webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · วัยรุ่น
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 2

🍁 Chapter 2 🍁

" haaays badtrip anong oras naaa " inis kong saad habang nagaantay ng taxi.

Pabalikbalik ang mata ko sa kalsada at sa relo ko dahil sa late na ako nagising at dahil sa hindi ko namalayan ang Alarm clock ko.Mayamaya pa'y may huminto nading taxi sa harap ko.

Thankyouuu Lord!

Nabuksan ko na ang pinto ng taxi ng may biglang sumigaw na babae sa likod ko.

" Hey! thats my taxi! " yawyaw nito.

Kasalukuyan parin akong nasa pinto ng taxi ng lingunin ko ito.Agad ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. She's wearing a floral dress with her small bag between her right arm. Nakakulot ang buhok nito na hindi ko mawari kung plantyado ba o natural lang talaga? Makapal din ang muka neto ay este ang makeup nito she's also wearing a high heeled sandals na para bang may pupuntahan itong party. Natigil ako sa pag kilatis dito ng muli itong magsalita.

" Hey! That's my taxi are you deaf?! " inis nitong saad.

Ano? Taxi daw niya to? Adik bato? Nagpaparty drugs siguro to

" manong! " tawag ko kay manong driver.

" maam? " sagot nito.

" amo mo ba to manong? " tanong ko sabay turo sa babaeng ito.

" nako hindi ho maam " agad namang sagot ni manong driver.

Nilingon ko muli ng nakangiti ang kung sino bang babae na to.

" Hi miss, una narinig mo naman diba? Hindi mo pagmamay-ari tong taxi ni manong so its not YOUR taxi " pagdidiin ko.

" second, bukod sa makapal yang make-up mo e ang kapal din ng mukha mo no? nauna ako sayo kita mo naman diba sakin huminto sakin diba? Sakin " salita kong muli.

Nakatulala lang ito habang nagsasalita ako.

" and lastly late nako miss! Kaya pwede ba wag kang mang-aagaw ng masasakyan! Mag-antay ka ng sayo! " inis kong sigaw dahil nga sa late nako nanggigigil nako sis.

Matapos kong magsalita ay agad nakong pumasok sa taxi at sinarado ang pinto nito. Umandar ang taxi habang kumakaway ako sa babaeng gigil saakin.

Nang marating ko ang classroom ko ay wala pa pala ang prof namin kaya agad nakong pumasok at umupo sa upuan ko.

" oh bat ngayon ka lang kyrra " tanong ng seat mate ko na si keanna.

" ah late ng gising e tsaka natagalan sumakay hehe " sagot ko.

Hindi rin nagtagal ay pumasok na din ang prof namin. Buti nalang late din ito at hindi ako marerecordan as late HAHAHHA.

🍁  🍁  🍁

Break Time

Magkaharap kami ni Keanna ngayon dito sa table sa Canteen dahil sa wala ding kakilala si keanna dito ay niyaya ko ito na saamin na sumabay kumain nahihiya man ay pumayag narin ito.

" Kyrraaaa! " rinig kong sigaw ng papalapit na si Eesha.

Nang makalapit ito ay agad nanaman ako nitong niyakap na akala mo naman ay napaka tagal naming hindi nagkita.

" jusme ka namang babae ka para namang nagibang bansa ako sa yakap mong yan " saad ko sabay na humiwalay sa pagkakayakap si Eesha.

" namiss lang naman kita kyrraa " saad nito sabay na napatingin sa kaharap kong si keanna.

Patuloy lang si Eesha sa pagtitig kay Keanna. Napansin ko na lang na para bang naiilang na ito sa pag titig ni Eesha sakanya. Kaya naman ay sinimulan ko ng magsalita.

" ahmm Eesha siya pala si Keanna, Keanna Romero seatmate ko. " pakilala ko kay Keanna na ngumiti lang at kumaway ng bahagya.

" Keanna bestfriend ko si Eesha Eira Manijas Nursing Student siya "

" Hello keannaa nice to meet you " bati nito kay keanna.

" Hi... " tipid nitong sagot.

Nagkwentuhan muna kami tungkol sa klase habang hinihintay si Axel na dumating.

" ansama talaga ng Prof nila Axel late sila palagi pinapalabas kawawa naman sila di sila nakakakain ng tama sa oras ". nakasimangot na saad ni Eesha.

Kahit naman madalas silang mag-away ni Axel ay may concern parin ito dito, well soft-hearted kasi si Eesha remember.

" Eesha normal lang na maging strict Prof. nila no, sila ang Future Lawyers ng Pilipinas remember " sagot ko kay Eesha.

" hays kahit na "

Habang kumakain kami ay nakarinig kami ng ingay mula sa entrance ng canteen.Hiyawan ito ng mga lalaking hindi rin namin kilala maliban nalang sa isang boses na sigurado ay kilalangkilala namin.

Agad kaming napalingon sa entrance ng Canteen kung saan naglalakad si Axel kasabay ng mga kaklase nito.

" oww speaking of Axel andito na siya " saad ko.

" Yow kumain na kayo? " tanong nito ng marating nito ang table namin.

" yow ka diyan antagal niyo lumabas natapos nalang kami kumain sis " saad ko.

" grabe di niyo manlang ako hinintay? " angal nito.

" antagal niyo kaya nagutom nalang kami kakaantay dito e " saad ni Eesha habang kumakain ng Nova na binili niya.

" wala ang panget niyong kaibigan " saad nito sabay na pabagsak na umupo sa upuang katabi ko.

"mas panget ka tange " pang-aasar ko.

" lah attitude ka ha kasuhan kita diyan e bullying " matapang na saad nito.

Sabay kaming nagtawanan dahil sa halatang pikon na ito.

" ge ginaganyan niyo nako ha "

" oy btw meet Keanna seatmate ko " pakilala ko kay keanna sa napipikong si Axel.

Tumingin naman ito kay Keanna at ngumiti lang.

" Keanna bestfriend ko si Axel " ngumiti lang rin ito at mukang nahiya lalo ng dumating si Axel.

" hoy kyrra bakit pala hindi kita nakita kaninang umaga ha? " tanong ni Eesha.

" ah late ako sis " sagot ko.

" woah nalate siyaaa HAHHAHA oh sinong late ngayon axel not me " pangaasar nito.

" bakit ka naman nalate aber kyrra? " tanong nito habang hindi pinapansin ang pangaasar ni Eesha.

" ah bukod sa nalate ako ng gising e may babaeng makapal ang muka este make up ang nakaaway ko dahil lang sa taxi "

" what?! Nakipag-away ka?! " gulat na tanong ni Eesha.

" yap, gusto agawin ung sasakyan e " tipid kong sagot.

" ahmm kumusta naman siya? ahmm.. is she...is she ok? " tanong muli ni Eesha.

" ahmm yah ok naman siya nakatikim lang sakin- " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang suminghap si Eesha sabay na tinakpan ang bibig nito na parang pinipigilang sumigaw.

Napairap ako dahil sa reaksyon ni Eesha dahil panigurado ay iba ang nasa isip nito.

" ng salita Eesha, nakatikim siya ng salita ok " Hindi ako nanakit sis kalma ka lang' sagot ko sabay na nagsitawanan sila.

" hays akala ko nanakit ka na naman ih " saad nito sabay na bumuntong hininga.

Ayaw ni Eesha na nakikipag-away ako dahil nung huli akong nakipag-away ay hindi maganda ang nangyari.

Nang matapos na kaming kumain at magkwentuhan ay agad na kaming naghiwalay para pumasok sa mga susunod naming klase.