webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
97 Chs

CHAPTER 2 - Cotton Candy

V1. CHAPTER 2 - Cotton Candy

ALDRED'S POV

Dapit-hapon at umiilumina na sa daan ang natitirang liwanag ng kulay kahel na mga ulap. Nakatingala ako at nakatingin sa buwan. Unti-unti itong umuukit sa kalangitan. Napakalayo ng buwan pero habang naglalakad ako papauwi ay mas malayo pa rito ang nasa isipan ko. Hindi ko kasi maabot isipin kung ano ba talaga ang kinaiinisan ko.

''Screw it!''

Suminghot ako.

Malayo pero mababaw. Ang babaw! Nabababawan ako sa sarili ko. Siguro nga't naapektuhan ako ngayon sa pangaasar ni Carlo pero kung tutuusin ay napakababaw lamang na dahilan noon upang mainis ako ng ganito.

''Shit.''

Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina. Posible ba 'yon? Posible bang may bumabang anghel sa lupa at ang larawang iyon ba ang ebidensya?

Bilang isang modelo ay marami akong kasabayan na magagandang babae. Matatangkad, makikinis, mga mukhang artista. Naa-appreciate ko naman ang aesthetics nila pero masasabi ko na walang-wala sila sa babaeng pinakita ni Carlo.

Hindi siya nakangiti sa picture at tila stolen shot nga lang iyon. Chestnut colored hair, pinkish white complexion, doe eyed and fine pinkish lips... Nakaka-in...

Umiling ako.

''Love at first sight mo mukha mo. Love? Gagi,gago, di ko nga alam kung paano 'yon tapos ganoon sasabihin mo?''

Huminto ako sandali ng may magdaang nagtitinda ng binatog. Sa panahon ngayon ay madalang na lamang ang nagtitinda nito sa daan. Masarap at hilig ko ito noong bata ako. Inaabangan ko nga ito sa daan tuwing merienda dahil paano ba naman na ang Manong na nagtitinda ay dinaig pa ang mga nagkakarerahan sa bilis niyang mag-pedal.

Asukal o asin? Both ang akin.

Tinignan ko kung nasaan na si Mang Binatog, as usual, malayo na ito at di ko na matanaw. Okay lang, wala naman akong balak bumili.

Nagpatuloy akong maglakad.

"Pero a, ang sexy niya nga saka may boobs daw? Ano nga ba? Pwede na rin siguro... Kung may physical form yung love, soft siguro 'yun tapos maputi, malaman, sexy." I grinned.

ANAK NG PATOLA! ALDRED ANO BANG PINAG IISIP MO A?!

Sinabunutan ko ang aking sarili. Kung ano-ano na lamang kasi ang pumapasok sa isip ko simula ng malaman ko na may nage-exist pala na tulad nya.

"Kasalanan 'to ni Carlo!" nasambit ko sabay sipa sa isang lata ng juice na nakakalat sa daan.

''Nakakainis, bakit ang ganda niya?'' tanong ko sa aking sarili habang nakatingala sa langit. Hinayaan ko nang malukob ako ng aking paghanga. Mukha akong tanga sa paghihintay na may lupon ng mga kaibigan niyang totorotot at magkakantahan ng sagot sa dahilan ng kagandahan niya.

Heaven, para akong nakahithit ng droga. Hindi ko makayanang matanggal sa aking isip ang mukha niya.

"May boyfriend na kaya siya? Sana wala pa..."

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingala. Pakiramdam ko'y nagha-hallucinate na nga ako dahil mukha niya na ang nakikita ko sa kalangitan. Napakasarap tignan nito pero umagaw sa eksena ang kumakalam kong sikmura at ito ang tumunog imbes na yung mga anghel na hinihintay ko kanina. Kumurap ako saglit at napalitan na ng mga naglalakihang cotton candy ang mukha niya.

Tipo ko siya pero yung ''love at first sight'', imposible naman 'yon. Love nga ang abstract na kaya paano pa 'yon? Sigh, pero gusto ko siyang makita. Parang gusto ko magpagawa ng poster niya tas ihahanay ko doon sa poster ng A2C.

"Yung kuya o!"

Nabalik ako sa aking ulirat ng may marinig akong mga nagtatawanan.

Napakunot ang kilay ko sa aking nakita.

"Cotton candy?!"

May hawak na cotton candy ang batang babae na nasa harap ko at doon ko din napansin na TUMUTULO NA ANG LAWAY KO! Agad ko iyong pinunasan dahil naramdaman ko na marami ng tao ang nakatingin sa akin.

Bwiset!

Tinignan ko ng masama ang bata bago ako nagmadaling umalis.

◆◆◆

Walang tao sa bahay ng oras na ako'y nakauwi. Dahil sa ako lang mag isa ay isinabay ko na sa pagkain ng hapunan ang paggawa ng mga homework.

Homework, studies, pagle-level up sa paborito ko na OL game, dapat ay magawa ko na ang mga iyon habang walang pasok.

♪♬♪Go on go on come on leave me breathless... tempt me, tease me 'til I can't deny these.. lovin' feelin' let me long for your kiss go o- BEEP.

Isusubo ko na sana ang aking kinakain ng marinig ko na may nag-text.

Si Carlo lang pala.

"Hey Bro, nakita mo na ba?!" ayon ang nakasaad sa txt nya. Nangisi ako.

"Tsk, gago talaga."

Pinatong ko ang cp sa mesa pagkatapos basahin iyon at nagpatuloy muli sa pagkain.

♪♪And if there's no tomorrow And all we have is here and now I'm happy just to have you you're all the love I need somehow♪♪

"Grabe, nakakahiya. Nagmukha akong tanga sa daan ta's andami pang nakakita sakin. Pati batang may cotton candy hindi na-miss yung pagmumukha kong 'yon."

Inalala ko yung mga pangyayari bago ako makauwi sa bahay. Para sa'kin ay napakahaba ng araw na 'to. Simula kay Carlo, sa mga kalokohan niya tapos yung bata na may dalang cotton candy....

Bigla ay parang may nag ilaw sa isang parte ng utak ko.

Yung bata saka yung cotton candy... YUNG COTTON CANDY!

"Aya. Si Aya!"

Napatayo ako sa aking kinauupuan. Pinatay ko ang music player ng aking CP at sunod na iniligpit kagad ang aking pinagkainan.

''Teka, tinapon mo ba? Yung papel... NASAAN NA YUNG PAPEL?!" Napadukot ako sa aking bulsa, "A, eto lang pala.'' Napahinga ako ng maluwag.

Agad kong kinuha ang mga notebook sa mesa. Umakyat ako sa kwarto't mas mabilis pa sa iglap na pumwesto sa tapat ng PC. Pagkatapos kong mag-log in sa aking FB ay agad ko siyang hinanap. Malayo sa inaasahan ko ang meron sa account niya.

"Wow! Nice, Chicorita?" sabi ko ng makita ang DP niya.

Wala pang minuto ng i-add ko siya ay na-accept na ang friend request ko. Gusto ko sana magulat pero naalala ko na si ALDRED ARON CUZON nga pala ako.

H at I

Online siya at sa dalawang letrang iyon ko sinugal ang aking pagkakataon. Tumingin ako sa orasan pero hindi pa rin siya nagre-reply. Kung ano-ano na nga ang aking ginagawa dahil sa pagkainip.

"Boring~"

Nakita ko ang time chart ko ngayong araw at ang mga gawain na dapat ay tapos ko na sa mga oras na ito pero naisip ko na ipagpaliban na munang gawin ang mga iyon.

"May bukas pa naman, bukas ko na lang gagawin."

Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair. Tumayo at nag inat-inat tapos ay umupo muli at nagpaikot-ikot. Tinapatan ko ang PC ngunit wala pa rin ang aking hinihintay.

"Hoy! Sumagot ka nga."

Private ang ilang photo album niya at kung meron mang public ay tanging yung mga anime, pop idol... si Cassyddy saka Agrias! at mga pics na naka tag sa kanya kung saan wala naman siya doon. Kahit nga yung pic na pinakita ni Carlo ay wala rin doon.

Naka SES uniform siya sa pic na pinakita ni Carlo pero SNGS yung school na nakalagay sa profile niya?Baka naman hindi siya to?!

Napadalawang isip ako.

"Lokong Carlo 'to ah...'Pag nalaman kong pinagti-trip-an niya lang ako pakamatay na siya. Syete siya!"

Sino nga ba naman kasing magandang babae ang hindi maglalagay ng pic sa account niya... KAHIT ISA!

Napasingkit ako ng tingin habang nakatingin sa screen ng pc. Nagsimula na akong magduda lalo pa't nakita ko ang bilang ng friends niya.Gusto ko na sana mag-log out dahil sa tingin ko ay nagoyo lang ako pero napansin ko na OL pa din siya.

"Wala naman mawawala kung makikipagusap ako para makasigurado lang."

Kinumbinsi ko ang aking sarili at nagsimulang itipa muli ang "HI". Medyo nawalan ako ng gana pero naisip ko na ang pussy ko naman kung susuko na ko agad.

Arianne : O?! Problem?! 'Pag wala baka gusto mong 'wag na mag-reply pagkabasa mo nito.

♦♦♦

Originally written @wattpad