webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · แฟนตาซี
Not enough ratings
340 Chs

Lucifer

WHEN GOD threw off the angels from the Paradise of Eden, the clouds above became terrified as the spine-chilling lighting and thunder simultaneously exploded in the dark sky. Just like a meteorite fell abruptly from the galaxy like a rain of fire. All the fallen angels repented from heaven.

Nagising si Lexine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Unti-unti siyang bumangon. Natagpuan niya ang sarili sa gitna ng nagtataasang puno, umaalingasaw ang amoy ng putik at lupa habang naririnig niya ang huni ng mga ibon.

"Where am I?"

Dahan-dahan siyang bumangon at tumayo. Naglakad si Lexine nang naglakad kahit hindi niya alam kung saan siya patungo hanggang sa hinawi niya ang isang malaking halaman at bumati sa kanya ang isang batis. Nagpatuloy sa paglalakad si Lexine palapit sa batis pero nakakailang hakbang pa lang siya nang matigilan. Natatanaw niya ang isang lalaki na nakahandusay sa gilid ng batis. Nakadapa ito kaya di niya makita ang mukha. Agad siyang lumapit upang tulungan ang lalaki.

Nagtakip si Lexine nang kamay sa sandaling nakalapit siya. Nakita niya ang dalawang mahaba at parihabang sugat sa likod nito. Nagdudugo at sariwang-sariwa. Tila ba may pinutol mula doon.

Saglit pa siyang natulala sa nakita nang biglang umihip ang malakas na hangin. Sa sobrang lakas nito natakpan ang mukha niya ng kanyang mahabang buhok. Tumingala si Lexine at hinanap ang pinangalingan niyon.

Isang napakagandang batang babae ang lumilipad sa mula sa langit at dahan-dahang bumaba sa lupa. Napako sa kinatatayuan si Lexine habang pinagmamasdan itong parang napakagaan na papel na lumapag sa bato-batong gilid ng batis.

Tumila ang hangin at naglakad ang bata patungo sa lalaki. Matapos tignan ang lalaki at masigurong wala itong malay. Dahan-dahang kinuha ng batang babae ang espada na dinadaganan ng katawan nito.

Nanlaki ang mata ni Lexine.

Ang lalaki… ang espada…

"Lucifer…" halos hangin na lang ang lumabas sa kanya.

Matapos ang ilang segundo, tuluyang nakuha ng batang babae ang espada. Masayang-masaya ang mukha nito na tila nakakuha ng bagong laruan. Tila nakalimutan na nito ang sugatang lalaking nasa paanan niya.

"Maria! Maria! Maria!"

Isang magandang tinig ng babae ang sumigaw mula sa kung saan. Nang marinig ng bata ang sigaw agad itong nataranta. Bitbit ang espada nagmadali itong tumakbo at nagtago sa kagubatan.

"Sandali!" hahabulin sana ni Lexine ang bata nang bigla naman dumating ang isang napakagandang babae. Nakasuot ito ng puti at mahabang damit, na kumikinang sa ilalim ng araw. Napakaputi ng balat nito, umaabot hanggang sa sahig ang itim at mahaba nitong buhok, patulis ang hugis ng kanyang tenga at nakasuot ng bulaklaking korona.

Isang diwata.

Nagulat ang diwata nang matagpuan ang nakahandusay na lalaki. Agad niya itong tinulungan at dinala sa kanyang tahanan.

Sinundan ni Lexine ang mga sumunod na pangyayari. Napulot si Lucifer ng isang diwata at ginamot ang mga sugat nito. Nanatiling walang malay si Lucifer sa mga lumipas na buwan.

Nadiskubre niya na Maria ang pangalan ng batang babae na kumuha ng espada ni Lucifer at ina nito ang diwata na si Yna. Inalagaan ni Yna si Lucifer habang wala itong malay. Hindi naman pinaalam ni Maria sa kanyang ina na napulot nito ang espada ng lalaki.

Nang magising si Lucifer ay wala itong maalala. Dahil wala itong mapupuntahan. Pinatuloy ito ni Yna sa kanyang paraisong tahanan. Nanirahan si Lucifer kasama si Yna at Maria. Hindi nagtagal, umibig si Yna kay Lucifer.

Minahal nito si Lucifer nang buong lubos. Naging masaya ang dalawa sa lumipas na taon at para silang naging isang pamilya. Ngunit, dumating ang araw na kinatatakuyan ni Yna. Bumalik ang alaala ni Lucifer.

Una nitong hinanap ang kanyang nawawalang espada.

"Nasaan ang espada ko Yna? Ilabas mo!" galit na galit na sigaw ni Lucifer habang napakahigpit ng hawak nito sa kanyang kamay.

Labis na nagimbal si Yna dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya ang totoong katauhan ni Lucifer.

"Hindi ko alam, wala ang espada mo nang napulot kita!"

"Sinungaling! Sinadya mong itago ang espada ko nang sa ganoon manatili ako dito sa'yo!"

"Hindi totoo 'yan!"

Galit na tinignan ni Lucifer si Yna bago nagmamadaling humakbang paalis. Pero maagap siyang pinigilan ni Yna.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo na ako?"

Tinulak ni Lucifer si Yna, "Hahanapin ko ang espada ko."

Umiiyak na nagmakaawa si Yna habang niyayakap ang binti ni Lucifer, "Huwag mo akong iwan, mahal na mahal kita. Paano na kami ni Maria?"

Madilim ang mukha ni Lucifer nang humarap sa kanya.

"Kahit kailan hindi kita minahal Yna. Bitawan mo ako."

Sa labis na sakit na naramdaman ay bumitaw si Yna. Walang lingon na umalis si Lucifer at iniwan si Yna na nagdadalamhati sa labis na sakit.

Sobrang nadurog ang puso ng magandang diwata dahil sa nangyari. Kinulong nito ang sarili sa loob ng isang kweba at doon kinitil ang sariling buhay.

Labis na naghinagpis si Maria sa nangyari sa kanyang inang diwata. Iniwan niya ang espada ni Lucifer kasama ng labi ng katawan ni Yna. Sinumpa ng kapangyarihan ni Yna ang buong bundok at kahit sinong papasok doon ay hindi na nakakalabas pa.

**

TILA UMAHON sa napakalalim na dagat si Lexine nang magising siya at bumalik sa kasalukuyan. Agad na dumalo si Night sa kanya. Hingal na hingal si Lexine at masakit ang ulo.

"Lexine, are you okay?" nag-aalalang hinaplos ni Night ang pisngi niya.

Tumungo si Lexine habang unti-unting pinapakalma ang puso. Isa-isa niyang tinignan ang mga kasama na may nag-aasam na mga mata.

"Nakita mo ba anak?" tanong ni Winona.

Tumingin si Lexine sa Sorcerres, "Oo. Alam ko na kung nasaan ang espada ni Lucifer."

Please, don’t forget to vote with your powerstones!

FYI: I already started posting the ENGLISH VERSION of MBIAGR! Just click my profile or search the same title. Can I request you guys to write review in the English Version so we could hook up our international readers.. hehehe sige na please?

Thankieeeee!

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

DISCORD: https://discord.gg/sz7rHfN

AnjGeecreators' thoughts