webnovel

Make Up, Murders, and Macchiato

Astrid is a retired modern day Sherlock Holmes / Nancy Drew who stumbled on the gruesome murder of an unknown killer roaming around their university. She was then forced to instigate an investigation together with the one whom she hated the most- Kairo, Astrid infiltrated a sought after elite circle sorority known as the Alpha Kappa Tau after she discovered that the killer is after the members of the said elite circle. Her life took major turn from anthropology student, to sorority member to Kairo's caretaker. She must sieve through the web of lies, deceits and detractions in the world of glits, glams and fluttering fake eyelashes. Prepare for unexpected twist and turns, fight scenes in bodycon dress, blinding lights from sparkling diamond and jewels, and series of chase in skyhigh Christian Loubouttin pumps.

OswaldTheGreat · ไซไฟ
Not enough ratings
16 Chs

14| w a t e r s o f l e t h e

14

w a t e r s o f l e t h e

PINILIT ni Kairo na intindihin ang nangyayari sa kaniyang paligid dahil kanina pa silang dalawa ng kaniyang Ina na umiikot sa loob ng museo na para bang may pinagtataguan. Panay rin ang paglingon lingon nito sa likuran nila.

Sa tuwing lilingon o titingin ang kaniyang Mom ay napapalingon din siya upang usisain ang pinagmamasdan ng kaniyang Ina.

"Mom, what's happening?" Nag-aalalang tanong ni Kairo sa kaniyang Ina. His Mom's hand is already shaking but she didn't lose the strength of grappling Kairo's small hand.

Their feet take turns hitting the marble floor as they approach the wide hallway. Wala ng masyadong tao dahil mag sasarado na ang Museum hinhintay na lang na lumabas ang mga natitirang visitors.

Sa bawat pagsunod ni Kairo sa kaniyang ina ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba.

Dumiretso silang dalawa sa likod ng isang malaking kahon, hindi niya rin alam kung anong laman ng iyon marahil ay isa iyon sa mga bagay na idi-display sa museum.

A really huge artifact.

"Kairo please keep quiet," halos pabulong na iyon sinasabi ng kaniyang ina habang nagtatago sila sa likod isang malaking kahon.

Kairo never felt so nervous before.

"Mom I don't know what's going on, I am scared," tanging naisawika ni Kairo at niyakap ang kaniyang Mom.

"I am scared too but you really need to keep quiet, Okay?" Sagot ng kaniyang ina at mahigpit siya nitong niyakap habang nagtatago sila.

Narinig ni Kairo ang yabag na papalapit sa kanila mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang ina.

"Let's play a game, whoever stays quiet for a long time, wins?" Suhestiyon ng kaniyang ina.

"Whatever you see or hear you have to stay quiet, I will take you to the end of the hallway wait for me there but promise me not to make any noise," wika ng kaniyang Ina.

Marahang hinila nito ang kamay niya at dahan dahang nag lakad papunta sa dulo ng hallway ng museum.

"I will leave you here if I didn't come back within 15 minutes you need to escape this museum and call your Dad." Mahigpit na hinawakan ng kaniyang ina ang magkabilang braso niya at hinalikan siya sa noo.

Tumalikod na ang kaniyang ina ngunit agad niyang pinigilan ang kamay nito. Pakiramdam niya'y di na muling babalik ang kaniyang ina.

Nilingon siya nito, nakita ni Kairo ang kumislap na luhang marahang umaagos sa makinis nitong pisngi.

"Whatever happens remember that I love you and your sister and when you grow up help other women, help them find the real culprit."

Pinunasan ni Kairo ang luha ng kaniyang ina.

"Mom, promise me you will comeback," ang tanging nasabi ni Kairo, he felt a big lump obstructing in his throat gusto niyang umiyak ngunit pinigilan niya ito upang hindi sila makita ng taong sumusunod sa kanila.

"I will do my best to come back Kairo,"

Pinagmasdan ni Kairo ang pigura ng kaniyang ina na lumiliit ng lumiliit habang binabagtas nito ang daan palabas ng hallway.

He sat down on the floor, hugged his knees and patiently waited.

NAKAHAWAK sa baywang ang kamay ni Astrid habang nakatingin sa harapan ng tatlong pinto. Kanina pa siya palakad lakad sa loob at pinag-aaralan ang bawat bagay na naka-display.

She went closer to a huge book shelf and scrutinized all types of books neatly filed in it. Most books are about astronomy and heavenly bodies.

Doon niya napagtanto na totoo ang mga chismis ng mga tao tungkol kay Sophia na isang frustrated astronomer ang dilag at di na nito naipag-patuloy ang pangarap dahil sa interes ng pamilya nito na siya ang magmamana ng mga negosyo and other private entities.

She was busy examining Sophia's room when her phone inside the pocket of her bomber jacket started vibrating. Her hands immediately rummaged inside the pocket of her jacket and took her phone.

It was, Felicity.

Agad niya itong sinagot.

"Hey, what's up? Where are you?" Tanong ni Felicity mula sa kabilang linya, bakas sa boses nito ang pag aalala.

"I am here at Sophia's room, Why? Is there something wrong?" Tanong ni Astrid. Kumunot ang noo niya.

She heard Felicity's harsh breath on the other line.

"Kairo is not answering his phone," sagot nito.

Bago pa sila pumunta sa Cassandra Palais ay nag palitan na silang tatlo ng kanilang cellphone numbers for emergency purposes, they all agreed to answer the call, unable to take the call is a sign that one of them is in danger.

"San ba siya pumunta kanina?" Tanong nito. Naririnig niyang paputol putol ang pagsasalita ni Felicity dahil sa pag habol sa hininga.

"I really don't have any idea where he went, nasa likod ko lang siya kanina pero hindi na siya sumunod pa," sagot niya, she tried her best to scour the back of my mind and remember where Kairo went but its impossible dahil nasa likuran niya lang ito.

"I called him like ten times already pero di niya pa rin sinasagot, I got nothing not even a text from him," paliwanag nito. "Something's wrong," dugtong ni Felicity.

Tumahimik ang magkabilang linya at tanging ang pag hinga lang nila ang kanilang naririnig sa mga sandaling iyon.

"Ask Gianna to track his phone, hindi rin ako makalabas ngayon." Dismayadong sagot ni Astrid.

"Ok, I'll inform you as soon as we get his location." Hindi na siya nakapagsalita at naputol na ang linya ni Felicity.

Bumalik ang kaniyang diwa sa mga librong kanina'y kaniyang pinagmamasdan.

Ngunit kahit ilang beses na ma-preoccupy ang kaniyang isip ay di niya pa rin matanggal ang kabang kaniyang nararamdaman para kay Kairo.

Iniisip niya pa rin ang mga posibleng  kwarto na puwedeng puntahan ng binata but due to the fact that she's also preoccupied her mind can't focus to Kairo's whereabouts if she only let Kairo to go first then maybe she'd remember his tracks.

Her finger scanned the rib of the books which were neatly stacked inside the shelf.

She found a small black notebook trapped between two books. Kinuha niya iyon at binuksan.

"The 2001 Journal" basa niya.

Nakasulat ang pangalan ni Sophia sa itaas ng unang pahina ng notebook.

Ilang ulit na nilipat lipat ni Astrid ang bawat pahina ng journal na iyon ngunit wala siyang nabasang kakaiba. Ni isang clue ay wala siyang nakita.

Biglang kumunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na simbolo sa likod ng notebook ni Sophia.

Dinukot niya ang envelope sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket na ibinigay ni Sophia kay Kairo. Binaliktad niya ang papel na kung saan nakita niya ang mapa ng kanilang town.

Agad siyang naglakad papunta sa lamesa at inilatag ang dalawang bagay na kaniyang hawak-hawak. Pinagtabi niya ang mapa at journal ni Sophia.

"It isn't a map, its a constellation! The pavo constellation!" animo'y tumama sya sa lotto.

Ngunit agad na nawala ang excitement na kaniyang nararamdaman dahil hindi niya pa rin maidugtong ang constellation na kaniyang na discover.

"Or maybe coincidence lang na pareho ang map at ang constellation sa likod ng journal ni Sophia." Ani niya na pinanghinaan ng loob.

Hindi niya namalayang napaupo na pala siya sa hagdanan na ginagamit bilang tungtungan.

Muli niyang pinagmasdan ang library at ang mga mumunting ilaw na animo'y mga maliliit na alitaptap na nakadikit sa pader.

"Wait. The LED lights mimic the constellation pattern. The clue must be there!" Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at hinanap sa pader ang "pavo constellation".

Ngunit bigo siyang makita iyon. There are 88 constellations and they are everywhere!

Halos maduling na siya kakahanap.

Inabot na siya ng ilang oras sa paghahanap ng constellation, nararamdaman niya na rin ang pagkirot ng kaniyang leeg.

Tinignan niya ang kisame na kung saan maraming mumunting ilaw din na mahinahon na namamatay-matay.

She found the peacock constellation!

Sinundan iyon ng kaniyang daliri at dali-daling sinuri kung iyon nga ba ang constellation na kaniyang hinahanap. Tinignan niya pa ang mapa at ang likod ng journal na Sophia.

"I found you." She whispered under her breath.

The tip of the Southern Bird constellation is pointing at the middle door.

"It should be the correct door," sambit niya at naglakad palapit sa pinto.

Astrid swallowed her fear while she was twisting the knob.

Sa bawat pag lakad niya'y nararamdaman niya ang takot na ni minsan ay hindi niya pa naramdaman sa tanang buhay niya.

Nagulat siya ng biglang may sunod-sunod na pag bukas ng ilaw sa daanan niya.

Bumungad sa kaniya ang mga naglalakihang picture frames ng pamilya ni Sophia at ang solo picture nito na nakasabit sa pader.

Inikot niya ang paningin. Sophia's room is very huge sa sobrang laki nito ay halos puwede ng mag laro ang apat ng teams ng basketball sa loob nito.

Lumapit siya sa bedside table ni Sophia at nakita niya ang liham na naka-tungtong sa lamesa.Isa iyong liham na hindi pa tapos dahil hindi naituloy na buoin ni Sophia ang salitang vendetta ni wala rin itong katapusang bati.

Luxana,

Its been awhile since I haven't wrote a letter for you. I wasn't able to check on you and the whole coven, you always protect our sisterhood despite of your disability but on the other hand I wanted to take over and handle our coven alone so you can take a rest. Its always my passion protecting the women who were continously oppressed by misogynistic religious leaders.

They already know our ancestors, who we are , and where are we hiding, it has come a long way and the vendet..

Ang liham ay para kay Luxana mabuti na lang ay naisulat ni Sophia ang address na kaniyang padadalhan.

Kinuha niya ang liham at ipinasok sa kaniyang bulsa.

Bigla niyang naalala si Kairo at tumakbo ito papunta sa pinto na di kalayuan sa kama ni Sophia ngunit bago pa siya maka-labas ay naramdaman niya ang pag vibrate ng kaniyang cellphone.

Kinuha niya iyon at sinagot nang hindi binabasa kung sino ang tumawatag.

"We found Kairo. He was locked inside the Sensory Deprivation Tank! I need you to get here in Central Gallery!"