webnovel

Nightmare

We are on our way to the bar. Sabi ni Lorraine ay hindi namin masosolo ngayon kasi may nauna daw na nagpareserve kaya wala na kaming magagawa. I just wear a black baby doll dress and heels. Medyo exposed yung skin ko ngayong araw. Wala naman sigurong magagalit diba. Hinayaan ko lang na mabuhaghag ang mahaba kong buhok.

Binagalan ko ang pag drive nang kotse dahil huminto si Faith sa gasoline station. Walang mga bituin ngayon kaya mukhang uulan mamaya. Tiningnan ko ang side mirror at nakasunod na sa likod si Faith.

Nahagip naman nang mata ko ang isang lalaking papasok sa isang Italian Restaurant. Nakawhite long sleeves siya na hanggang elbow niya. May kasama siyang babae, its Jane de Guzman. Magkasama na naman pala sila. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa daan at baka madisgrasya pa ako

Napahawak naman ako nang mahigpit sa manibela.

Medyo malapit na kami. Nag overtake naman si Faith sakin dahil mas alam niya kung saan ang bar. Tumigil na yong sasakyan niya at nagpark. Tumabi naman ako sa kanya. I saw Megan and Shane's car coming.

"Hindi ka ba nilalamig sa suot mong yan? Parang kulang nalang ipakita mo yung boobs mo. Expose naman masyado ang balat." She glared at me.

Inayos ko naman yung suot ko at kinuha yung bag sa loob nang kotse. Bumaba naman ang dalawa at inayos din ang mga suot nila. Ang gaganda nang mga kaibigan ko. Pwede nang ibugaw. Char

"Walang namang magagalit sakin." Bulong ko kay Faith kaya nakatikim naman ako nang batok sa kanya.

"Aray ko naman. " Napahawak naman ako sa binatukan niya.

"What's up mga kabaghak!" Bungad ni Megan na nakasuot naman nng Club dress. Kita mo talaga kung gaano kaganda ang katawan niya. Habang naka backless naman si Shane at si Faith ang may pinaka desenteng suot samin ngayon na naka offshoulder lang.

"Si Megan ang bahala sa drinks ngayon. Pustahan tayo mabenta siya ngayong gabi." Pabiro namang sabi ni Shane.

"Ikaw itong broken dapat ikaw ang taya ngayong gabi." Sagot naman ni Megan.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Faith at nagkailingan. Pumasok kami habang sumunod naman ang dalawang pusa. Pagpasok namin ay nagulat ako kung ano ang music.

Isa sa mga bagong release na song nang BTS, yung Boy in Luv. Nagbago naman medyo yung mood ko. Hinanap namin ang table at naabutan ko naman si Lorraine at iba pa niyang kaibigan na nag -uusap.

"Mabuti naman at dumating na kayo. Kasi ako kanina ko pa kayo hinihintay." Inip na sabi ni Lorraine.

"Matagal kasi itong si Megan mag-ayos." Panunumbat ko.

"Hoy! Ikaw itong magmukmok pa sa kwarto nang nalaman mo yong tsismis." I rolled my eyes on her.

"Ang ingay mo." Sabi ko nalang.

"Whatever." Umalis na siya at nagsimula na sa hunting session

Binati ko naman ang iba pang kaibigan ni Lorraine dito at nakipagkamustahan sa kanila. Mga schoolmate namin ang iba. Binigay ko naman yung regalo ko sa kanya. It was a BTS logo necklace. I'm pretty sure she will love it. Susunod nalang yung ticket kapag may concert na.

I look around and I saw there are just a few people here right now. I check my watch. Masyado pa palang maaga. Naglapag naman ang waiter nang iba't drinks. May mga beer at brandy.

"Saan dito ang pinamalakas ang tama?" Tanong ko sa waiter. Pinoint naman niya ang isang baso.

"That one Maam. Its Dalmore and we also have Polar Ice here.." Sagot niya sakin.

Kinuha ko naman yung baso at nilagok ko iyon nang isang bagsakan lang. Pumikit ako nang malasahan na sobrang pait pala nang inumin. Agad akong kumuha nang lemon at sinipsip. Nawala naman masyado ang pait pero damang dama ko kung gaano ito nag init sa tiyan ko. Nakakaisang shot pala ako pero umaaksyon na agad ang katawan ko.

"Girl, hinay lang. Marami ka pang iinumin. Huwag kang uhaw." Sabi ni Shane sakin.

Siya itong marami nang naubos. Hindi lang siya nagpapakita nang emosyon pero alam ko may iniisip din ang isang ito.

"Wag mo akong gaguhin Shane. Alam kong may dinamdam ka din. " Tiningnan ko siya.

"Parati nalang tayong sawi sa pag-ibig. Kailan kaya tayo makakahanp nang matitinong lalaki na iingatan tayo." Ayan na siya. Sana pala di ko na siya kinausap.

"Ganoon talaga yan. May mga tao na magaling magpakilig pero hindi kayang umibig." Natawa naman ako sa sinabi ni Faith. Minsan ka lang kasi makakarinig sa kanya talking about love.

"Ayaw kong pag usapan yan ngayon. Masyado na akong stress sa trabaho. I'll keep distance on boys muna." She said.

"Pero pwede namang maging marupok." Dugtong niya.

Nagtawanan naman kaming tatlo. Lumapit naman samin si Lorraine at may pinakilala siyang kabigan.

"I forgot to tell you. This is Felix Tyler. The one I told who is a singer and rapper. I invited him over too. He's my childhood friend." Lorraine introduced. Ngayon ko lang siya nakita.

Tiningnan ko ang kabuoan niya. He dressed like a korean and I love his style. He has a thick brows,blonde hair, has a red lips, white skintone and also tall. He has a small tatoo in his side neck and it suits him. Ngumiti naman siya samin. Si Shane naman nang heart yung mga mata dahil nakakita nang gwapo.

"Nice to meet you Felix. I'm Alexandra but you can call me Iza." I said at naglahad nang kamay. He smiled and accept my hand.

"I'm Faith."

"I'm Shane." Pakilala nang dalawa.

"It's nice to meet you all. " Sabi niya naman.

"Iwan ko muna kayo dito ha. Kayo na muna bahala kay Felix. Titingnan ko lang ang iba kung bisita." Tumango naman kami kay Lorraine. Mukhang marami siyang bisita. Hinayaan nalang namin siya dahi halata namang busy yung tao.

"Could I join you here?" He asked .

"Sure, no problem. " Sabi ko naman.

Nag usap naman kami about work at iba pang bagay. So he actually came from South Korea. Marami asawa ko don. Si Shane at Faith namam ay busy din sa kakainom at hindi na namin makita ang anino ni Megan dito. Medyo maingay yung music dito kaya lumalapit ako sa taenga ni Felix para mas marining niya ako.

"What do you enjoy during your free time?" I asked him.

"A variety of things but recently I'm up to my singing career. " Sagot niya naman.

Marami akong nalaman sa kanya. He already met BTS. Nakasama na din niya ito sa isang awarding. Isa din pala siya sa mga Kpop member nang Stray Kids sa Korea. Ang bait din niya kausap. I wonder if he is single.

"Bakit ka umuwi mang Pilipinas? It seem stable naman ang buhay mo doon." Tanong ko sa kanya.

"I just want to experience what's life here. And besides malapit na kaming madisband." Malungkot niyang tugon. It's one of the hardest part of being an idol. Hindi sila panghabang buhay na magkakasama. I wonder after 10 years kung buo parin ang BTS.

"Mas maganda naman ata ang buhay doon sa Korea. Gusto mo palit tayo? Ako na doon, dito ka nalang." Tumawa siya sa sinabi ko.

"You don't know what you are saying." He replied.

May bigla namang tumawag sa cellphone niya. "I'll just answer this call." Paalam niya.

Tumayo naman siya at lumabas. Uminom nalang ulit ako. Medyo hindi na mapait yung Dalmore kaya sinabayan ko na iyon nang Margarita. Uminit na naman ang tiyan ko. Naglinga naman ako sa paligid at sumakit ang mata ko nang nakita si Brett sa dance floor. Sumasayaw siya kasama yung higad na si Stella. Wow what a nice view. Ang lapit pa nang mga katawan nila. Kulang nalang e mighty bond.

Talagang dito pa talaga inisip na maglampungan.

"Si Brett ba yang nakikita ko?" Tanong naman sakin ni Shane. Ininom ko nalang yung natirang margarita sa table namin.

"Saan?" Sabi naman ni Faith at tumingin tingin sa paligid. Nakita naman niya agad ang hinahanap niya.

"What a little shits." Mura naman ni Shane.

"Hayaan mo sila. Diyan sila masaya." Sabi ko naman.

Tumayo ako bigla at naramdaman ko naman an umaalon na ang paningin ko. Indeed, I am tipsy. Pinasadahan ko muli nang tingin ang loob nang bar.

The bar was all filled with scorching hot guys, may mga babae din at iilan na LGBT. Hinahanap ko ang waiter para makahingi uli nang mga drinks.

"Looking for something?" Tiningnan ko naman kung sino ang nagsalita. Kumirot naman bigla ang puso ko.

"Pake mo." Sabi ko naman at naglakad na.

"Come on, let's talk." Sinundan naman niya ako. Tumigil ako at tiningnan siya.

"Enough with your bullshits Brett. Pwede ba? Lubayan mo na ako please. Hindi ka pa nagsasawa sa kakahabol? Kasi ako pagod na pagod na." Mabuti nalang at walang masyadong dumadaan sa pwesto namin.

"Ganoon na sayo kadali na itapon yung pinagsamahan natin? " Napakunot ang noo at tumawa.

"Ikaw itong unang nagtapon sa relasyon natin. Tinapos ko lang." Sagot ko naman sa kanya. Mukhang lasing na siya ngayon.

Tumahimik muna siya at tumingin sa sahig. Aalis na sana ako.

"That's why you give up yourself to Jared? Ganoon lang ba kadali sayo ang lahat?" Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlamig naman ang pawis ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin.

"I respect you Iza. Nagsisi naman ako sa ginawa ko pero yung part na nalaman ko. You're such a whore. "

Hindi ko na kinaya yung salita niya. Nasampal ko siya nang malakas. Ang sakit nang tama nang mga salita na binibitaw niya.

"You must think that I am a damn fool right now. Nasasayangan ka sa relasyon natin? Just pretend you had a nightmare." Pinunasan ko naman ang mga luha ko at umalis. Sumisikip ang dibdib ko.

I can't believe the pain.

Bakit ako nalang palagi yung natatalo? Bakit ako nalang palagi yung nasasaktan. Hindi ko ba deserve na maging masaya?

Biglang navibrate yung phone ko at may natext.

Jared : Where are you?