webnovel

Chapter 23: At the hospital

"HOW did you know that we're brothers?" tanong ni Jace sa nobya habang nakaupo ang mga ito sa loob ng silid kung saan naka-confine ang kapatid ng lalaki.N aka-dekwatro ito na nakasandal sa ding-ding habang ang ulo naman ni Regina ay nakasandal sa balikat ng binata.

"Inalam ko. But I didn't know it at first. Pansin ko lang na baka magkakilala kayo o dating mag-kaaway. Napansin ko kasi 'yung mga tinginan n' yo noong araw na pumunta ka sa bahay," she answered. Inalis nito ang pagkakasandal sa balikat ng binata at nilingon ito." Hindi mo nga lang nabanggit na ganun pala yung nangyari sainyong magkapatid, "she added.

Ilang segundong hindi umimik ang binata bago magsalita, "Alam kong hindi ako naging mabuting kuya sa kanya. That's why I immediately searched for him the day I went home and found out that he left. Maybe he thinks we do not care, but he is totally wrong." Umayos ito sa pagkakaupo at sinulyapan ang nakababatang kapatid na mahimbing na natutulog. Once again, another memory flashed into his mind.

"Appa, do we have any news about my brother? "tanong ng nagbibinatang si Jace sa kanilang pangunahing lenggwahe.

Tumango ang kanyang ama at lumapit sa kanya. Napag-alaman nilang nagtatrabaho si Justin bilang crew sa isang convenience store. Lingid sa kaalaman ni Jace ay kinausap ng kanyang ama at ina ang may-ari ng naturang store upang tanggapin sa trabaho ang kanilang anak. Sa paghahanap kasi nila rito ay nakita nilang kung saan saan ito napadpad upang maghanap ng mapagkakakitaan.

Pagkalipas ng ilang araw ay nalaman ito ni Jace at laking tuwa n'ya dahil alam n'yang concern ang mga magulang nito sa nakababatang kapatid. Mabilis itong lumabas ng bahay at pinuntahan su Justin ngunit hindi n'ya ito nakita. The owner told him that his brother never came back when he knew it was their parents' idea to hire his brother.

"I heard no news about him since then. Madalas magkasakit si dad simula noon, at si mom? He may think she didn't want him, but no, mom never stopped searching for him. Kahit hindi n'ya kadugo si Justin, itinuring niya s'yang anak." He gasped as he moved and stood up.

Agad din namang tumayo ang dalaga at sinundan ang lalaki na nakatayo sa gilid ng nakababatang kapatid habang pinagmamasdan ito. Regina tapped his shoulders, and he felt like she's telling him that everything's gonna be okay. Jace smiled and held her hands. Masaya s'ya dahil nasa kanyang tabi ang dalaga sa ganitong sitwasyon. He paused for a second, then glanced at her. Here he goes again, ang ugaling kahit s'ya ay minsan nalilito.

It was just yesterday when he said to himself that, '...as long as we're trying, I'm staying.' But now, may pagdududa nanaman s'ya sa sarili na baka hindi mag-work out ang relasyon nila. Ibinaling ni Jace ang tingin sa kapatid ng bigla itong nagmulat ng kanyang mga mata. He was looking at them like he didn't hear what they were talking about earlier. Kanina pa kasi talaga s'ya gising. He just didn't want to disturb their sweetness.

"Hey, good thing you're awake. How do you feel?" tanong ng binata. Agad namang lumabas si Regina upang tawagin ang doktor at para makapag-usap na din ang magkapatid.

"I think I'm good. Thankful that I'm still breathing," Justin responded. Tinignan n'ya ang kapatid na nakatitig sa kanya. He knows he has a lot of things to explain.

"I will tell you everything, but please..."

The older brother looked at him with a worried face, baka kasi ay may masakit pa sa kanyang katawan, "Please? does it hurt? Hold on, let me call the --"

Hindi pa man tapos magsalita ay pinutol na ni Justin ang sinasabi ng lalaki. He was about to talk when the Dr. entered followed by a nurse. "Mr. Park, how are you feeling?" He smiled at the young man and tapped his shoulders. Medyo napaiwing naman ang binata dahil dito.

"It hurts doc." He answered as he tried to reach his left shoulder. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang katawan. Sinubukan niyang bumangon pero parang may sumisikmura sa kanyang tiyan.

"Parang hindi ka naman sanay, "natatawa na sabi nito na ikinangiti din ni Justin. Kulang nalang kasi ay maregular na ito sa hospital, paano ay halos isa o dalawang beses sa isang buwan ito maisugod ng dahil sa kaka kick-boxing n'ya

Jace looked at his brother as he creased his forehead. 'How could you still laugh while in pain?' Naaasar s'ya dahil parang wala lang sa kapatid ang mga nangyari. 'Malaman ko lang talaga kung sino may gawa nito sayo...' Hindi na namalayan ng nakatatandang binata na nagpaalam na palang muli ang doktor, paglabas nila ng pintuan ay siya namang pagpasok din ng nobya na may dalang pagkain.

"Food for everyone!" maligalig niyang sabi. Nakangiti si Regina habang isa-isang nitong inilalabas ang laman ng paper bag. She handed Jace a box of meal and cola, may kasama pang burger at fries. Pagkatapos ay tumabi ito malapit kay Justin and gave a set of a meal like Jace's.

Kahit masakit sa katawan ay pinilit ni Justin na umupo para makakain ng maayos. Total ay nakaramdam na din ito ng gutom. Habang inihahanda ng dalaga ang pagkain ng pasyente ay binuksan ng idol ang iniabot sakanya ng nobya. He was shocked to see that his meal contains rice. He expected the chicken but not the rice. Wala naman kasing rice sa isang sikat na fast-food chain sa Korea. He looked at her girlfriend while happily eating her food, maging ang kapatid ay parang gutom na gutom kaya naman parang mauubos na agad ang pagkain nito.

"Oh, didn't you like the food? Do you want me to buy a new one?" tanong ng nobya habang kagat kagat ang chicken wings. Medyo natawa ito ng bahagya at umiling. Nagsimula na din itong kumain habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Noona, can you please give me more chicken?" tanong ni Justin sa babaeng katabi. Walang atubili namang nag-abot ang dalaga ng manok dahil may isang bucket itong itinake-out.

"Thank you," he responded. Biglang nakaisip ng kalokohan ang binata at umaktong nasasaktan dahil sa kanyang mga pasa.

Regina immediately turned to Justin. "Hey, are you okay? What's wrong?" 9ag-aalala nitong tanong. Maging si Jace ay linapag ang kinakain at pinuntahan ang dalawa.

"I can barely move and I'm still hungry," Umaktong malungkot ang mukha ng binata at ininganga ang bibig nito.

Nakuha naman agad ni Regina ang gusto n'yang iparating. She is about to get Justin's food to feed him pero mas mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ito ni Jace. He grabbed the biggest chicken leg that he could see in the bucket and shoved it into his brother's mouth. Hindi naman agad nakabwelo si Justin kaya kinagat na lang din nito ang pagkain. Natawang hinampas ng nakababatang kapatid ang dibdib ng kanyang kuya at tinanggal ang manok sa kanyang bibig.

"Still hungry?" seryosong tanong ni Jace. The kpop idol is being jealous. Natatawa padin na umiling ang isang binata at tinuloy ang pagkain. Maski ang nobya ay nagpakawala ng mahinang tawa sa ini-asal ni Jace.

"Let's eat na. Dami pa nito oh, "she said while looking at the guys. Sa loob-loob nito'y masaya siyang nakikitang nagkakasundo ang magkapatid. Sinabihan n'ya ang nobyo na magpalit sila ng pwesto para makapag-usap sila ni Justin. Tumango naman ang binata at agad na tumabi malapit sa kapatid habang ang dalaga ay umupo sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana.

Regina knows that they have a lot of things to talk about, gustuhin man n'yang lumabas muna para may privacy ang dalawa but, 'Bahala kayo jan, I'm hungry.' She said in her mind and continued eating.

She played one of her favorite songs, matagal-tagal na n'ya itong hindi pinapakinggan kaya naman agad nitong inilabas ang earphones. 'Wherever you are by South Borders' is being played while she hums to it. Feel na feel nito ang pagsabay sa pagkanta na hindi niya namamalayang hindi na niya nakontrol ang kanyang boses kaya agad na napatingin ang dalawang binata sa kanya.

"That song never gets old, "Justin commented. He expects his brother to agree to it, but to his surprise, hindi pala alam nito ang kanta. Tsaka nito naalala na hindi nga pala ito sa Pilipinas lumaki. Of course, he listens to other songs.

"I didn't know that you went here after you knew why you were hired by the store owner, "Sabi ni Jace habang nakatingin sa kapatid.

"I was ashamed. I heard what you guys talked about earlier. Actually, I knew before that your... our...parents searched for me. That is why I never came back, kasi nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko," Justin answered. Napayuko ito at muling tinignan ang kapatid at bahagyang ngumiti.

"Don't worry about it. Magpagaling ka na muna, tsaka na natin pag-usapan yan. Teka, hindi mo pa sinasabi kung saan mo nakuha yung mga pasa mo." Tatapikin pa sana ng nakatatandang kapatid ang pasa nito sa balikat pero agad na naiharang ni Justin ang kanyang kamay. Natawa itong bumalik sa pagkakahiga at ikwinento sa kapatid ang pangyayari.

In one corner, Regina was busy eating. Sobra itong nagugutom na para bang walang bukas. Sarap na sarap ito habang kinakagat ang manok at sa pagsipsip ng cola. She felt full and satisfied.

"You ate it all?" Agad na tinanggal ng dalaga ang earphones nito at liningon ang binatang tumapik sa kanyang balikat. Gulat si Jace dahil isang piraso nalang ng manok ang naiwan sa bucket.

"Ha? ang sarap e, di ko mapigilan, "tatatawang sagot nito. She grabbed the bucket and offered him the only piece that was left. "Kunin mo na," she said with a smile. Ngunit ng isip nito'y kontra sa kanyang sinabi. 'Wag mong kunin,' pagdarasal nito sa kanyang isipan. Her smile widened when Jace refused her offer.

Pero pilit niyang ini-alok ito sa binata, kaya naman nanlaki ang mga mata ni Regina nang kinuha nga ng nobyo ang nag-iisang manok na naiwan. Her jaw dropped in an instant.

"Are your eyes really that big?" His boyfriend asked as he bit the chicken. Natatawa ito sa itsura ng kaharap dahil para s'yang batang inagawan ng pagkain. E inalok naman kasi nito sa kanya. Aasarin pa sana n'ya ang nobya ng bigla itong tumalikod at muling nagsuot ng earphones. Jace was a little confused as she followed her with a look. He then shifted his gaze to his brother, who was laughing at them.

"Suyuin mo, nag-girlfriend ka ng pilipina e," sabi ni Justin na may halong pang-aasar.

Imbis naman na suyuin ang nobya ay nakababatang kapatid ang nilapitan. Ilang segundo lang ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakangisi ang dalawang binata at na para bang pareho ang nasa kanilang isipan.

"Sempio!"

Isang pormang high-five ang ginawa ng dalawang binata sabay tawa ng malakas. Ang sempio kasi ay isa sa mga sikat na leading brand sa Korea, it's a kind of Soy Sauce.

"Grabe, bigla silang inaatake ng pagka toyo nila," Bulong ni Jace sa kanilang lengguwahe habang pilit na nakangiti sa nobyang ngayon lang ay nakatingin ng masama sa kanya. Magsasalita pa sana ito nang sa pagbukas ng pinto ay isang babae ang paluha-luhang pumasok.

"Oppa! Anong ginawa nila sayo?!" Kunwari ay may luha ito kaya siya nagpupunas sa bandang mata. It was Serene, Justin's masugid na manliligaw.

Agad na napatayo si Regina at maging si Jace ay nagulat nang bigla s'yang hawiin ng kadarating na babae dahil nakaharang s'ya sa kanyang daraanan. But deep inside, he's laughing at his brother's facial expression.

"Here she is again," mahinang bulong ni Justin sa sarili as he semi-rolled his eyes when Serene gave her a tight hug.

"Wa—wait! Ouch!" he mumbled in pain.