webnovel

Kabanata #2 Kim Ace Deniste

"A-ah sige lng" sagot ko habang hirap na hirap iiwas ang tingin sa malaki niyang...

MATA ( bastos ng utak mo -,- )

Nakatabi ko sa jeep ang isang babaeng pinagpapantansyahan sa school ng mga manyakis na studyante at mga professors.

Maputi, makinis, malinis sa katawan, maamo ang muka, mahaba ang buhok, perpektong hubog ng katawan, mamula-mulang labi at makinang na mata, diba? sino ba namang hindi magnanasa?

Pero dahil sa malapit ng maging perpekto ang imahe nya, meron parin talagang mga insecure na asong panay ang sira sa kaniya.

Sabi nga nila "insecurity kills the dog", tama ba? Hehehe

Nagsimula ng umandar ang jeep, kasabay ng mga laman kong di ko mapigil ang galaw, kasabay ng mga pawis kong agad kong pinupunasan upang di mag mukang kabado at hulas.

Nabuo ang loob ko upang magpapansin sa kanya, "I-Ikaw si Kim diba?" manginig nginig kong tanong, agad itong lumingo sakin at tumitig sa mata na umabot sa kaluluwa ko

"A-Ah Oo, wait sorry, do I know you?" nagtataka nyang sabi sakin

"A-Ah wala, same school, ah nakilala kita sa mga kaklase ko" pahiya kong sagot sa napaka ganda nyang mata

"Ah Ok" sabay niyang yuko at simangot

"A-Ah bakit? Anong problema? M-May nasabi ba akong m-masama?" kinakabahan kong tanong, dahan dahan ang kanyang pag baling ng tingin sakin

"L-Libre nalang kita ng pamasahe para di ka na m-malungkot" sabay abot ng bayad sa driver ng jeep, "bayad po, dalawa po yan", napatingin nalang siya sakin at nag pasalamat

"Thankyou, kuya..." mabagal nyang bigkas

"Gino, wag ka na magkuya sakin please?" sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Ok, Gino" sabi ni Kim sabay ngiti sakin.

Matapos ang 10 minutes of awkward silence.

"Para po!! Tabi lang!!"

Nakasabay ko sa pagpunta nang room si Kim.

"Saan room mo Gino?" tanong niya sakin habang inaayos ang bag.

"H-Hallway 3 pa ako eh, pang 4 na room" mahina at nahihiya kong sagot sa magandang dilag.

"Sakto, dun din ako, pang 3 room naman" natutuwa nyang bigkas at may kasama pang palakpak.

Grabe kasabay ko si Kim, siguradong matutuwa sakin mga kaibigan ko.

Teka, wala pala ako nun.

Umabot na kami sa room ni Kim, maaliwalas, malinis at tahimik.

"Dito na lamang ako Gino, salamat sa libreng pamasahe, yaan mo ibabalik ko mamayang recess kita tayo sa canteen" nakangiti niyang sabi sakin.

"A-Ah, walang anuman hehe" sagot ko habang nakatitig sa mga mata nya.

"Nice to meet you Gino!"

"Nice to meet you din Kim!"