webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · สมัยใหม่
Not enough ratings
42 Chs

Chapter 7

NAGING MAAYOS ang pagdidistribute nang mga libro sa bawat book store na aming pinuntahan. Halos inabot kami nang tanghale kakadistribute niyon. Hindi pa rin kami kumakain dahil kaninang umaga ay nagmamadali na kaming umalis. Nangako naman si Laz pagkatapos nito na magla-lunch kami. Kasalukuyan kaming nasa labas nang panghuling book store. Hinintay ko lang kasi si Laz kanina dahil may kausap siya.

"Where do you want to eat?"si Laz. Wala akong alam na restaurant dito. Kahit saan naman okay lang saakin.

"Ikaw nang bahala kung saan. Wala akong alam na kainan dito e." sabi ko naman sa kanya. Nakangiti akong tumingin sa kanya pagkatapos ay ibinaling ang mga mata sa mga taong naglalakad pauroon at parito.

"Okay let's go find a restaurant. Then after that bumalik muna tayo sa hotel upang magpahinga. Take time to rest dahil mamaya isasama kita sa party ni Tom."

"Anong oras ba iyong party niya?" tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa relo niya bago ako sinagot.

"I think 7 in the evening?"

"Kung ganun pala mahaba-haba iyong pahinga natin. Huwag muna tayong umuwi kung pwede?" taka naman niya akong tinignan. "Bibilhan ko pa kasi sila moma nang pasalubong. Sayang naman iyong oras ngayon. Gusto ko sanang pagkatapos nang lunch natin e mamimili ako." sayang naman kasi iyong ilang oras kong ipapahinga na wala naman akong nagawa. Imbis na ipahinga ko nang matagal bakit hindi ko nalang gamitin kahit doon man lang makagala na rin ako. Pwede naman akong magpahinga kahit ilang oras lang.

"Pwede naman. Sasamahan kita sa pamimili mo. Saan mo ba gustong bumili nang mga pasalubong para sa kanila?" ngumiwi ako sa tanong niya. Iyon na nga ang problema hindi ko rin alam kung saan pwedeng mamili.

"Iyon na nga e, hindi ko alam ang bilihan nang mga pwedeng pasalubong sa kanila. Ikaw naman kasi may alam dito. Kaya magpapasama ako sayo" pag-aalangan kong sabi sa kanya. Tumango tango naman siya.

"Actually, hindi ako bumibili nang pasalubong pagpupunta ako dito. Wala akong time para bumili pa. Nakikisuyo lang ako kay Tom na bilhan ako nang pasalubong para dadalhin ko sa pinas." Bigla akong natawa sa sinabi niya. Walanjo. Kaibigan niya pa ang bumibili nang pasalubong.

"What's funny?" takang tanong nito pero bahagyang nakangiti

"Iba ka rin kasi. Kaibigan mo pa ang pinapabili mo nang ipapasalubong mo."

"Well tom likes to go somewhere so bakit pa ako magsasayang nang oras ko para lang bumili kung nandyan naman siya willing to buy pasalubong for me." pagmamayabang niya sa kaibigan. Napamake face ako sa sinabi niyang iyon. Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ko at ginulo niya ang buhok ko. Iwinaksi ko naman ang kamay niya.

"Close talaga kayo ano?" sarkastiko kong sabi na ikina tawa niya. Pailing-iling niya pa akong tinignan.

"Yap." Maiksing sabi nito saakin. "Okay! Let's go find a restaurant I'm really hungry" himas himas niya ang tyan habang sinasabi iyon saakin. Sumang-ayon narin ako sa sinabi niya dahil ramdam ko rin ang gutom. Binuksan niya ang nakaabang kotse na sinakyan namin kanina. Nagtanong siya sa driver kung saan kadalasan magandang restaurant ang dinadayo rito. Hindi naman kami pwedeng bumalik sa hotel at doon kumain. Gagahulin kami sa oras dahil malayo na ang narating namin.

Nakarating kami sa kilalang restaurant medyo malapit sa pinanggalingan naming book store kanina. Umorder si Laz nang lunch para saakin at kanya. Sinabi ko na rin sa kanya na orderan din ang driver dahil katulad namin paniguradong gutom na rin iyon.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order namin at iyong inorder para sa driver. Tatayo na sana ako para ibigay ang inorder na pagkain para sa driver nang mag-offer si Laz na siya na ang magbibigay. Kumain na daw ako dahil alam niyang gutom narin ako. Hindi na ako umangal pa at nauna nang kumain habang siya ay hinatid ang pagkain para sa driver. Hindi naman nagtagal at nakabalik na rin siya.

We finished our lunch and then went out of the restaurant. Nakipag-usap si Laz sa driver habang nasa loob na kami nang kotse. Tinatanong niya ito kung saan ba kami pwedeng bumili nang mga ipangsasalubong katulad nang pagkain or gamit. Itinuro naman ni manong driver iyong mga sikat na market dito sa Paris. Siguradong magugustuhan daw namin ang pupuntahan namin.

Una naming pinuntahan ay ang Marche d'Aligre kung saan isa daw ito sa best-kept secrets in Paris. The market is far less crowded yet there is no shortage of wonders to discover.

"This market offers freshest cheeses, loaves of bread, and products that are from the local farm..." Laz said while we were walking in the crowded market.

Halata nga! Huminto ako sa isang store na halos ang ibinibenta ay mga keso. Iba't ibang klaseng keso. Namangha ako dahil syempre ngayon lang naman ako nakapunta sa ganitong lugar at ang mga ibinibenta reto ay paniguradong masasarap.

"Monsieur et Madame de bon après-midi" -(good afternoon sir and ma'am)

Napatingin ako kay laz nang hindi ko maintidihan ang sinabi noong babaeng sumalubong saamin "Ano daw ang sabi?" curios kung tanong sa kanya.

"Good afternoon daw" bulong niya sa tenga ko. Tango naman ang ibinigay kong sagot.

"Nous avons des échatillons gratuits de fromage fait á la maison different qu'á coup sûr vous l'aimerez." -(We have free samples of different home-made cheese that for sure you will like it.)

Hindi ko naintindihan ang sinabi nang babae. Itinuturo nito ang iba't ibang klase nang keso na naka-display sa harap namin. Iba't iba ang laki at hugis nito, mayroong bilog at nakabox. Medyo may kamahalan din ang presyo. Siguradong pag-ikinuwenta ito sa peso ay aabot ito nang higit sa dalawang daang peso pataas.

"Ano daw ang sinabi niya laz?" pabulong kong tanong sa kanya.

"They offer a free sample for us." Sabi niya. Tinignan ko naman ang babaeng nasa gilid ko at nginitian

"Voulez-vous le goûter Madame?" -(Do you want to taste it ma'am?)

"Sabi niya gusto mo daw bang tikman" agad sabi niya saakin na tinanguan ko lang.

"Yes please" masayang tugon ko sa babae. Ngumiti naman siya saakin pagkatapos ay may ibinigay na maliit na lagayan kung saan meron nang free sample na keso. Kumuha ako nang isang piraso ganun din si Laz. Inamoy ko muna ito bago isinubo. "Hmm. masarap" sabi ko. Sa amoy at sarap nang keso. Hindi na katakataka kong bakit ganun nalang ang mga presyo nang paninda nila.

"Que pensez-vous Madame? Est-ce bon juste? Voulez-vous goûter d'autres échantillons?" -(What do you think ma'am? Is its good right? Do you want to taste other samples?) she's pertaining to the cheeses.

"Ano raw sa palagay mo masarap daw hindi ba?" sabi ni laz. Kunot noo ko naman siyang tinignan. ".....iyong cheese masarap daw ba?" natatawa niyang sabi saakin. Napa "Ah" nalang ako sa sinabi niya.

"Wanna try other cheese? Mas maganda kong itry mo lahat para alam mo kung saan ang mas best."he suggested. Sinunod ko naman ang sinabi ni laz saakin. After naming itry tikman iyong ibang keso ay nakapapili rin ako. Ito ay ipampapasalubong ko kay moma. Mahilig kasi iyon magluto nang mga pagkaing hinahaluan nang keso.

Matapos kaming makapamili. Sa ibang lugar naman kami pumunta. Ang pangalawang lugar na aming pupuntahan ay ang Marche des Enfants Rouges kung saan dati daw itong bahay ampunan sabi ni manong driver.

"Marche des Enfants Rouges the oldest market in Paris. It is over four hundred years old and boasts a huge array of food, flowers, and much more. Surely you will like that place Madame." kwento nang driver. Mataman lang akong nakikinig sa kanya habang nakahilig ang ulo sa bintana nang sasakyan.

Ilang minuto lang ay nakarating din kami doon. Natuwa ako sa ganda nang lugar. Hindi ganun karami ang tao hindi katulad kanina na crowded na masyado. Swak sa budget ang mga pinamili ko doon. Pumipili ako nang mga hindi ganun ka mahal na pasalubong. Si laz naman ay bumili rin. Nagulat pa nga ako nang ilahad niya ang isang supot nang pinamili niya. Noong una ay tinanggihan ko dahil nakakahiya. But he is so persistent ayaw daw niyang inaayawan siya. Kaya wala akong nagawa kundi tanggapin nalang.

Ang pangatlo at huli naming pinuntahan bago umuwi ay ang Marche aux puces de Saint-Ouen. Absolute best flea market in Paris. It says truly interesting because everything here ranging form 19th century pa. From household appliances to nostalgic vintages cameras and other more. Sobrang ganda talaga. Napapahanga ako sa mga nakikita ko. There is also fashionable clothing in the street. Kung sa pinas may ukay-ukay dito meron din, hindi ngalang halatang ukay-ukay dahil ang gagara nang design. Pumunta kami roon ni Laz at tumingin-tingin. Dahil nga isasama ako ni Laz sa party ni tom mamaya.

Namili na ako nang magandang damit nasusuotin. Pwede ko namang labhan ito pagdating sa hotel. Binilhan ko rin sila Karen. May nakita akong magandang shoulder bag na kulay black paniguradong babagay ito kay Karen. I also bought two pairs of old Paris hand-painted porcelain vases for moma. Alam kong ilalagay niya ito sa mga collection niya at paniguradong matutuwa iyon. A 1985 Chapal jacket is what I bought for my dad. Dahil nga pumupunta siya paminsan minsan nang Tagaytay para bisitahin ang café doon pwede niyang magamit ito.

Pagkatapos nang pamimili naming ni Laz. Napagdisisyonan na naming bumalik nang hotel para makapag pahinga. Pasado alas tres na nang hapon.

"Salamat pala dito laz" itinaas ko ang isang malaking supot na puno nang masasarap na pagkain pampasalubong. "Hindi kana sana nag-abala pa. Pero Salamat ha?" masaya kong sabi sa kanya.

"It's nothing. Pasasalamat ko na rin yan sayo dahil tumaas ang rating nang story mo." He said.

"Naku. Hindi lang naman ako ang nagpakahirap doon, kung kaya tumaas ang rating. Pero Salamat ulit" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya saakin at iyan nanaman siya bigla-bigla nalang guguluhin ang buhok ko. Napasimangot naman akong tumingin sa kanya.

"You're welcome Ran" sabi niya. Iminuwistra niya ang kamay niya at tinuro ang pintuan ko. "You should rest now. Take some nap dahil mamaya pupunta tayo sa party ni tom" pagpapaalala niya saakin.

"O-kay po" kunwaring sabi ko na parang bata. Pinagbuksan naman niya ako nang pintuan dahil nakita niyang halos hindi na ako magkanda-ugaga sa pagdala nang mga pinamili. "Salamat ulit" pagkatapos niyon ay siya na mismo ang nagsara nang pinto para saakin.

Nakahinga ako nang maluwag nang mailagay ko sa kama ang mga pinamili.

"Hay!" pakawala ko nang malakas nahininga. Hihiga na sana ako nang maalala kong kailangan ko pa palang labhan iyon susuotin ko mamaya. Nagmadali naman akong kunin iyon sa paper bag na pinaglagyan at dali-daling tinungo ang cr. May blower naman kaya madali lang itong matutuyo.

------

MAGNIFICENT contemporary town mansion ang bumungad saamin pagdating namin. Bumalatay sa mukha ko ang pagkamangha sa ganda nang bahay. "Wow. Walanjo! Mansion to?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Laz na ikinatawa niya lang.

"Yap. As you can see. Mansion nga iyan"

"Shocks! Grabe naman ang yaman ni tom. Parang nahiya naman ang paa kong umapak sa daan papasok ah." Kunwari'y biro ko sa kanya. Pareho kaming natawa pagkatapos. He offers his hand to guide me for a walk. Medyo mataas ang gamit kong pangyapak at medyo rough iyong daanan.

Hindi paman kami nakakalapit sa main entrance nang mansion ay dinig na ang malakas na tugtugan. Party nga tagala! Sanay ang mga tao sa ganito ano? This is my first-time joining a party with you know. Elite people. Halos sila argen at rein lang naman ang nakakasama ko. Hindi naman kami ganun ka angat sa buhay kasi.

"You should enjoy the night." Matamang sabi ni Laz saakin. Oo nga no. "Don't worry my friends are nice. Mapagbiro ngalang?" may pagdududa pa niyang sabi.

"tsh. Nice pero mapagbiro? Anu yun?"

"Basta" tipid niya lang na sagot.

We entered the large living room wherein there are some people dancing and drinking. Hindi naman ganun karami ang nasa loob nito.

Sinalubong kami nang lalaking nakasuot nang puting polo na bukas hanggang sa pangatlong botones nito. Kita na iyong kaunting dibdib niya. Matangkad lamang nang kaunti kay Laz.

"Hey brother, how are you?" bati nito kay Laz at tinapik ang balikat. Nagyakapan silang dalawa. Napangiwi ako. Napansin niya siguro kaya naibaling niya ang tingin niya saakin. Hinagod naman niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Nakakaintimidate iyong tingin niya. "Good evening Miss beautiful" kumalas siya sa pagkakayakap kay Laz at bigla nalang kinuha ang dalawa kong kamay at dalhin iyon sa kanyang labi.

Nanlaki naman ang mata ko nang halikan niya ito. At pagkatapos ay ibinalik rin sa saakin. Nakangiti na siya saakin. "Your name is?" nanliit ang mata niya nang tanungin niya ako sa pangalan ko. Sasagot na sana ako nang si Laz mismo ang sumagot sa tanong niya.

"Her name is Ran Emmanuel, Tommy. Don't scare her." Ikinatawa naman ni Tom iyon habang nakatingin parin saakin with matching nakapamaywang habang hawak sa baba niya ang isang kamay.

"You really know how to choose a woman ha?" sarkastikong tugon niya kay Laz na ikinalito ko naman. Nakita kong naging seryoso ang mukha ni Laz nang marinig niya ang sinabi nang kaibigan.

"Shut up Tom." Inis na sabi niya sa kaibigan. Napabaling naman si Tom dito at matamang itinaas ang dalawang makay na wari'y pinapahiwatig na suko na.

"Okay, okay. Don't kill me brother. I'm just kidding, you know me." tom said with devilish smile. "Come on ipapakilala kita sa ibang kaibigan namin ni Laz" walang sabi sabi'y hinawakan niya ang kamay ko nang hindi ko manlang napansin. Malapit na rin akong matapilok sa paglalakad buti at naimanage ko pa. Nakita ko namang pailing-iling na sinundan kami ni Laz at napapabuntong hininga sa ginawa nang kaibigan.

As I observe, si Tom iyong tipo nang tao na walang paki sa mundo at paligid niya. Alam mo yun hindi niya napapansin na medyo napapalakas ang kaladkad niya saakin e. Masaya pa siya sa lagay nayun. Kabaliktaran sa kaibigan niya. Kung gaano kaingat si Laz siya walang ingat. Grabe!

"Hey tommy slow down. Para mo nang kakaladkarin si Ran" kaladkad na kamo! mahina ngunit dinig naming pareho iyon ni Tom. Napatingin naman siya saakin at medyo niluwagan ang pagkakahawak sa kamay. Nahalata niya rin siguro. Buti nga!

"Oh sorry. Just excited" nanlalaki pa ang mata niya habang sinasabi iyon. Hindi rin nawawala ang nakakalokong ngiti niya. Napapabuntong hininga nalang ako sa ginawa niya. Makulit and at the same time weird.

Malaki ang sakop nang living room kasama na roon ang monumental fireplace and adjoining patio with bookshelves and study furnished in bronze and crystal. Lumabas kami sa ibang direksyon kung saan bababa kami papuntang lower garden. Doon rinig na rinig ang hiyawan at tawanan nang mga kalalakihan. Ito na siguro ang mga sinasabi ni Tom na kaibigan nila.

Pagkababa namin ay makikita na agad ang dining room with fireplace ulit at pagkatapos naka access ito sa garden na kung saan tanaw mula sa dining room. Pagkalabas namin doon ay tanaw na ang relaxation room which is the swimming pool na malaki. Sa kaliwang parte nito ay naroon ang sauna or hamman.

Palapit na kami nang palapit. Palakas nang palakas naman ang kabog nang dibdib ko. Hindi ko alam kong bakit. Pero kinakabahan ako. Kung kanina ay malakas na ang boses nila dahil sa tawanan ngayon naman nang makita kami ay biglang humina at may sumisipol-sipol pa.

There are six gorgeous men sitting beside the pool. Nakaupo lang sila doon habang may mga hawak nang inumin bawat isa. Inisa-isa ko silang tinignan at napako lamang ang mata ko sa lalaking seryoso ang tingin saakin. Sumikdo ang dibdib ko nang magtama ang mata naming pareho. Para akong huhubaran sa mga ibinibigay niyang tingin saakin. Napalunok naman ako dahil doon. Parang pinagpawisan narin.

Si Simon. sigaw nang isip ko sa oras na ito. Nasisiguro kong ito iyong kaba na kanina ko lang naramdaman.

"Are you okay Ran?" napapitlag ako sa bulong ni Laz saakin. May pag-aalala sa kanyang mukha nang ibaling ko ang tingin sa kanya kahit hawak parin ni Tom ang kamay ko. Hindi ko rin na pansin na nakalapit na pala si Laz sa akin. Nasa likuran ko siya.

"A-ah o-okay lang ako. Wag mo kong alalahanin" mahina kong sabi. Naningkit ang mata niya na parang hindi kumbinsido pero hindi naman siya kumibo.

"Hey Tom who's that? Nice catch ha?" nagtawanan ang ilang kalalakihan maliban kay simon nang magsalita iyong hindi ko kilalang lalaki na mabrosko ang katawan at may balbas na hindi naman ganun kakapal.

"That's Ran. Writer siya sa kompanya ni Lazaro" si vico naman iyong nagsabi sa kanila.

"awesome!" namamanghang sabi nong nagtanong kanina. "Hey, I 'm Nolan" maangas na sabi niya. Nakaupo lang siya sa tabi ni Vico at Simon. Rude! Pero okay na rin baka ganun talaga ugali niya.

Hindi matanggal ang tingin ko kay Simon dahil wala itong kibo ni reaction man lang. Bakit ba ganito ito lagi pagnakikita ko? Saakin lang ba ito ganito o ganiyan na talaga siya ka seryoso? Hindi man lang ngumitingi.

"Come and be seated" iyong isang lalaki na nasuot nang polong itim ang nagyaya saamin na umupo nang makalapit kami. "Nice to meet you hermosa. I'm Valentino Parondi" magalang pero nandoon ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi habang inilalahad ang kamay niya saakin. Kanina pa nabitawan ni Tom ang kamay ko nasa likod ko lang silang dalawa ni Laz.

Nag-aalangan man ay malugod ko paring tinanggap ang kanyang kamay bilang pagrespeto narin. Katulad kanina hinalikan niya rin ang kamay ko pagkatapos magpakilala. Masasanay rin siguro ako nito. Shake hands lang ang sa pinas e. Dito may paganun pa. Gesture na siguro nila iyon sa mga bagong kakilala? Ewan ko.

"I'm Quintin Morin the most handsome of them all, beautiful" pakilala naman nang isa. Medyo na tawa ako sa kakapalan nang mukha niya. Tagalang confident na confident siyang sabihing sya ang pinakagwapo ha? Kung sabay gwapo naman siya. At gwapo silang lahat. Walang labis walang kulang.

"Really Quin? Handsome? Saan banda?" pang-aasar ni Tom sa kanya.

"Do you want Lilou to get mad at you Quin?" panakot nang lalaking hindi ko pa nakikilala. Nakita ko namang napalunok si Quin sa sinabi nang lalaki. Nakakatakot ba iyong Lilou na sinasabi nila? Asawa niya siguro iyon.

"Oh no. Syempre ayoko. Baka itaboy na ako nang baby ko pagnagkataon"

"Then f*ck off. Asshole! Wag kanang lumandi baka gusto mong pulutin ka nalang sa tabi kapag itinaboy ka ni Lilou." nagtawanan sila sa sinabi nang lalaki. Napakamot naman sa ulo si Quin sa kakapang-asar nang kaibigan.

"I'm Gabin Mohamed Giarrusso" pagpapakilala niyong lalaki kanina na nang-aasar kay Quin. "Just call me gab or gabin" pormal nitong sabi saakin. Na tinanguan ko naman.

"I'm Ran Emmanuel. My friends called me Re or Ran." Pagpapakilala ko sa kanila. "Nice to meet you all" nahihiya man ay pinilit ko ang sarili kong maging matatag sa harap nang mga naggagwapuhang lalaking ito kasama na roon si Simon. Lalong hindi ako makahinga nang maayos dahil napapalibutan ako nang mga ito. Ang ipinagtatakhan ko lang ay paanong naging kaibigan ni Laz si Simon kung noong nagkita kami sa office ni vico ay ipinakilala pa niya ito saamin? Anu yun trip lang? Kunwari'y hindi sila magkakilala? Ay ewan ang gulo.

Argen! Rein! Saisip-isip ko. Kung sana nakasama ko lang silang dalawa ay wala sanang problema. Paniguradong maiinggit ang mga iyon pag nalaman nila.