webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · วัยรุ่น
Not enough ratings
97 Chs

CHAPTER 20 – Red Strings

  V2. CHAPTER 3 – Red Strings

NO ONE'S POV

"Oh iha, gabi na bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong na sumalubong kay Pristine mula sa isang matanda pagkababa niya ng van.

"Hinatid ko po kasi Manang si Arianne sa matitirhan niya," paliwanag ni Pristine. Sunod ay pumasok siya ng foyer. Ipinaakyat naman ni Manang Soledad, ang matandang sumalubong kay Pristine at kasalukuyang mayordoma ng mansion ng mga Vicereal ang mga gamit ng kaniyang senyorita sa isang kwarto sa 2nd floor.

Paakyat na si Pristine patungo sa ikalawang palapag noong matigilan. Napalingon siya kay Manang Soledad nang kausapin siya nito.

"Pristine iha, nakalimutan kong sabihin na mag kasama pala kayo ni Natalie sa isang kwarto," saad ni Manang Soledad na sumurpresa ng matindi kay Pristine. Hindi siya makapaniwala kaya't mabilis siyang bumaba ng hagdan upang kausapin ng maayos ang matanda.

"Pero Manang, bakit? Sa daming kwarto dito sa mansyon?"

"Iyon po kasi ang iniutos ni Madam Victoria," sagot ni Manang Soledad.

"Nasaan na po ba si lola? Kakausapin ko siya."

"Pasensya na iha pero umalis si Madam kaninang umaga. Higit isang linggo siyang mamamalagi sa states. Mariin niyang sinabi na 'wag na 'wag po namin kayong hayaan na maghiwalay ng kwarto."

Aburidong napalingon si Pristine sa kawalan. May sasabihin pa dapat siya pero naagaw ang atensyon niya ng isang tinig.

"Argh, ayoko. Hindi pwede, Man— "

"Tss, 'wag ka na nga mapilit. Akala mo ba natutuwa ako na makasama ka sa isang kwarto?"

Sumama ang mukha ni Pristine. Kahit di niya tignan ang nagmamay-ari ng boses ay alam niya kung sino iyon.

"Ganoon naman pala, e di marapat lang na maghiwalay tayo ng silid ngayon din," sagot ni Pristine ng hindi tumitingin sa kausap.

"Manang pwedeng paki utos na ialis yung mga gamit ko sa kung saan mang kwarto nilagay 'yon. Kahit magalit pa sa akin si lola lilipat pa rin ako."

"Kung ako sa'yo di ko na ipipilit."

Napatingala si Pristine at inis na napalingon kay Natalie.

"Pasensya na iha pero hindi kita hahayaang gawin iyon. Pinagbantaan kaming lahat na masesesante kapag hindi nasunod ang iniutos ni Madam Victoria."

Walang nagawa si Pristine kundi sundin ang kagustuhan ng kaniyang lola. Ayaw niya naman mawalan ng trabaho ang mga kasambahay nila dahil lamang sa pansariling kagustuhan. Hindi maipinta ang kaniyang mukha habang naglalakad papunta sa kaniyang magiging silid.

Isa sa pinakamalaking kwarto sa mansyon ang ipinagamit sa kanila ng kanilang lola. Nakahanda na ang dalawang kama para kina Pristine at Natalie. May pares na rin ng mga furnitures para sa kanilang dalawa.

Dahil sa walang pakialam ang dalawa sa isa't-isa ay naging tahimik ang atmosphere sa silid. Habang nag-aayos si Pristine ng kaniyang mga gamit ay nakahiga naman si Natalie sa kaniyang kama't nagbabasa ng isang fashion magazine.

Maagang dumating si Natalie ng bahay kaya't naayos na niya ang kaniyang mga kagamitan.

"Pakibilisan mo nga dyan gusto ko na matulog."

Sinamaan lang siya ng tingin ni Pristine.

Hindi nakakatulog si Natalie na bukas ang ilaw. Sa dahilang pa lamang na ito ay mauuna ng magsimula ang gyera sa pagitan ng dalawa dahil si Pristine naman ay sanay na late matulog.

"Ipagpabukas mo na lang 'yan. Matutulog na ako," In-insist ni Natalie na ikinainis ni Pristine.

"Kung gusto mo talaga matulog makakatulog ka,"

Hindi kumibo si Natalie at sa halip ay nilibang niya na lamang muna ang sarili sa pakikinig ng music. Hindi nakuntento ay naisipan niyang mang-asar. Kinunekta niya ang tunog sa speaker at nilakasan pa ang volume nito.

"Nang aasar ka ba ha?" yamot na tanong ni Pristine pagkalapit niya kay Natalie.

"Bakit? Naasar ka? Ako rin naaasar na sayo e. 'Pag nagdilim 'tong paningin ko dahil sa sobrang inis baka mauna ka pang makatulog sa akin. Bilisan mo dyan."

Napasinghal si Pristine.

Nang matapos ni Pristine ang pag-aayos ay kumuha siya ng damit pantulog. Kahit na wala pa siyang balak matulog ay pinatay niya na ang ilaw. Lumingon siya sa direksyon ng kama ni Natalie at napairap bago pumasok sa palikuran.

Malaki ang problema niya sa kasama pero hindi iyon ang bumabagabag sa kaniya. Sa bawat pagtama sa kaniyang mukha ng tubig mula sa shower ay napapapikit ang kaniyang mga mata. Kasabay ng bawat pagpikit ay ang pag-aalala niya sa kaniyang kaibigan. Naisip ni Pristine na pinagti-tripan ata siya ng sitwasyon dahil lahat ng problema sa buhay niya ay magkakadugtong-dugtong.

Sandaling napatingin sa kawalan si Pristine pagkapatay niya ng shower.

"Bwiset!" Nanggagalaiting bulalas niya.

Matapos mag-ayos ay bumaba si Pristine patungong kusina upang uminom ng gatas. Dahil sa pag-aalala ay naisipan niyang tawagan si Arianne.

"Hello, Arianne..."

"Hello Pristy, nakauwi ka na ba? Uhm, kamusta?"

Nangisi si Pristine.

"Ayos lang ako... ikaw ba? Hindi ka ba... Baka hina-harass ka na ng siraulong lalaki dyan?" nag-aalalang tanong ni Pristine.

Napasalubong naman ang kilay ng taong nakasandal sa may pader papasok ng kusina. Lingid sa kaalaman ni Pristine ay may nakikinig sa kaniya.

"Hindi naman... Siguro hindi niya naman gagawin 'yon. 'Wag ka mag-alala sa akin, hindi ko hahayaang maulit 'yon saka kaya ko namang protektahan yung sarili ko," tugon ni Arianne. Kakatapos lang din niyang mag-shower ng tumawag si Pristine. Nakasilid sa pagitan ng kaniyang balikat at ulo ang cellphone habang inaangat pataas pajama pants.

"Alam ko naman, kaya lang nasa teritoryo ka niya. Paano na lang kung... paano na lang kung kayo lang maiwan dyan tapos... tapos pagsamantalahan ka niya? Nakita mo naman yung mukha niya kanina di ba?! Halatang freak talaga siya! Hindi ko ma-imagine Arianne! Paano kung gapangin ka niya tuwing gabi?! Kahit na pro feminism ako, hindi ko naman maikakaila na mas malakas talaga ang mga lalaki kaysa babae!"

Napatigil si Arianne sa pagbubutones ng pang itaas.

"You're thinking too much. Tumigil ka nga Pristy. Wala bang nakakarinig sayo dyan a?" Umupo si Arianne sa kama, "Ano b'ang ginagawa mo a? Matulog ka na kaya, parang nag-aadik ka na naman e," pabirong dagdag ni Arianne.

"E kasi naman... Arianne... BASTA! Pupunta ako dyan bukas! Babantaan ko yung walanghiyang Aldred na'yon at palihim ko siyang tututukan ng kutsilyo. Malaman ko lang isang beses na galawin ka uli niya ay makakapatay talaga ako ng tao. Brrrrr!" Parang nagta-tantrums na sabi ni Pristine. Nangisi si Arianne ng ma-imagine niya ang kaibigan.

"Hay ewan, bukas na tayo mag-usap. Matulog ka na ng mahimasmasan ka. Mag-message ka na lang kapag papunta ka na bukas dito ng makapaghanda ako at makapagsabi kay Tita Cecil. Nakakahiya naman kasi."

"Okay, Arianne. Good night."

"Good night din... hmm, Pristine thank you."

"You're welcome. I love you,"

Humagikgik si Pristine habang nangisi naman si Arianne bago niya patayin ang tawag.

Matapos ng usapang iyon at nang maubos niya na ang bote ng gatas na kaniyang iniinom ay sunod na tinawagan ni Pristine si Bianca upang i-inform ang tungkol kay Arianne. Nasurpresa si Bianca sa kaniyang ipinaalam pero hindi maiwasan ni Pristine na mairita sa reaksyon nito.

"Nakakairita ka Bea, parang tuwang-tuwa ka pa a? 'Pag nagkita na lang tayo saka ako sayo magkikwento. Asar na nga ako rito sa mansyon dadagdag ka pa."

"Hahaha, kasi naman parang pinagtatagpo talaga sila ng tadhana di ba? Hay... parang yung sa mga koreanovela ang peg, dumi-destiny ang lola mo. By the way, bakit ka naman bwiset dyan? Nag-start na ba ang gyera sa pamamahay niyo ah?"

"Malapit na 'wag ka mag-alala. Pagsamahin ba naman kami sa iisang kwarto," nakasimangot na sagot ni Pristine.

"Eh? Really?" Malakas ang naging pagtawa ni Bianca, "Bakit naman kayo pinagsama?"

"Ang saya mo talaga ngayon no?" nakakunot ang kilay na reaksyon ni Pristine. "Hindi ko alam kay lola. Ikaw kamusta ka dyan sa inyo? Sa tono ng pananalita mo mukhang walang nagawa sila Tito kundi tanggapin ka uli sa pamamahay nila."

Napa-flat ang mukha ni Bianca at walang gana siyang tumawa, "Tadyakan kita dyan e, ayos lang ako dito."

Impit na natawa si Pristine.

"Okay... Hey, sige na Bea. Mas maganda pag-usapan yung mga pangyayari ng mata sa mata kaya sa susunod ko na ikikwento. Good night na."

"Good night din Pristy."

Paakyat na si Pristine papunta sa kaniyang kwarto pero nagtaka siya nang makita si Natalie sa may sala na nanunuod ng tv. Ayaw niya sana itong pansinin pero nainis siya sa pag-iisip na matapos siyang pagmadaliin nitong mag-ayos ay hindi naman pala matutulog kagaya ng sinabi nito kanina.

"Akala ko ba matutulog ka na?"

Lumingon sa kaniya si Natalie.

"Mahirap makatulog ng alam mong may masamang presensya malapit sayo," sagot ni Natalie habang nakatingin sa tv.

Minabuti ni Pristine na huwag na dugtungan pa ang pagpaparinigan nilang dalawa ni Natalie. Dumeretso na siya papunta ng kwarto upang matulog.

ARIANNE'S POV

"Hello, Bianca."

Kakatapos ko lamang mag-ayos noong marinig ko ang cellphone ko. Sinagot ko ito at narinig ko agad ang hagikgik sa kabilang linya. Kakatawag lamang sa akin ni Pristine at hula ko ay tinawagan niya rin si Bianca. Alam ko na kung ano ang rason ng pagtawag nito ngayon sa akin.

"Arianne, alam mo bang iyan ang tinatawag na destiny."

"Sira, so ano pinupunto mo?" Walang gana kong tugon sa kaniya.

"Na kayo ni Aldred ay meant to be! Biruin mo si Mother Earth pa ang kumilos para magtagpo ang landas niyo!"

Napatikwas ang kilay ko dahil sa narinig ko.

"Sa totoo nga, gustong-gusto ko na sisihin kayong dalawa sa kamalasan ko. Akalain mong kinailangan pang i-sacrifice yung mga dorms ng school natin para mabigyang daan lang 'yang red string na nagdudugtong sa inyo,"

Narinig ko ang paghagikgik sa kabilang linya.

"Tsk, tsk, tsk, mahirap kalabanin ang God's will kaya bilang pampalubag loob mo na lang sa akin ay 'wag mong hayaan na maging TOTGA 'yan a! Okay?"

My face voluntarily turned sour right after listening to what she said.

"Magkaiba lang kayo ni Pristine ng opinyon pero parehas pa rin kayong siraulo. Tigilan mo nga ako Bea, kahit kailan hindi ko magugustuhan yung unggoy na 'yon. Saka ikaw yung nag-usig sa'kin na mag-apologize kay Natalie tapos ngayon ipagtutulakan mo naman ako sa dahilan n'on?"

"Naku Arianne, 'wag ka magsalita ng tapos a. I did give the idea but that's just my opinion. Wala namang magagawa si Nat kung parehas na kayong nagmamahalan ni Aldred. Ayiii! Mga bata pa naman kayong tatlo. Kung si Nat saka si Aldred sa huli e di may tamang panahon para sa kanila. Kung kayo naman ni Aldred, ito na yung simula no'n girl. Ma-break mo man lang 'yang record ng pagiging NBSB mo. Pero sa tingin ko kayo talaga e, unless kung maging katulad nga talaga ng koreanovela yung love story niyo na sasakupin ng white blood cells yung dugo ng isa sa inyo o kaya mare-realize mo na mahal mo pala talaga si Aldred kaya hahabulin mo siya sa gitna ng NLEX at masasagasaan ka ng tenwheeler na truck na tumatakbo ng 80kph or the worst-case scenario ay magkapatid pala kayo sa isang magulang. Ang saklap di ba?"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"Kailan ka pa naging hopeless romantic? Makapagsabi ka dyan ng NBSB ako e ikaw din naman. Tigilan na nga natin yung usapan sa lovelife yikes! Kanina pa ako nasusuka kakapakinig sa mga sinasabi mo."

Narinig ko muli yung paghagikgik ni Bianca.

"Hindi mo naman ako pinipigilan e."

"Ang bilis kasi ng bunganga mo."

"Makabunganga talaga? Sige na Arianne. I'll set you free for tonight at baka may naghihintay lang ng tyempo dyan sa tabi-tabi Ayii. Good night."

"Hoy, kakamustahin pa nga kita e!"

"No need. Obvious naman sa energy di ba? Happy!"

"Oo nga. Obvious na obvious nga. Sige na good night!"

♦♦♦

Parang tumatakbo ako ng ilang laps sa field ng school grounds habang pinakikinggan si Bianca. Sa pakikipagusap ko sa kaniya at kay Pristine ay para bang nagkaroon ako ng dalawang maliit na sulsol sa pareho kong mga balikat. Isang demonyo at isang demonyo dahil malabong-malabo na may anghel sa kanilang dalawa.

"Destiny, red string... God's will? Duh."

Kung sino mang gumuhit ng kapalaran ko ay malamang na nakahithit 'yon ng sandamakmak na tsongke at pinagtripan ako.

Pagkarinig ko pa lamang ng boses ni Aldred ay parang hinihila na ako patungong impyerno at noong lumitaw siya ay tila nakaharap ko ng personal si taning. Ninais ko ng tumakbo kanina upang makatakas sa halimaw na unggoy na 'yon pero wala na akong nagawa ng makita na ko ng Mama niya.

God's will? Nagkamali ata si Lord ng itinaling string sa akin. Death string ito, for sure.

Wala pang nasasabi si Mama tungkol kay Tita Cecil pero ayon dito ay nagkita na kami dati. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang bata pa ako o dahil sa pagkakaroon ko ng amnesia noon kaya hindi ko siya maalala.

Sinabi ni Tita na mahiyain ang mga anak niya pero hindi iyon naka menos sa pag-iisip ko na talagang weird si Aldred. Hinihintay ko na nga lamang kanina na aminin sa akin ni Tita na may sakit sa utak ang isa niyang anak.

Mabait ang mama ni Aldred, wala akong maipipintas sa una naming pagkikita. Mahinhin ito at sa tingin ko'y mapagaruga. Sa tingin ko nga ay wala akong poproblemahin pagdating sa pakikitungo kay Tita Cecil pero sigurado sa mga anak niya ay isang malaking OO. Noong makita ko pa lamang si Aldred ay tinanggap ko na kaagad na poproblemahin ko siya pero mukhang pati rin ang kapatid niya dahil halatang ayaw nito sa akin.

Habang iniisip ko ang mga pangyayari ay biglang may kumatok sa pinto.

"Tuloy."

Napabangon ako ng kama ng sumilip si Tita Cecil sa kwarto.

"Kamusta na Arianne? Ayos na ba ang lahat? Huwag kang mahihiya na magtanong sa akin a baka may maitulong ako sayo."

"Ah, ayos naman na po lahat. Maraming salamat po," Nahihiya kong tugon.

"Matutulog ka na ba?" Nakangiting tanong sa akin ni Tita Cecil. Bigla ay may pumasok sa isip ko.

"Opo."

"Ako na ang magpapatay nitong ilaw a. Sige good night na."

"Good night din po."

Nang mapatay na ang ilaw at nang magsara na ang pinto ay naisip ko kung gaano na katagal na hindi ko nakakasama ang pamilya ko. Dahil sa kompanya ay madalas nasa mga business trips si Mama habang si Papa naman ay isang teacher na pumupunta at nagtuturo sa mga liblib na lugar dito sa bansa. May nakababata akong kapatid na lalaki pero nasa states siya kasama ni Mama at ng mga grandparents ko.

Grade 8 noong mag-isa akong umuwi ng Pilipinas. Ito rin ang simula ng tila pagiging nomad ko. Nagpalipat-lipat ako sa Makati, Manila, Quezon City hanggang sa mapadpad ako rito sa General City. Dito, kahit walang permanenteng tirahan ay masasabi kona settled ako. Dito lang kasi ako tumagal at nagkaroon ng mga kaibigan.

Malungkot mawalay sa pamilya pero naglaon ay nasanay narin naman ako. Hindi ko rin naman kasi naramdaman na wala sila sa tabi ko. Araw-araw ay nakaka-receive ako ng messages mula sa pamilya ko at videocalls pa nga pag may pagkakataon. Tuwing Christmas Break naman ay nagsasama-sama kaming mag-anak. Kahit hindi kami pisikal na laging magkakasama ay emosyonal naman lagi kami na magkakapiling.

Sapat na iyon para sa akin…

Saktong pagkabukas ko ng messenger ko ay tumunog ang notification icon nito. Nang tignan ko kung sino ang dahilan ay mabilis ko itong ikinagulat.

ALDRED: Good night, Arianne. Sweet dreams.

Bwiset.