Hingal na napaupo si Kelvin sa lupa. Katatapos niya lang na kalabanin ang dalawang kapwa niya wizard, apat na S-Class monster at limang kawal ng mga black witch. Oo, pumasok na sa gubat ang mga black witch at sila ang dahilan at siya ring pakay ng mga ito.
Papalubog ang araw ng unang may nakalaban na kawal ng mga black witch si Kelvin, at ngayong madilim na ay lalo pang dumarami ang mga black witch na nakakalaban niya. Hindi pa rin sila nag kikita-kitang tatlo. Kanina ng makausap niya si Trevor at Hermione ay wala pa ring maibigay na palatandaan ang mga ito at ganoon dun siya kaya naman hanggang ngayon ay hindi nila malaman kung nasaan ang isa't isa.
Pagod na kumagat sa tinapay si Kelvin pagtapos ay tumingin sa langit. "Alam kong ayos lang si Hermione at Trevor, pero sana naman makita ko na silang dalawa." may bahid ng lungkot na sabi niya.
Nang matanggal na ang pagod niya ay nag simula na ulit siyang mag lakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo, dire-diretso lang siyang nag lalakad at wala siyang balak na huminto.
Pero ang balak niyang iyon ay napurnada kaagad makalipas lang ang ilang minuto. Napatigil siya sa pag lalakad, may naririnig siyang impit na daing ngunit masyado iyong mahina kaya naman hindi niya matukoy kung saang direksyon ito nanggagaling.
Pinakinggan niyang mabuti ang impit na daing na naririnig niya. Sinundan niya ang pinagmumulan nito, ang mahinang daing ay unti-unting naging klaro sa pandinig niya tanda na malapit na siya sa kung saan man ito o kanino man ito nanggagaling.
Nakarating siya sa isang malaking patay na punong nakatumba, doon nanggagaling ang impit na daing. Sa likod ng nakatumbang puno ay isang babae na may mga paso sa katawan at may malalim na saksak sa likod ang kanyang nakita.
Umilaw ng kulay asul ang runes na nakalagay sa kamay niya dahil sa pagkakalapit nilang dalawam. Nawala na sa isip niya ang isa sa patakaran ng kumpetisyon, ang kailangan na may mawalan ng malay o buhay kapag may nakalapit na myembro ng ibang bayan.
Walang pagdadalawang isip at walang kahirap-hirap na in-unlock niya ang runes ng babae at sinimulan itong gamutin. Isa sa pinag-aralan nilang tatlo ang panggagamot sa iba gamit ang kanilang elemental magic, mabuti nalang pala at inaral din nila ito. Malaki talaga ang tulong ng abilidad na iyon.
"Kapwa ba natin wizard ang gumawa nito sa'yo?" tanong ni Kelvin habang ginagamot ang sugatang babae.
Nahihirapan man ay marahang umiling ang babae. "H-Hindi...ang..m-mga b-black wi-witch...s-sila..ang..may g-gawa..." sagot nito na nagpa-kuyom ng kamao at nagpangalit sa panga ni Trevor sa galit.
Sa kalagitnaan ng panggagamot niya sa babae ay nawalan ito ng malay. Marami nang nawalang dugo sa babae at marahil ay iyon ang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Ngunit bago pa man ito mawalan ng malay ay hiniling nitong tulungan din ni Trevor ang isa niya pang kasamahan na inatake rin ng mga black witch, kaya naman ngayon ay papunta siya sa direksyong sinabi ng babae.
Alam niyang dapat na hinahanap niya ang mga kasamahan niya, pero hindi naman maaatim ng konsensya na tumuloy sa paghahanap at hayaan nalang ang kasamahan ng babaeng ginamot niya. May tiwala naman siya sa mga kaibigan at alam niyang ligtas ang mga ito, kaya naman uunahin niya muna ang pagtulong kaysa sa pagnais na magkasama-sama na silang tatlo.
Ilang metro ang nilakad niya bago matanaw sa di kalayuan ay ang isang duguang babae na nakahandusay sa lupa. Nagmadali siyang lapitan ito, takbo na nga ang ginawa niya. At napailing nalang siya ng mapansin niyang wala ng isang kilometro ang pagitan nila ng babae ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umiilaw ng kulay asul ang mala-pulseras na runes.
Isa lang ang ibig sabihin nito, patay na ang babae.
Bumuntong hininga siya at napapikit sa galit. Ang black witch na iyon, sobra talaga ang kasamaan nila.
Niyuko niya ang bangkay ng babae. "Hindi man kita kilala at wala man akong nagawang mali sa'yo pero humihingi ako ng tawad. Hindi na ako umabot, pasensya na. Ipinapangako kong gagawin namin ang lahat para lang matigil na ang pananakop ng mga black witch sa ating mga bayan. Bibigyan namin hustisya ang pagkamatay mo at ng iba pa pang pinaslang ng mga itim na mangkukulam na iyo. Pangako iyan." nangagako at matigas niyang sabi bangkay ng babae.
Tumayo na siya at kinontrol ang lupa. Gumawa siya ng may kalalimang hukay na eksakto lang para sa babae. Matapos niyang ilibing ang bangkay ng babae ay umusal siya ng dasal at muling nangako na palalayain nilang tatlo ni Hermione at Trevor ang mga bayang nasa ilalim ng mga black witch, ganoon din ang pagbibigay ng hustisya sa mga buhay na kinuha nila.
"H-Hindi ba nila tayo patutulugin o kahit pag papahingahin manlang? Kahit kalahating oras lang, pwede na. Kahit nga labing limang minuto nalang." hinihingal na reklamo ni Trevor.
"Sira ka ba? Ang pakay nga nila ay patayin tayo kaya tayo inaatake, tapos pahinga naman ang ibabanat mo r'yan." sagot ni Hermione sa kanya.
Kasalukuyan silang inaatake ng lampas limampu na mga kawal ng mga black witch. Sa totoo lang ay kanina pa sila inaatake ng mga ito, iyon nga ang naging dahilan kung paano sila nagkitang dalawa. Nagka-salubong sila habang nakikipaglaban sa mga kawal ng black witch.
Kakaunti man at hindi malalalim ang mga sugat na mayroon sa katawan nila ay halata naman na ang pagod sa kanilang dalawa. Tagaktak na ang mga pawis nila at hinahabol na rin nila ang kanilang hininga.
"Hermione! Ilag!" sigaw ni Trevor ng makita niyang may papuntang itim na mala-liwanag sa gawi ni Hermione. Mabilis na nakaiwas si Hermione, inatake niya ang may gawa ng itim na liwanag ng isang tubig na mala-espada sa talim.
Bahagyang nilingon ni Hermione si Trevor. "Salamat." aniya.
Sunod-sunod ang ginawang pag-atake ng mga black witch kaya naman wala na silang nagawa kundi atakihin din ang mga ito. Siguro naman ay kahit na pumatay sila rito sa loob ng gubat na ito ay makakalabas parin sila, wala na kasi silang ibang pagpapipilian kundi ang paslangin ang kanilang kalaban. Kung hindi kasi nila iyon gagawin ay paniguradong sila ang mapapaslang.
Sa paglaban na ginawa nila ay halos kalahati ng mga black witch ang binawian ng buhay, at ang natitira naman ay mga walang malay at malala ang lagay.
"Magpahinga muna tayo kahitㅡ"
Sumenyas si Hermione kay Trevor. "Shhh. Tumahimik ka muna, naririnig ko ang boses ni Kelvin." pag putol niya sa sinasabi ng lalaki.
Tumahimik naman si Trevor at ginaya si Hermione na seryosong nakikinig, ngunit kahit anong gawin niyang pakikinig ay hindi niya magawang marinig ang boses ni Kelvin. Sumuko na siya at hinintay na lamang na sabihin ni Hermione kung saan niya narinig ang boses ng isa pa nilang kasama. Parehas silang may enhanced hearing pero 'di hamak na mas malayo ang sakop ng naririnig ni Hermione kaysa sa kanya.
"Alam ko na kung nasaan siya." may bahid ng tuwa na pahayag ni Hermione at walang sabi-sabing ipinasan si Trevor at nanakbo ng mabilis.
Sa gitna ng pagtakbo ay umirap sa hangin ang dalaga. "Hindi mo kayang manakbo ng mabilis kaya huwag ka ng mag reklamo r'yan." wika ni Hermione ng mabasa niya ang iniisip ni Trevor.
Mabilis na nakarating silang dalawa sa kinaroroonan ni Kelvin. Napapalibutan ito ng napakaraming kawal ng black witch, at katulad nila ay may mga sugat na rin ito sa katawan, pero kung ikukumpara sa kanilang dalawa ay kitang-kita na mas marami ang sugat nito kaysa sa kanila.
Wala ng sinayang na oras si Hermione at Trevor, agad nilang tinulungan si Kelvin na kalabanin ang mga kawal ng black witch.
Kinontrol ni Trevor ang panahon, ang tahimik na langit ay napuno ng sunod-sunod na malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Kinontrol niya ang mga kidlat at pinatama ito papunta sa harapan niya, pero bago pa man ito tumama sa lupa ay hinuli niya ang kidlat at ginawa niya itong espada at iyon ang ginamit niyang pang-atake sa mga kalaban.
Si Hermione naman ay gumawa ng apat na S-Class na halimaw na gawa sa yelo na siyang agad na umatake sa mga black witch. At habang inaatake ng ginawa niyang halimaw ang mga black witch ay umatake rin siya. Pinag-yelo niya ang ilan at ikinulong naman ang iba sa malaking bolang tubig hanggang sa mawalan na ang mga ito ng malay-tao.
Pero tila hindi nauubos ang mga kalaban, ang kaninang mga black witch na naabutan nilang kinakalaban ni Kelvin ay ubos na, pero mayroon na namang panibagong dating at nadadagdagan ito ng nadadagdagan.