webnovel

Chapter 1

Naiinis kong tinignan ang lalaking kanina pa nakabantay sakin habang nilalabhan ko ang mga damit nya. At ang paglalabang iyon ay de mano-mano. Walang tulong ng washing machine at dryer. Ang gusto pa nya ay matuyo iyon ngayon araw. As if naman na mangyayari eh malakas ang ulan sa labas. Kaya nga dito ako sa loob ng cr nyang malaki naglalaba.

"Bilisan mo dyan. Magluluto ka pa ng tanghalian. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom."

Hindi ako umimik sa kanya at pinagpatuloy ang pagkuskos. Masama na timpla ko pero kailangan kong kumalma dahil baka mapilitan akong balian ng buto ang taong ito.

Gisingin ba naman ako ng ako ng madaling araw para magluto ng ulam. Akala iyon lang ang gagawin ko kaya madaling madali ako gumawa para matulog ulit. Puyat ako dahil hinanap ko sa buong bahay iyong susi ng vault para makuha ang pinakaimportanteng ebidensya para makulong si Jayson Rivera, isang drug dealer at senator.

Ang mission ko ay hanapin ang susi para sa vault na nakuha namin sa bahay ng dating nyang asawa na ngayon ay patay na, pero hindi namin alam kung anong cause ng pagkamatay ng babae. Sabi ni boss, ang taong naghihingi ng tulong sa amin ay gustong malaman kung may kinalaman ba ang senator sa pagkamatay ng asawa nito at kung bakit ayaw ipabukas ng babae ang vault hanggat buhay pa sya. And in the other hand, gusto rin naming malaman kung ang laman ng vault ay makakatulong sa pagpapakulong sa senator.

At kung bakit dito ako napunta dahil anak sa unang asawa ng senator itong lalaki ito, na ngayon ko lang nalaman.

Pero hindi lang naman itong lalaking ito ang pwedeng may hawak ng susi. Pwedeng iyon din nagpapatulong saamin kaya nakabantay ang isa sa mga agents sa kanya. Pwede rin ang senator at ang katiwala ng bahay.

Pede naman na ako ang magbantay doon sa iba, kaso, kung bakit kasi kilala ni D ang lalaking ito. Napunta pa tuloy ako dito sa magaling kong ex.

Yes! He is my ex.

4 years na kaming break at ang galing ng mundo na pagtagpuin ulit kami. It's the 3rd time. Noong una ay noong highschool. He became my friend. Second time ay iyong nagkita ulit kami after I graduate college and he confess to me that he likes me. Yeah, we became couple for years then breakup because of my own reasons. And he didn't let me to do that, but I insist to have our separate ways. Then, this time is our 3rd time. Being his maid for my mission.

What a joke, destiny?

"Helena"

"What?"

"Why does your parents did that? May ginawa ka bang kabaliwan para hindi kanila patirahin sa bahay nyo at tanggalan ng credit card? "

Nilingon ko sya. Nakasandal sya sa pader habang nakatingin sa taas. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya at nakita ko doon ang isang butiking na naka freeze style.

Mukhang magjejebs yang butiking yan, hula ko.

"Helena, are you listening to me?"

Binalikan ko ng tingin ang lalaking iyon at may bigla akong naramdaman.

Bakit? Akala ko ba okay kana heart?

"I don't know what is happening to your life. I just wondering why you have to work as maid eh, you graduate as a professional chef. You can apply in some big resturants. You have credentials and so." Tas tumingin sya saakin at ang puso ko, iyon, nagrarambolan.

Akala ko ba move on kana?

"Tell me, Helena, why me? Bakit dito pa sakin ka nag apply? Isa lang ang pumapasok na rason sakin. And it--------"

Malakas na tumunog ang cp nya kaya iyon sinagot nya rin naman. Lumabas sya saglit at pagbalik nya ay nagpaalam syang may emergency sa opisina nya.

Yan, di kasi pumasok.

I felt relief when I hear the car drove. Mabilis pa sa alas kwarto na tumayo ako sa bangko at pinagsisipa ang palanggana. Nagtalsikan iyong tubig at bula pero wala akong pakialam. Namaywang pa nga ako sa harap nun at dinuro duro at umalis sa cr.

Nagugutom na ko. Hindi kasi ako nag almusal dahil sa inis ko sa taong kakaalis lang.

Naghugas ako ng kamay. Kumuha ako ng ilang ingredients sa ref at nagsimula ng magluto ng makakain. Ilang minuto lang naman ng tinagal noon. Naghain na ko at naupo sa stool. I pray then eat my food.

Mabilis ko lang din naubos ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan. Pagtapos nun, binalikan ko na ang labahin at tinapos iyon. Doon ko narin sinampay. Halos inabot din ako ng hapon at natapos na rin ang ulan. Wala pa rin ang magaling na lalaking iyon.

Buti naman. Kanina kasi mukhang nasa confession room ako ng HQ dahil sa kanya. Thanks sa tumawag. Napakatiming nya!

Pumunta ako sa sala at napapagod na naupo sa sofa. Binuksan ko na rin ang tv para manood. Nakakita ako ng horror movie. Doon ay inistop ko ang kakapindot sa remote at inenjoy ang movie.

Hindi ko namalayan ang sarili na mahiga sa sofa habang nanonood. Walang reaksyon kong pinanood ang bida na takot na takot sa multong sinusundan sya. As if naman totoo iyon. Hindi naman nakakatakot eh. Mas maganda palang documentary ang pinanood ko. Maiiyak pa ako.

At dahil nabored ako, hindi ko napigilang makatulog habang nanonood. Paniguradong magagalit sya, dahil iniwan kong bukas ang tv.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta nagising ako sa isang pagdampi ng kung ano sa pisngi ko. Doon ay dumilat ako at nakita kong sobrang lapit saakin ng lalaking iyon at akmang sisigaw ng bigla-----------

Hinalikan nya ako sa labi.

Why oh why?!!!!!!!!!!!

"Im sorry. Nasanay lang ako sa habit kong halikan ka pagsisigawan mo ako"

Yan ang paliwanag nya saakin bago ako iwan kanina sa sofa at inutusan akong magluto ng hapunan. At ako itong sira, may pahawak effect sa labi na as if first kiss ko iyong nangyari.

Nandito ako sa kusina. At nakatanga habang inaantay na maluto iyong adobo na niluluto ko. Nakaupo ako sa high stool at nakapangalumbaba at iniisip iyong nangyari sa sala kanina.

Why oh why? Pagpapaulit ko sa naisip ko kanina.

Tae itong si destiny! Pinaglalaruan ata ako. Ngayon kasing alam ko ng hindi pa ako nakamove on sa lalaking iyon, ay ito pinagtitripan ako. Baka hindi ko pa magawa ng tama ang mission ko dito.

Papano na ko kikilos nito? Lalo na nasa iisang bubong kaming parehas. Baka di ko mapigilang magawa iyong mga ginagawa ko noon sa kanya.

Napasabunot tuloy ako sa buhok ko at inuntog ang noo ko sa mesa.

Hindi to pede! Kaya nga ako nakipaghiwalay dahil ayokong madamay sya sa trabaho ko.