webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · สมัยใหม่
Not enough ratings
42 Chs

Chapter 33

After those issues we've been dealing for five years, humupa narin sa wakas. Hindi ko nga lubos maisip na sobrang babaw pala nang tiwalang meron ako para sa kanya. Mas pinakinggan ko ang sinabi nang ibang tao kesa unahing pakinggan ang panig niya.

All this time naniwala akong kasal siya at tumagal pa iyon nang limang taon. Ang laki kung tanga! Hindi man lang sumagi sa isip ko na pakinggan ang panig niya bago nagdesisyon. Naging selfish ako at sariling damdamin ko lang ang nakikita ko at iniisip ko. Hindi man lang inalala kung nasaktan rin ba siya? Nagdusa rin ba siya nung maghiwalay kami? Laking pagsisisi ang nararamdaman ko.

"Huwag mo nga akong titigan nang ganyan Simon." Naiilang dahil sa nakaka hipnotismong titig niya.

Nakaupo kami sa kama niya at magkaharap dahil ginagamot ko ang dalawang kamay na nasugatan nang vase. Halos walang natirang babasaging gamit dito sa loob ng kwarto dahil sa ginawa niya.

"I can't take my eyes on you, babe. It feels like I'm dreaming of you...ouch! Why did you do that!" namilipit tuloy siya sa sakit dahil diniinan ko ang paglalagay nang gamot sa kamay niya.

"Para malaman mong hindi ka nananaginip." Ani ko at inirapan siya. "Ayan okay na!" binitawan ko ang dalawang kamay niya at saktong sa mga binti ko ito nahulog. Nakatingin siya doon kaya ganun din ang ginawa ko.

"Thank you..." aniya kaya napatingin ako sa mukha niya, nasa kamay parin ang mga mata.

"Ha? Para saan?"

Tumingin siya saakin, malamlam ang mga mata.

"Sa paglinis at paggamot nang sugat ko..." he said with lots of emotions.

Hindi ko alam pero ibang sugat ang nasaisip ko, wari nagpapahiwatig nang ibang sugat, parang puso? Hindi siya nagpapasalamat dahil nasugatan siya physically but emotionally. Gusto niyang ipahiwatig na maayos na ulit ang puso niya, na okay na ulit ang puso niya, na bumalik ulit sa pagtibok ang puso niya.

Tumikhim ako.

"I'm sorry for all I've caused Simon." Napayuko ako at kagat labi upang pigilang huwag mapaiyak.

Nagiging emotional ako kapag siya ang kaharap ko. Mabilis akong umiyak, ang weak ko grabe!

"Hush!" he held my chin at inangat niya ito upang magpantay ang tingin naming dalawa. "I told you to stop saying sorry." Malambing niyang pagkakasabi.

Tumango na naman ako na parang bata. Kailan pa ba matatapos to. Hindi ko naman kasi mapigilang humingi nang patawad e. napagtanto ko na talagang may kasalanan din ako.

"I-I'm sorry-"

A soft and kissable lip touched mine to stop me from saying sorry. I closed my eyes to feel him. Damang-dama ko ang pag-iingat niya saakin, habang hinahalikan ako nang marahan at puno nang pagmamahal. Puno nang kasabikan niya akong hinahalikan at ganun din ang tugon ko sa kanya.

Siya mismo ang unang pumutol sa halik na halos ayaw kong tapusin, nanghihinayang na tinapos niya agad ang halik na pinagsaluhan namin.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya tinablan ako nang hiya. Baka isipin pa nito sobra ang pagkasabik ko sa halik niya. Nakakahiya!

Pinagdikit ni Simon ang noo naming dalawa at tumatama ang hininga niya sa mukha ko ganun din ako sa kanya.

Hinaplos niya ang mukha ko at dama ko ang magaspang na telang bumabalot sa kanyang kamay.

"I'm happy to know that you're back, babe. You are back in my arms again." Puno nang kapanatagan niyang saad.

Yung feeling na bumalik sa kanya ang pinakamahalagang bagay na meron siya, at ako yun.

"Hindi naman ako nawala sa mga bisig mo Simon."

"Hindi nga ba?" balik niya saakin na ikinatahimik ko. Huminga siya nang malalim. "Walang araw at gabing umaasa akong bumalik ka. Minuminuto akong nananalangin na sana makita kitang muli."

"Ganun mo ako kagusto?" parang hindi makapaniwala ang boses ko nang tanungin ko iyon. Tumango siya.

Kumalas siya sa pagkakadikit nang noo namin at tinitigan ako nang sensero. Walang bakas nang biro na makikita sa kanyang mga mata. My lip pouted when he look at me without blinking.

"Isn't it obvious Ran?" aniya "Kung hindi kita gusto sa tingin mo nandito ako ngayon para habulin ka?" hindi ko lubos maisip kung ganun nga ang mangyayari.

Tama si Simon, wala siya sa harapan ko ngayon kung hindi niya ako gusto. Hindi niya ako hahabulin hanggang dito kung wala siyang gusto saakin.

"Patawad Simon-"

"I told you to stop saying sorry." Parang iritang-irita siya kapag naririnig ang salitang sorry. Tikom ko tuloy ang bibig.

"Hindi ko lang kasi maiwasan Simon."

"Hindi ko hinihingi ang sorry mo Ran. Ang hinihingi ko sa oras na 'to ay ang tiwala mo, ang pagmamahal mo, at ang magka gusto kang muli saakin. Yun lang naman e."

"Mahal kita noon pa at kahit kailan hindi ka nawala dito..." turo sa dibdib kung nasaan ang puso ko. "Hindi rin nawala ang pagkagusto ko sayo, mula noon hanggang ngayon ikaw parin naman." Sensero kong saad.

"Pero hindi ang tiwalang meron ka..." doon ako hindi nakapag salita. "Hindi mo ko pinagkatiwalaan..." puno nang pait niyang sinabi iyon sa akin.

"Simon..." bumara ang lalamunan ko wari hindi alam ang sasabihin.

"That's okay. Wala na iyon saakin huwag mo nang isipin pa iyon..." he said after that niyakap niya ako. "I'll forgive you for everything..." aniya kahit wala naman akong sinabi.

Yung bigat na matagal ko nang tinatago-tago feeling ko nairelease ko na. Gumaan yung pakiramdam at nakakahinga na ako nang maayos. Wala nang bumarang sakit dito sa puso ko.

Tinatanong ko ang sarili kung deserve ko ba ang pagmamahal na ibinibigay ni Simon saakin. Bakit ganun nalang niya ako patawarin matapos kong ipagkait sa kanya ang pagmamahal na dapat matanggap din niya?

"Do I deserve your love Simon?" instead na isaisip ko lang iyon naitanong ko pa sa kanya.

Ramdam ko ang pagtango niya habang mahigpit akong niyayakap. I feel the longing in his arms. "You deserve it, babe. You deserve the love I am giving you because I love you. Don't doubt it." Napasubsob ang mukha ko sa balikat niya.

Parang ayaw tanggapin nang sarili ko ang sinabi niyang iyon dahil puno nang pagsisisi ang puso ko. Kung sino pa iyong mas nasaktan siya pa iyong mabilis magpatawad. Ganun ang ipinapakita ni Simon saakin ngayon, nakakahiyang isipin na mas minahal niya ako nang lubos.

"Bakit ganito kabuti ang puso mo? Bakit sobra yung pagmamahal mo saakin? Sinaktan kita Simon, iniwan kita, pero hindi mo man lang ako pinahirapan?" totoo yung sinabi ko.

Hindi ko man lang naranasan na pahirapan niya para tanggapin niya ulit. Walang kahirap-hirap akong tinanggap sa bisig niya.

"Dahil mahal kita..." salitang tumatak sa puso ko. Salitang puno nang kulay at kahulugan.

Dahil mahal kita...

Dahil sa pagmamahal na iyon na kaya niyang ibaba ang sarili maibalik lang ako sa mga bisig niya. Pagmamahal na hindi naman deserve nang isang katulad ko dahil puno ako nang galit, pagkamuhi at kawalan nang tiwala sa kanya.

"Sobra akong nagsisisi Simon. Patawarin mo ako sa kawalan nang tiwala sayo, mas pinili kong maniwala sa sinasabi nang iba kesa pakinggan ka. Patawad kung nagdesisyon ako mag-isa." Lubos ang paghingi ko nang patawad. Hindi ko makuhang tignan si Simon, ikinakahiya ko ang sarili.

"Hush!" pag-aalo niya, hinahagod ang likod ko at pinapatakan nang mumunting halik ang buhok ko. "Mahalin mo lang ako nang sapat Ran, pagkatiwalaan mo lang ako nang sapat, okay na saakin iyon." Himig nang pag-ibig at puno nang lambing na inaalo ako ni Simon.

"Mahal parin kita Simon, mahal na mahal , noon maging ngayon. Ang kawalan nang tiwala ko noon ang sumira nang pinagsamahan natin."

"Hush! Tama na Ran, huwag mo nang sisihin ang sarili mo..."

"Susubukan kong ibigay ang buong tiwala ko sayo at pangako hindi na ako aalis pa..."

"Huwag kang mangako, babe. Gawin mo dahil mahal mo ako..." hindi iyon pautos nang sabihin niya, katutuhanan iyon na dapat kong gawin.

Gawin mo dahil mahal mo ako... paulit-ulit na tumatakbo iyon sa isip ko.

Punong-puno siya nang pagtitiwala na mahal ko siya, samantalang ako ni katiting na tiwala hindi ko pa naibigay sa kanya.

Ang swerte ko naman masyado dahil may isang lalaking handa akong patawarin sa lahat nang sakit na ipinaranas ko sa kanya.

Handang magpatawad despite everything I've done. He said that I really deserve him, deserve the love he's giving me. Dini-declare niyang deserve na deserve ko ang pagmamahal niya. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Iba talaga kapag nagmahal ano? Saktan man nang minamahal, susuklian ka parin nang salitang 'pagmamahal'.

------------

Dalawang araw akong nanatili sa kwarto ni Simon dahil sa trangkaso ko, imbis na alagaan niya ang sarili dahil dalawang kamay niya ang nasugatan mas ako pa ang pinaglaanan niya nang pansin.

Nalaman ko mula sa kanya na pansamantala siyang nakikituloy sa Mansion nang kaibigan niya, at ang kapal nang mukha nakuha pang magbasag nang mga kagamitan sa kwartong tinutuluyan niya. Hindi naman pala sa kanya, ang galing diba?

Sabi pa niya, okay lang naman daw kahit may mabasag siya hindi naman magagalit yung may-ari nang bahay. Lakas nang kumpyansa sa sarili, hindi porket kaibigan niya ang may ari nang tinutuluyan niya ngayon e, okay lang na magbasag nang mga gamit, pansin ko pa naman sa mga gamit na binasag niya, mamahalin. Ako tuloy ang nahihiya.

Nang masiguro kong maayos na ang pakiramdam ko, napagdesisyunan ko ring umuwi, inaalala ko kasi sila Nay Lusing na naiwan sa bahay, baka nag-aalala na iyon.

Ang awkward nang sitwasyon namin ngayon dahil sumama si Simon pabalik nang bahay. Hindi ko naman siya mapigilan dahil baka magkasagutan ulit kami. Ayoko nang madagdagan pa ang kasalanan ko, baka isipin nun ayoko siyang isama sa bahay.

Nakaupo kaming apat sa sala, katabi ko sa iisang upuan si Simon. Samantalang nasa kabilang upuan naman si Nay Lusing at Samuel pareho silang naka cross arms, wari sinusuri kaming dalawa, yung feeling na bumalik kami bilang mga binata at dalaga tapos nasa harap namin ang mga magulang ko.

Napapabuntong hininga sila, para bang naka gawa ako nang maling hakbang. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko, parang umurong ang puwitan sa oras na 'to.

Tumikhim si Simon, ganun din ang ginawa ko. Hindi maiwasang ibaling sa ibang direksyon ang tingin dahil naiilang ako sa paninitig nila.

Panay ang paggalaw nang mga daliri ko sa upuan. Naghatid ito nang mahinang ingay. Ito kasi yung hatid nang pagkailang na nararamdaman ko e. Naiilang dahil sa mga tinging binibigay nila saamin.

Hinawakan ni Simon ang kamay ko, siguro naramdaman niya na hindi ako mapanatag sa kinauupuan ngayon, pinagsalikop niya ito dahilan nang pagtikhim nang dalawa.

Napatingin tuloy kami sa direksyon nila at kunot noo ko silang tinignan.

Sila naman ngayon ang hindi makatingin saamin. Waring naaasiwang makita kami na magkahawak kamay.

I tsked and pouted.

Ano naman ang nakakaasiwa doon? Natural lang naman na hawakan ni Simon ang kamay ko kasi gusto niya ako. Para namang hindi nila iyon napagdaanan dati.

"Tumigil nga kayong dalawa sa kakabuntong hininga at magsalita naman kayo." Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Wala akong masabi..." ani Nay Lusing habang panakanakang sinusulyapan si Simon.

"I'm speechless, grabe." Sapaw naman ni Samuel.

Napaingos ako dahil sa mga sagot nila.

"Pareho lang yun in-English mo pa!" inirapan ko si Samuel.

Hindi ko naman maiwasang panliitan nang mata si Nay Lusing dahil sa pasulyap-sulyap niya kay Simon. Pagkamangha sa gwapong mukha ni Simon ang nakikita ko sa mga mata nang matanda.

Kung dati si Samuel ang panay na tinititigan niya kasi nga gwapo, ngayon naman Simon. Akala mo naman sa kanya ngayon lang nakakita nang mala artistahing mukha. Kung tutuusin kasi hindi maipagkakaila ang gandang lalaki ni Simon, kaya nga plus point sakin yun e.

Ayan! Kinikilig na naman ako sa mga iniisip ko.

"Hijo, anong meron sa alaga kong ito at nagustuhan mo?" sinamaan ko nang tingin si Nay Lusing, hindi ba kapanipaniwalang may magkakagusto sakin na ganito ka gwapo? Nakakasakit nang damdamin a!

Hindi mapigilan nila Simon at Samuel ang matawa dahil sa tanong na iyon ni Nay Lusing.

"Alam nyo kasi hindi ako makapaniwala e!" dagdag pa nang matanda, hindi na talaga ako natutuwa kay Nay Lusing. Nagsalubong ang mga kilay.

Imbis na maging proud siya dahil may lalaking nagkakagusto saakin kahit hindi ako ganuon ka ganda, mas dina-down pa ata ako.

"Wala ka talagang suporta sa kagandahang taglay ko Nay Lusing!" may pagtatampo ang tinig.

"O siya sige, ikaw na ang maganda. Makapag handa nga nang meryenda at baka nagugutom na itong binatang kasama mo." Napasimangot nalang ako dahil hatalang iniiwasan ni Nay Lusing ang susunod ko pa sanang sasabihin.

"Simon po ang pangalan niya..." pagpapakilala ko kahit hindi naman tinanong nang matanda.

"Simon..." aniya, tumango naman itong katabi ko bilang pagsang-ayon. "Kay gandang pangalan naman hijo, bagay sayo..." dagdag pa nito.

Tinignan ko naman ang katabi ko, hindi ko maiwasang mapangiti dahil bakas ang pagkailang sa mukha ni Simon nang sabihing bagay sa kanya ang pangalan niya.

"Maraming salamat po..." sabi nito sa matanda pagkatapos ay tumingin siya sa gawi ko. Inangat ang magkasalikop naming kamay at dinala ito sa kanyang labi, pinatakan nang mumunting halik ang kamay ko.

"O siya exit na ako. Hindi ko kaya ang ka sweetan nyong dalawa."

Magaling din umiwas sa usapan ang matanda, iniwan kaming tatlo sa sala. Gusto ko sanang sundan si Nay Lusing sa kusina kaso hindi ko naman maiwan-iwan ang dalawang ito na matamang nakatingin sa isa't isa.

Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyaring suntukan sa pagitan nilang dalawa noong birthday party nang kaibigan nila.

Baka kapag iniwan ko ang dalawang ito, hindi pa ako nakakalayo makikita ko nalang baka magkagulo na naman.

"Magtitigan nalang kayo hanggang maghapon ganun?" pag-aapela ko, napalunok ako nang sabay silang dalawa na lumingon saakin. "B-bakit ganyan kayo makatingin?" ani ko.

Si Samuel ay nagpakawala nang malalim na buntong hininga pagkatapos ay nagsalita.

"I never expected this to happen. Ilang beses kitang iniwas sa kanya kasi alam kong masasaktan ka pero tadhana na mismo ang naglapit sa inyong dalawa..." aniya na ikinalito nang isip ko.

Ano na naman ang pinagsasabi nang lalaking 'to? Minsan hindi ko talaga masundan mga pinagsasabi niya.

"What do you mean?" si Simon. Pareho pala kami nang tanong, balak ko rin itanong yan kay Samuel, naunahan lang ako.

"Do you remember?" saakin nakatingin si Samuel, hindi pinansin ang tanong nang katabi ko. "Noong naglalakad tayo sa dalampasigan para sana panuorin ang paglubog nang araw? Tapos pinag-uusapan natin siya..." tumingin na siya ngayon kay Simon.

Umayos naman nang upo itong katabi ko. He wanted to hear the continuation of Samuel's story.

"You were talking behind my back?" parang galit na ewan.

Umiling si Samuel hula nito nab aka iba ang isipin ni Simon sa sinabi niyang iyon. Kaya umapela na ako.

"Huwag mo sanang isiping sinisiraan ka namin. Hindi iyon...hindi 'yun yung punto niya, tungkol yun sa nararamdaman ko sayo Simon." Mukha naman siyang nakahinga nang maluwag.

"Okay, continue please..." mahinahon niyang pakiusap kay Samuel.

Tumango naman ito. "As what I've said we were talking about your feelings toward Simon and you keep on denying that statement." He paused for a moment and smirked at me.

Natutuwa talaga ang lalaking 'to na nakikita akong kawawa. Hindi tuloy ako makatingin kay Simon dahil alam ko masama ang tinging pinupukol nito saakin.

"Really? You keep on denying huh?" nahihimigan ang inis sa boses niya.

"H-hindi naman sa ganun...kasi anu...um..." kung saan-saan nakatingin ang mata ko, naghahanap nang palusot pero wala akong mahanap.

He tsked.

Natahimik nalang ako at sumimangot sa tabi niya, kesa naman kasi magdahilan pa ako, e wala na akong ibang maisip, mas mabuting manahimik nalang.

Pinagpatuloy ni Samuel ang pakukwento, nung araw pala na gusto naming mapanuod ang paglubog nang araw sa dalampasigan, nakabunggo ko pala nun si Simon nang hindi sinasadya, kaya ganun nalang ka pamilyar ang pangangatawan niya, sinabi ko pa nun na familiar siya sakin, 'yun pala si Simon iyon, tapos sumakto pa sa sinabi ni Samuel na baka magkita nga kami doon, hindi nga siya nagkamali.

At yung mga salitang hindi ko maunawaan dati kay Samuel, ngayon naunawaan ko na, kung bakit hingi siya nang hingi ng sorry iyun ay dahil natakot siyang baka masaktan ako kapag magkita kami ni Simon. Hindi alam ni Samuel na may mali ako at ako pa iyong pinuprotektahan niya, maiwas lang kay Simon.

Pero sabi nga ni Samuel tadhana na mismo ang gumawa nang paraan para magkita kami ni Simon. Tadhana na mismo ang siyang naglapit muli saaming dalawa upang ayusin ang dapat ayusin.

"Ate Manuela tawag ka daw po ni lola sa kusina..." si Begail na bigla na lamang sumulpot sa sala.

Takang napabaling nang tingin si Simon saakin, nagtataka kung bakit Manuela ang tawag nung bata saakin.

Si Samuel naman natural lang na nagmamasid saaming dalawa ni Simon.

"They use to call her Manuela instead of Ran, intindihin mo nalang..." si Samuel ang sumagot kahit hindi naman siya tinanong ni Simon.

Tumango-tango naman ang katabi ko. Tumayo ako at nagpaalam na pupunta muna akong kusina kasi ipinatawag ako ni Nay Lusing kay Begail. Sabay silang tumango, nakuha ko pang pagbalingan silang dalawa at pareho pala silang nakasunod nang tingin saakin. Napapairap nalang ako sa kawalan.

Nang marating ko ang kusina nakita kong nagtitimpla nang juice ang matanda. Nang mapansin ako ngumiti siya saakin, kaya nginitian ko rin.

"Pasensya na at pinatawag pa kita kay Begail anak ha?" aniya nang makalapit ako.

"Okay lang po Nay Lusing, ano po ba ang maitutulong ko Nay?"

"Ito dalhin mo sa kanila..." binigay saakin ang inihandang meryenda para sa dalawa. "Magluluto pa ako nang panghapunan natin para mamaya tatawagin ko nalang kayo doon." Aniya.

Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa, pagkatapos nun lumabas din ako kusina dala ang meryenda nila.

Inilapag ko ito sa maliit na lamesang sa harap nilang dalawa. Hindi pinansin ang presensya ko dahil may iba silang pinag-uusapan. Pagkatapos nun naupo ulit ako sa tabi ni Simon.

"I didn't know that Tommy is also your friend. Sadyang maliit ang mundo para hindi natin makilala ang isa't isa." Natatawa si Samuel habang sinasabi niya iyon kay Simon.

Sumang-ayon naman ang katabi ko. "You're right." Tumingin si Simon sa gawi ko at binigyan ako nang malamlam na tingin, sinuklian ko lang iyon nang matamis na ngiti.

"Meryenda muna kayo..." ani ko sa kanilang dalawa.

"Sinabi mong umalis ka sa tinatrabahuhan mong airline hindi ba?" napakunot noo akong tumingin kay Samuel pagkatapos ibinaling koi yon kay Simon na hindi man lang natinag. "Ano na palang pinagkaka abalahan mo ngayon?" dagdag pang tanong ni Samuel sa kanya.

"Teka..." agaw pansin ko para saakin niya ibaling ang tingin. "Umalis? Ibig sabihin wala kang trabaho ngayon? Kailan mo naisipang umalis sa pinangarap mong trabaho Simon?" hindi ko mapangalanan yung emosyong nararamdaman ko dahil sa nalaman.

Pangarap niya yun, bakit siya umalis sa trabahong yun?

"Five years ago, babe..." napasinghap ako, hindi makapaniwala. "I resign that job because I want to settle down with you..." may lungkot sa kanyang tinig.

Umiling ako. "Bakit kailangan mong mag resign diba pangarap mo iyon?"

"Yeah..." aniya pagkatapos iniwas ang tingin saakin. "I thought of you every time na nasa trabaho ako, kaya napag-isip isip kong bitawan nalang 'yun at mag settle down na kasama ka..." kumibot ang labi ko at pa pikit-pikit ang mata dahil nagbabadya na naman ang luha dito.

Ang dami ko talagang hindi alam tungkol sa kanya, ang daming nangyari sa limang taong pagkawalay naming dalawa. Ano pa ba ang hindi ko alam na ikakagulat ko?

"Hindi na mahalaga yun Ran... huwag mo nang alalahanin yun..."

"Pero Simon pangarap mo yun, diba?" hindi ako maka move on dahil doon.

Napabuntong hininga siya nakukulitan na siguro dahil kanina pa ako nangungulit. Hindi ko lang kasi lubos maisip na gagawin niya yun para mag settle down na kasama ako, tapos ang kinalabasan pala nun naghiwalay kami. Ang laki nang kasalanan ko sa kanya.

"Ran listen..." pukaw niya sa naglalakbay kong isipan. "Hindi na mahalaga yun dahil matagal na akong nagresign..."

"Pero pangarap mo ang trabahong 'yun-"

"Ikaw na ang pangarap ko simula nang makilala kita Ran... yan ang mahalaga saakin ngayon..." aniya na puno nang pagmamahal ang tinig. "Ang pangarap kong trabaho ngayon ay ang mahalin ka..." sobrang simple lang nangpagkakasabi pero napapakagat labi ako matapos marinig iyon sa kanya.

Para akong kiniliti dahil sa matatamis na salitang binibitawan niya. Sumosobra na siya sa pagpapakilig saakin.

Samuel cought while drinking his juice, napabaling tuloy kaming dalawa ni Simon sa kanya.

"I think may kailangan pa akong gawin. Um...maiwan ko muna kayo dito..." pagdadahilan niya.

Nakuha pang kumindat saakin wari gustong ipahiwatig. Ayan! Solong solo mo na siya! Parang ganun.

Inirapan ko ang pagiging pilyo niya, kung wala lang si Simon dito baka nasabunutan ko na naman siya.

"I don't think he excuse himself because he has something to do..." sabi ni Simon nang kaming dalawa na lamang ang natira dito sa sala.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan kung bakit siya napapiksi at gulat na tumingin saakin.

"Ang manhid mo!" ngumuso ako "Malamang sinabi niya lang yun para umalis kasi nilalanggam na tayo dito dahil sa pagiging sweet mo!" nagkibit balikat lang siya .

"Na awkward yun satin..." aniya

"Awkward talaga! Wala kasi siyang lovelife." Biro ko pa na ikinatawa at iling niya.

He pinched my nose and after that he kissed me, pero magaan lang, mabilisang nakaw na halik ang ginawa niya, kaya napatampal ako sa balikat niya.

Para tuloy kaming mga teenager na naghaharutan sa sala at paminsan-minsang tumitingin sa hamba nang kusina baka bigla nalang kaming mahuli ni Nay Lusing.

----------------

Hanggang ngayon kasama namin si Simon, nasa kusina kami para sa dinner.

Inimbitahan siya ni Nay Lusing na dumito muna kung wala naman siyang gagawin. At syempre hindi naman tumutol ang isang 'to mas natuwa pa nga dahil inimbitahan siya.

Masaya naman ang dinner namin at nakakatuwang isipin na close agad siya sa kay Nay Lusing at kay Begail. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Simon.

Pansin ko rin ang pananahimik ni Samuel habang kumakain kami. Hindi ko rin napigilan ang sariling tanungin siya. Nag-aalala ako dahil kahit papaano kaibigan ko rin siya.

Kanina nung umalis siya sa sala, maayos pa naman siya, ngayon parang hindi ko mahulaan kung anong nasaisip niya.

"Anong problema mo?" pabulong ko kasi hindi naman kalayuan ang upuan ko sa kanya.

"My investigator called me and said he found her..." aniya.

Napaayos ako nang upo dahilan nang pagbaling nang atensyon ni Simon, mabilis ang galaw nang kanyang kamay sa likuran ko at pumulupot iyon sa aking bewang pagkatapos ay hinaplos ang tiyan ko na siyang nagbigay kiliti dito...

Siniko ko siya sa tagiliran, napaiwas lang siya pero hindi naman natinag at nakapulupot parin ang kamay sa bewang ko.

"Kaya ba ganun nalang ang pananahimik mo ngayon?" hindi alintana ang hatid na sensasyong ginagawa ni Simon sakin. Mariin din siyang nakikinig habang may kakaibang ginagawa ang kamay niya sa tyan ko.

Sinamaan ko si Simon nang tingin. Kumibot lamang ang labi niya pero wala namang sinabi. Parang asong baliw na ngumisi saakin.

"Hmm. Now that I knew where she's hiding, hindi na siya makakatakas pa saakin..." madiin niyang saad.

Nakikita ko ang sabik sa mukha ni Samuel dahil sa babaeng iyon. Hindi ko kilala kung sino pero feeling ko sobra ang pagkakahumaling ni Smauel doon.

Kung aalalahanin ang sinabi niya noon kung bakit siya pumunta rito sa Naga. Malalamang hindi iyon tungkol sa trabaho niya, kundi tungkol iyon sa babaeng matagal nang nagtatago, maiwasan lang siya.

"Don't let her slipped again if she's in your arms. Pusasan mo na para hindi makawala...-ouch! Why did you do that babe?" aniya nang kurutin ko ulit ang tagiliran niya.

"Ang galing mong magpayo, ha! Kayo talagang mga lalaki gumagamit nang dahas!"

"What's the problem with chain? Kung pwede nga lang din na pusasan ka noon ginawa ko na- sht! Stop pinching me! Masakit na!"

"Subukan mo!" naiinis ko siyang tinampal.

Inilapit niya ang mukha at bumulong sa tenga ko. "Later babe..." nang-aakit na bulong niya "I'll chain you on your bed, so be ready..." dagundong ang kaba na naramdaman ko pero hindi ko pinahalata.

Inirapan ko lang si Simon at tinuon kay Samuel ang tingin na ngayon ay pigil ang sariling huwag matawa. Pinanlalakihan ko siya nang mata, pero nagkibit balikat lang siya.

"Walang kwenta kayong kausap!" natawa lang sila, sumasakit ang mata ko kakairap.

Naging kakatawa tuloy ang usapan namin sa loob nang kusina dahil doon. Kung anu-ano ang mga planong napag-usapan nila Samuel at Simon tapos nakigulo rin sa usapan si Nay Lusing. Dumagdag pa nang 'mas magandang suhesyon' naku po!

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ito o ikakaawa doon sa babaeng hinahanap ni Samuel. Nagsama-sama silang tatlo sa pagplano, sana pumalpak.

Matapos ang dinner na nangyari kanina, nagpaalam si Samuel na aalis pansamantala upang makipag kita doon sa investigator na binabayaran niya upang mahanap yung babae.

Hindi na rin ako magtataka kung hindi siya makakauwi ngayon dahil alam ko na hindi siya titigil kapag hindi niya nahanap yung ang hinahanap.

I am praying for his safety and so for the woman he is finding, I wish them a happy heart to heart talk. Yung walang iyakan o kaya naman sakitan.

"Ay!" napatili ako nang umangat ang katawan ko sa ere dahil binuhat ako ni Simon.

"Ginulat mo ko dun! Ibaba mo nga ako Simon!" napapahampas ako sa dibdib niya pero hindi naman ganun kalakas.

"Hush!" aniya habang naglalakad, animo'y alam nang mga paa niya kung saan ang punta nito. "Lessen your voice babe... they might hear you." Ani sa malamyos na boses.

Tinampal ko pa siya nang isang beses sa dibdib niya na siyang ikinangisi niya sabay kindat saakin.

"Hindi ko gusto yang pagngisi mo Simon ah! May binabalak ka na naman no?" bulong ko.

Nahimigan sa boses ko ang hindi mawaring kaba at excitement.

"Tumpak!" sabi niya na parang alam ko ang masamang balak niya.

"Matatakot na ba ako Simon?" pakikisakay ko sa gusto niyang mangyari.

"Masasarapan ka lang babe...-Sht! Nakakarami kana!"

"Ang bastos mo kasi! Ibaba mo nga ako! Simon anu ba!" hindi man lang ako pinansin, patuloy lang ang lakad at alam din kung nasaan ang kwarto ko at siya na mismo ang nagbukas niyon.

Naglangitngit ang ingay ng pinto nang buksan niya ito. Doon nagsimula ang kaba sa puso ko, napapalunok ako, at nakikita ko ang anino naming dalawa dahil sa ilaw na siyang nagliliwanag sa labas nang kwarto.

Yung feeling na buhat niya ako sa kanyang bisig at ang init na nang gagaling sa kanyang katawan ay nararamdaman ko, so iisa lang ang nangyayari, nagkakaroon nang apoy sa pagitan naming, apoy nang pagnanasa at kapusukan.... Muling nabuhay yung pananabik ko sa kanya noon, dahil limang taong din kaming nawalay sa isa't isa.

"Ready yourself babe 'coz I'll chain you in your bed..."