08
a n a g r a m
TUMALON si Astrid sa kaniyang kama, tatlong araw din siyang hindi nakauwi sa kanila kaya sobrang namiss niya ang amoy ng lavender fume sa kanyiang kwarto, ang amoy ng favorite fabric conditioner niya sa unan pati na rin ang kaniyang kama na made in bamboo fiber. T'was the most expensive thing inside her bedroom-the Monarch Vi-Spring Bed her dad bought it in Europe kaya gano'n niya kamahal ang kamang iyon.
Habang siya'y nakahilata sinamsam niya ang bawat minutong nakalaan para sa kaniyang pagpapahinga. Nakahinga na rin siya ng maayos nang matapos at makaalis na siya sa kaniyang duty sa Museum at hindi lang iyon ang kaniyang pinagpapasalamat kundi ang paglayo niya kay Kairo na kahit sa'n siya mag punta ay naroon din ito.
Binuksan niya ang kaniyang laptop at unang niyang chineck ang kaniyang email. Habang ito'y nag lo-loading ay pinapanalangin niya na sana ay wala siyang matanggap na work related or school related emails. Nang lumabas na ang summary ng inbox ng kaniyang email nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ang email sa kaniya.
Finally she can spend her time browsing her social media accounts. Matagal tagal din siyang hindi naka bukas ng kaniyang Instagram dahil sa mga sunod sunod na nangyari sa kaniya.
Habang siya'y nag ii-i-scroll ay may nakita siyang litrato ni Alessandra na kasama si Dorothy. The picture was taken somewhere in Indonesia na may caption. "Happy Birthday Roth!" Naka-tag doon si Dorothy kaya chineck niya ang account nito.
Dorothy's instagram account is full of paintings, artworks and videos of herself happily painting a scenery of Alaska under Aurora Borealis it was the painting she saw sa kwarto ni Dorothy. In-open niya ang video na iyon.
"Stop! Masisira yung gawa ko," nakangiting saway ni Dorothy sa taong nag vi-video sa kaniya. Makikitang inaasar ito ngunit hindi makita kung sino ang kasama ni Dorothy.
Muling bumalik sa isip niya ang notes na nakuha niya sa table ni Dorothy, tumayo siya upang kunin iyon sa bulsa ng kaniyang latex bodycon dress. Binuksan niya ito at binasa uli.
"A Cab Cede Eleventh Hostel Iris, Tentacles Cannot Hunt," basa niya.
Napahawak siya sa kaniyang sentido habang nakatingin sa kapirasong papel.
"Anong ibig mong sabihin Dorothy?!" Tanong niya sa sarili
"Is this even the right clue?" Dugtong na tanong niya.
"Or are you protecting a certain message that's why you concealed it in another message which truly doesn't make sense?" Unti-unting nagliliwanag ang kaniyang isipan.
"Anagram!" Aniya. "This is an anagram! Dorothy is using an anagram to hide a secret message!!" Animo'y nanalo siya sa lotto.
She read an article regarding Cryptology and Cryptoanalysis which mainly tackles on breaking and creating a code sought to reveal a secret message wherein she also read on that same article the topic regarding Anagram. Anagram is the rearranging of words to form another words.
She took a deep breath while studying the sentence, hindi niya pa nararanasang mag decode ng isang sentence na anagram. Sa palagay niya'y aabutin siya ng ilang oras dahil maraming words ang puwedeng mabuo doon.
"Lent, Devil, Vent, Ill,..." Halos mabaliw na siya sa kakabaliktad at kakaisip ng mga salita na puwedeng mabuo gamit ang sentence na isinulat ni Dorothy.
Tatlong oras na ang nakalipas at sobra singkwentang salita na ang kaniyang naisulat. Maya maya pa'y nakaramdam siya ng pagod at binagsak ang kaniyang likod sa kama.
"A Cab Cede Eleventh Hostel Iris," pag ulit niya sa sentence.
"A Cab Cede Eleventh Hostel Iris," pakiramdam niya'y nasisiraan na siya ng bait. Sa lahat ng anagrams na kaniyang na-i-solve ay ito lang nag pagtuyo ng kaniyang utak.
"Lies, Behind, Secret," pag enumerate niya sa mga words.
"Alcove"
"Urgh!!!" Inis na sambit niya at marahang sinambunutan ang kaniyang sarili. Ito ang kauna unahang pagkakataong sumuko siya sa isang anagram because of too much exhaustion she closed her eyes until she finally fell in to the endless pit of sedation.
"GO KAIRO!!!" Iyon ang mga sigaw ng mga kababaihang patay na patay sa kaniya na nagpadagundong ng field. Halos lahat sila'y may dala dalang cardboard na puro pangalan lang niya ang nakalagay. Nang maka goal ay lumingon siya sa kaniyang mga fans at agad naman silang sumigaw na animo'y mapupunit na ang kanilang lalamunan.
"Show off!" Biro ng kaniyang kaibigang si Frank nang makalapit ito sa kaniya. Si Frank ang midfielder ng kanilang team.
"I am not!" Sagot ni Kairo.
Hinabol ni Kairo ang bola, malayo pa lang ay nakikita na niya ang kaniyang mga kalaban na tumatakbo papunta sa kaniya upang kunin ang bola but his reflexes are fast. He immediately ran towards the opposite direction where his opponents also followed him. In a split second he kicked the ball to other direction, misleading his opponents. His opponents scrambled, the event went fast. Hindi na nila alam kung nasaan na ang bola. The last thing they know was that Kairo has already the ball and he's ready for another goal.
That's the sole reason why he was called The Teleporter because of his fast reflexes and agility allowing him to easily evade his opponents and proceed to another location in a split second.
The shouts and screams reverberated in the soccer field. Kairo scored.
Sulit ang pagod at magdamagang practice ng kanilang team. Kairo never felt the exhaustion since their team won the match.
Agad siyang nilapitan ng kaniyang coach at binati. "Congratulations! It was indeed a flawless yet risky strategy to lure your opponents," anito. "Congrats team! You all did well!!" Sigaw pa nito.
Hanggang sa makaabot sila sa kanilang locker room ay hindi sila matigil tigil sa pag sigaw dahil sa tagumpay nilang nakamit. Sa katunayan ay ang kanilang team ang kinatatakutan ng karamihan dahil sa kaniya ngunit hindi biro ang naging kalaban nila dahil pareho lang silang may same standing.
"Is this a call for celebration?" Tanong ni Frank sa tabi niya habang nag bibihis ng pang itaas nito.
"No, i am quite tired and i think i need to go home. Maybe tomorrow," sagot ni Kairo habang nag huhubad ng kaniyang jersey.
Puminta sa mukha ng kaniyang kaibigan ang pagka dismaya.
"Tomorrow! I promise." Tanging nasagot ni Kairo at nang matapos ito sa pagbibihis ay lumabas na siya ng locker room.
Kakaunti na lang ang taong natitira sa field. Sinulyapan niya ang kaniyang wrist watch upang tignan ang oras. Alas siete na ng gabi.
Binaybay niya ang daanan palabas ng field dala dala ang kaniyang duffel bag na may lamang jersey at cleats (soccer shoes).
Kairo passed in empty halls. Huminga siya ng malalim, this is the reason why he wanted to walk at 7 PM dahil walang tao, walang nanggugulo sa kaniya, at walang nag papa-picture. For a moment he felt at ease. Sandali niyang nakalimutan ang pagod at problema sa kaniyang mga academics.
Dinaanan niya rin ang hall papuntang Med Department Building na kung saan ay papatay patay ang ilaw na animo'y nasa isang setting siya ng isang horror movie.
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin malagyan ng mga ilaw ang hall papuntang Med Department Building sa dinami dami ng estudyante sa Pontus University at ang napakamahal nitong tuition fees ay siguradong maipapaayos ang mga ilaw doon.
He squinted his eyes nang may makita siyang babae sa tapat ng Med Department Building. Biglang huminto ang kaniyang mga paa na animo'y may mga sariling pag iisip ang mga ito. Agad niyang naisip ang mga kwentong multo na umiikot sa Pontus University.
"Ito kaya yung sinasabi ng mga classmates ko na multong umiikot sa Pontus?" Naisaloob niya.
Nag dalawang isip siya kung ipagpapatuloy niya ba ang pag lalakad o babalik ba siya sa locker room. Hindi niya puwedeng iwasan ang building na iyon dahil talagang madadaanan niya iyon papuntang parking lot ng Pontus University.
Nilabanan niya ang takot na kaniyang nararamdaman at nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit habang siya'y papalapit sa Med Building ay mas lalong lumalabas ang detayle ng babaeng nakatayo malapit sa grotto. Lumitaw sa liwanag ang kulay abong buhok ng babae. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib. Iisa lang ang kilala niya na may ganoong kulay ng buhok. Si Astrid lang ang may kulay gray na buhok!
"What are you doing there?" tanong niya sa sarili
HINDI pa rin lubos maisip ni Astrid kung ano ang gustong iparating ni Dorothy sa note na iniwan nito sa bedside table. Iyon lang kaniyang iniisip buong magdamag ni hindi na siya maka-concentrate sa lesson na dini-discuss ng kaniyang professor mabuti na lang at hindi si Helena ang professor niya ngayong araw kung hindi ay tatalakan nanaman siya nito.
Isinulat niya sa papel ang sentence na nakita niya sa note ni Dorothy.
"Right Ms. Astrid?" Biglang tanong ni Leone, ang Professor nila.
Nagulat si Astrid at bigla siyang napaangat ng tingin sa gwapong professor niya.
"What? I mean. Yes," sagot ni Astrid ngunit hindi niya alam kung ano ang tinatanong ni Leone.
"So you agree that it is justifiable that the Ottoman Empire conducted a mass slaughter in Assyrian population?" Ulit na tanong ni Leone. Dahan dahan itong naglakad papunta sa kaniya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o kikiligin kay Leone.
"Do you agree Astrid?" Tanong nito ulit but this time in a serious tone.
Napansin niya ang pag tingin ni Leone sa nakasulat sa kaniyang papel.
Bahagya itong napa ngiti nang mabasa ang nakasulat sa papel.
"Hmm. Anagram," anito
"How did he know?" aniya sa sarili
"Um no sir. Just scribbling some words. Practicing my spelling skills. He-he-he!" Pagsisinungaling niya sabay tago ng papel sa ilalim ng kaniyang notebook.
Hindi na muling nag tanong pa ang kaniyang Professor lumayo na ito at pumunta sa harap.
His musky scent remained where he was standing.
Why does she feel so bothered kung nariyan sa tabi niya si Leone. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Inalis niya ang kaniyang naiisip marahil ay naguguluhan lang siya sa sino-solve niyang anagram kaya gano'n na lamang ang kaniyang nararamdaman sa mga bagay bagay.
Natapos na ang klase niya kay Leone at nagsiuwi na rin ang kaniyang mga kaklase, hindi rin nakapag text si Genesis sa kaniya dahil may pupuntahan daw ito. Tinignan niya ang kaniyang wrist watch at alas sais y media na ng gabi. Lumabas na siya ng classroom at dumiretso na sa pavillion sa ibaba ng kanilang department building.
Nadaanan niya ang library ngunit gustuhin niya mang pumasok at ubusin ang nalalabing oras sa pagbabasa ay hindi niya ginawa, pagod na rin ang kaniyang utak kakaiisip ng kung ano ano. She was mentally and physically exhausted. Binaybay niya ang daanan palabas na kanilang department building mayroong kakaunting estudyante ngunit mga Law students na ang mga iyon na may night schedule subjects.
"Ok!" tanging nasambit niya nang makita niya sa malayo ang daanan patungo sa Med Department Building. Nakaramdam siya ng kaunting takot. Naalala niya ang krimeng nangyari kay Emilia. Napabuntong hininga muna siya bago tahakin ang daan.
Dinaanan niya ang mga walang taong registrar's office na sa tuwing umaga'y punong puno ito ng mga estudyante, nadaanan niya rin ang football field na kanina'y puno rin ng mga tao mukhang tapos na ang laro ng koponan ni Kairo at ang kalaban nitong isang international school na talagang dumayo sa Pontus University upang makipaglaro.
Nakita niya sa daanan ang isang custom fan na may hitsura ni Kairo, pinulot niya ito at pinagmasdan. Wala sa sariling napangiti siya habang tinititigan niya ito. Napailing iling siya.
Maya maya pa'y nakarinig siya ng may sumigaw na galing sa locker room ng mga football player "Tomorrow!!!!" Sigaw nito dahil sa taranta biglag niyang naitago ang custom fan na may mukha ni Kairo sa kaniyang bag at tumakbo.
She knows that voice! That perfect baritone voice. She's pretty sure that it's Kairo!
Mabilis siyang tumakbo at dumiretso ng Med Department Building nang malaman niyang malayo na siya sa football field ay huminto siya at hinabol ang kaniyang hininga.
"That was close," aniya habang nakayuko.
Nilingon niya ang kaniyang tinakbuhan, hindi niya akalain na puwede pala siyang tumakbo ng mabilis at malayo suot suot ang closed platinum guild stilettos. Ngunit laking gulat niya nang makita kung saan siya nakatayo. Nasa harapan siya ng grotto kung saan pinatay si Emilia.
Lumingon siya upang tignan kung may tao pero wala ng mga estudyante. Masusi niyang pinagmasdan ang paligid kung saan pinatay si Emilia. Nagtataka siya kung paano lumabas ng bigla ang killer na iyon sa likuran ni Emilia.
"Hindi niya matatakasan ang CCTV sa labas ng University dahil mas gwardyado ang labas ng Pontus kaysa sa loob. The killer must've been here pero kung naririto na siya isa siya sa mga estudyante o teacher dahil nire-require nila ang ID kung hindi teacher o estudyante ang papasok so technically maiiwan ang ID niya sa guard kung hindi siya lalabas." Pag formulate niya ng teorya niya.
"Or the killer must've used a secret way to enter in the University," dugtong pa niya. Maraming tanong ang pumasok sa kaniyang isipan nang puntahan niya mismo ang crime scene.
Tinignan niya ang upuan kung saan naupo si Emilia no'ng gabing patayin siya at inangat niya ang kaniyang paningin at sakto namang nakaharap sa kaniya ang grotto na mayroong estatwa ni Pontus ang ancient pre-Olympian Sea God.
Kinuha niya ang note kung saan isinulat niya ang anagram solving na nakuha niya sa kwarto ni Dorothy. Binuksan niya ito at binasang muli.
"Secret, Lies, Behind, Alcove," basa niya
"That's it !!! Secret Lies Behind Alcove!!! That's it! Alcove is another term for grotto!" Lumapit siya kaagad sa grotto at hinawakan niya ang tabing bahagi ng grotto.
Tinulak niya iyon.
The grotto turned and revealed a stairs going to some type of basement.
"Shit?! This grotto is a fucking secret door?!!" Di makapaniwalang tanong niya sa sarili. Pumasok siya at naglakad pababa. Madilim doon ngunit agad niyang binuksan ang flashlight ang kaniyang cellphone at nag patuloy sa paglalakad papunta sa ilalim.
Astrid took a long walk until she finally reached the center of that place. Her body froze as soon as she lifted her flashlight, a huge ancient prototype basilica welcomed her.
Hindi siya makapaniwalang mayroong gano'ng lugar sa Pontus. No one knows this place and no one even mentioned this kind of church kahit ang kaniyang mga naging teacher sa history and theology. The place looks like a medieval church. Underground church to be exact!
She found out that she was standing on the nave or the central portion of the church that stretches from the rear wall to the transepts. The stone walls are engraved with different ancient symbols and designs which Astrid never studied or encountered. Judging the structure and appearance of the basilica it looks like it was abandoned for almost 300 years, animo'y huminto ang oras sa loob ng simbahang iyon. It sent her chills down to her spine.
Iginala niya ang kaniyang paningin, she almost dropped to her knees after seeing the succession of arches counter thrusting the next arches mightily standing above her. Hindi siya nakakita ng gano'ng klaseng simbahan in her entire life! Pakiramdam niya'y nanaginip lang siya ngunit nang kurutin niya ang kaniyang sarili ay walang nangyari, totoong totoo ang nakikita niya ngayon.
Pumasok siya sa isang kwarto. "Reconciliation booth?" Kunot noong tanong niya sa sarili. Hinawi niya ang telang nakasabit na nagsisilbing pintuan. Gamit ang flashlight ay inilawan niya ang mga loob ng kwarto. Laking gulat niya nang may makita siyang mga litrato na nakadikit sa pader. Litrato ng babae na nakasuot ng lumang uniform ng Pontus University. She squinted her eyes to recall those faces. Kinilabutan siya ng maalalang mga mukhang nasa litrato. Those are the pictures of women who were killed naroon din ang litrato ni Minerva at ni Julia.
Hindi niya lubos maisip na naririto lang nagtatago ang killer.
Madilim sa abandonadong simbahan kaya limitado lang ang nakikita niya. Hindi niya alam kung mayroon bang mga switch ng ilaw doon, hahanapin niya sana ang switch nang bigla siyang nakarinig ng mga mumunting yabag na papunta sa kinaroroonan niya. Agad niyang pinatay ang flashlight mula sa kaniyang cellphone. Napakaliit na liwanag lang ang pumapasok sa bintana at mula pa iyon sa mga streetlights.
Kahit kakapa kapa ay naglakad siya nagmukha siyang bulag dahil sa pakapakapa nito sa paligid. Maingat siyang naglalakad upang hindi makagawa ng tunog o ingay na maaring magbigay alam sa pumasok na naroon siya. Agad na lumabas si Astrid at naghanap ng pwede niyang pag taguan hindi siya puwedeng manatili sa Reconciliation Booth dahil doon ang 'headquarter' ng killer at maaring makita siya.
Her heart pounded so loud na animo'y tatalon na ito palabas ng ribcage.
"Alam kong nandiyan ka!" Napahinto si Astrid nang marinig niya iyon.
Hindi malaman ni Astrid kung saan siya pupunta bigla na lang nagkagulo ang sistema niya.
"Shit," she cursed under her breath.
"Oh? Gusto mo pala mag laro ng hide and seek?" Tanong pa nito.
Nararamdaman niyang umiikot ang killer dahil nagbabago bago ang pwesto ng boses nito.
Lumalayo si Astrid palayo ngunit di niya alam kung saan siya tutungo at kung paano siya lalabas. Hindi niya talaga makita ang daanan.
Habang maingat siyang naglalakad palayo sa killer ay biglang may humablot sa kaniya patalikod at agad na tinakpan ang bibig niya! Agad namang dinaga ang kaniyang dibdib. Hindi niya alam na huling araw na pala niya sa mundong ibabaw at naisip niyang sana ay binili niya ang limited edition na Chanel na nakita niya sa Las Vegas noong nag bakasyon siya pati na rin ang favorite niyang Christian Loubouttin na Pigalle Follies.
Kinontra niya ang iniisip, bakit iyong mga bagay ang naiisip niya ngayo'y nasa bingit siya ng kamatayan.
Biglang humigpit ang pagkakatakip sa kaniyang bibig.
"Huwag kang maingay," bulong nito. His minty breath fanned her ear.
"That voice is familiar," ani niya sa isip.
Iisa lang ang may ari ng perpektong baritonong paos na boses. Kasabay no'n ay ang pag tibok ng kaniyang puso hindi dahil sa takot kundi sa isang di mapaliwanag na pakiramdam.