webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · แฟนตาซี
Not enough ratings
340 Chs

Night’s true form

MULA sa kalangitan, nabuo ang isang higante at makakapal na ulap na umiikot-ikot. Sa gitna nito makikita ang napakalakas at walang tigil na pagsabog ng mga kidlat habang maririnig ang makatindig balahibong dagundong ng kulog. Para itong isang bunganga ng malaking halimaw na anuman sandali ay lalamon sa buong mundo.

Nagsimulang mapatingala ang mga tao sa siyudad at probinsya nang matanaw ang nakakatakot at kakaibang bagay na nabubuo sa madilim na kalangitan. Nagsimulang magkuhaan ng pictures at videos ang karamihan sa netizan sabay post sa internet.

Isang pamilya sa loob ng sasakyan ang kasalukuyang stuck sa kahabaan ng traffic sa EDSA. Natanaw ng bunsong anak na lalaki ang kakaibang bagay sa langit, agad niya itong tinuro sa kapatid at mga magulang. Napatingala ang Daddy nila at napanganga ng malaki dahil sa nakita. Isa-isang nagsilabasan sa kani-kanilang sasakyan ang mga tao upang tumingala sa kalangitan. Bawat isa ay natutulala, kinikilabutan at nanlalaki ang mga mata.

Muling dumagundong ang nakakatakot na tunog na nagmumula sa sentro ng higanteng ulap. Ilang sandali pa at nagsimulang yumanig ang buong Pilipinas. Isang napakalakas na earthquake ang tumama sa bansa na nagbigay ng takot sa lahat.

Sa loob ng isang business center kung saan marami ang call center companies. Nabasag ang mga nakasabit na kagamitan, nagpatay sindi ang ilaw, nag-crack ang mga dingding at malakas na nagsigawan ang mga empleyado. May nagtago sa ilalim ng lamesa sa kanilang cubicle, may na-stuck sa comfort room, at marami ang nagpanic at tumakabo sa fire exit/

Napakabilis na nag-crack ang semantadong daanan sa kahabaan ng EDSA na tila ahas na nagmamahaling gumapang. Nagsimulang magiba ang mga nagtataasang estalishment sa paligid. Walang ibang maririnig kundi ang malalakas na iyakan at hiyawan.

Nagkagulo ang lahat. Nagpapanic na bumaba ng mga sasakyan ang mga tao na stuck sa traffic dahil sa bilis nang pag-crack ng lupa, may mga sasakyan na nahulog sa sirang concrete. Tumunog ang maiingay na busina at nagkaroon ng malaking stampede.

Nagiba ang mga over pass na bumagsak sa mga dumadaang sasakyan. Tumumba ang mga poste at nagkabuhol-buhol ang mga electric wires dahilan upang markuryente ang mga civilian na dumadaan.

Isang rumaragasang truck na may bitbit na malaking tangke ng 'inflamble' ang umiwas sa malaking crack sa semento. Nawalan ng kontol sa manibela ang driver at dire-diretso itong sumalpok sa hilera ng sasakyan. Sumabog ang nakakatakot na apoy na tumupok sa maraming civilian.

Ramdam maging sa ibang parte ng mundo ang kaguluhan. Inatake ang Japan ng napakalakas na bagyo dahilan ng mabilis na pag-apaw ng mga dam at ilog. Tila naging dagat ang buong Tokyo.

Sa China, umulan ng malalaking bloke ng yelo, marami ang tinamaan at nasugatan. Nagkaroon ng matinding sand storm sa Dubai. Nagkagulo ang mga wild animals sa Africa at sabay-sabay na tumakbo palabas ng gubat.

Muling naging aktibo ang iba't ibang bulkan sa iba't ibang bansa at sumabog ang mga kumukulong lava. Sinugod ng mga higanteng tornado ang buong South America na sumira sa lahat ng bahay na matatamaan nito. Dinala ng malakas na hangin ang mga bubong, poste, sasakyan at kung anu-anu pa. Nagkaroon ng napakalaking at higanteng tsunami sa Singapore at Malaysia. Mabilis na tumakbo ang mga tao pero huli na ang lahat at nilamon ng galit na tubig ang dalawang bansa.

Naramdaman ng buong mundo ang 'Armageddon'

"ITO NA ANG KATAPUSAN NATING LAHAT!!! MAGSISI NA KAYO SA INYONG MGA KASALANAN!!! ITO NA ANG MATINDING GALIT NIYA!!!" patuloy sa pag-sigaw ang matandang baliw habang nakatingala ito sa langit at umiiyak.

Hanggang sa kastilyo ni Lucas ay ramdam ang napakalakas na lindol, unti-unti nang nawawasak ang malaking kaharian, nilamon ng lupa ang buong first wing. Tumatapon ang mga debris. Maraming anghel at demonyo ang nadaganan nang mga bumabagsak na pader at bato.

Sa kabila nang matinding kaguluhan ay hinanap ni Night si Lexine. Natagpuan niya ito sa second floor habang nanghihina, may tama sa tiyan at hindi paawat ang dugo.

"Lexine!!!"

Agad niyang hinagkan ang asawa. Nanlalaki ang mata niya sa dami ng dugo na nakikita, "Lexine… please, hold on baby."

"N-night… p-pigilan mo s-si L-lucifer," bulong ni Lexine sa nahihirapang boses.

Mahigpit na hinawakan ni Night ang kamay niya, "Baby, hold on, please hold on."

Inangat ni Lexine ang kamay at hinaplos ang pisngi ng asawa, "O-our d-daughter… she d-deserves a future… our world d-deserves a f-future."

Naiintidihan ni Night ang nais ipahiwatig ni Lexine. Hindi dito matatapos ang buong mundo. Hindi kailanman mananaig ang kasamaan.

Madiin na hinagkan ni Night ang noo ng asawa. Saka ito sunod na hinalikan sa labi nang mas madiin at mas matagal na para bang dito siya humihigop ng lakas upang patuloy na lumaban.

"I promise, our daughter will have a happy and brighter future."

Maingat na inupo ni Night si Lexine sa pader at muli itong siniil ng halik. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ni Lucas.

Naiwan si Lexine na pinagmamasdan ang likuran ng asawa na maglaho sa harapan niya.

Patuloy sa kabaliwan si Lucifer at ang espada nito. Patuloy din sa pagyanig ang buong kastilyo at mabilis itong nagigiba. Kumilos ang mga Arkanghel upang iligtas ang lahat.

Samantala, patuloy na nakikipaglaban si Miyu kay Winter. Gamit ang kapangyarihan ni Miyu, nagapos niya ang paa at kamay ni Winter gamit ang umiilaw na kadena. Hinumpas niya ang dalawang daliri at lumutang sa hangin si Ayesha saka ito lumipad patungo sa kanya.

Nagsisigaw sa galit si Winter, nakawala ito sa mga kadena at handa nang sugurin si Miyu pero isang espada ang lumusot sa dibdib nito. Sa likuran nito nakatayo si Elijah. Natumba si Winter sa sahig at binawian ng buhay.

Agad niyakap ni Elijah si Miyu at Ayesha, "We need to get out of here."

"Si Lexine, Night at ang iba pa?" nababahalang tanong ni Miyu.

"Cael is looking for her, Night, I believe he was about to end this war."

Hindi namamalayan ni Lucifer na unti-unting naglalakad palapit sa kanya ang prinsipe ng dilim.

Pailalim na tumingin si Night sa kinamumuhiang ama. Ngayon gabi, matatapos na ang kasamaan nito. Para sa kanyang asawa, anak, mga kaibigan at sa buong mundo.

Inangat ni Night ang kanang pulsuhan kung saan nakasuot ang fairy tears. He will now unleashed his biggest beast.

"Vanagloria!"

Gumuhit ang asul na liwanag sa kabuuan ng malaking 'chinese dragon' tattoo na sumasakop sa. kabuuan ng likuran ni Night. Kasabay nito na umilaw ang kanyang mata. Hinila ni Night ang fairy tears sa kanyang pulsuhan at tuluyang nasira ang protection nito.

Muling nabuhay ang pinakamalaking halimaw sa kanyang kalooban. Binalot ng itim na ugat ang buo niyang katawan na umabot hanggang sa mukha. Umitim ang kanyang mga mata.

Natigil si Lucifer nang maramdaman ang malakas na presensya sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita ang pagbabagong anyo ng prinsipe ng dilim.

Mula sa tattoo ni Night, lumabas ang isang itim at higanteng chinese dragon. Humiyaw ito ng ubod ng lakas na dumagdag sa pagyanig ng kapaligiran.

Lumipad sa ibabaw ni Night ang katawan nito natila mala-anaconda na haba. Nanlilisik ang umiilaw na asul nitong mga mata, may dalawang matutulis at higanteng sungay sa ulo, malalaki ang nakakatakot na pangil at nababalot ng sumasayaw na asul na apoy ang kabuuan ng katawan.

Napangiti ng malaki si Lucas, "The true form of the Prince of darkness is finally here."

Na-i-imagine niyo ba ang “true form” ni Night? You can search sa google to check what is a “Chinese dragon” well, marami nun sa Binondo kapag nag-da-dragon dance ang mga Chinese. HAHAHA! If you remember on Book 1, chapter 57. I already revealed that Night has a black Chinese dragon tattoo on his back. Ni-reserve ko talaga para sa FINALE yun. HAHA! I hope you’re enjoying the thrill and suspense as much as I do while writing it.

AnjGeecreators' thoughts