--------------------Abril 13, 1944---------------
"Maligayang kaarawan sa aking anak!" pagbati ni Severino at hinagkan ang kanyang anak sa buhok bago yakapin.
Kanina rin ay nag-alay kaming lahat ng panalangin para kay Floriana. Ngayon din pala ang araw ng kanyang pagkamatay.
"Maraming salamat, Itay," nakangiting wika naman ni Seviano.
"Maligayang kaarawan po!"
"Maligayang kaarawan, Seviano," pagbati ko.
"Maraming salamata po sa inyong lahat. Hali na't tayo'y kumain na."
Napagpasyahan ni Severino na isara muna kahit ngayong hapon lamang ang bahay-pagamutan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Seviano.
Mabuti na lamang ang natitirang pasyente kanina ay mabuti na ang kalagayan kaya maaari ng lumabas.
Wala namang ibang panauhin bukod sa amin ngunit nagbahagi rin si Severino ng pagkaing handa sa mga kalapit establisyimento. Mabuti nga rin ngayon, umaayon ang panahon dahil maaliwalas at humupa kaunti ang ingay at pagsabog.
"Ano dadagdagan ko pa ba?" tanong ko kay Cinco matapos kong lagyan ang kanyang plato ng kanin, caldereta at adobo.
"It's enough (Es suficiente)," tugon nito nang nakatingin sa akin.
"O, bakit? May masakit ba sa iyo?" Kanina pa siya nakasimangot. Tinuro niya ang kanyang ulo. "Ano? Anong sinabi ko sa iyo kahapon, ha? Hindi ba't sabi ko, kaunti lamang ang iyong iinuming alak?"
Inirapan niya ako at sinimulan ang pagsubo. Ako'y natatawa. Batid ko naman na nais niyang bigyan ko siya ng gamot.
"Sandali, hihingi ako ng gamot kay Severino."
"Huwag na."
"Nagtatampo ka?" natatawa kong tanong. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin kahit patuloy siya sa pagnguya.
"Why would I? (Por qué habría?)"
"Dahil hindi kita inaalagaan ngayon?"
"I can take care of myself. (Puedo hacerme cargo de mí misma)"
"A, sige," tanging tugon ko.
Mabilis siyang humarap sa akin nang mas lalong kumunot ang noo.
"O, bakit? Hindi ba't kaya mong alagaan ang iyong sarili?"
Saglit pa siyang tumitig sa akin bago magsalita. "Tss."
Tumawa ako na mas lalo niyang ikinainis. Inabutan ko siya ng basong tubig. "Uminom ka na muna. Huwag ka ng iinom ng lambanog mamaya, a? Baka mas lalo pang sumama ang iyong pakiramdam. Mamaya ikaw ay aking aalagaan, huwag ka nang magtampo." Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang kanyang maputing buhok. Pareho na kaming matanda ngunit siya, minsan nag-aasal bata.
Nais niyang hinahaplos ang kanyang buhok lalo na sa mga gabing hindi siya makatulog.
****
Kinurot ko si Cinco sa kanyang tagiliran. "Anong sinasabi ko sa iyo, ha?" bulong ko na may halong panggigigil. Kanina'y nagrereklamo na masakit ang ulo tapos ngayon namumula na ang kanyang buong mukha at leeg dahil sa lambanog?
"Ngayon lang," bulong nito sa akin at ngumiti nang matamis. Alam ko na ang ganitong ngiti. Ngumingiti lang naman siya nang ganito kaganda sa tuwing siya'y nalalasing.
"Mahal, huwag mo nang pagalitan iyan si Cinco, matanda na iyan, e!" wika naman ni Severino na nakasandal sa kanyang inuupuan at nakapikit na.
"Isa ka pa. Pareho kayo. Kung kailan kayo'y matanda na, kayo'y naging pasaway."
"You better kiss her, Severino, to make her mouth shut. (Será mejor que la beses, Severino, para que se le cierre la boca)"
Napadilat naman si Severino at napangiti sa ideya na sinabi nito. "Aba, mukhang maganda nga iyan, a!" Siya'y tumayo at pasuray-suray na lumapit sa akin.
"Humanda ka sa akin mamaya sa bahay, Cinco," bulong ko.
Tanging tango lamang ang itinugon nito sa akin sabay inom na naman muli. Huwag kang magrereklamo kung mas masakit ang iyong ulo, a?
Bago pa man tuluyang makalapit sa akin si Severino, siya'y akin ng pinaupo. "Manahimik ka riyan, Severino. Maupo ka."
Alas-sais na ng gabi, matapos ang kainan doon sa bahay-pagamutan, sila'y nagkayayaan na mag-inuman sandali kasama si Seviano at si Sebastian at nagtungo rito sa bahay upang ituloy muli ang inuman.
Nagpaiwan na sina Seviano at ang mga bata, hindi na sila sumama pa bagkus ako'y binilinan ni Seviano na kung maaari ay dito na magpalipas ng gabi ang kanyang ama kung sakaling malalasing nang sobra.
Ang mga apo naman ni Cinco at nasa labas, naglalaro at nakukwentuhan sa kanilang mga kaibigan kaya kaming tatlo lamang ang narito ngayon sa salas.
"Cinco, tama na iyan." Inilayo ko sa kanya ang alak na akma niyang iinumin. "Matulog ka na roon. Hintayin mo ako sa iyong silid."
"E, Emilia, paano ako?! Hindi ba't tayo'y magtatabi *hik* sa pagtulog?" saad naman ni Severino.
Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Tatlong malalaking lambanog ang kanilang naubos ngayon dito sa bahay, dalawa naman doon sa bahay-pagamutan. Lulunurin ba nila ang kanilang sarili sa alak?
Matapos ang ilang minutong pagpupumilit ko, sa wakas sila ngayo'y narito sa silid---kapwa magkatabi at nakapikit.
Si Severino ay nakabukas ang labi at nakapatong ang kaliwang binti sa tiyan sa ni Cinco samantalang ang isa nama'y tuwid lamang ang katawan.
Una kong pinunasan at pinalitan ng pang-itaas na damit si Severino. Hindi naman ako nahirapan sapagkat siya'y tulog na tulog na.
"Batid kong gising ka pa," bulong ko habang pinupunasan si Cinco sa mukha.
Tama nga ako. Dinilat niya ang kanyang mga mata. "Sorry (Pesaroso)" bulong nito. "I'm just happy. I'm just having fun while you're here. (Solo estoy feliz. Me estoy divirtiendo mientras estás aquí)"
"Sssshhh. Hindi naman ako mawawala sa iyong tabi." Inilipat ko sa aking kabilang kamay ang bimpo para haplusin ang kanyang buhok gamit ang aking kanang kamay. "Masakit ang iyong ulo, ano?"
Ngumiti siya nang tipid at tumango. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata kaya pinagpatuloy ko ang pagpupunas. Nararamdaman ko na rin ang bigat ng kanyang paghinga---hudyat na siya'y nakakatulog na.
"E...milia."
"Hmm?"
"Just s-stay here (Solo quédate aquí)," bulong nito nang nakapikit.
"I'll stay here (Me quedaré aquí) bulong ko na kanyang ikinangiti, labas ang kanyang ngipin.
"Don't lea...ve me, okay? (No me dejes, ¿de acuerdo?)"
"Hindi kita iiwan."
"I love you, Emilia. (Te amo, Emilia)"
Napangiti ako sa kanyang huling sinambit bago siya tuluyang makatulog. Hindi naman ito ang unang beses na siya'y nagsabi nang ganoon sa akin. Batid ko naman na mahal niya ako bilang kaibigan at ganoon din ako sa kanya.
Sa kabila ng kanyang nakakasindak na itsura at malamig na presensya, siya rin ay may tinatagong tamis sa katawan.
-------------------Abril 14, 1944------------------
"Heto, inumin mo ito," sabay abot ko kay Severino ng mainit na tsaa.
"Salamat." Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon dito sa salas kasama ang mga apo ni Cinco, nakayuko at hinihilot ang kanyang ulo. "Sobrang sakit talaga ng aking ulo." Inamoy niya muna saglit ang tsaa bago ininom.
"Inom pa," diretsong tugon ko na ikinatawa ng mga bata. Siya nama'y napatingin sa akin nang nakakunot ang noo at sandaling napatigil sa paghilot ng kanyang ulo. Mukhang hindi siya nasiyahan sa aking biro, a? Ako rin, hindi rin ako natutuwa sa kanyang pagpapakalasing.
Batid naman niyang siya'y matanda na, iinom pa ng marami. E, anong napala niya ngayon? Ano ang naging bunga ng katigasan ng kanyang ulo?
"Seryoso ako, Mahal." Muli siyang yumuko at pinagpatuloy ang paghilot.
"Ako ba'y hindi seryoso? Ilang beses na akong nagsabi sa iyo ngunit hindi ka nakikinig sa akin tapos ngayon ikaw ay magrereklamo sa iyong iniindang karamdaman? Matanda ka na, Severino, ngayon pa mas lalong tumigas ang iyong ulo."
"Ito naman, masyadong mainit ang ulo. Tanghaling-tanghali, Mahal." Siya'y tumayo at lumapit sa aking kinatatayuan na hindi naman gaanong kalayuan sa kanilang kinauupuan at mahigpit akong niyakap mula sa aking likuran. "Paumanhin, matagal na rin kase mula nang gawin namin iyon ni Cinco kaya naparami lamang ako."
Agad akong nakaramdam ng pagkailang sa aming posisyon. Ang mga bata ay nakatingin sa amin—may ibang nagulat, nakangiti at seryoso lamang ang tingin. Dumadampi sa aking tainga ang init ang kanyang hininga. Maging ang kanyang braso na nakapulupot sa aking baywang na nagpapakaba sa akin nang husto. Palihim kong inalis ang kanyang mga arso at bumulong. "Nakatingin ang mga bata, Severino."
"Ayaw mo ba iyon, mayroon tayong tagapanood?" sabay tawa niya.
Mabilis akong lumayo sa kanya at hinampas siya sa braso. Kahit kailan talaga puros siya biro. Inayos ko nag aking damit na nagusot kaunti at sinamaan siya ng tingin. Patuloy pa rin siyang tumatawa habang bumabalik sa kanyang upuan.
"Doktor, nais mo pa bang uminom? Mayroon pang lambanog si Mang Samuel," natatawang tanong ni Dos. Isa pa ito, puros biro.
"Bakit ikaw ba'y iinom?"
"Kung papayag po si lolo at lola."
Mabilis na bumalik ang tingin sa akin ni Severino. "Sang-ayon ka ba, Mahal?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumahimik ka, Severino. Ikaw rin, Dos, kay bata-bata mo pa, e. Magtigil ka isusumbong kita sa iyong ina."
"Biro lang iyon, Lola" sabay tawa niya ngunit nakangiwi. Mas lalo naman siyang tinawanan ni Uno at ni Blanca samanatalang si Gina ay tahimik lamang na nagmamasid at nakikinig sa kanila.
Maging ako ay natawa na lamang din sa kanyang inasal. Kasalukyang nasa Maynila si Gregina upang dalawin at tulungan ang kanyang asawa sa pagpapatakbo ng kanilang maliit na taniman ng prutas sa Maynila.
Ang lupang iyon ay pagmamay-ari ni Cinco na naibili niya noon matapos silang ikasal ni Georgina bilang pangunahing hanapbuhay. Ilang linggo pa o buwan bago siya muling bumalik dito upang magbakasyon.
Mabuti na lamang marunong sa usaping kalakal (negosyo) ang napangasawa ni Georgina kaya nama'y naisip nito na ang mga prutas na kanilang nakukuha mula sa kanilang taniman ay gawing alak bilang produkto at ipagbili.
"Nasaan nga pala ang inyong lolo? Ang tagal naman niyang matapos sa palikuran?" takang tanong ni Severino at napatingin pa sa gawing kusina dahil naroon lamang katabi ang maliit na palikuran.
Naramdaman ko na lamang ang malamig na kamay na humawak sa aking braso nang mayroong dumaan sa aking gilid. Nang ako'y lumingon, nakita ko si Cinco na bagong bihis at basa ang buhok. Katatapos lamang pala niya maligo. Naagaw ng aking atensyon ang kuwelyo ng kanyang itim na damit na magulo ang pagkakatupi. Naupo siya sa tabi ng knayang apo na si Gina.
Mayroong sinabi si Gina sa kanyang lolo nang ito'y maupo. Kumunot ang noo nito at bahagya pang natawa. Mayamaya pa'y niyakap niya ito at hinagkan sa ulo.
Nang tumingin sa aking gawi si Cinco, sandaling tumingin siya sa akin nang seryoso at pinalitan din ng ngiti paglaon. Naalala ko naman ang magulo nyang kuwelyo kaya sumenyas ako sa kanya tungkol dito.
"Siya nga pala, lolo, nagpunta rito noong nakaraang araw si Aling Cynthia, mukhang malakas yata ang tama sa iyo, Lo!" humagalpak ng tawa si Uno matapos niyang sabihin iyon. Tumalsik pa nga ang laway nito sa mukha ng kanyang lolo.
"Uno, watch your mouth (Uno, cuida tu boca)," gigil na saad ni Cinco sabay punas ng kanyang pisngi, magkasalubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha.
"Paumanghin po, Lo, ako'y natatawa lamang kapag naalala ko ang masayang mukha ni Aling Cynthia noong nakaraang araw. Akalain mo iyon, Lo, nagtanong pa siya sa akin kung asawa niyo ho ba si Lola Emilia at noong sinabi kong hindi, nais niya raw magpakilala sa iyo."
"Ano?" natatawang tanong ni Severino at kalaunan, tumaarin nang malakas. "Ang lakas talaga ng iyong alindog, Cinco. Sa edad mong iyan, mayroon pang nahuhulog sa iyo!"
Cynthia? Kaya pala araw-araw siya nagbibigay sa amin ng ulam at palaging kinakausap at hinahanap si Cinco, mayroon pa lang siyang gusto rito ngunit hindi ko lamang batid kung mayroon bang interes si Cinco sa kanya.
"What do you expect from me? Of course, I'm handsome (Qué esperas de mi? Claro que soy guapo)," sagot nito sabay punas ng kayang mukha sa huling pagkakataon.
"Ayan ang lolo namin, gwapo na, mabango pa!" segunda naman ni Dos.
Sa kanyang apat na apo, ang nag-iisang apong babae lamang ang nagmana sa kanya. Nakuha ni Gina ang pagiging seryoso nito at bigat ng kamay. Madalas kaseng saktan ni Gina ang kanyang mga nakatatandang kapatid sa tuwing ito'y nauubusan ng pasensya at kung minsa'y umaabot na sa malalang sakitan – bagay na ipinapayo ni Cinco sa kanya na huwag manakit kapag galit, na ibunton na lang daw sa ibagay ang galit huwag lamang sa kanyang mga nakatatandang kapatid.
"Ano po, Lolo, sang-ayon po ba kayo para naman po pareho na kayong may buhay pag-ibig ni Doktor Severino," wikang muli ni Uno sabay tingin kay Severino. "Hindi po ba, Doktor?" sabay tango habang nakangiti nang malapad.
Ngumiti naman nang matamis si Severino na ikinalitaw ng kanyang malalalim na biloy. "Maaari rin. Tignan mo naman ako, ganadong-ganado mabuhay dahil kay Emilia." Lumingon siya sa aking gawi. "Hindi ba, Mahal?" sabay kindat niya sa akin.
Bahgayang kumunot ang aking noo at nangiti rin pagtapos ng ilang segundo. Nang dahil sa aking inasal, naghiyawan ang mga bata at mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Severino.
Si Cinco naman ay nakangiti lamang habang si Gina ay nakasimangot. Hindi pa rin pumapalya ang mga salita at pagpapangiti sa akin ni Severino.
Pagsapit ng alas-dos ng hapon, abala kami ni Gina magluto ng biko at maglaga ng kamoteng kahoy para sa aming meryenda mamaya. Tahimik lamang niyang hinahalo ang malagkit na latik habang nakatulala rito.
"Apo, ayos ka lamang ba?"
Siya'y tumingin sa akin at saglit na ngumiti. "opo, Lola."
"Mayroon bang bumabagabag sa iyong isipan?"
"Wala naman po."
"Ikaw ba'y sigurado?"
Sandali siyang tumigil sa paghahalo at huminga nang malalim. "Asawa niyo na ho ba si Doktor Severino?"
Napatulala ako sa kanya ng uilang segundo habang nakaawang pa ang labi. Bakit niya naman iyon naitanong? Iyon ba ang bumabagabag sa kanyang isipan? Napalunok ako nang mariin bago magsalita. "Hindi...pa." Tama ba ang aking sagot? Totoo naman, hindi ba? Hindi ko pa naman siya asawa, e, ngunit batid naming dalawa na mahal namin ang isa't isa.
"Ngunit mayroon ho ba kayong balak na tumira kasama siya? Iiwan niyo ho ba kami?" Hindi ko maisalarawan ang kanyang mga mata. Tila pinaghalong lungkot at seryoso dahil matatamlay ang kanyang mga mata. Maging ang kanyang ngiti ay hindi man lang umaabot sa kanyang tainga.
Bumalik ako sa pagbabalat ng mga natitirang kamoteng kahoy at nanatiling tahimik ng ilang minuto. Hindi ko alam ang aking isasagot. Hindi pa naman ito sumasagi sa aking isipan kaya hindi ko muna pinaglalaanan ng oras. "Hindi naman sa ganoon." Hindi ko batid kung iyan ba ang angkop na salita upang hindi siya masaktan sa aking isasagot.
--------------------Abril 16, 1944------------------
Sa bawat araw na sisikat, panibagong araw ang kahulugan panibagong araw na naman para sa pagpapahirap. Habang ako'y naglalakad patungo sa batis, natatanaw ko ang iilang mga kalalakihan na pinpahirapan ng mga hapones sa pamamagitan ng pagbubuhat ng mga sako-sakong bigas.
Ang mga mapaghihinalaan ay dadakpin at ikukulong sa garrison – ang nagsisilbing kulungan ng mga tao at walang kasiguraduhan kung sila'y lalabas ng buhay. Ilang tao na ba ang idinala sa kulungan na iyon? Hindi ko na mabilang sa aking mga daliri. May iilang nakalaya ngunit ang iba ay tuluyang pinaslang.
"Lola, huwag mo nating tagalan dito, a? Mapanganib po rito, e," rinig kong wika ni Blanca kaya ako napalingon sa kanya at ngumiti nang kaunti,.
"Oo naman, hindi tayo magtatagal dito." Inilapag ko ang dalawang malaking kurtina at inumpisahang basain ito. Bibilisan ko na lamang ang paglalaba ng mga kurtina rito sa batis.
"Ako na po ang magdadala, Lola, magbigat po iyan." Kinuha niya sa akin ang palanggan na may laman ng aming nilabhan.
"Salamat, apo."
Tahimik naming binaybay ang daan kahit maroon pa ring mga hapones ang naglalakad. Kahit saang parte man nitong lugar, hindi nawawala ang mga hapones. Mabuti nga kahit papaano ay humupa ang putukan at pagsabog nitong mga nakaraang araw ngunit hindi pa rin nababawasan ang kanilang kalupitan.
Tila nga mas lalong lumalala ang kanilang paraan sa pagpapatakbo nitong lugar gamit ang kanilang makabagong pamahalaan. Maraming mas naghihirap at mas nawawalan ng kalayaan na gawin ang aming mga nais.
Pagdating namin sa bahay, aking nadatnan si Cinco na kalalabas lamang ng kusina at may hawak ng sandok. Magulo rin ang kanyang buhok at hindi pa tugma ang kulay ng kanyang tsinelas—isang puti sa kanan at pula sa kaliwa.
"Nagluluto ka? Nag-iwan ako ng inyong agahan," wika ko at sabay pumasok sa loob at lumapit sa kanya. tiningnan ko siya muli mula sa ulo hanggang paa at marahang natawa. Inayos ko ang kanyang magulong buhok at damit bago ko kinuha sa kanya ang sandok. "Magandang umaga sa iyo, Cinco."
Pumasok ako sa kusina at nakitang wala ngang pagkain sa mesa.
"I thought you didn't cook so I'm cooking right now. (Pensé que no cocinabas, así que estoy cocinando ahora mismo)." Sinandal niya ang gilid ng kanyang katawan sa pintuan habang nakahalukipkip.
"Batid mo namang hindi ako umaalis nang walang iniiwan na pagkain dito. Magluluto na lamang akong muli." Tumingin ako sa orasan habang inaasikaso ang mga sangkap - alas-siyete na ng umaga. Habang ako'y nagluluto, tahimik lamang na nagmamasid sa akin si Cinco nang hindi pa rin nagbabago ang kanyang posisyon. "Bakit?"
Umiling lamang siya.
Napansin ko sa gilid ng aking mga mata na inilagay niya ang kanyang mga braso sa loob ng bulsa ng kanyang itim na salawal. "Sigurado ka ba? Mayroon ka bang kailangan?"
"Nothing. (Nada)"
"Ikaw ba'y nagugutom na? Marahil inubos ng iyong mga apo ang pagkain na aking inihanda kanina."
"ATING mga apo."
Saglit akong natigilan at mabilis na napalingon sa kanya nang nakakunot ang noo.
"Mga apo mo rin naman sila kahit hindi sila nagmula sa iyo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pinggan. "Let me help you. (Deja que te ayude)"
Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang abala siya sa paghiwa ng kamatis. Kahit na siya'y may edad na, hindi oa rin nawawala ang kanyang kagwapuhan. Hindi na rin siya muling nag-asawa pa mula nang iwan siya ni Georgina.
"Hindi ka ba nangungulila sa buhay?" biglang tanong ko.
Sandali siyang tumingin sa akin at muli ring itinuon ang paningin sa ginagawa. "Hindi naman."
"Hindi ba sumagi sa iyong isipan ang mag-asawang muli?" Batid ko namang wagas ang kanyang pag-ibig para kay Georgina ngunit sumagi rin sa aking isipan na minsan ba, nagkagusto rin siya sa ibang babae?
"Hindi rin."
"Wala ka bang napupusuang iba kahit ikaw ay matanda na?"
"Wala rin."
"Ayaw mo ba ng bagong makakatuwang?"
Marahil sa aking kakulitan, binitiwan niya ang kutsilyo at tumingin sa akin nang diretso. "Why would I look for someone else if you're already here? (Por qué buscaría a alguien más si ya estás aquí?)"
"H-Ha?" Napaawang ang aking labi at nanlaki nang kaunti ang aking mga mata. Sandali pa akong napatigil sa aking paghinga dahil sa labis na gulat. Kung hindi lamang ako nakakaintindi ng wikang espanyol, marahil hindi magiging ganito ang aking reaksyon. "A-Ang aking ibig sabihin ay kung nanaisin mo bang magkaroon ng bagong makakasama maliban sa iyong mga ap---."
"I know. (Sé)" Muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa paghihiwa.
Tsaka lamang ako muling nakahinga nang hindi na siya tumingin sa akin. Ano iyon? Bakit ang lalim ng kanyang mga tingin? Nakakapanibago ang kanyang mga sinasabi. Si Cinco ba talaga itong aking kausap?
"Nariyan ka para sa amin, para sa akin ng limang taon. Sapat na iyon, Emilia, hindi na ako maghahanap pa ng iba kahit maaari kang umalis dito anumang oras."
Lahat na sila iyon ang iniisip? Mula nang palayain kami ng mga hapones bilang bihag at simula ng pagdalaw rito ni Severino, iyan na lagi ang lumalabas sa kanyang labi. Marahil, lagi niyang iniisip na maaari akong umalis dito at iwan sila anumang oras, ganoon ba?
"Hindi naman ako aalis," mahina kong sambit. Hindi ko alam ngunit hindi ko naman nakikita ang aking sarili na iiwan sila. Isa pa, mayroon akong ipinangako kay Georgina. Iyon ay aking tutuparin hanggang sa aking huling hininga. Iyon na lamang ang aking magagawa para sa kanya sa lahat ng naitulong niya sa akin.
"You're not yet sure (Aun no estas seguro)," tanging sagot niya at ngumiti nang hindi tumitingin sa akin.
Muli kong naalala ang napag-usapan namin ni Gina noong nakaraang araw.
"Lola, maaari niyo ho bang magustuhan si Lolo Cinco?"
"Bakit naman?"
"Gusto ko po kase kayo bilang bagong maybahay ni lolo ngunit nariyan na po si Doktor Severino."
Kaya pala sa tuwing dumadalaw sa akin si Severino, aking napapansin na siya'y laging nakasimangot at seryoso. Sa kanilang apat na magkakapatid, siya lamang ang hindi gaanong nakikipag-usap sa kanya.
"Huwag niyo po sanang iwan si lolo, Lola Emilia. Ikaw na lamang po ang kanyang naging sandalan noong mga panahong siya'y nag-iisa. Maaari naman po kayong mag-ibigan ni Doktor Severino kung iyon po ang inyong nais ngunit huwag niyo po sana kaming iwan lalong-lalo na po ang aking lolo, Lola."
****
"Emilia? Emilia, si Gina."
Naalimpungatan ako sa malakas na tinig ni Cinco pagkapasok niya rito sa aking silid. Namataan ko si Cinco na nakatingin sa akin nang may takot sa mukha..
"Inaapoy ng lagnat si Gina, Emilia."
"Ano?" Awtomatikong nagising ang aking natutulog na diwa sa aking narinig. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa silid nina Gina. Nakita ko itong nanginginig kahit nababalutan ng kumot. "Dalhin na natin siya agad sa bahay-pagamutan, Cinco."
Noong una ay nakatulala lamang siya ngunit nang siya'y aking hawakan sa balikat, doon lamang siya natauhan. "S-Sige."
Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan habang inaayos muna ang kumot na nakabalot sa katawan ng kanyang apo bago buhatin. Bago pa siya tuluyang makalabas ng silid, pinigilan ko siya at ako'y nagsalita. "Magiging maayos din siya, Cinco."
Tanging tango lang ang kanyang itinugon at lumabas na rin. Samantalang ako naman, inayos ko ang mga gamit ni Gina kung sakali man na siya'y mananatili sa bahay-pagamutan ng ilang araw.
Saktong paglabas ko, nakita ko si Uno at Dos na kauuwi lamang mula sa bayan. Sila ay inutusan ni Cinco na magpadala ng liham sa kanilang mga magulang sa Maynila.
"Lola, saan ho kayo tutungo?"
"Si Gina. Idinala namin sa bahay-pagamutan si Gina. Siya'y inaapoy ng lagnat."
Pagkarating namin sa bahay-pagamutan, naabutan ko si Cinco na nakaupo, nakahawak sa kamay ng kanyang apo habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog.
"Lolo," pagtawag sa kanya ni Uno.
"Kumusta na po si Gina?"
"Binigyan na siya ng gamot upang bumaba ang kanyang lagnat."
Sandali kaming nagkatinginan at tumayo. Nagbigay-daan siya upang malapitan namin si Gina.
"Ano raw ang sabi ng doktor?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Hindi naman daw iyon malubhang lagnat. Marahil sa mainit at minsa'y malamig na panahon kaya raw siya nagkasakit."
Napatango na lamang ako at hinagod ang kanyang likod. Minsan lamang magkasakit si Gina ngunit malala. Ayaw ring nakikita ni Cinco na nagkakasakit ang kanyang mga apo.
Minsan bigla-bigla na lamang siyang napapatulala kapag hindi niya batid ang kanyang gagawin. Dahil napapangunahan ng takot ang kanyang dibdib, nakakalimutan na niya ang dapat gawin tulad kanina.
Mayamaya pa'y nagpaalam sina Uno At Dos na magtutungong bayan upang ipaalam sa kanilang mga magulang ang nangyari kay Gina.
"Sige, bilisan niyo lamang, a?" saad ni Cinco at sila'y tinapik sa balikat.
"Opo, Lolo."
"Magpahinga ka na muna," sambit ko at naupo sa kanyang tabi. Bakas sa kanyang mukha ang pagod at takot. Baka mamaya siya naman ang magkasakit niyan.
"Ayos lang ako."
"Nais mo bang bilhan muna kita ng makakakain o maiinom?"
"Hindi na."
Nakapako lamamg ang kanyang mga mata sa kanyang apo. Kahit puros binata at dalaga na ang kanyang mga apo, turing pa rin nito sa kanila ay mga bata kung paminsan-minsan.
"Batid mo namang nagpadala ng liham si Gregina sa akin noong nakaraang linggo, hindi ba?" biglang sambit niya.
"Oo." Naalala ko nga iyon. Mayroong dumating na mensahero sa aming bahay at inabot ang liham para kay Cinco.
Muli niyang hinawakan ang kanang kamay ni Gina ng dalawang kamay at inilapit sa kanyang labi. "Napagpasyahan nilang mag-asawa na dalhin muli sa Maynila ang kanilang mga anak sa takot na baka gawin silang bihag dito ng mga hapones."
Napaayos ako ng upo. "Kailan daw?"
"Hangga't maaari, ngayong buwan daw sana. Uuwi rito si Gregina upang sunduin ang kanyang mga anak."
"Paano ka?"
Siya'y tumingin sa akin. "Dito lamang ako."
"Hindi ka sasama sa kanila?"
Umiling lamang siya at muling tumingin sa kanyang apo. Batid ko naman na mahalaga sa kanya ang lugar na ito lalo na ang bahay na aming tinitirahan ngayon kaya marahil iyon ang kanyang nag-iisang dahilan kung bakit ayaw niyang sumama sa Maynila.
"Hindi ko na rin kakayanin pang manirahan sa Maynila. Masyadong maingay at magulo. Mas gusto ko rito kahit pa may digmaan." Dala na rin ng katandaan, siya'y hindi napapalagay kapag maingay ang paligid at magulo. Maging ako man, nais ko ring tumira sa isang lugar na tahimik at payapa lamang. "At isa pa... napag-isip-isip ko ring dumalaw sa Barcelona. Ilang taon na rin ang nakararaan mula nang ako'y umalis doon. Magbabakasyon lamang ako roon ng ilang linggo o buwan bago ako muling bumalik dito."
Marahan na lamang akong napatango sa kanyang huling sinabi. Mukhang buo na ang kanyang pasya. Oras na rin yatang bumalik ako sa aking bayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli kong makita si Delilah at ang kanyang pamilya.
Sandaling nangingibabaw ang katahimikan. Inikot ko ang aking paningin, kaunting pasyente lamang ang naririto. Napangiti ako nang makita si Sebastian na katuwang ni Seviano sa pag-aalaga at pag-aasikaso ng mga pasyente. Si Severino ay hindi ko pa rin mahagilap hanggang ngayon.
Napatayo naman si Cinco nang makitang lumalapit sa amin si Seviano nang nakangiti.
"Ginoong Cinco," sambit nito nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Dumako naman sa akin ang kanyang mga mata. "Ginang Emilia." Natawa siya nang bahagya at napailing habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Kung hindi ko lamang alam na wala kayong relasyon, iisipin kong kayo po ay mag-asawa."
Pareho kaming nagkatinginan ni Cinco. Ilang segundo lamang, siya'y napangiti sa akin at kay Seviano.
"Maaari na po bang makauwi ang aking apo mamaya?" tanong niya.
"Kung tuluyan pong bababa ang kanyang lagnat, maaari na po ngunit kung hindi po, mananatili muna siya rito bukas."
****
"Kumusta po, Ginang Emilia?"
"Ayos lang naman. Ikaw ba? Kayo ng iyong mga anak?"
Ngumiti siya at tumango-tango. "Ayos lang po kami." Kawangis niya talaga si Floriana.
"Matagal-tagal na rin po pala tayo nang huli tayong magkita. Paumanhin po kung hindi ako nakakasama kay Itay sa tuwing siya'y dumadalaw sa inyo. Marami pong pasyente, e."
"Ayos lang iyon. Mabuti nagkita tayo ngayon." Ito rin ang unang pagkakataon na kami'y magkakausap nang kami lamang dalawa.
Narito kami ngayon sa likod ng kanilang bahay-pagamutan, nagpapahangin habang nakatingin sa papalubog na araw.
"Ang iyong ina...," panimula ko. Nais kong makarinig ng kwento mula sa kanyang ina. Matagal na rin mula nang ako'y makarinig ng balita mula sa kanya. "Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na siya'y makausap bago siya pumanaw." Marahil kung mayroon lamang akong pagkakataong gawin iyon, kami ay nagkaayos at nagkaroon pa ng mas mahabang panahon na pagsasama.
"Naisalaysay rin po sa akin ni Itay ang buong pangyayari sa pagitan nilang dalawa. Wala po siyang inilihim sa akin."
"Karapatan mo rin namang malaman ang katotohanan."
"Nagbiro nga po ako na baka magalit sa kanya si Inay dahil kayo'y nagkabalikan muli ni Itay."
Natawa ako at napatingin sa kanya. "Batid ko rin na baka siya'y naninibugho na sa itaas. Batid ko pa naman kung gaano niya kamahal ang iyong ama." Muling bumalik sa aking alaala ang mga panahong nasaksihan ko ang pag-ibig niya para kay Severino. Parang kailan lamang, matagal na panahon na pala ang lumipas. "Hindi ka ba naghanap ng bagong ina noong ikaw ay bata pa?" Bilang bata, natural lamang na magtanong o maghanap siya ng isang kalinga ng ina.
"Nangungulila po syempre. Natural lamang po sa akin ang maghanap ng isang ina. Naalala ko nga po noon, tinanong ko si Itay kung balak ba niyang mag-asawang muli. Humingi pa nga ho ako ng pahintulot kay Inay bago ko pilitin ang aking ama na mag-asawang muli." Natawa siya saglit nang akin rin ikinatawa. Pinilit niya talaga ang kanyang ama na mag-asawang muli? Unting nawala ang kanyang pagtawa at napalitan ng isang sinserong ngiti. "Subalit, ang tanging sagot niya sa akin mag-aasawa lamang siyang muli kapag nakita niya na ang babaeng matagal niyang hinihintay."
Batid kong ako iyon. "Hindi ba siya napagod sa kakahintay?"
"Hindi po. Naniniwala raw po siya na darating ang tamang panahon na sila'y magkikitang muli kahit gaano pa katagal."
Sandali akong napatahimik. Kahit kailan pala talaga, hindi nawala sa kanyang isipan ang aming naging huling usapan. Akala ko noong una, ako lamang ang nagtitiyagang maghintay. Nalipasan na ako ng panahon ngunit naghihintay pa rin ako sa kanya.
"Kayo po ba? Napagod po ba kayo sa kahihintay?"
"Hindi." Ngumiti muna ako sandali bago tumingin sa kalangitan. Ang lakas at sariwa ng hangin. Napapikit na lamang ako habang nililipad ang aking nakataling buhok. "Kaya nga ako tumandang dalaga dahil pinanghawakan ko rin ang pangako namin sa isa't isa."
Naalala ko tuloy muli ang aming napag-usapan noon ni Delilah ilang taon na ang nakararaan.
"Ate, kailan ka ba mag-aasawa? Naunahan pa kitang magkaroon ng anak," natatawang tugon sa akin ni Delilah.
Ngumiti lamang ako at inayos ang damit ng kanyang sanggol. "Marahil sa susunod lang mga taon. Mayroon lamang akong hinihintay."
"Susunod pang mga taon? Kailan pa? Baka ikaw ay tumandang dalaga niyan, a? Hindi ako magkakaroon ng pamangkin."
Ngumiti lamang ako bilang tugon. Kahit ilang taon na ang nakalipas, kahit ilang taon ko na siyang hindi nakikita't nakakasama, hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang pangako namin sa isa't isa. Wala man akong kasiguraduhan ngunit ako'y matiyagang maghihintay.
Hindi naman nasayang ang aking paghihintay dahil makalipas ang apatnapu't walong taon kami nama'y muling nagkasama. Lahat ng paghihintay at pagsasakripisyo ay nagkaroon ng magandang bunga.
"Tatawagin na ho ba kitang Inay?" rinig kong tanong ni Seviano na nagpabalik sa aking ulirat.
Mabilis akong napalingon sa kanya at napatulala. I-Inay? Siya'y nakangiti nang malapad, litaw ang malalalim na biloy.
"Balita ko ho, tumayong ina ka raw ng mga apo ni Ginoong Cinco. Siguro po kung nanaisin ni Itay na kayo'y mag-isang dibdib, kayo po'y magiging pangalawa rin naming ina."
Kumunot ang aking noo kasabay ng pag-iinit ng aking mga mata. Natural lamang ba sa isang matanda ang maging mababaw ang luha? "A..." Naisara ko rin ang aking labi at ilang beses napakurap nang walang lumabas na salita sa akin. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Mabilis kong pinunasan ang aking luha at yumuko. Hindi ko akalain na maririnig ko iyan mula sa kanya na anak mismo ni Floriana, ang babaeng unang nagmahal sa kanyang ama.
"Mukhang madagdagan ho ang inyong mga anak at apo, I...nay Emilia." Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at pinisil iyon ng hindi nabubura ang kanyang malapad na ngiti.
Pagpasok namin sa loob, nakita ko si Severino na nakikipag-usap kay Cinco habang binabantayan si Gina na natutulog pa rin.
"Narito na pala kayo, sana kayo nagtungo?" bungad sa amin ni Severino.
Kapwa kaming nagkatinginan ni Seviano at ngumiti sa isa't isa. Nauna siyang bumaling sa kanyang ama at nagsalita.
"Nagpahangin lamang po, Itay."
"Narito na rin naman kayo, nais ko sanang magpaalam. Sa inyo ko muna ito sasabihin."
"Ano po iyon?"
Kumunot lamang ang aking noo habang naghihintay ng tugon ni Severino. Siya'y tumingin sa akin at ngumiti. Bakit tila ako'y kinakabahan?
"Nais ko sanang humingi ng pahintulot sa inyo na magbakasyon kami ni Emilia sa Las Fuentas."
-------
<3~