webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
213 Chs

Desisyon

"Pang, Mang kailangan ko munang kausapin si Nicole pero nais kong andito kayo para maintindihan nyo ang buong kwento!"

Pagsisimula ni Enzo ng nakaupo na sila lahat.

Enzo: "Anak, bakit ba mas ginustong mag OJT sa opisina ng Ate mo?"

Hindi makapagsalita si Nicole. Medyo nakaramdam sya ng hiya dahil sa ang ama ang nagtanong.

Enzo: "Dahil ba kay Edmund, ang matalik na kaibigan ng Ate mo?"

Hindi pa rin ito sumagot, natatakot syang baka mapahamak sya sa isasagot.

Enzo: "Anak, wag ka matakot hindi ako galit!"

"Mukhang may gusto ka kay Edmund! Tama ba ako?"

Tumango si Nicole.

Hinawakan ni Enzo ang kamay ng anak para mawala ang takot nito.

Enzo: "Natural lang na makaramdam ka ng ganyan anak dahil dalaga ka na!"

"Pero yung ginawa mo nung araw na iyon .... bakit mo ginawa iyon?"

Naalarma si Nicole. Mukhang may alam ang Papa nya.

Enzo: "Bakit mo sya hinila palabas?"

Nicole: "Pinagbawalan ko na sya na magpunta duon pero bumalik ulit sya!"

Enzo: "Bakit? Ano bang ginawa nya sayo? Nagseselos ka ba dahil hinahanap nya si Edmund?"

Hindi makapagsalita si Nicole. Kabilin bilinan ng ina na hindi pa sya pwedeng mag boyfriend at bata pa sya kaya pano nya sasagutin ang ama?

Enzo: "Anak, kakilala ni Edmund ang babaeng iyon kaya hindi mo sya dapat pinaalis ng dahil lang sa nagseselos ka! Hindi tama yun!"

"Napagalaman ko na matalik na kaibigan sya ng Papa ni Edmund!"

"Saka may boyfriend na yun!"

Nicole: "Pano nyo po nalaman?"

Enzo: "Dahil nagtanong ako at nakinig! Hindi ako nagisip agad ng hindi maganda."

"Tandaan mo yan anak, alamin mo muna ang totoo bago ka manghusga para hindi ka mapahamak!"

Tumango lang ulit si Nicole, pakiramdam nya na korner sya ng ama.

Kinuha ni Enzo ang cellphone nya at pinapanood sa kanila ang video.

Hindi makapaniwala ang mga matanda sa napanood.

Pang: "Nasaan si Nadine? Bakit nya ginawa sa kapatid nya yon?!"

Enzo: "Pang, bakit nakita nyo ang ginawa ni Nadine pero hindi ang ginawa ni Nicole?"

"Sa tingin nyo ba wala sa katwiran ang ginawa ng kapatid nya?"

Mang: "Wag ka munang magalit dyan, hayaan mo munang ipaliwanag nila ang nangyari!"

"Sige na Enzo, ituloy mo na!"

Enzo: "Yung babae na hinahatak ni Nicole na palabas ay ang matalik na kaibigan ni Luis Perdigoñez, ang Papa ni Edmund. Isa rin sya sa mga shareholder ng kompanya!"

"Sa napanood nyo nakita nyo naman na naghihisterikal si Nicole dahil hindi nasunod ang gusto nya at walang makapigil sa kanya kaya nasampal sya ni Nadine para huminto!"

Pang: "Huminto naman sya diba? Kaya bakit nya pinagsasampal ulit?!"

Enzo: "Dahil sa susunod na sinabi ni Nicole sa Ate nya."

"Bakit anak, ba't mo yun sinabi?"

Nicole: "Nadidinig ko po kasing pinagtsitsismisan sya ng mga empleyado sa kompanya!"

Enzo: "Naniniwala ka rin ba na ganoong klase ng babae ang ate mo? Sa tingin mo magagawa niya ang mga itsinitsismis sa kanya?"

Natahimik si Nicole alam nyang wala sa ugali ng kapatid ang nadidinig niya pero pano nagsimula ang ganuong tsismis kung walang pinagmulan?

Enzo: "Alam mo ba kung paano nagsimula ang tsismis?"

Umiling si Nicole.

Enzo: "Dahil yun sa pagpayag ni Edmund sa OJT mo!"

"Kapo promote lang ng ate mo at kahit na sabihin pang karapatdapat sya sa promotion dahil masipag at maganda ang rekord nya, marami pa ring naiinggit. Tapos, dumating ka at nakapasok ng OJT na hindi dumaan sa normal na proseso!"

"Mahigpit na pinagbabawal ng ama ni Edmund ang palakasan sa kompanya dahil ayaw nito ang special treatment. At lahat bina background check nila! Kahit ang Ate mo dumaan sa proseso, kaya marami ang nainis sa ginawa ni Edmund na pagpayag sa'yo!"

"At dahil sa pakiramdam nila unfair yun, nagkaron din sila ng pagdududa sa promotion ni Nadine!"

"At dun sila nagsimulang magisip na baka may ginagawang kalokohan si Nadine kaya sya na promote!"

"Alam ni Nadine na maraming naiinggit sa kanya pero hindi nya ito pinapansin, tapos madidinig nya sa'yo! Ano sa palagay mo ang naramdaman ng Ate mo na ang sarili nyang kapatid mismo naniniwala sa tsismis na yon?"

"Anak bilang ama hindi ko gusto na nagkakasakitang kayong magkapatid pero sobra mong nasaktan ang Ate mo!"

Nicole: "Pa, yan po ba ang dahilan kaya sya naglayas?"

Umiling si Enzo.

Enzo: "Paguwi ng Ate mo sa condo sinalubong sya ng sampal ng Mama nyo, sunod sunod! Hindi nya tinigilan ang pananakit sa kanya kahit na tumama na ang ulo nito sa mesa. Inawat lang sya ni Manang at mga security ng condo kaya nakatakas ang Ate mo sa kalupitan ng Mama mo!"

"Naospital sya pagkatapos nun. Kinabukasan umalis ito ng walang nakakaalam kung saan nagpunta at tanging resignation letter na lang ang iniwan niya!"

"Mula nuon hinanap ko na sya pero hindi ko makita!"

Nicole: "Nag resign sya? Bakit?"

Bakit gagawin ni Ate yon e masaya sya sa trabaho nya dun at isa sya sa pinagkakatiwalaan ng mga nasa itaas!"

Enzo: "Dahil ganun sinisira ng inggit ang isang tao!"

Pang: "Pero anong kinalalaman nito kay Nelda?"

Huminga ng malalim si Enzo.

Enzo: "Pang, Mang, may plano ho akong ipatingin ang asawa ko sa duktor ng pagisip! Hindi na ho kayang kontrolin ni Nelda ang sarili nya!"

Pang: "At bakit? Hindi baliw ang anak ko!"

Enzo: "Hindi ko ho sinabing baliw sya, gusto ko lang mabigyan sya ng tulong!"

Pang: "Bakit Enzo, masama bang disiplinahin ng magulang ang anak?"

Kilala nya ang ugali ng biyenan lalaki! Matigas ang ulo nito at hindi basta basta nakikinig sa katwiran lalo na kung alam nyang magdudulot ito ng kahihiyan sa pamilya.

Malupit din itong magdisiplina sa mga anak nya, at ito ang mga katangian na naman ng asawa nya.

Kaya ipinakita ni Enzo sa kanila ang litrato ni Nadine sa ospital.

Hindi na nila halos makilala ang mukha nito kung hindi lang sa 'wrist tag' na nakalagay ang pangalan nya.

Enzo: "Pangalawang beses na pong naospital si Nadine dahil kay Nelda at ayaw ko hong maging tatlo! Natatakot akong baka sa susunod na saktan nya si Nadine mapatay na nya ito!"

"Hindi ko po pinakikialaman si Nelda sa pagdidisiplina sa mga bata pero hindi ko po kayang makita na ganito ang anak ko!"

Pang: "Kahit na, kahihiyan pa rin ito ng pamilya ko!"

Mang: "Mahalaga pa ba sa'yo ang kahihiyan kesa sa buhay ng mga apo mo?"

Enzo: "Pang alam kong hindi nyo matatanggap ang gagawin ko kaya humingi muna ako ng permiso sa inyo! Kung sakaling hindi nyo ako mapapayagan, wala ho akong magagawa kung hindi ilayo ang mga anak ko sa kanya!"

"Sa inyo ko na ho iniiwan ang desisyon!"

Tumayo na ito at iniwan ang dalawang matanda.

Paguwi ng bahay kapwa walang imik ang mag ama. Dumiretso sa kwarto si Nicole at nagsara ng pinto.

Kinabukasan nagulat na lang si Enzo sa sigaw ng asawa. Umiiyak ito at may hawak na isang sulat na naka pangalan sa kanya.

Pa,

Kailangan ko pong umalis! Nasasakal na po ako sa ginagawa sa akin ng Mama at gusto ko din hananapin si Ate!

Sana po maintindihan nyo. pakisabi na lang po kay Mama.

Wag po kayong magalala, kaya ko 'to!

Nicole