri . Nang baliktarin ko ito may nakadikit na isang pakete . Damn this fucktards .

" Alam niyo ba kung ano itong pinamimigay niyo? " Mabait na turan ko.

" Brad flyer at isang bonus lang naman ang pinamimigay namin. Bakit? May masama ba don? " nakangising sagot nito.

" Meron Brad eh at isa ako sa mga nanghuhuli ng mga tulad niyo . " saad ko at mabilis na hinablot ang braso ng isa sa kanila .

Sinubukang manlaban ng lalaking hawak ko pero agad kong hinila sa likod and kamay nito at tinadyakan dahilan upang mapaluhod ito.

Mabilis namang kumilos ang mga kasamahan nito at nanakbo palayo.

Inipit ko ang kamay na hawak ko na siyang nagpasigaw sa sakit .

" Nyare pre ? "

Tumingala ako at nakilalang si Nixon pala na kasamahan ko .

" Namimigay ng bitsin sa pamamagitan ng flyer. Bitbitin mo'to hahabulin ko yung iba. " sagot ko at mabilis na tumayo.

Agad namang binitbit ni Nixon ang nahuli at nagsimula na rin ako takbuhin ang pinasukan ng mga kasamahan nito. Hindi pa naman gaanong nakakalayo ang apat nang matanaw ko sila sa sinundan kong daan na pinasukan nila.

" Hoy mga gunggong huminto kayo ! " malakas na sigaw ko habang patuloy na tumatakbo.

Mas lalo lamang tumulin ang pagtakbo nila . Walangya 'tong mga tukmol na'to. Maabutan ko lang kayo humanda kayo sakin.

Nakita ko ang pag-akyat nila sa hindi kataasang pader at tumalon sa kabila.

" Pota pinapahirapan talaga ako eh " bulong ko habang sumasampa sa pader.

Pagtalon ko agad kong tiningnan ang papalayong bulto ng apat . Mabilis ko naman itong sinundan hanggang pumasok sila sa isang masikip na eskinita . Mabilis ang paghahabol ko sa kanila habang kinakapa ang earpiece ko para humingi ng back up. I can't let does fucktards slipped this . Minions sila nung matagal ng nasa watchlist ng organization na inassign samin.

" A4114 . Slip Black Street . 9th Boulevard. 4 Men Cops. Positive Red. Need Back Up. " Saad ko habang tumatakbo .

" Copy " sagot nito

Nang makalabas ako sa masikip na daanan ng eskinita napansin ko kagulohan sa unahan. Agad kong nilibot ang paningin ko at hinanap ang bulto ng mga hinahabol ko.

" A4114 . 2 kilometers radius before leaving the Slip Black Street. Cover the area . Arrest the cops . " Saad kong muli sa earpiece ko .

" Copy " sagot ng sa kabila.

Huminto ako sa pagtakbo at tiningnan ang papalayong bolto ng apat. Fuck you dumbasses !

Sunod kong tiningnan ang kagulohan na napansin ko kanina. Naglakad ako palapit sa kanila nang mapansin ko ang nasa gitna ng kumpulan. Babae yun ah! Mga tarantadong 'to ! Agad akong lumapit para maniguradong babae nga ba talaga 'yong nakita ko.

Mabilis kong hinablot ang lalakeng nasa harapan ko at tinanong .

" Anong meron Brad? " Inosenteng tanong ko.

" Bobo kaba o walang utak? Malamang nagkakagulo ! Umalis kana dito ! 'Wag kang maki-alam kung ayaw mong masaktan. " Banta nito sakin sabay tulak.

" Teka! Nagtatanong lang ako 'wag kang manulak ! " angal ko

" Gagu ka pala eh sabing umalis kana ! " Sigaw nito sabay suntok .

Agad akong napahawak sa baba ko at nalasahan ang dugo . Puta lakas manapak ng gagong 'to.

" Alam mo bang masakit 'yon huh?!! " Sabi ko sabay sapak rin sa kanya.

Pero nagulat akong may isang sumugod at nakisali rin ang iba.

"Tangina napadaan lang ako dito ! " sigaw ko sabay salag ng kamao na dadapo sana sa mukha ko . Mabilis ko namang tinadyakan dahilan para sumalampak ito sa sahig. May sumunod na lumilipad na kamao pero agad kong sinalo gamit ang isang kamay ko at napansin ang presensya ng isang atake pero mabilis kong tinadyakan ang nasa likod ko at sinapak ang nasa harap .

Patuloy na pakikipagsapakan at tadyakan ang nangyayare hanggang sa makarating ako sa gitna at mabangga sa isang likod. Mabilis kong sinapak ang lalakeng balak na sapakin ako sabay tadyak. Humarap ako sa babae at sinenyasan siya na agad naman niyang naintindihan. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at kasabay ng pagtalon niya ay pumaikot kami habang sinsipa niya lahat ng madadaanan ng paa niya. Nang tumumba lahat ay ang pagtapak niya rin sa lupa. Bumitaw siya sakin at umupo sa semento. May sinasabi ito pero hindi ko pinakinggan.

" A1524.AREA SECURED. 4 MEN IN COPS ARRESTED. JOB WELL DONE. " Rinig kong report ng back up ko mula sa earpiece.

" Copy . " sagot ko.

Tiningnan ko ang babaeng nakaupo sa harap ko at magsasalita na sana nang nararamdaman ko ang pagkakailang sa mga titig niya.

Ba't ba naninitig 'to ? Tsaka kung makatitig lakas makapang-inspeksyon ah.

" Tapos kana mang-inspection ? " Tanong ko.

Agad namang bumalik sa ulirat yung babae tapos tumayo at kinuha yung backpack niya na nasa sahig. Nang maisukbit niya ito humarap siya sakin.

"Mauuna na ako . " saad niya at nilampasan ako.

" Naglayas ka no? " tanong ko.

Naramdaman ko ang paghinto niya.

" Pag nag oo ba ako aampunin mo ako? " Mapanghamong saad niya.

Napangiti ako sa sinabi niya at hinarap siya.

"Tara. " Sabi ko at nauna nang naglakad sa kanya.

May sinasabi pa ito kaya nag-okey na lang ako ket hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Nang makalampas kami sa eskinita narating namin ang kotse ko na nakaparada . Binuksan ko ang front seat at pinasakay siya.Pagkapasok niya agad kong sinara ang pinto. Umikot ako papuntang driver seat at sumakay. Agad na pinaandar ko ang makina at nagmaneho papuntang police station.

" Teka ! Teka ! Bakit daan 'to papuntang prisento?!! Fuck ! Ipapakulong mo ba ako?! Damn it ibaba mo ako!!! " Natatarantang sigaw nito.

Mas binilisan ko ang pagmamaneho para agad kaming makarating sa prisento . Kita ko sa peripheral vision ko ang paghigpit ng kapit niya sa seatbelt .

'That's what you get for being to nosy. ' bulong ko sa utak ko.

" Ano ba nakikinig kaba?!! Sabi ko ihinto mo ang sasakyan bababa ako! " sigaw niya uli.

Mabuti na lang nasa tapat na kami ng station. Mabilis akong bumaba at umikot papuntang shotgun seat at inilabas ang nanlalaban na babaeng 'to.

" Stop being too nosy or else ikukulong kita. Quite nosy cat . " Saad ko at hinila siya papasok ng station.

Hindi naman ito pumalag at nagpatianod lang. Pagkapasok sa prisento bumungad sa amin ang magulong district. Naglakad kami sa gitna na nagpahinto sa mga officers na nando'n. Dumiretso lamang kami sa interrogation room at nadatnan kong nandoon sina Dandrius at Nixon labas .

" Umupo ka do'n at hintayin mo ako. Mabilis lang 'to. " sabi ko sabay turo sa bakanteng upuan na kaharap ng IR. Sinenyasan ko naman si Dan na bantayan ang babaeng 'yan. Pumasok ako sa loob kasunod si Nixon. Nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa ang lima habang nakayuko .

Umupo ako sa harap at timukhim na nag-paangat sa ulo ng apat. Pinukol ako nito ng masasamang tingin.

" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa . Saan ang eksaktong lugar ng base niyo? " kalmadong tanong ko.

Tanging masamang titig lamang ang sinagot ng apat.

" Let's have a deal. If you spill the beans I'll guarantee you the lightest punishment and if not, I'll sent you in your homes cold and lifeless. How about that ? " saad ko at pinagkrus and braso ko sa dibdib.

Tinitigan ako ng apat at bakas sa itsura nito ang pag-aalangan ng sagot. Ilang sandali ang lumipas ngunit nanatiling tahimik ang apat .

" Pre mukhang wala tayong mapapala sa mga gunggong na'to . " saad ni Nixon sa gilid ko.

Tumayo ako at hinarap si Nixon .

" Ikaw na dumipatsa . May dineposit na ako na pang kabaong ng mga 'yan . " saad ko at lumabas ng IR .