webnovel

Chapter 24: Mess with Him

×××

Nandito ulit ako ngayon sa Convenient Store kasama si Dwayne. Kumakain ulit kami ng mainit na cup noodles na may kasama pang malamig na drinks.

"Magang-maga ang mata mo ah? Ilang araw ka ng umiiyak?"

Tanong nito. Napa buntong hininga ako at napa halumbaba sa table.

"Mag da-dalawang araw na"

Tipid kong sagot sa kaniya. Napa iling naman rin siya at marahan na hinimas ang balikat ko.

"Hayaan mo pag nakita ko 'yang gonggong na iyan uupakan ko siya. Ano bang pinag aawayan niyo?"

Naka kunot noong tanong niya. Umayos ako ng upo at kuwenento sa kaniya ang nangyari sa amin dalawa ni Xian.

"Ganito kasi iyon nag d-date kami ni Xian ng dumating itong si Farra. Tapo--"

Hindi ko na matapos ang pag ku-kuwento ko ng bigla siyang sumabat.

"Ano nakita niyo si Farra?!"

Gulat nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi!... Kami nga ang nakita niya. Bigla nga niya kami nilapitan pero si Xian lang ang pinapansin, kasama niya iyong lalaki na 'di ko alam kung sino iyon. Boyfriend niya ba iyon o ano. Basta naiinis ako dahil nung makita ni Xian si Farra parang wala ako sa tabi niya na parang may sarili silang mundo. Minamanyak na nga ako ng lalaking kasama ni Farra eh dahil sa kadaldalan nilang dalawa"

Nakasimangot kong sabi sa kan'ya. Namataan kong napakamao ang isang kamay ni Dwayne dahil sa narinig.

"Sino iyong manyak na iyon. Babasagan ko ng mukha! Hayop iyon ah!"

Sabi niya sa malakas na busis at napatayo pa sa kaniyang upuan.

Napa tingin tuloy ang mga tao sa kaniya sa convenient store. Humingi agad kami ng pasensya sa mga taong na destorbo namin.

Umupo ulit si Dwayne at pinakalma ang sarili niya.

"Ano naman ginawa ni Xian. Binugbog ba niya ang manyak na iyon! Kung nando'n ako sisiguraduhin kung katapusan na ng lalaking iyon!"

Nang gigil na sabi niya. Pinakalma ko siya kasi parang lalabas na ang ugat niya sa ulo dahil sa galit.

"Kumalma ka nga! Oo nasuntok naman niya iyong lalaki. Pero sa huli nagtalo rin kami. Hanggang ngayon nga hindi ko parin siya nakakausap o nakikita basta galit ako sa kan'ya. Ayaw pa niya aminin na may kasalanan siya sa'kin"

Sabi ko. Napa buntong hininga siya at parang na mo-problema rin ng marinig ito.

"Bakit kasi pumapayag ka pang makipag date sa kaniya. Alam naman natin dalawa kung anong totoong ugali nun"

Sabi niya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.

Hindi ko nga rin alam sa sarili ko. Basta gusto ko makipag date sa kaniya kahit gano'n man ang ugali niya. Dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko. Hindi naman kasi nauutusan ang puso na huwag ang taong iyon ang mahalin mo.

"Oo na kasalanan ko na kung bakit si Xian pa ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Kusa nalang akong nagmahal sa kan'ya"

Nakasimangot kong sagot. Napa hilamos siya ng mukha at napa dapa ang kaniyang dalawang kamay sa table na parang pagod na pagod.

"Anong nangyari kasunod?"

Tanong niya.

"Ayon nag sorry naman siya pero hindi ko siya agad pinatawad. Tinapon ko nga sa pagmumukha niya iyong salamin ko sa mata bago ko siya iniwan. Buti nalang may extra salamin ako sa bag kaya nakakalakad ako ng maayos"

Sabi ko sa kan'ya. Agad naman siyang tumawa.

"Talaga? Wow! Deserve!"

Masaya nitong sabi at tumawa ulit. Hindi ko alam kung bakit tinatawanan niya ang ginawa ko kay Xian. Sapagkat hinayaan ko nalang siyang tumawa mag isa kahit ang totoo wala naman talagang nakakatawa.

Hindi ko masyado edenetalye sa kan'ya ang nangyare lalo na iyong tungkol sa pangungutya ng mga tao sa paligid ko noon. Ayokong kaawaan niya ako dahil doon.

Pag nalaman niya iyon baka bigla niyang sugurin si Xian dahil wala itong nagawa tungkol do'n.

"About naman kay Farra. Aminin mo may feelings ka parin sa kan'ya 'no?"

Tanong ko. Halata naman kasi eh ng marinig niya ang pangalan ni Farra parang naging interesado siya kanina. Hindi niya nga lang pinapahalata.

"Anong pinagsasabi mo? S'yempre wala na! Nagulat lang naman ako dahil sa lahat pa ng tao, bakit siya ang nakasalubong niyo sa Mall"

Sagot niya napa lingon naman ako bigla sa kan'ya.

"Totoo ba iyan?"

Paninigurado ko. So, mali ang hinala ko.

"Totoo nga?! Ano ba sa tingin mo may gusto pa 'ko sa kaniya? Sabi ko nga sa'yo conditional love lang ang nararamdaman ko sa kan'ya!"

Naiinis nitong sabi at napa simangot.

"Ba't galit ka? Tinatanong ko lang naman!"

Nakasimangot ko ring sagot. Napa kamot siya ng ulo sa inis.

"Paulit-ulit ka naman kasi eh!"

Sambit niya. Napa buntong hininga kaming dalawa at napa tahimik na nalang pariho.

Nang biglang may nagsalita sa gilid ko na kinalingon naming dalawa ni Dwayne.

"Wow! Ang pangit na nga malandi pa. Akalain mo iyon pag wala ang boyfriend lumalandi ng palihim sa iba?"

Mataray nitong sabi. Nang makita namin ito kung sino napa tayo kaming dalawa ni Dwayne sa upuan at hinarap siya.

Si Farra na naka halokipkip ang kamay habang naka taas ang kilay na naka tingin sa amin.

"Anong sabi mo sa kan'ya!"

Sigaw ni Dwayne at susugurin na sana si Farra buti nalang napigilan ko. Baka kung ano mangyare sa babaeng 'to pag hindi ko napigilan si Dwayne.

"Bakit sasaktan mo ko?"

Asar nito kay Dwayne at napa smirk.

"Ngayon ko lang nabalitaan na bumaba na pala ang standards mo patungkol sa mga babae. Beauty to ugly"

Sabi niya habang naka tapat ang kamay sa mukha niya na nagpapahiwatig na siya ang maganda at itinapat din ito sa akin na ako ang pangit.

Naasar si Dwayne sa sinabi niya gusto niyang sugurin si Farra pero hinawakan ko ang braso ni Dwayne.

"Kung isumbong ko kaya kayo kay Xian na palihim kayong nagkikitang dalawa. Ano kaya ang magiging reaksyon niya. Maghihiway ba kayo?"

Napaisip siya sa sinabi niya habang naka tingin sa akin.

Napakamao ako sa kamay ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Hindi na ikaw ang kilala namin na Farra"

Sabi ko sa kaniya. Tumawa siya at dinuro-turo ang balikat ko dahilan ng mapa atras ako ng kaunti.

"Malamang! Dahil iyon sa kagagawan mo! Ikaw lang naman ang dahilan kaya nagkaka ganito ako! Alam mo nang may gusto ako kay Xian pero anong ginawa mo! Sinagot mo siya! Naging magka relasyon kayo! Hindi mo man lang ako nirespeto na alam mong dati ko na siyang gusto! Kasi malandi kang pangit ka at walang hiya!"

Sigaw nito sabay sumugod sa akin para sabunutan ako.

Nasasaktan na pinigilan ko si Farra sa pag sasabunot niya sa buhok ko. Pati si Dwayne hindi alam kong paano kami paghihiwalayin dalawa.

"Farra bitawan mo si Alice!"

Napa tigil kami ng marinig namin ang busis na iyon. Pag tingin ko si Xian ito.

Lumapit ito sa amin at biglang mahigpit na hinawakan ni Xian ang braso ni Farra kaya napabitaw ito sa buhok ko.

"Xian nasasaktan ako?!"

Reklamo ni Farra.

"Talagang masasaktan ka. Sinaktan mo ang girlfriend ko eh! Oh, ano ngayon nakatikim ka ng masakit galing sa'kin"

Nanlilisik na matang sabi ni Xian sa kaniya pati ako natakot sa mga tingin ni Xian kay Farra.

"Bakit ako ang sinasaktan mo si Alice itong may ginawang masama. Nakikipag kita siya ng palihim kay Dwayne. Alam mo bang napaka sweet nilang dalawa! Naglalandian sila kanina!"

Sigaw nito. Sasabat na sana ako ng mas lalong hinigpitan ni Xian ang pagkakahawak sa braso niya. Parang mababalian ito ng buto dahil sa mahigpit na hawak ni Xian sa kaniya.

Mangiyak-ngiyak siya sa sakit habang pilit na kumakawala kay Xian.

"Huwag mong gawan ng kuwento ang girlfriend ko kung ayaw mong tuluyan kong baliin ang buto mo. Kahit ano pang gawin mong pagsisira sa kaniya 'di iyan tatalab sa'kin. Tandaan mo sa makitid mong utak kahit kailan hindi kita pakikinggan naintindihan mo!"

Nakakatakot na sabi nito kay Farra at bigla niya itong tinulak ng isang kamay palayo.

Buti nalang hindi siya natumba. Umiyak ito sa harap ni Xian.

"Bakit sa pangit pa kayo kumakampi. Ako iyong mas matagal niyong nakasama, habang wala siya masaya naman tayong tatlo"

Umiiyak na sabi niya. Hindi kami sumabat at nanatiling naka tingin parin sa kaniya.

Napaisip rin ako kung bakit. Pero wala akong makita na dahilan.

"Dahil mabait siya! Maunawain, masarap kasama. Ano pang dahilan para hindi siya piliin 'di ba? At alam mo iyon sa sarili mo dahil dati ka na rin niyang naging kaibigan"

Sabi ni Xian napa tingin ako sa kan'ya. Hinawakan niya ang kamay ko habang naka tingin kay Farra.

Hindi makapag salita si Farra at napa iyak nalang na lumayo at napatakbong lumabas ng Convenient Store.

Nang makalayo si Farra. Masama kaming tinignan ni Dwayne pariho.

"At kayong dalawa, bakit magkasama kayo"

Seryoso nitong tanong. Napa lagok ako ng laway sa kaba dahil sa masamang tingin ni Xian sa amin.

"Kaibigan ko siya Xian s'yempre dinadamayan ko siya"

Sagot ni Dwayne na walang bahid na takot.

"Dinadamayan?"

Takang tanong nito at tinignan ako.

"H-hindi ba't nag away tayo. Kuwenento ko sa kan'ya"

Nauutal kong sabi. Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.

"Bakit hindi natin pag usapan. Away naman natin iyong dalawa ah!"

Sabi niya napa urong ako kaya lumapit si Dwayne at hinarap si Xian. Nasa likod na ako ni Dwayne ngayon.

"Huwag mo naman siya sigawan. Makipag usap ka ng masinsinan. Kaya nasasaktan ang girlfriend mo eh dahil sa ugali mong gan'yan!"

Sermon ni Dwayne nagulat ako ng tinulak ni Xian si Dwayne na parang hinahamon ng away.

"Huwag kang makialam kung paano ko tratohin ang girlfriend ko. Bakit? Alam mo ba kung paano ko siya tratohin? Ngayon lang naman ako naging ganito ah! Nang makita ko kayong dalawang magkasama!"

Sigaw nito sa pagmumukha ni Dwayne. Hindi natinag si Dwayne at nanatiling nakatayo parin sa puwesto niya.

"Siguraduhin mo lang na inaalagaan mo ng maayos ang kaibigan ko at baka ilayo ko siya sayo pag nalaman kong sinasaktan mo siya"

Seryoso nitong tanong.

"Aba't ako pang sinasabihan mo! Subukan mong ilayo siya sa'kin. Magkaka matayan tayo!"

Naka taas na busis na sabi ni Xian. Galit na galit na ito habang naka tingin kay Dwayne.

"Tama na nga iyan! Tara na Xian"

Yaya ko kay Xian na umalis para wala ng gulo. Kanina na rin kami tinitignan ng mga tao rito eh.

Ang mga staff sa Convenient Store hindi alam kung pipigilan nila kami o hindi.

Para wala ng gulo aalis nalang kami rito ni Xian.

"Dwayne, alis na kami sorry sa ginawa ni Xian"

Paghingi ko ng paumanhin kay Dwayne.

"Bakit ka humihingi ng tawad sa buweset na iyan! Nakakaasar! Bawiin mo iyon!"

Galit na sabi ni Xian sa akin. Hinigit ko nalang siya palabas ng Convenient Store at umalis na kami.

Buti nalang hindi nagmatigas si Xian kaya madali ko lang siyang napalayo kay Dwayne.

Naglalakad lang kami na magkahawak kamay, hila-hila ko siya. Nang bigla nalang siya huminto kaya muntik na 'kong madapa.

Buti nalang nasalo niya ako kaya hindi ako tuluyan nadapa.

Tinignan ko siya at seryoso lang siyang naka tingin sa akin.

"Alam kong galit ka, pero nagkikita lang kami ni Dwayne pag may problema ako. Alam mo--"

Hindi natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya.

"Alam kong dati mo siyang gusto at hindi ako mapapanatag pag kasama mo siya"

Dugtong niya na naka tingin sa mga mata ko. Seryoso ang mukha nito.

Mali man ang oras na'to para kiligin pero sobrang napaka guwapo ng hitsura niya lalo na sa malapitan.

"Ikaw lang naman ang mahal ko at si Dwayne kaibigan ko lang siya at kaibigan mo rin siya. Maintindihan mo pag nakipag ayos ka kay Dwayne"

Sabi ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at nanatiling naka titig lang sa'kin.

Ilang sandali napa buntong hininga siya.

"Alam mong malaki ang tiwala ko sa'yo kaya sana 'wag mong sirain. Papayag akong makipag kaibigan ka sa kan'ya pero next time ipaalam mo sa akin 'wag iyong sekreto kayong nagkikita"

Napa lunok ako ng laway sa sinabi niya.

"Sorry kung hindi ko man sinabi. Nakakatakot ka naman kasi eh"

Sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Oh? Talaga ba? Sa tingin mo hindi ako magagalit pag pinagpatuloy mong e-sekreto sa'kin na palihim kayong nagkikita ni Asher?"

Seryoso nitong sabi ramdam ko ang galit sa busis niya. Gusto ko sanang umurong palayo pero hinila niya ako palapit sa kaniya. Hawak nito ang baywang ko at 2 inches lang ngayon ang pagitan ng mga mukha namin.

Asher Dwayne Barientos ang buong pangalan ni Dwayne at iyon ang madalas na tawag ni Xian sa kaniya.

Naka titig parin ako sa mukha ni Xian.

"Ito ba ang ganti mo sa ginawa ko sa'yo?"

Kalmado at namamaos nitong sabi.

Mabilis akong umiling.

"Hindi totoo iyan! Alam mong hindi ko magagawa iyan"

Tanggi ko. Tinignan niya ako sa mga mata.

Tumayo na kaming dalawa ng maayos at humarap sa isa't-isa.

Napa buntong hininga siya na hinawakan ang magkabilaan kong pisngi.

"Alam ko naman iyon, talagang hindi ko lang mapigilan na magselos. Alam mo naman na mahal na mahal kita kahit ano pang hitsura mo. Kahit ano pang sabihin nila tungkol sa'yo, ikaw parin ang pipiliin ko sapagkat ikaw lang naman nagpapatibok ng puso ko"