webnovel

SIMULA

"Daddy please don't leave me, parang awa mo na" Umiiyak na sabi ng batang babae sa Ama habang ito ay nakikipag agaw buhay.

"Ri-rita anak, i pangako mo kay Daddy, na mabubuhay ka ng masaya kahit wala kami ng Mommy mo." Nahihirapan man, ngunit sinikap parin ng duguang ama, na hawakan ang magandang mukha ng kanyang labing anim na taong gulang na anak na babae.

"No, no Daddy, isama mo nalang po ako *huk* aayoko po maiwan mag isa *huk* natatakot ako Dad *huk*" Nginitian ng matanda ang anak saka nito inabot ang isang maliit ng notebook sa anak. 

"Mahal, na Mahal ka namin ng Mommy mo, Tandaan mo yan" Ang mga huling salitang iyon ang narinig nya sa Ama bago ito malagutan ng hininga.

"No ! No ! Daddy ! Daddy wake up !!! Daaaaaaaaaaaaaddddddddyyyyyyyy !!!!

"Marg gising !!" Napabalikwas ng gising si Marg dahil sa sigaw ng kaibigan nya. Habol ang kanyang hininga, patakbo nyang tinungo ang kanilang kusina at parang uhaw na uhaw nyang ininom ang laman ng kanilang pitsel.

Naulit nanaman, napanaginipan ko nanaman ang gabing iyon. Sa isip nya. Napapikit sya ng mariin ng maramdaman nya ang paninikip ng kanyang dibdib, kaya naman napahawak sya dito. Lagi nalang ganito ang nararamdaman nya sa tuwing napapanaginipan nya ang gabing iyon. Ilang taon na ba ang lumipas mula ng mangyari ang gabing iyon ? Ang gabi kung kailan pinatay ng ilang armadong lalaki ang Daddy nya.

"Ayus ka lang ?" Nag aalang tanong sa kanya ng kaibigan nyang si Anne. 5 taon na silang magkaibigan ni Anne, At magkasama silang nangungupahan sa Apartment na tinutuluyan nila ngayon. Tumango naman ang Dalaga. Napahilamos sya sa mukha dahil sa frustration na nararamdaman nya. Ganito sya lagi sa tuwing napapanaginipan nya ang mga pangyayaring iyon.

"Pasensya ka na Anne, Na istorbo nanaman kita." Hinging pasensya nya sa kaibigan. "Ano ka ba naman, ayos lang iyon, saka kanina pa ako gising. Kaya ng marinig kitang sumisigaw, ginising na kita agad. Yun parin ba ang napapanaginipan mo hanggang ngayon ?" Tanong nya sa kaibigan. Tumingin lang ito sa kanya saka tumango. 

"Nakita mo na ba kung sino ang mga taong pumatay sa Daddy mo ?" Tanong ng kaibigan. Umiling lang sya, saka na ito pumasok sa kwarto nya para maligo. Isa iyon sa hindi nya maintindihan. Bakit ang scene na iyon lang ang na aalala nya. Hindi nya makita kung sino ang mga lalaking pumasok sa bahay nila noon. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin sya matahimik. Hindi sya titigil hanggat hindi nya nahahanap kung sino ang may gawa non sa Daddy nya.

Matapos nyang makaligo ay, sinuot na nya ang kanyang uniporme para pumasok sa trabaho. Nadatnan nya ang kaibigan na kumakain ng almusal. "Hindi ka na ba kakain ?" Tanong nito. "Hindi na, Mauuna na ako sayo" Paalam nito saka sumakay sa Sasakyan nya. Owner type jeep ang sasakyan nya. Matapos nyang paganahin ito ay umalis na sya.

Isa syang pulis. SPO4 Margarita Perez, 26 years old. 5'8 height, Maganda, Morena at higit sa lahat sexy. Kilala syang matinik na pulis sa kanilang departamento kahit na isa syang babae, wala syang inuurungan na operasyon, kahit kapalit nito ay buhay nya. Kaya naman mabilis din ang promotion nya sa trabaho.

Ng makarating sya sa trabaho ay binati sya ng mga kasamahan nyang pulis. Mataas o mababa man ang ranggo. "Perez !" Sigaw sa kanya ng isa nyang kasamahang pulis. Nilingon nya ito, nakangiti itong lumapit sa kanya pero seryoso nya lang itong tinignan. "Cortez" simpleng sambit nito. 

"Ano ka ba, ka aga aga eh naka simangot ka dyan. Ngiti naman dyan" Masayang sabi ito, pero tinignan lang nya ito ng walang kahit na anong emosyon. Saka na nya ito tinalikuran, hindi sya interesadong makipaglokohan sa kahit na sinong lalake dito sa departamento nila. Pero bago pa sya makalayo eh hinarangan na sya ng lalaking pulis. "Ito naman di na mabiro, Pinapatawag tayo ni Chief, May sasabihin daw syang importante." 

Pagkatapos nya itong marinig ay umalis na sya at diretchong tinungo ang opisina ng kanilang Chief of Police. Kumatok muna ito ng tatlong beses saka ito pumasok, nakasunod lang sa likuran nya si Cortez. Nadatnan nila sa loob ang isang may edad na lalake na kanilang Chief of Police. Pinaupo sila ng Chief. Pagkatapos ay pinasunod sila sa conference room. Nadatnan nila doon ang ilan pa nilang kasamahan. 

6 silang nasa loob ng Conference Room. Walang nagsasalita ni isa man sa kanila. Hanggang sa pumasok ang isang pulis na babae dala ang mga folder saka nito binigyan ang bawat isa sa kanila. HIndi muna nila ito binuksan at hinintay magsalita ang kanilang Superior.

"Siguro, curious na kayo kung para saan ang biglaang meeting na ito." Seryoso ngunit may halong biro na sabi ng kanilang superior. "May bagong kaso ang dumating sa departamento natin. At gusto ng mga nasa itaas, na kayo ang humwak ng kasong ito. Inshort from now on isa na kayong team" Napatingin naman bigla ang lahat sa kanyang sinabi. Team ? sa isip ni Marg. Kahit kailan ay hindi sya humawak ng kaso na may kasama. Kaya naman kahit sya ay nagulat.

"Sir, walang problema kung magiging team kami." Pahayag ng isa nilang kasama na si SPO4 Manalo. "Kaya lang Sir, Ang kasama sa team si Perez. Sigurado ba kayo ?" Seryoso ngunit may kasamang panunuya na sabi nya. "Lalaki kaming lahat, Baka imbis na bumilis ang paglutas namin sa kaso, eh bumagal pa dahil sa kanya ?!" Sabay tingin nito sa kanya. Walang emosyon na tinignan ni Marg ang kasamahang pulis. "Sir, sigurado pu ba kayong kasama namin sa Team na ito si Manalo ? Baka kasi TUMAKBO sya sa gitna ng labanan ?" Seryoso nyang sabi sa Superior nila. Sinadya nyang diinan ang salitang tumakbo, dahil ng nakaraan nilang engkwentro sa mga sindikato ay tumakbo ito.

Napatayo naman ng dahil doon si Manalo saka ito hinawakan sa kweyo si Marg, dahilan para tumayo silang lahat sa kwartong iyo maliban sa kanilang superior. "Nang aasar ka ba ?" Gigil nitong sabi sa kanya. "Baket ? Na aasar ka ba ?" Tanong nito saba'y ngisi sa lalake,. Susuntukin na sana sya nito ng biglang magsalita ang kanilang Superior.

"ENOUGH !! Umupo kayong lahat.!" Umupo naman sila saka humingi ng tawad dito. Masama parin ang tingin sa kanya ni Manalo, pero hinayaan na lamang nya ito. Bagkus ay nag focus nalang sya sa sinasabi g kanilang superior.

"Buksan nyo ang folder na nasa harapan nyo." Utos nito. Mabilis na binuksan naman nila iyon. Bumungad sa harapan nito ang "Top Secret Files" Sa sumunod na pahina naman ay makikita ang isang Lalake na nag ngangalang LORD DEVONN BLACK. He's Handsome. Sa isip ni Marg. Pero agad nya rin iyon iwinaksi sa utak nya saka binasa ang nasa ilalim nito.

"Isa sya sa Pinaka Mayamang Negosyante sa BUONG MUNDO. Hindi lang dito sa ating bansa and the rest of information ay nasa folder na yan." Binasa nya naman ito. Lord Devonn Black, CEO of LDV Empire. Airline and Hotel and Restaurant at kung ano ano pa ang Negosyo nya. Isa rin sya sa mga tinatawag na hari sa Kingdom Hell. Sa edad na 28 isa na sya sa mga Bilyonaryo sa mundo,. What the hell sa isip ni Marg.

"Kamakailan lang, nakakatanggap ng death threat si Mr. Black. and your Mission is to find out kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga threat," Kunot noong nagtaas ng kamay si Marg. Tinunguan naman sya ng Superior nila. "Ang sabi dito, Madami syang mga tauhan na nakabanty sa kanya. Mukhang mas marami panga ang mga iyon kaysa sa amin. Well trained din sila. So what is the point of having us, in this case.?" Napatango naman lahat ng mga kasama nya. Alam ng mga ito na may punto ang sinabi nya.

"Hindi sya ang kumuha ng serbisyo natin. Her Mother. Sya ang lumapit sa taas para dito. Kaya naman wala tayong choice kung hindi ang hawakan ang kasong ito. Kasama sa Mission na ito ay Protekahan ang anak nya. Ofcourse, ng palihim. Umpisahan nyo na agad ang Mission nyo. By the way.  Bognot you are the leader. Cortez, Manalo, Agilar and Perez. Follow his instruction." Sumagot naman silang lahat.

"Dismiss" Saka na ito umalis. Sumalute naman ang lima sa kanya. Pagka alis ng kanilang Superior ay inumpisahan na nilang magplano. 

~~~~~~~~~~~~

A/N: New Story Here :)

Slow Update is real guys SORRy:(