Iniwan na siya ni James matapos siyang uminom ng gamot. Tahimik lamang siya at inaabsorb ang mga bagay na natuklasan. All this time naniniwala siyang magkarelasyon ang mga ito.
Sa kabilang banda, malaki ang posibilidad na magkabalikan sila ni Cyan dahil single pa rin naman ito. Ang problema niya ngayon ay paano niya ito makakausap nang hindi magagalit. Kahit ilang taon na ang lumipas, Cyan is still the same secretive emotional lad.
Isang rason kung bakit hindi sila nagkakaintindihan ay dahil hindi ito nakikinig sa kaniyang side. Pero pareha lang din silang biktima ng pagkakataon.
Kung hindi niya siguro hinubad ang wedding ring bago sumabog ang barko, hindi sila maniniwala ni Cyan na single siya. At kung hindi nawala ang kaniyang alaala, maaring malinaw sa kanilang dalawa na ikinasal na pala siya. Pero ito din ang mga rason kung paano sila nagkakilala at nagka-ibigan.
Ang gusto niyang mangyari ay magkabati sila at magkabalikan. He never wanted anything but Cyan.
Biglang gumalaw ang doorknob ng pinto. Agad siyang nagtulug-tulugan. Hindi niya kilala kung sino ang pumasok. Kung si James man ito, ayaw niya muna itong makausap. At kung si Cyan man, bahala na.
"Alam kong nagtutulug-tulugan ka diyan, Mr. Domingo!" malakas na pagkakasabi ni Cyan sa mismong tenga niya. Bigla siyang napabangon sa ginawa nito.
"Ito naman, kung makasigaw." Reklamo niya habang inaayos ang upo.
Umupo si Cyan sa paanan ng kama. Matalim ang titig na ipinukol nito sa kaniya. "Ano, okay ka na?"
"Ang sama mo talaga sa akin..." nakangusong wika niya.
"Ipapaalala ko lang sa'yo, Direk, hindi ako umoo kaya bakit tumuloy ka pa rin?"
"Dahil mahal kita. Nagawa kitang hanapin sa loob sa ng limang taon, at simpleng bagyo kaya kong harapin makita lang kita."
"Bakit mo naman ako hinanap? May pamilya ka naman na," wika nito na hindi nakatingin sa kaniya ng deretcho.
Huminga ng malalim si Riley. Lumapit siya kay Cyan. Nagulat ito nang hinawakan ni Riley ang kamay niya. "Cyan Dale Baltazar, nagka-amnesia ka ba?"
Naguluhan siya sa tinuran nito. Binawi nito ang kamay mula sa pagkakahawak ni Riley. "Anong pinagsasabi mo?"
"Ikaw ata ang nakalimot eh... sige ipapaalala ko sa'yo, Cy..." kinuha ulit nito ang kaniyang kamay.
Napatitig si Cyan sa lalaking hawak ang kaniyang kamay. Ngumiti si Riley sa kaniya. "Cy... it's been ages you heard me calling you "Cy", right?"
"Ano naman ngayon? That doesn't change the fact that you're a married man! We can't be together. You know that!"
"Nakalimot ka nga talaga..."
"Pwede ba Direk! Wala ako dito para makipagbiruan."
Hinigpitan ni Riley ang hawak sa kamay niya. "Nakahiga tayo sa buhangin... tayong dalawa lang. Nakatingin tayo sa blangkong langit tinawag mo ako, sabi mo... Red. Sinagot naman kita... Bakit, Cy? Tapos tinanong mo ako... What if... magbalik ang alaala mo? Kasi nga di'ba nagka amnesia ako. Tapos sinagot kita na kung magbalik nga alaala ko, edi magbalik! Pero in-insist mo ako, kaya sinabi ko na lang na hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung magbalik man ang alaala ko pero ang alam ko lang ay ang pakiramdam na kasama ka."
Tumulo ang luha ni Riley habang binibigkas ang piraso ng matamis alaala nila sa islang iyun. Deretcho namang nakatitig sa kaniyang mga mata si Cyan.
"Tinanong mo ulit ako, What if may nobya ka na? Or baka may asawa ka na? Baka may anak pa? Or engaged ka na? Ayaw kitang sagutin kasi bukod sa hindi ko alam kung meron nga ba, wala pa akong suot na singsing, at sinasabi mo lang na hindi imposibleng magkaroon ako ng asawa dahil manly ako." Tumawa si Riley sa alalang iyun. Pinahid niya ang luhang bumabasa sa pisngi niya.
"Tapos tandang tanda ko pa ano ang sinagot ko sa'yo... if I have a family... I will ask you to be part of it. If I have a girlfriend, I'll demand a break 'cause she let me stay in this island without worrying about me. No, I should thank her. Dahil hinayaan niya akong makilala ka sa islang ito."
Dinala ni Riley ang kamay ni Cyan sa pisngi niya. "Hiniwalayan ko si Melania. Hindi dahil pinangakuan kita sa isla. Ginawa ko iyun dahil hindi ko siya minahal bilang kabiyak. Pamilya namin ang nagkasundo para ikasal kami, Cy..."
"Bakit mo naman ginawa 'yun... how about that Melania?"
"Nagkasundo naman kami ni Melania. She know already that I never love her the way she loved me. She respected me in my decision and she also know who I'm in love with."
"I don't know what to say..." tumulo ang luha ni Cyan. Pinahid ito ni Riley.
"The moment I laid my eyes on you, I felt something in my heart..."
"Wag mo nga akong niloloko, wala kang feelings sa akin noong una tayong nagkita sa isla." Cyan rolled his eyes.
"That's because we already met before..."
"What do you mean?" Kumunot ang noo ni Cyan.
Ngumiti si Riley at inalala ang una nilang pagkikita. "Ilang buwan bago tayo sumakay ng barko, it was Christmas, nakita kita sa isang bookstore. If you forgot, baliktad yung shorts mo at ako ang pinabayad mo sa cashier dahil tumakbo ka papuntang CR para magbihis."
Nandilat ang mga mata ni Cyan sa narinig. Namula ang kaniyang mukha sa sobrang hiya. "Ganyang ganyan ang reaksyon mo nang sinabi kong baliktad ang shorts mo. Tapos bigla ka na lang tumakbo." Tawang tawang wika ni Riley.
"Ikaw pala 'yun?" napalingo si Cyan at tila inaalala ang nangyari noong una silang magkita ni Riley.
"I've been looking for you after that. Pero naisip ko, ang bata mong tignan. I only know your name, but not your age. Natakot ako na baka minor ka pa, baka masampahan ako ng kasong corrupting minor." Natatawang wika niya.
"I can't believe this..." bakas sa mukha ni Cyan ang gulat sa mga natuklasan.
"You know if I only I didn't lost my memory in the island, I will still pursue you... kaya pala kahit nakalimot ako sa aking alaala, my feelings for you never changed. I used to ask myself then why do I felt something towards you for a short period of timw. I thought I envy Skyrus. I thought it's because were alone in that island. But it turned out I'm already into you way back then." Hindi sumagot si Cyan pero nakatitig ito sa kaniya.
"Cy, I searched for you for five fucking years... I never once look to anyone the way I look at you. I never cared for anyone the way I do for you. You're the only one in my mind since you left."
"I'm sorry I didn't know... I thought..." tumulo ang mga luha sa mga mata ni Cyan.
"Shhhh..." magkalapit ang kanilang mga noo, at pawang luhaan. "I've been waiting for this moment, to have you near me..."
Bigla siyang niyakap ni Cyan at patuloy parin ito sa pagluha. Tuwang tuwa si Riley. Matagal na panahon niyang hinintay ang pagkakataong ito, ang mayakap si Cyan, ang makasama ito.
Hinarap niya ito at hinawakan ang magkabilang pisngi. Tinitigan niya ang mga mata nitong patuloy na lumuluha. Ngumiti siya sa kaniyang nasilayan.
"Huwag mo na akong iwan. I am willing to find you whenever you hide but my heart can't contain the feeling without you in my side."
"Red..." tanging naisagot ni Cyan sabay halik dito.
Gumalaw ang kanilang mga labi na tila may sariling utak. Kapwa uhaw sa isa't isa. Mahina ang galaw ng dalawa at pawang naghahabol ng hininga. Malakas ang tibok ng puso ni Riley sa sobrang kagalakan. Limang taon. Limang taon niyang hinintay ang araw na ito.
Nagparte na ang kanilang mga labi. Pawang nakangiti at puno ng kagalakan ang puso. "May sakit ka pa...magpahinga ka muna," wika nito.
Pinahid ni Riley ang luha sa mga mata ni Cyan. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng minamahal na kahit nakaukit ito sa kaniyang alaala, gusto niyang titigan ito.
"Tabihan mo akong matulog."
Humalikhik si Cyan. "Ano ka bata?"
"I just want to see myself,"
"Ano ka ba, napakabaduy niyan!" reklamo ni Cyan. Nagtawanan silang dalawa sa naalalang memorya.
"Eh ikaw nga ang nagpasimuno niyan diba?" nakangising tanong niya.
"O sige na, tatabihan na kita."
Umayos sila sa pagkakahiga. Magkaharap. Nakangiti. Magkahawak ang mga kamay.
"Tell me this is not a dream, Cy." Nakatitig si Riley sa mga mata ni Cyan. Cyan's eyes smiled and a tears fell.
"You're not dreaming, Red."
Biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "I can't believe this is finally happening."
"Shhhhh... even me. Magpahinga ka muna. I'll never leave you again. I promised."
Humigpit ang hawak ni Red sa kamay ni Cyan. "May tanong ako..."
"Hmm, ano yun?"
"Tayo na ulit?"
Ngumiti si Cyan. "Yes, you never failed to make me swoon, Mr. Domingo."
"Call me, Red."
"Red..."
At dahan dahang nagsara ang mga talukap ng mata ni Red.
***
"Red... gising na..."
Naramdaman niyang may tumatapik sa mukha niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at nakita niya si Cyan. Napangiti siya sa unang taong nasilayan niya. Nakaramdam siya ng ginhawa na hindi pala panaginip ang lahat.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan. Bumangon ka na diyan. Nakakahiya na kay James," sermon nito sa kaniya.
Bumangon siya at nag unat. "Grabe ka naman sa akin. Wala man lang 'good morning' o morning kiss?" reklamo niya.
Agad itong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "Ayan, Mr. Red. Bilisan mo na diyan, hinahanap ka na ni Nana."
"Ipapakilala mo ba ako sa kanila bilang nobyo mo?"
"Ah, bakit pa..."
"Anong ibig mong sabihin?" kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Bakit pa, eh alam naman nila."
"Ano? Alam nila?"
"Maliban kay Lorimel. Oo, alam ni Nana at kilala ka na niya noong dumating ka dito."
"Pa-paano?" naguguluhang wika ni Red, alam niyang alam na ni James kung sino siya pero hindi siya makapaniwalang alam din pala ito ni Nana Sally.
"Parang nanay na rin ang turing ko kay Nana Sally, kaya noong mga panahong iniiyakan kita—yuck—naikwento kita." Natatawang kwento niya.
"Bakit may pa-yuck?"
"Na realize ko, ang OA ko pala dati. Wala lang, kasalanan ko rin naman." Kibit-balikat nitong wika.
Tumayo si Red at niyakap ang kasintahan. "Don't blame yourself, okay?" sabay halik sa leeg nito. "We're both victim of the situation."
"Sige na, magbihis ka muna at uuwi na tayo kina Nana, nakakahiya na kay James."
"Ikinahihiya mo ako?" nakanguso niyang wika.
"Ang OA mo ha, nakakahiya kasi dito tayo natutulog. Eh kwarto niya 'to."
"Ito naman 'di mabiro."
"Bilisan mo na diyan. Hintayin kita."
Matapos magbihis at magligpit nina Cyan at Riley at nagpaalam na sila kay James. Kahit may tinatanim na galit si Riley dito ay nagpasalamat pa rin siya dito.
Magkahawak kamay silang lumabas ng resort patungo sa bahay ni Nana Sally. Nadaanan nila ang mga bisita ng dormitel na paalis na din at isa isa nang sumakay sa mga sundong van.
Binalewala lang nilang dalawa ang mga tinging ipinukol ng mga ito sa kanila. Batid ni Riley ng ilan sa mga ito at natutuwa sa kanilang dalawa, pero may iilan ding hindi sang-ayon. Pero ang mahalaga sa kaniya ay ang taong may hawak ng kamay niya.
Pagpasok na pagpasok nina Riley sa bahay ni Nana Sally ay dumeretcho sila sa kusina. Nandoon kumakain ang mag-ina pati si Baby Red.
"Teka, ano 'to?" naguguluhang tanong ni Lorimel nang makita silang dalawang magkahawak kamay. Hindi sila sumagot at umupo na sa silyang nakahanda sa kanila.
"Kumusta ka na, Direk?" bungad sa kaniya ni Nana Sally. Nakangiti itong nakita silang magkasama ni Cyan na magkahawak kamay.
"Maayos na po ang pakiramdam ko, Nana."
"Ikaw talagang bata ka, diba sabi ko naman sa'yong umuwi ka kaagad..."
"Wag po kayong mag-alala sa akin, inalaagan naman po ako ni Cyan." Wika niya sabay tingin dito.
"Huy, teka lang! I deserve an explanation!!!" sabat ni Lorimel nang hindi pinansin ang tanong niya.
"Siya yung sinasabi ko sa'yong ex ko bago naging kami ng kuya mo." Sagot ni Cyan dito.
Nandilat ang mga mata ni Lorimel. "Shuta. All this time, blind na blind ako. Mama, alam mo rin?" hindi makapaniwala si Lorimel sa narinig.
"Noong nalaman ko ang pangalan niya, doon ko siya nakilala. Tapos tinanong ko rin si Cyan. Akalain mo 'yun, anak, ikaw ang nagdala sa kaniya dito."
"Hindi rin. Kasi pupunta talaga yan siya ng Siargao. Pero sinong magaakalang si Direk ay si Ex."
"Ex? Hindi na ngayon." Proud na proud na wika ni Red sabay hawak sa kamay ni Cyan.
"Hindi eh, kailangan kong malaman ang buong katotohanan. Cyan, kailangan mo itong i-explain lahat sa akin!"
"O sige, mamaya." Natatawang sagot ni Cyan, bakas sa mukha ni Lorimel ang pagkalito.
"Omg! Direk, ibig sabihin si Cyan din yung napagusapan natin?"
Natatawa si Red sa reaksiyon ni Lorimel. Siguro ganun din ang tingin sa kaniya ni James nang malaman niya totoo. "Oo, siya nga ang ibig kong sabihin."
"I can't!" wika nito sabay hawak sa ulo.
"Teka, ano 'yang napagusapan niyo? Tungkol ba iyan sa akin?" sabat ni Cyan sabay yakap kay Red.
"Eto naman, ang OA." Banat ni Lorimel. "Ang landi mo, Cyan!" saway niya dito. Natawa nalang si Red sa turan nito.
"Pero kung hindi dahil sa'yo Lorimel, hindi ko matatagpuan si Cyan. Salamat parin sa'yo." Nakangiting wika ni Red.
Masayang nag almusal ang pamilya kasama si Red. Hanggang ngayon ay lumulutang pa rin si Red sa sobrang kagalakan. Hindi niya mapigiligang ngumiti ng wala sa oras.
"Masaya ako para sa inyong dalawa," biglang singit ni Nana Sally sa gitna ng almusal.
Namula ang pisngi ni Cyan sa sinabi ng ginang. "Maraming salamat din po, Nana, sa pag-aalaga kay Cyan habang wala ako."
"Naku, parang anak ko na 'yang batang iyan. 'Wag na 'wag mo 'yang saktan, kundi hindi ka na makakapunta ng Siargao!" pagbabanta nito sa kaniya habang nakatutok sa kaniya ang tinidor.
"Grabe ka naman, Nana," nagtawanan silang lahat sa sinabi nito. "Maiba tayo, Nana, lilipat na po ako ng kwarto dahil mukhang may bakante naman na sa dormitel,"
"Okay lang naman kung doon ka sa kwarto ni James sa taas," sagot naman nito.
"Hindi po, nakakahiya na po kasi. Nakakaabala na po ako sa inyo."
"Hindi ka nakakaabala, Direk. Welcome na welcome ka dito sa bahay namin."
"Mama, business is business. Ano ka ba?! Isa pa, mukhang gusto atang masolo ni Red si Cyan, eh," wika nito sabay pukol ng makahulugang tingin kay Red. Nagtawanan silang lahat sa sinabi nito.
"Baliw ka talaga, Lorimel." Saway ni Cyan dito. Naginit naman ang mukha nito sa sinabi ng babae.
"O sige, kung hindi ka na mapipigilan. Cyan, ihatid mo siya mamaya. Doon mo siya dalhin sa VIP room."
"Maraming salamat po talaga, Nana."
***
Bumaba si Red na may dalang maleta, bumungad sa kaniya sa sala si Nana Sally, Cyan at Lorimel na nagkwekwentuhan. Malamang ay pinaguusapan ng mga ito ang nangyari sa kanilang dalawa.
"Omg, hindi ako makapaniwala!" sambit ni Lorimel.
"Edi 'wag mong paniwalaan." Tugon naman ni Cyan dito.
"'Di bale na, ang importante magkasama ulit kayo ngayon. Hindi ko parin talaga ma process na isa ako sa rason kung bakit kayo nagkita." Hindi makapaniwalang wika nito.
"Ilang beses mo na 'yang inulit!" saway ni Cyan dito. Inarapan lang siya nito.
"Oh, ayan na si Direk!" sabat ni Nana.
Lumapit si Red daladala ang maleta. "Nana, lilipat muna ako doon sa kabila." Pagpapaalam niya ulit dito.
"Kailan mo balak umuwi sa Manila?"
Nagkatinginan si ni Cyan. "Paguusapan pa po namin ni Cyan," ngumiti naman si Cyan sa sinabi niya.
"O sige pagisapan niyo. Oh, Cyan, ihatid mo na si Direk doon." utos ni Nana.
"Hatid lang ha!" kantiyaw ni Lorimel dito. Tumawa lang ang magnobyo sa hirit nito.
Nang makalabas sila ng bahay, biglang tinanong ni Cyan si Red tungkol sa pagbalik nito sa Manila.
"Ikaw, anong gusto mo?"
"Tinatanong nga kita, tapos ibabalik mo sa akin ang tanong!"
"Hindi, gusto ko sa'yo marinig ang side mo."
"Paano kung sabihin ko sa'yong dito ka na rin tumira?" suhestiyon nito.
"Gusto ko pero, paano 'yung trabaho ko?"
Napaisip silang dalawa sa kung ano ang mas mabuting hakbang na gagawin. Nakarating sila sa harap ng magiging kwarto niya. Binuksan iyun ni Cyan at bumungad sa kaniya ang isang eleganteng kwarto. Malaki ang kwarto at pagbukas dito bubungad agad ang king-sized bed na merong puting kurtinang nakabitin sa gilid nito.
Mayroong spiral staircase sa bandang gilid ng kwarto, at base kay Cyan ay paakyat ito sa roof deck na para lamang sa uukupa ng kwartong ito. Inilibot siya ni Cyan sa buong kwarto, at proud na proud ito dahil ito mismo ang nagdisenyo ng kwartong iyun.
"Cy... ano sa tingin mo?"
"Ang alin?"
"Yung tungkol sa pag-uwi ko..."
"Okay lang din naman sa akin na umuwi ka ng Manila, habang nandito ako." Suhestiyon ni Cyan. Naupo silang pareho sa kama.
"Ayaw ko ding iwanan ka. Ayaw ko ding mapalayo sa'yo." Wika ni Red sabay yakap sa kasintahan.
Sinandal ni Cyan ang ulo niya sa balikat ni Red. "Maging ako, ayaw ko ring malayo sa'yo."
Bumitaw sa pagkakayakap si Red. Kumandong si Cyan sa kaniya paharap at magkadikit ang kanilang mga noo. Nakakulong siya sa mula sa mga braso ni Cyan na nasa kaniyang leeg, at ang kaniyang mga kamay ay nasa bewang nito. Parehong focus ang kanilang mata sa isa't isa.
"'Di bale. 'Wag muna nating pagusapan yan...basta masaya ako na kasama kita ngayon."
"Thank you for searching me even if it's imposible to find me. Thank you for making me happy. I love you, Red."
"I love you, Cy."
Their lips met. Slowly. Passionately. Nahiga si Red at si Cyan ang nasa taas niya. Patuloy nilang pinagsaluhan ang nagaalab na halik. Gumala ang kamay ni Red patungo sa likod ni Cyan.
He left a soft moan. He rolled Cyan and now he's on the top. Hinubad niya ang kaniyang damit at itinapon kung saan. Hinalikan niya ulit si Cyan. Bumaba ang kaniyang halik sa leeg nito na nagbigay ng bolta-boltaheng kuryente sa kalamnan ng kasintahhan.
"Red..."
Hinubad ni Red ang suot ni Cyan. His kisses travelled on Cyan's raw body. Ang tanging nagawa ni Cyan ay umungol sa di mapaliwanag na dahilan. Red's kisses turned him into a vegetable.
They were both naked. Red stopped and look at Cyan's whole body. He saw notable changes on his naked body. The last time he saw this 5 years ago, Cyan was skinny and fit. This time, he grew some muscles and mass. Nailang si Cyan sa ginawa ni Red na pagtitig sa kaniya, he's never been to someone's bed for almost 5 years and someone examining his body made him shy.
"You're creepy, why are you looking at me like that?"
"I just can't believe seeing you again this way," napangiti siya sa sinabi nito. Hinagkan ni Cyan si Red and the night of passionate kisses and moans continued.
The rest is history.