webnovel

Deeper kiss

Nahawakan ni Aya ang kanyang mga labi. Hindi sya makapaniwalang naranasan nya sa unang pagkakataon ang mahalikan at hindi lang basta halik. Hindi pa sya nakakarecover nang bigla uling sunggaban ni Daryl ang kanyang mga labi. Nagpumiglas sya ngunit malakas si Daryl. Wala syang nagawa kundi ang magpatianod sa mga halik nito. Di nya rin maintindihan ang sarap na nararamdaman sa unang pagkakataon. Nakakalasing ang mga halik nito at parang nakakaadik na hahanap hanapin mo. Humaplos ang mga kamay nito sa kanyang dibdib na nagpaigtad sa kanyang pakiramdam. Nakiliti sya at lalong nagliyab ang kanyang pakiramdam. Ngunit nang dumapo na ang isang kamay nito sa kanyang puwet nagising sa kahibangan si Aya. Agad nyang naitulak ng malakas si Daryl. " Umuwi ka na. Baka biglang magising si kuya!" Lalapit pa sana si Daryl nang tumakbo si Aya sa may pintuan ng Cr. Agad humabol si Daryl at nahawakan nito ang pinto ng cr bago pa maisara ni Aya. " Daryl, lasing ka lang kaya mo nararamdaman yan!" Uminom ka kuna kaya ng kape para mawala yang kalasingan mo!" Habol ang hiningang sabi ni Aya. "Sorry, wag kang matakot sa akin. Pasensya ka na nadala lang ako sa nararamdaman ko sayo." napansin ni Aya ang malaking bukol sa pantalon ni Daryl. Hindi sya naive para hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Daryl. " Alam mo ikape mo na muna yan. Bumalik ka na muna sa Sala. Umupo ka dun at ipagtitimpla kita ng kape." pagtataboy ni Aya sa binata. Agad namang tumalima si Daryl. Hindi nya sinasadyang atakehin ng halik ng ganun si Aya. Nadala sya sa subrang pagnanasa at nararamdaman kay Aya. Hindi nya maintindihan ang sarili dahil langong lango sya sa alak at lasing na lasing din sya sa mga labi ni Aya na subrang lambot at bango. Nakakaadik ang mga labi ng dalaga at lalong nagpapaijit sa kanyang pakiramdam. Hindi sya nagsisi sa kanyang ginawa dahil napatunayan nyang pareho ang nararamdamang atraksyon nila ni Aya. Malakas na atraksyon na kahit sa unang pagkikita pa lamang. Agad tumalima c Daryl at bumalik sa sofa. Di nagtagal ay dala dala na ni Aya ang dalawang baso ng kape. Hindi maiwasan ni Daryl na pagmasdan ang bawat galaw ni Aya. Lalo na nag mga mukha nito na sadyang kaakit akit sa kanyang paningin. Napansin namn ni Aya ang malagkit na tingin ni Daryl sa kanya kaya asiwang asiwa ang kanyang pakiramdam. "Ayan ubusin mo yang matapang na kape. Gisingin mo na rin si kuya. Kukuha lang aq ng bimpo at maligamgam na tubig para ipunas sa katawan mo para mabawasan yang kalasingan mo" Agad tumalikod si Aya at dali daling inihanda ang bimpo at maligamgam na tubig. Pagbalik nya sa sala ay kapwa na natutulog ang dalawa. Napabuntong hinga si Aya. " Hayts!!!iinum inum di naman pala nila kaya. Kaya ayan bagsak sila pareho!" Nakainum naman ng kunti si Daryl ng kape pero ang kape ng kanyang kuya ay hindi man lang nagalaw. Tinapik tapik nya mukha ng kanyang kuya Kobe. Nagising naman ito at nagmulat ng mga mata. " Kuya bangon na dyan. Kainis ka naman e. Bat ba napadami ang inum mo!?" Bumangon ang kuya Kobe nya at pagiwang giwang na tumayo. "Oh san ka pupunta?inumin mo muna tung kape na tinkmpla ko para mawala kahit kunti yang kalasingan mo" parang wala itong narinig at pagiwang giwang na umakyat ng hagdan. " Kuya!!! paano itong si Daryl. Lasing din at dito na nakatulog" Parang walang narinig ang kuya Kobe niya na agad nagtuloy tuloy sa kwarto nito. Naiwan silang dalawa lamang ni Daryl sa sala. " Ano ba to. Isang araw lang lahat nangyari ang mga bagay na sa hinagap e di ko akalain na mangyayari sa ating dalawa" pahayag ni Aya sa lalaki sa kanyang harapan na tulog na tulog. Agad nyang sinimulan ang pagpupunas sa mukha nito.