webnovel

Lie, Rylie.

As Akio continues to reach his dreams, Rylie's life is at an end. ******* A young woman who had experienced an accidental life-changing perspective on her. This accident decided to keep the secret until the last breath of her. The young woman became elusive in all things, her heart became gloomy. On the other hand was Akio, to give his family a beautiful future. Medicine has entered the young man's path even though the state of his family is poor, he still wants to be a licensed doctor. But as they have to meet Rylie it is difficult to accomplish them. Nang magtagpo ang kanilang magkabilang mundo. Iba't-ibang emosyon ang kanilang mararamdaman at mga karanasan na mararanasan. Will Akio be able to keep his dreams or become completely stranded and at Rylie's problem?

flowerink09 · สมัยใหม่
Not enough ratings
26 Chs

Lie, Rylie 11

Akio's POV.

Takbo sa isip

"Umuwi na tayo," inis na inis kong sabi sa kanya.

Madaling araw na at nandito pa din kami sa Bar kung saan nagsimula ang lahat. Niyakag niya akong mag-inom pagkatapos ng klase namin. Hindi ko alam kung makakapasok pa ako bukas.

"Ayoko pa inom pa tayo ang daya mo naman eh," hinampas niya ako Ayoko pa inom pa tayo ang daya mo naman eh," sa dibdib paulit-ulit.

"Hindi ka naman umiinom, akala mo ba hindi ko nakikita?" She added.

"Umiinom kaya ako, tingnan mo," ininom ko ang alak na hawak ko. Pinaupo ko siya at iniwan saglit para kumuha ng tubig para mabawasan ang epekto ng alak sa katawan niya.

Pagkabalik ko nakita kong may lalakeng pumoporma sa kanya. Tuwang-tuwa siya na nakikipagusap doon sa lalake. Nakaramdam ako ng konti inis iwan ko na kaya siya?

"Stay away from my girlfriend," I lied.

"Sorry bro, girlfriend mo pala akala ko mag-isa lang siya bantayan mo," sabi niya sabay umalis. Sarap bangasan ng isa ang manyak na ito.

Binigay ko sa kanya ang tubig at ininom naman niya ito. Mabuti na lang wala siyang narinig sa sinabi ko kanina.

"Nasusuka ako." Kinuha ko ang plastic sa bulsa ko para doon siya sumuka. Ilang araw ng ganito kaya alam ko na kailangan niya. Pinunasan ko ang labi niya at pinainom ulit siya ng tubig.

Pagod na pagod na akong dinala siya sa condo niya. Simple ang condo white and black lang ang theme ng color may kitchen din. Maingat ko siyang inilapag sa kama at pumunta sa kusina para magluto ng pagkain na pwede niyang kainin. Sakto may nahanap akong noodles at itlog kaya yun na lang ang niluto ko. Natapos na akong magluto at ginising siya para pakainin.

"Rylie, wake up you need to eat," Kalmadong kong sambit. Wala naman siyang nagawa dahil binangon ko ang katawan niya at pinaupo tulog pa din siya. Sinubuan ko na lang siya dahil hindi niya kayang kontrolin ang katawan niya.

Pagkatapos ko siyang pakainin pinatulog ko na ulit siya. Maga-alas dos na ng madaling araw bago ako nakauwi mabuti na lang tulog na ang tao sa bahay nung pumasok ako.

"Mukhang puyat tayo ah," bungad ni Ciro sa akin. Umagang-umaga aasarin na naman niya ako kaya nagpatuloy lang ako nakaubob habang naghihintay ng prof namin.

"Sabi ko sayo pag natikman na iba namang putahe masyado kang loyal tikim ka ng iba pre," Sabi ko sayo pag natikman na iba namang putahe masyado kang loyal tikim ka ng iba pre,"pangaasar niya.

"Manahimik ka susuntukin kita," inis kong sabi sa kanya.

"Okay, pero gawa mo ako ng loveletter, yung maganda bukas ibibigay ko kay Rose," pangongontrata pa niya. Si Rose ang captain ng Volleyball player ng school. Nasa tabi lang niya si Drei naglalaro ng ml sa ilalim ng desk niya. Si Ryan suspended pa din next month pa naman siya makikita.

"Wala ka bang google?" Irita kong sambit.

"Gusto ko yung gawa mo baka mahalata pa niya tsaka natitikman ko lahat ng babaeng gusto ko kapag ikaw ang gumagawa ng love letter," ang plastic kahit kailan ng isang ito kung pwede lang humindi gagawin ko talaga.

"OK," maikli kong sagot para tumahan na siya.

Kamusta na kaya si Rylie? Papasok kaya siya? Wag mo nga siyang isipin siya ang dahilan kung bakit ka puyat ng ilang araw at hanggang ngayon.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang babaeng kinaiinisan ko binato niya sa akin ang bag niya tumama ito sa mukha ko kaya lalo na akong nagising, nagtawanan ang mga kaklase ko, bugbog na ako sa kanya.

"Oops sorry napalakas, palagay sa upuan ko CR lang ako," sabay takbo niya palabas.

Ilang minuto pa ay dumating na siya tahimik lang ako ayokong makipagusap sa babaeng bakla, naiinis ako napahiya tuloy ako. Simula nung dumating siya sari-sari ng kahihiyan ang nagawa ko.

"Thank you pala kagabi," tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Maalam ka palang magpasalamat," walang gana kong tugon.

"Syempre naman kain tayo mamayang lunch libre ko!" Sinuntok niya ang braso ko. Kapag kasama ko siya mapuputulan ata ako ng braso ang lakas niya sumuntok. Babangasan ko talaga siya ng isa.

"No thanks may gagawin ako mamaya." Magbabawi ako ng tulog.

"Sasama ako pwede?"

"Hindi! May bonding kami ng tropa sa bahay nina Ryan," tumingin ako kay Ciro at napatingin din siya sa akin. "Di'ba Ciro sa bahay nina Ryan."

"Yes pre no girls allowed pasensya na Rylie hindi mo masasamahan ang boyfriend mo," pangaasar pa niya.

"Kaya nga sasamahan ko baka mambabae pa." Nagtawanan silang dalawa. Parang close na sila ah ngayon lang sila nagkakilala, sila talaga ang bagay inuman niya lahat ng alak ng pamilya ni Ciro.

"Ayos naman pala ang girlfriend mo Kio, isama na natin!" Saad ni Ciro.

"Bahala kayo."

Pagkatapos ng klase pumunta agad kami sa bahay nina Ryan para turuan siya isang linggo na siyang hindi nakakapasok kaya kailangan niyang humabol. Bumili muna kami ng makakakain at alak para naman hindi nakakahiya kung pumunta lang kami basta doon.

"Tol buti na lang dumalaw kayo boring na ako suntukin yung mga pader sa bahay," bungad sa amin ni Ryan. Wala pa din siyang pinagbago barumbado pa din. Nagulat siya dahil may babaeng kaming kasama.

"Sino yang maganda binibini ang daya nyo nawala lang ako kaninong girlfriend yan?" Takang tanong ni Ryan sa amin. Nginitian lang siya ni Rylie.

"Pre, kay Kio, si Rylie." Salida ni Ciro. Magsasalita pa naman ako pero hindi ko na nagawa dahil sa tili ni Ryan.

Ang pangit niya kiligin, mukhang kingkong talaga.

"Naks tol, bigatin ka na talaga." Sinuntok niya ako. Masakit din siyang sumuntok pero mas masakit sumuntok ang baliw na babae sa tabi.

"Malakas ba wifi dito?" Tanong ni Drei.

"Wala ka pa din pinagbago, kailan ka ba titigil sa paglalaro?" Hindi siya pinansin ni Drei at dire-diretso sa kwarto ni Ryan.

"Huwag kang snob bubugbugin kita!" Hinabol naman agad niya si Drei.

Naiwan kaming tatlo sa sala para maghanda ng makakain na binili namin. Ako ang nakatoka sa pagluluto si Ciro sa alak at pag-aayos ng mesa. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Rylie.

"Pre tikman mo nga," utos ko kay Ciro. Walang dumating busy ata siya sa pagaayos.

"Ako na lang ng titikim," inagaw niya sa akin ang hawak kong sandok para tikman ang sinigamg na niluto ko.

"Sobrang asim lagyan mo ng konting tubig," komento niya. Tinikman ko ulit yun sobrang asim nga napasobra ata sa pampaasim. Bumalik siya sa upuan niya at naglaro ulit sa kanyang cp.

Nakakapanibago siya hindi siya siga ngayon tuga na. Kadalasan kase pag kinakausap ko siya binabangayan niya ako. Ayoko sa babae ang maingay, tahimik kase akong tao. Kung magkakaroon man ako ng girlfriend, gusto ko yung mahinhin at desente hindi gaya niya.

Hindi ako marunong sa pagluluto sadyang natuto lang ako ng kabataan ko dahil sa nanay ko.

Nagtulong na kaming dalawa sa pag-aayos ng mesa para kumain gabi na din kase kaya gutom na gutom na ang mga mokong.

"Iba talaga ang mag-asawang ito pakasal na kayo bukas ha?" Pangaasar ni Ryan.

"Sagot ko na alak," dagdag pa ni Ciro

Kahit kailan talaga wala ng lumabas na mabuti sa bibig nila.

Habang kumakain kami napagusapan lang kami about school since magkakaklase naman kami. Tinulungan din namin si Ryan kumopya ng notes para pag-aralan niya.

"Bakit ka nga pala nag-suspend?" Tanong ni Rylie kay Ryan habang kumakain.

"Binugbog ko si Lucas, nakita ko naghahalikan sila ng ex girlfriend ko." Sagot niya dito.

Naginuman din kami kaya napagabi ang uwi namin. Sulit naman hindi naman nanggulo si Rylie sa amin sakay lang siya sa trip ng tropa. Naging ako pa yata ang outsider sa kanila.

Alas nuebe na bago namin lisanin ang bahay nina Ryan. Si Drei ay sumabay kay Ciro magkalapit naman sila ng bahay. Hinatid lang nila kaming dalawa ni rylie sa kantuhan ihahatid ko na siya pauwi.

"Wag mo na akong ihatid."

"Ihahatid na kita iyakin ka pa naman tsaka baka mag-inom ka wala kang kasama di'ba buddyguard mo ako?" Pangungulit ko sa kanya.

Wala ng siyang nagawa kung hindi ang pumayag.

Gusto kong siguraduhing makakauwi siya ng ligtas iba pa naman ang takbo ng isip niya. Hindi man kami lubos pa na magkakilala alam kong kailangan niya ng kasama.

"Salamat sa paghatid, kio may tanong ako?"

"What?"

"Nakakapagod ba akong kasama?"

"To be honest oo ang ingay pati ng bunganga mo tapos isip bata pag lasing ka iyaki-" Hindi na niya ako pinatapos dahil sinuntok niya ako sa mukha. Bumalik na ang pagiging barako. Sakit ng pisngi ko. Ibang klase siya.

"Goodnight see you soon." Agad na siyang pumasok sa pinto ng condo niya.

Sa totoo lang ang tapang niya paano niya nagagawang mabuhay mag-isa. Walang maglalakas loob na pasukin ang condo niya kawawa naman kung sino yun.

"Mahal mo na pre?" Inabot niya sa akin ang librong napili niya. Binato ko iyon sa kanya.

"Ano bang nakain mo Ciro?" Tanong ko sa kanya.

Nandito kami sa national bookstore sa MOA weekdays kaya naisipan namin mag-mall. Kasama din namin si Ryan at Drei nasa arcade sila naglalaro. Mamaya pupuntahan din namin sila pagkatapos namin pumili.

"Mahal mo na si Rylie." Pangungulit niya.

"Mura lang natatanggap ko sa kanya paano ko siya mamahalin?"

Minumura niya lang ako, binubugbog, at inaalila. Hindi naman ako nagrereklamo babae kase. May respeto ako sa babae maliban na lang sa kanya. Pero kahit ganun siya hindi na siya naalis sa isip ko normal ba ito?

Mabuti na lang dalawang araw kaming hindi magkakasama, may pahinga ako sa kanya. Pagagalingin ko muna ang bugbog kong katawan sa kanya. Binalikan na namin sina Ryan sa arcade tapos naglaro. May pumukaw ng aking pansin isang teddy bear na kulay pula na nakalagay sa claw machine.

Gusto ko siyang kuhanin tapos ibibigay ko kay rylie, binigyan niya kase ako ng teddy bear na pinaghirapan niya sa peryahan gusto ko lang din magbigay sa kanya. Bibigyan ko lang yun lang intensyon ko.

Naghulog ako ng token sa claw machine at sinubukang kunin ang teddy bear na red. Nakakasampung token na ako pero hindi ko pa din siya nakukuha. Naiinis na ako, nakailang hulog na ako ng token

May batang naglaro sa tabi nakita ko kung paano niya kadali nakuha yung stuff toys na gusto niya. Naghulog siya ng dalawang token tapos tinutok niya ang claw kapag nahawakan na ng claw ang stuff toys pipindutin mo pa ng isang ang beses ang pindutan para mas malakas ang kapit ang claw sa stuff toys.

Ngumiti ako ng konti at nagkaroon ng pag-asa. May dayaan din palang nagaganap dito hindi ko alam yun ah, madali kong nakuha yung gusto ko dahil dun sa bata.

"Kio, kanina ka pa namin hinahanap," alalang tanong niya.

"Nakakuha ako ng teddy bear!" Masayang sabi ko kay Ciro.

"Nasaan na token namin?" Tiningnan ko ang token na hawak kong token patay naubos ko lahat.

"Sorry pre naubos ko lahat dito." Nagulat siya at napakamot sa ulo.

"Pre isang libo yun naubos mo dahil lang sa teddy bear na yan? Iba talaga nagagawa ng pag-ibig sugal lahat, sige ayos lang papalit na lang kami."

Pagkatapos namin maglaro, umuwi na din kami para makapagpahinga. Magbabasa lang din naman ako ng libro para maiwasan kong isipin siya.

Kailan ba siya mawawala sa mga iisipin ko? Takbo lang siya ng takbo sa isipan ko, palibhasa tambay siya dati pero wag naman sa isip ko. Kainis siya ano bang ginawa niya sa akin?

#