webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
213 Chs

Ihinto Mo!

UHAAAAHHH!!!"

Umalingaw ngaw ang malakas na iyak ng sanggol pero saan ito nagmumula?

Nagulat ang mga pulis at pati mga tao sa paligid.

Nang makumpirma ng mga pulis na sa bag nagmumula ang ingay, sabay sabay silang nagbunot ng baril at ang isa na nasa malapit ay agad na umakyat sa speedboat para tingnan ang laman ng bag.

"Huwag kayong kikilos!"

Natataranta ang driver at agad na binuksan ang makina ng speedboat at bigla itong umandar palayo.

Pinaputukan sya ng mga pulis at tinamaan ang tauhan ni Congressman at nalaglag ito sa tubig dahil sa mabilis na pagtakbo ng speedboat.

Ang pulis na umakyat at tumingin sa bag, agad na kinoberan ang bata ng magpaputok ang mga kasama nya.

"CEASEFIRE! CEASEFIRE!"

Note:

for editing

thank you