webnovel

Chapter 14

"My father send them to find that key. Hindi ko nga alam na alam na rin nya ang tungkol sa vault." Sabay subo ng fries ni Henrik. "It's a secret between me and Tita. Syempre kasali kayo sa nakakaalam"

Sinubo ko muna ang fries bago ako tumingin sa pinapanood naming movie ni Henrik. Nasa sala kami ngayon at magkatabi sa sofa.

"That key" sabi ko habang nakatutok sa palabas. "I didn't find it here. Ket nga sa office mo wala"

"So, you secretly search it" tumango ako sa kanya. "Bat hindi ko manlang napansin iyon"

"Well, nahuli mo na ko dati pero magaling ata akong actress kaya naniwala kang nagprapractice lang akong magbukas ng pinto" tatawa-tawa kong banggit sa kanya.

"Yeah, Im being fooled by you, but" naramdaman kong lumapit sya sa tenga ko at bumulong. "You cannot fool me now anymore"

"Talaga ba?" nilingon ko sya nang makalayo sya sakin. Ngumisi sya at nakakalokong tumingin sa labi ko. Bigla kong tinakpan iyon at mabilis na tumayo. "Nako, wag kang lalapit sakin. Ayoko ng magconcert ulit"

Tumawa naman sya at hinila ako pabalik sa tabi nya. May kasama ng yakap iyon at halik sa noo saka nanggigil na kinurot ang pisngi ko.

Nababaliw na naman to.

"Teme ne mesheket—Henrik!" sigaw ko sa kanya.

Binitawan nya rin naman ako at sumandal sa sofa. Sinamaan ko sya ng tingin bago bumalik sa movie. Nakakainis dahil hindi ko na nasundan ang kwento. Ito kasing katabi ko, masyadong hayok na hyper. Kala mo hindi nakadami kanina.

"Helena" tawag nya sakin pero di ko sya pinansin. Baka mang-aasar na naman, baka balian ko ng braso to, pag di ako nakapagpigil.

"Hey, baby." Kinalabit na nya ako. Pero matigas ako kaya tinutok ko pa lalo ang sarili ko sa screen. "Honey, may sasabihin ako sayo. Pansinin mo naman ako"

"Ano ba yun?" di ako nakatiis kasi hindi natigil sa kakalabit. "Baka kalokohan naman yan. Pagod na ko Henrik"

"No, its not that. I think I have an idea where we can find the key" sabi nya kaya napalingon ako sa kanya.

"T-talaga? Ano naman?"

"Did you remember what I gave to you when we celebrate our 2nd anniversary?" tanong nya sakin. Ako naman eto napaisip.

"Alin doon? Iyong bulaklak? Iyong Life size teddy bear? Iyong necklace? Iyong----" may gulat ang mukha ko ng titigan ko si Henrik. Tas kinapa ko ang necklace ko na suot ko ngayon. Its an heart shape. Heart shape din iyong kulang na figure doon sa vault. Hindi kaya---

"Did you remember that, that necklace was given by my stepmom. She gave it as a gift because she loves you and adores you." Nakangiting banggit ni Henrik.

"So, it means, al this time, nasaakin ang susi?"

"Wow! So kasalanan ni H ang lahat kaya hindi to mabuksan" komento ni D ng mabuksan ang vault.

"Abay malay ko ba nasaakin pala ang susi na hinahanap natin." Kinuha ko kaagad sa kanya ang necklace. "Akin na toh ulit. Regalo sakin to eh"

"Nah! Kailangan natin para matapos na tong mission. Saka ko na ibabalik to pag ayos na to" saka nya binawi ulit ung kwintas. May point naman sya kaya sumimangot ako at yumakap nalang kay Henrik.

Yah! Sumama sya dito sa HQ. Hindi naman sya pinagbawalan nila Papa pero kailangang sundin ang rules. Pumayag naman si Henrik na magiging sekreto lahat ng makikita nya sa loob. At saka, parang balak nya na ding tumira dito, kasi nalaman nyang may kanya-kanya kaming kwarto dito. Doon daw sya makikitulog sa kwarto ko.

Akala ko nga magagalit sila kuya sa sinabi ni Henrik. Abay tuwang tuwa dahil magiging settle na daw buhay ko. Hindi na raw nya ako kailangang bantayan. Pati si Papa din natuwa, di na raw kailangan ibabysit ako.

Like duh! Mukha ba akong bata dati?

"Baby" tawag sakin ni Henrik. Tiningala ko sya at tinanong bakit. Ngumiti lang sya at tinignan ang nasa harap nya. Lumingon ako at tinignan kung ano yun, nakita ko ang nanlilisik na mata ni kuya samin. Binelatan ko lang sya at inasar na di sya pinapansin ngayon ni L.

"Ewan ko sayo. Dyan na nga kayo" iniwan nya kaming tatlo. Mukhang napikon ata.

"its just a diary about the life of his wife. That's all" biglang salita ni D habang binabasa ang hawak nya.

"Talaga? Walang evidence tungkol sa mga illegal ni Rivera?" tanong ko sa kanya at bumitaw ay Henrik.

"You know my father's illegal stuffs?" tanong ni Henrik. Tumango lang ako at nilapitan ang vault.

Sinilip ko ang loob noon. Wala ng laman. Iyong diary lang ang laman non. Pinasok ko ang kamay ko sa loob at kinapa ang bawat gilid noon hanggang sa, Bingo!!!!

Dali dali kong kinuha sa bulsa ko ang pocket knife at binutas ang gilid ng vault. Tela kasi iyon at mukhang hindi kapansin-pansin dahil parehas ng kulay sa bakal na nakapaligid. Kelangan mo pang kapain ang loob.

"Wait! May kutsilyo ka sa bulsa?" gulat na banggit ni Henrik. Nagkibit balikat lang ako sa kanya saka kinapa iyong loob ng tela. Nakapa ko ang isang maliit na papel. Nilabas ko iyon at pinakita ko sa kanila.

"Mukha mission accomplished na tayo, D" ngisi ko sa kanya, habang si Henrik ay mabilis na nilayo sakin iyong kutsilyo.

Grabe talaga toh. Parang hindi kilala trabaho ko.

"Para namang itatarak ko sayo yan." Asar ko sa kanya ng makuha nya iyon. Inabot narin ni D ang papel.

"Confirm. I have to tell it to our boss and your team. Kelangan na magplano para mahuli ang senador." Nabusy na si D sa tapat ng computer.

Tinignan ko si Henrik. Nakita kon nag-aalala sya. Nang makita nyang nakatingin ako, ngumiti sya at sinabing okay lang sya. Naglakad sya palabas pero hindi ko sya hinabol.

"Tingin mo magiging okay lang na hulihin na natin sya ngayon?" tanong ko kay D habang nakatingin sa pintong nilabasan nya.

"He knows what his father's work." Naririnig ko ang mabilis nyang pagtitipa. "Pero batas ay batas. Kailangan natin syang hulihin ket magigiing lbag sa loob ng jowa mo ang gagawin natin. Alam mong maraming tao ang pwede pang madamay at masaktan kapag hindi natin sya ikukulong"

"Alam ko." Bumuga ako ng hangin. "Trabaho natin ito. Alam ko yon"

"Kausapin mo sya, H. Siguro naman, hindi sya katulad ng mga lalaking makitid ang utak para hindi maintindihan ang sitwasyon"

Tumango ako kay D, at nagpaalam na susundan si Henrik.