webnovel

chapter 23

23

sa isang abalang umaga ay nagising si fella. mula sa kanyang kinahihigahan ay naamoy nya ang sarap ng mga pagkaing niluluto galing sa labas.

mula doon ay nagsimula na nga ang isang buong araw isang napakasayang araw.. mula sa mga makukulay na banderitas na tila sumasayaw, sa mga masasayang mga bata na nagtatakbuhan sa daan, sa mga musiko at parada at malalaking arkong naggagandahan. hanggang sa walang katapusang pagkain na nagsasarapan.

mula sa gitna ng sinaradong kalsada at namanghan si fella sa kanyang nakita. isang malaking arko na napupuno ng mga bulaklak at sa gitna nito ay pwede kang magpakuha ng litrato. kaya agad na hinila si fella ng kanyang mga pamangkin upang mag papicture. " ok 1,2,3 smile" wika ni fella bago kuna ng picture ang mga panangkin. " o tita ikaw naman ang dali" wika ng dhin. kaya agad na tumayo si fella sa gitna... ngunit sa pag tayo ni fella sa gitna ay tila napapansin nya na naglalakad papalayo ang kanyang mga pamangkin habang sinasabi sa kanya na wag syang aalis kung saan sya nakatayo. at mula doon ay lumabas ang isang grupo ng musiko at tumugtog sa harapan ni fella sa saliw ng awiting 'nais kong malaman mo. akala ni fella ay kung ano lamang iyong ngunit mas nagulat sya sa sumunod na nangyari. dahil mula sa baba ay lumitaw mula sa maraming tao ang isang lalaki. si juancho na may dalang bulaklak habang papalapit sa kanya at kumakanta.

habang papalapit si juancho kay fella ay napansin ni fella na nandudoon si alex na kasama ng dalawa nyang panangkin at ang ate nyang si jean at si guyong. napansin nitong masaya ang mga ito na tila kinikilig at tila alam kung ano ang mga nangyayari dahil don hindi na napansin ni fella na nasa harapan nya na pala si juancho. " hi babe" biro ni juancho. " babe ka dyan.. anong ginagawa mo dito" sagot ni fella. lingid sa kaalaman ni fella na tinawagan ni juancho si alex upang makausap si fella kaya agad na binalikan ni alex si juancho at pinalabas nalang ni alex na di nya na maihahatid si fella. matapos iyon ay kinausap ni alex ang pamangkin at ate ni fella pati na rin si guyong na tulungan sya na makipag ayos kay fella.

" kamusta kana" wika ni juancho. " matapos mo kong iwan.. ngayon kukumustahin mo ko" wika ni fella. "kaya nga nandirito ako eh..fella patawarin mo ko... alam ko nasaktan kita..pero maniwala ka ngayon napagtanto ko.. fella mahal kita. wika ni juancho. " pano ung girlfriend mo" wika ni fella. " wala na kami richel nag usap na kami..nakipaghiway na ko sa kanya.. fella ikaw ang gusto ko.. ikaw ung taong dinasal ko sa simbahan nung magkasama tayo..ngayon fella ako naman ang hihiling sayo.. maari ka bang magpangap bilang girlfriend ko" wika ni junacho. hm.. mahal ang talent fee ko" wika ni fella.. "ayos lang.. basta ok lang ba sayo na ang ipambabayad ko ay ito( hinawakan ang puso) itong puso ko" wika ni juancho. at mula doon ay nagulat si fella nang biglang lumuhod si juancho sa kanyang harapan. " fella im so sorry.. can you be my girlfriend" wika ni juancho habang nagaabang ang lahat.